Chapter 44

Chapter 44

Where are tho?

 

Ako lang ang mag-isang pumasok ngayon dahil nauna na rin si Skye sa school, hindi na daw ako mahihinntay kaya lonely ako ngayon, aray! Tapos hindi ko pa siya napuntahan noong isang araw doon sa pakulo niya for Casey dahil busy rin ako kasi kasama ko si Cent. Hindi naman rin kasi ako makatanggi sa lahat nang gagawin niya, muntik na nga ako mangalumpisay sa kilig at maoverdose dahil sa mga ginagawa niya pero ako itong tinatago lang pero halata.

            Okay let's move on.

            Sooner or later magpapapractice na kami para sa graduation namin. The best thing and goal in my life is to graduate and of course is to be with Cent. And I've luckily with the news na nakapasa ako sa Dela Preville University which my course is Business Administration Major in Marketing Management. Sa ngayon, wala kaming business but I know in the future magagamit ko ang lahat nang matututunan ko. Kasi ayokong ipagkasundo na naman sa iba ang magiging boyfriend ko dahil lang sa business.

            Nang makarating na ako sa school, ang normal lang nang dating na parang walang nangyari kahapon. Madalang ang pagpasok nang mga estudyante nang madatnan ko ay mabibilang pa nga ito sa daliri ko pero hindi ko na lamang pinansin kundi nagpatuloy na lang ako sa room. Medyo may kalamigan pa rin ngayon pero hindi na ganoon katulad nang dati. In just only one month matatapos na ang pananatili ko dito sa paaralang 'to.

            Pumasok ako at tumuloy sa silya ko. Wala pa si Cent dahil walang katao-tao sa room. Naupo naman ako at dumukmo na lang ako. Masyado lang siguro akong maaga kaya pwede muna akong umidlip pero agad akong nairita sa boses na padating.

            "Miss Ramirez!" agad namang napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni Ma'am Amandy. Napatayo naman agad ako at napaikot ang tingin ko na pansin kong wala pa rin ang mga kaklase ko. Ma-aaward-an na ba akong perfect attendance ngayong month dahil sa ako lang ang pumasok ngayon? Sana. Tapos ibibigay ko na lang kay Cent 'yun.

            "Po? Bakit Ma'am?" natataranta kong tanong sa kanya.

            "Bakit ka nandito?" mataray nitong tanong sa akin pero mahinahon.

            Lalo naman akong nagtaka, "Mag-aaral po." Simple kong sagot sa kanya.

            Pinandilatan niya ako nang mata dahil sa sinabi ko. Napalunok naman ako dahil sa mukhang makakatikim ako dito kay Ma'am Amandy pero naman 'wag sana dahil ayokong masampulan niya.

            "Ano? Walang pasok ngayon! Umuwi ka!"

            Nanliit naman ang mata ko sa sinabi niya, "Ma'am ano 'yun?"

            She rolled her eyes, "Bingi ano? Sige na, umuwi ka na." saka siya tuluyang lumabas nang room. Wala naman akong nagawa kundi mapaupo na lang sa silya ko. Paanong wala? Ako lang ba ang walang alam na may pasok ngayon? Masyado lang kasi akong nag-aalala na kapag hindi siya pumasok posible na hindi siya matuloy—hindi siya makakagraduate.

            Dinampot ko naman 'yung bag ko at walang gana na lumabas nang room. Pero nasapul ako nang pinto nang bumukas ito. Natumba ako dahil wala akong gana. Hinawakan ko naman ang noo kong magkakaroon pa ata nang bukol. Pansin ko naman ang kamay na lumahad sa harapan ko at kinuha ko naman at dahan dahan akong tumayo at nang makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko.

            Tila bumilis na naman ang kabog nang dibdib ko. Feeling ko nung first time pa lang kami nagkita. Unang tibok nang puso ko na sa kanya lang bumilis nang hindi normal. Napapangiti na lang ako sa tuwing ang ngiti niya ang bubungad sa akin. Hindi na niya binitawana ng kamay ko, kinulong na naman niya sa malaki niyang kamay.

            "Bakit ka pa nandito?" mahinhin kong tanong sa kanya.

            As usual inakbayan na naman niya ako at nginnudngod sa kili-kili niya pero atleast walang amoy. Ang sarap tumira doon! Kilig pems! Pero umayos din naman siya kaagad ilang saglit.

            "Kasi may pasok." Tugon naman niya sa akin.

            Napabuntong hininga naman ako sa kanya, "Wala nga daw pasok eh." Saka niya lang napansin na wala ngang katao-tao ang silid. Napakamot naman siya nang ulo niya at lumabas na kami para umuwi.

            "Bakit ka pa pumasok?" tanong ko sa kanya. Just to know what he'll answer to me. Alam kong parang eng-eng lang nung tanong ko kasi may pasok naman talaga pero ngayon wala.

            Nagkibit balikat naman siya sa akin, "Wala. Hindi ko kasi kayang hindi ka makita." saka niya pinisil ang pisngi ko.

            Pinalo ko naman siya agad dahil sa ginawa niya bukod sa masakit pero konti lang tapos pwede pang lumawlaw ang pisngi ko pero keri lang siya naman sisisihin ko. "Masakit! Tingnan mo lang kapag ako gumanti." Banta ko naman sa kanya.

            He giggled. As if naman na dapat maaasar ako hindi, nainlove pa ako lalo sa kanya.

            Ngayon na walang pasok saan kami pupunta? Wala akong alam. Siguro matutulog na lang ako. Palabas na rin kami nang gate nang makasalubong namin si Skye na kasama si Casey. Kung titingnan silang dalawa, mas more pang nakakakilig silang dalawa dahil bukod sa mga kakulitan ni Skye ay mukhang gusto rin talaga ni Casey ang kababata ko. Mabuti na lang talaga sinabihan ko siya na hanapin ang right princess for him, atleast gumana kahit papaano.

            "Sweet nila ano." Ani ko.

            Hindi ako sinagot ni Cent kaya nilingon ko siya, magkasalubong ang kilay niya tapos parang ewan siya. "Titingin-tingin ka?" aniya.

            Tinulak ko naman siya bigla, "Dun ka nga!" sabi ko pero agad niya naman akong hinila pabalik sa kanya at kinulong sa kanyang mahihigpit na yakap. "I can't breathe!"

            "I love you too."

            "Cent! Hindi tayo si Athena at Kenji! 'Wag kang assumero diyan!" inirapan ko naman siya sa niya dahan dahang niluwagan ang pagkakayakap sa akin. Naalala ko rin bigla 'yung sa scene na movie nilang dalawa, 'yung din 'yung moment eh. Magkayakap sila tapos sinabi ng girl 'yun. Kaya ko lang namasabi 'yun dahil nasusuffocate ako sa yakap niya pero 'yung bida naman dun may sakit.

            Anyways, nakahalukipkip lang ako sa buong paglalakad naman. Kasunod ko lang siya at ngayon hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil sinusundan niya lang ako. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya sa likod ko pero agad akong nataranta na hindi pala siya sumusunod sa akin. Agad kong nilibot ang paningin ko pero hindi ko siya makita.

            "Saan na nagpunta 'yun?" kamot ulo ko pa. Nagsimula naman akong naglakad kung saan kami dumaan pero agad nang may humablot nang kamay ko at nagtatakbo kami parang sa kawalan. Nang kilalanin ko ang likod nang lalaking humablot sa akin ay si prince charming lang pala. "Saan tayo pupunta?" hinihingal kong tanong sa kanya.

            Hindi pa rin kami humihinto, hindi niya rin ako sinagot kung saan kami pupunta.

            Nalaman ko lang kung saan nang malapit na kami sa peryaan kung saan naroroon ang tree house namin. Sana pala sinabi na niyang dito kami pupunta para mas maging romantic. Nauna naman akong pumasok sa tree house at sumunod siya. Tago ang tree house kaya walang nakakapansin dito sa amin.

            Humiga naman ako kutsyon doon saka siya tumabi sa akin pero gumawa ako nang pagitan naming dalawa na ipinagtaka naman niya. Hinarang ko ang unan sa ginawa kong pagitan at nginitian siya.

            "Why?" taka niyang tanong.

            Umupo naman ako, "Baka kasi magkaroon ka nang urge hindi pa ako makagraduate."

            Nginisihan naman niya ako, "No. Why would I do that? There's a time, there's a will of God."

            'Ah' na lamang ang nasagot ko sa kanya dahil humuhugot siya. Ilang sandali ay nabagot na ako dahil wala naman kaming ginagawa dito kundi magtitigan sa isa't isa. Nang magbalik-tanaw naman ako sa nangyari sa amin dito, 'yung surprise niyang heart vase. Hinding hindi ko makakalimutan 'yun kasi first memorable thing na binigay niya 'yun sa akin at syempre 'yung singsing.

            "Do you like it?" tanong niya habang nakatingin sa kamay ko kung nasaan nandoon ang singsing.

            Mabilis ko naman siyang tinanguan, "Oo naman. Akala ko nga kung ano pero salamat dito, Cent. You've always proved to me that fairytales are existed in reality." Ngiti ko sa kanya.

            Hinawi naman niya ang kanyang buhok pataas! Sh*t! Ang gwapo mo diyan, Cent pero let me rephrase that, lagi ka namang gwapo! "Yeah, do you remember that when I come back... the fairytales you've dreamed suddenly became your reality."

            Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. So effortless, Cent.

            "Do you want snacks?" agad nitong tanong sa akin.

            I nodded, "Sure!"

            "Wait me here!" saka siya bumaba nang tree house at tinanaw ko naman siyang tumatakbo palabas hanggang sa makalayo. Napahiga naman ako sa kutsyon na malambot. Ang saya siguro sa pakiramdam na magkaroon nang sariling bahay tapos alam mong wala nang makakasagabal sa inyo. Wala pa ako sa right age pero patungtong na rin naman ako doon. When the time has come that we exchange vows, wala na akong hahanapin pa.

            Naghintay lang ako sa kanya. Alam na naman niya kung anong favorite kong pagkain.

            Hindi ko pa pala natanong sa kanya kung nakapasa na ba siya sa mga schools na napasukan niya. Actually naapakadali nang exam sa Dela Preville University pero may mga ilang tanong talaga na maba-blanko ka pero alam ko naman na sure ako kay Cent.

            I open up my phone and suddenly goes pop up a message, and its from Kevin.

            Binasa ko naman ang message niya at leave din ako. Naka-offline na kasi siya. Tuwang-tuwa siya kasi nakapagenroll na daw siya sa papasukan niya doon sa states. Sana in the near future makasakay ako sa airplane na siya mismo ang nagmamaneho. 'Yun lang naman ang nasabi niya at wala nang iba, gusto ko pa sanang magtanong kung may nililigawan na siya saka ko lang naalala na study first nga muna daw kaya delete lahat nang natype ko.

            Mag-iisang oras na akong naghihintay kay Cent pero wala pa rin siya.

            "Ano naman kayang binili nun at napakatagal?"

            Dumungaw naman ako sa bintana nang tree house. Naamoy ako ang simoy nang hangin, malamig kaya inagaw ko ang kumot sa gilid nang kutsyon. Wala gaanong tao sa paligid pero may mga iilan-ilan na nagja-jogging and nonetheless wala na agad.

            Agad naman akong nag-alala kaya tinext ko na si Cent. I've waited his reply but I don't get some. Naghintay pa ako muli. Maghihintay naman ako sa kanya kahit kailan pero 'wag naman 'yung katulad dati for his fixing up problem naman 'yun eh ito, bibili lang siya nang pagkain.

            Agad din naman akong napatago nang may mga batang naglalaro ng saranggola na sumabit sa punong kinatitirikan nang tree house. Dahan dahan ko namang sinara ang bintana baka mahalata nila. Pinakiramdam ko lang namana ng paligid.

            Naku mga bata! Private ang tree house na 'to! Bawal kayo dito. Only for royalties lamang 'to. Yes! For Princess and Prince lang 'to.

            Tahimik lang ako kasi naririnig ko pa ang mga boses nila sa baba. Sinara ko naman ang pinto ng tree house baka bigla silang pumasok. Pinakinggan ko lamang sila mag-usap na dalawang bata.

            "Totoy! Tingnan mo 'to! May malaking pugad nang ibong!" saka ako nakadinig nang pagkatok sa ilalim. Naku! Naku! Dinudotdot nila!

            "Oo nga ano! Eh bakit kahoy?"

            "Oo nga 'no!"

            "Baka nilipad lang 'yan diyan! Tara na!"      

            "Nakuha ko na rin ang saranggola!"

            Saka ako nakarinig ang pagtakbo nang mga tsinelas. Nakahinga naman ako nang maluwag at dahan dahan muling binuksan ang binata at pinto nang tree house. Mas lalo tuloy ako nabagot sa paghihintay kay Cent dahil mukhang nakalimutan na ata ako. Hayaan mo na! Maghihintay pa ako nang thirty minutes, sakto na 'yun para hintayin siya at kapag wala pa siya. Edi aalis ako at hahapin siya.

            Thirty minutes past.

            "Naku! Nakalimutan na ata ako nu'n!" saka ko niligpit ang kustyon, kumot sa loob at bumaba na nang tree house. Napakamot na lang ako dahil ang tagal niya.

            Dinaanan ko ang mga sidewalk vendors, restaurants and even food chains sa paligid pero walang Joseph Vincent Hughes akong nakita. Binalik-balikan ko pa ang mga tindahan at sumuko ako at umuwi na lang anng bahay. Sumalubong naman sa akin si Ate Roma na nagulat.

            "Saan ka ba nagpunta?" bungad niyang tanong sa kanya.

            "Diyan lang ate, bakit?"

            "May nagdala kasi nito sayo dito..." saka niya pinakita ang paperbag. "Akala niya daw kasi umuwi ka na kaya dito siya dumiretsyo pero wala ka pa pala. Saan ka ba nagpunta?"

            Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Ate.

            "Si Cent ba 'yun ate?"

            "Oo! Oo!" sunod sunod na tango sa akin ni Ate. "Gwapo siya infairness." Pangangantiyaw pa ni Ate Roma.

            "Sige Ate, itetext ko na lang po siya." Kinuha ko naman sa kanya ang paperbag at natuloy ako sa kwarto ko. Paano mangyayari na magkakasalisihan kaming dalawa eh hindi naman ako umalis sa tree house at doon lang naman niya ako iniwan eh. Ano kayang nangyari dun? Akala ko siya nga 'yung iniwan ako. Tss.

            Kinuha ko naman ang cellphone ko at nakatanggap ako nang mensahe kay Cent.

            From: Prince Charming

            "Princess! Where are you? I couldn't find you! Damn! Sana pala sinama na kita para hindi na ako umalis."

            Nanliit ang mga mata ko sa huling salita na nabasa ko. Anong sana hindi na siya aalis? Lalayo na naman ba siya sa akin? Hindi pwede. Wag muna ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top