Chapter 41
Chapter 41
Effortless
"I'm ready!" sigaw ko sa kabilang kwarto kung nasaan si Skye. Akalain mo 'yun nauna na naman ako sa kanya matapos mag-ayos tapos siya na naman itong huli, di gaya dati male-late na kami dahil sa tagal ko. Ilang beses ko rin naman siyang kinatok at ilang saglit lang ay lumabas na siya. "Anong mukha 'yan?"
Humikab siya at tumingin nang blanko sa akin. "Puyat." Tamad nitong sagot sa akin saka muli siyang humikab. Buong minute nakakunot ang noo ko hanggang sa akbayan niya ako pababa nang hagdan. Nakasalubong naman namin si Ate Roma at binigay sa akin ang paperbag na naglalaman nang cake, para daw hindi na ako gumastos nang lunch later, binigyan niya rin syempre ang kapatid niya.
Sinuri ni Ate Roma ang kapatid niyang walang gana. Natawa naman ako nang bigla niya itong batukan at doon nabuhayan si Skye. "Anong nangyari sayo? Bakit lumolobo 'yang eyebags mo?"
Skye smirked, "Syempre, gwapo eh." Sa sagot niyang 'yun ay nakatanggap na naman siya nang batok sa kapatid niya. "Nakakailan ka na ah!" aamba sana si Skye pero tinarayan agad siya ni Ate Roma.
"Ate mo 'ko! Tell me, what happened? Umiyak ka ba?" niliitin siya nang mata ni Ate habang nakapameyang pa ito. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil nagbabangayan na naman sila. So much caring kasi si Ate Roma pagdating sa kapatid niya and even me, sweet siyang kapatid.
Nagsalubong naman ang kilay ni Skye, "Mukha ba akong umiyak?" naasar na sagot ni Skye.
"Eh ano nga?" makulit na tanong pa ni Ate Roma. Kailangan ko na ba umalis sa bangayan nila at baka madamay pa ako? Pero hindi ko nagawa kundi mas nag-enjoy pa ako sa pangungulit sa kanya ni Ate Roma.
"Up to 3am, I'm texting with Casey."
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ate Roma at namuo kay Ate ang grin smile niya. Natawa naman ako doon dahil hindi ko talaga mapigialn magreact sa kanilang dalawa.
"Inlove na talaga ang kapatid ko!" kilig na kilig na sabi pa ni Ate Roma.
Napangisi na lang sa kanya si Skye at iniwan siya doon na parang loka-loka. Hinigit naman ako ni Skye palabas nang bahay. Ako na lang ang nagpaalam dahil mukhang nabadtrip siya sa kapatid niya pero ang cute lang tingnan dahil nangangantiyaw si Ate Roma. Ang cute talaga kapag alam mong may dahilan ka para maging inspired, syempre first si God na doon and the second is 'yung mga kaharutan sa mga love ones natin.
"Bakit ka naman kasi nagpuyat?" intrigang tanong ko sa kanya.
Napangisi na naman siya. Kay-aga aga eh, ngisi na nang ngisi. "Because I want to prove that no matter what happens, I wont leave her at the darkest part of our life."
Tissue nga. Agad ko naman siyang binatukan, "Makahugot ka naman! Tinatanong lang kita kung bakit ka nagpuyat ang dami mo nang sinabi. Echos ka talaga!" tawa ko pa.
Hindi na niya ako sinagot. Sumakay naman kami nang tricycle. Pinipigilan ko rin ang tawa ko sa tuwing hihikab siya. Nang makarating naman kami sa school ay sumalubong sa kanya ang nililigawan niyang si Casey kaya nauna na silang dalawa sa akin. Naiwan naman akong mag-isa dito aray.
"Don't worry, I'm here." Agad naman akong naningas nang may biglang umakbay sakin habang tinatanaw ko ang pagpasok ni Skye at Casey. Nang dahan dahan kong iangat ang ulo ko ay yakap na lang ang una kong nabigay sa kanya. Akala ko kasi panaginip lang ang lahat kagabi. Akalain mo rin 'yun, nawala bigla ang sakit ko. Ang effective pala nang kisspirin.
"Pumasok ka!" tuwang tuwa kong sabi. Hindi ko pa rin inaalis ang yakap ko habang pinagtitinginan na kami nang mga ka-school mates ko na kinikilig na rin sa aming dalawa. Ewan ko nga eh, bigla-bigla na lang kumakalat sa school na kaming dalawa na daw ni Cent eh hindi ko pa nga siya sinasagot. May araw kasi akong sasagutin ko siya at kapag nangyari 'yun... happy ending!
Ngisi niya bago sumagot. Pati ba naman 'to ang hilig ngumisi. "Yeah, just for my princess." Saka niya piningot ang ilong ko.
Hinawakan ko naman agad 'yun nang tanggalin niya ang kamay niya. Ang sakit lang! Hinihimas ko lang ang ilong ko habang siya nakatingin sa akin. Pansing-pansin ko naman ang mapupungay niyang mata na diretsyo ang titig sa akin, hindi ako mapakali kaya umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya.
Papasok na sana kaming dalawa sa gate nang hablutin—oo hablutin niya pabalik ang kamay ko. Inayos niya ito at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Nakulong ang maliliit kong kamay sa malalambot at pero manly niyang kamay. Ayoko rin kumawala dahil ang sarap lang sa pakiramdam na pinapahiwatig niya na, 'Akin lang ang babaeng hawak ko.' Ako na assumera pero ganun ang dating sa akin.
"Ano Cent..." usal ko. Nahiya tuloy ako biglang kausapin siya pero pinilit kong hindi kiligin. Alam mo na normal sickness ko na kasi ang kiligin sa kanya. Hindi pwedeng mawala sa buong kalamnan ko ang pakiramdam na 'yun. Hindi siya sumagot sa akin pero lumingon siya sa akin, "Promise mong sabay tayong ga-graduate ah!" malambing kong tugon sa kanya.
Napahinto naman kami sa paglalakad at hinawakan niya ang baba ko nang thumb niya, "Yes, princess. We will."
Napansin kong nakatingin si Cent sa labi ko at aakma nga siyang hahalikan ako pero mabilis ko siyang nilayo dahil may gurong papalapit sa amin. Napangiwi na lang ako nang dumaan mismo sa harap namin ang guro at sinuri si Cent na may kasamang kindat pa. Ito naman si Cent, kahit teacher hindi nagpa-awat kaya hinablot ko ang braso niya at hinatak na papunta sa room.
Napunta naman ako sa silya ko gayundin naman si Cent. Nang makaupo na ako ay naupo rin si Cent at ikinabigla ko lang ay sa akin siya nakaharap.
"Cent, doon ang blackboard." Mahinhin kong tugon sa kanya pero hindi niya pinansin ang sinasabi ko pero pansin ko ang half-smile niya. Oo na! Deep inside kinikilig ako pero mapipigil ba kasi ang gwapo nang lalaking nasa harap ko. "Malusaw ako." Mahinhin kong sabi.
But then, Cent just place his hands on my chin. "You're even beautiful each and each day, Princess."
Naku naman! Bakit ba ang lakas mong magpakilig Cent? Napa-ayos lang siya nang pagkakaupo nang dumating na si Ma'am Amandy pero may pahabol pang kindat sa akin si Cent kaya natawag siya ni Ma'am Amandy na sumagot. Natawa naman ako nang mahina pero nagulat ako nang bigla akong tawagin ni Cent at gayundin ni Ma'am Amandy.
"Anong tinatawa-tawa mo Miss Ramirez?" mataray na tanong sa akin ni Ma'am Amandy.
"W-wala po." Utal kong sabi hang iiling iling. Napatingin naman ako kay Cent na nakahalf-smile na alam kong bumabawi din sa akin.
"Sige, lumabas kayong dalawa ni Hughes at tulungan niyo ang students council doon."
"For what?" nabigla naman ako sa tanong ni Cent kay Ma'am Amandy.
"Hindi ko alam! Basta, go now! Magdi-discuss pa ko." naupo naman ako. "Miss Ramirez!"
Napatayo naman ako bigla at sumunod kay Cent, "Ito na nga po, lalabas. Sinenyasan ko naman muli si Marc na pakopya na lang nang notes at nag okay sign naman siya sa akin. Mabilis naman akong kumapit kay Cent habang papunta kami sa Student Council office. Kulang na lang ata magpabuhat ako kay Cent dahil sumasampa na ako sa kanya. Hindi naman siya umaangal. Kapag umangal siya, hindi ko na sasabihin sa kanya ang sweetest yes ko.
Nang makarating naman kami sa Student Council room ay sarado pa ito. Naaburido naman bigla si Cent kaya alam na agad ang mahiwagang kiss para maging good vibes na muli siya. Natulala naman siya nang halikan ko siya sa pisngi at binawian ako nang mahigpit na yakap. Dahil wala pa man ding tao sa student council ay naupo naman kami sa may tabi nang pinto. Wala kasing upuan o kung ano.
Naunang umupo si Cent at tumabi naman ako sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pagbigat nang balikat ko dahil sinandal pala ni Cent ang ulo niya sa balikat ko. Hinaplos ko naman ang buhok niya pero agad naman niya itong pinigilan kaya labis kong pinagtaka.
"Don't touch my hair, my lips are yours."
Napalo naman naman siya sa braso niya, "Kahit kailan talaga ang landi mo!" natatawa kong sabi sa kanya. Pero hinawakan niya muli ang kamay ko. "Bakit mo ba hinahawakan ang kamay ko?" taka ko muling tanong sa kanya.
"I just want to touch the hand of my future wife."
Napapikit sa kilig naman ako sa sinabi niya. Tinitingnan niya pa ang kamay ko at hinawakan niya ang palasingsingan ko at nagdemo siya na parang nilalagay niya ang singsing sa kamay ko. I find it so sweet dahil naiimagine na niya kung paano kaming dalawa sa future. Hinalikan naman niya ito, ramdam na ramdam ko ang mainit at malambot niyang labi na dumampi sa kamay ko.
"All I just want is to marry my prince and be his queen."
Naramdaman ko ang paggaan nang balikat ko at dahan dahan niyang iniharap ang mukha ko sa kanya. Pumikit ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari pero natigil ako nang,
"Kayo ba 'yung tutulong sa student council?"
Napadilat ako nang mata ko at napatayo. Nakita ko naman ang president ng student council na si Juliet na ngayon ay nagbubukas nang pinto at hindi maalis ang tingin sa amin, mali—kay Cent lang pala.
"Oo kami 'yun!" humarang ako sa direksyon ni Cent na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin. Nakaramdaman ko ang pagkiliti niya sa palad ko kaya marahan ko siyang pinalo.
"Sige, pasok kayo!" saka tumuloy si Juliet. Nadismaya siguro nang iharang ko ang sarili ko napakagandang view na si Cent pero wag ka, akin na ang view mo ngayon. May bayad dahil para sa akin lang siya. Nang makapasok naman siya ay hinarap ko naman si Cent na ngayon ay nagpapatayo.
"Let prince catch when it's damn fall for you." Takte! Bakit ang effortless ni Cent magpakilig. Dahan dahan ko naman siyang itinayo pero bigla akong na-out of balance nang siya ang humatak sa akin pababa. Napatitig na lang ako sa kanya, ang awkward nang dating at mabilisan naman akong tumayo sa kanya saka nagpagpag. Gayundin naman siya, tumayo at nagpagpag.
"Hindi ba masyado akong nakakaabala sa inyo?" nanlaki ang mata ko nang tumingin kay Juliet. "Hm?"
Umiling naman ako, "Hindi! Sige na, tutulong na kami sayo." Halata ko namans a kanya na napangiwi siya. Nang makapasok naman ako ay naupo ako sa isang upuan doon at hinintay silang dalawa na ngayon ay si Juliet nakatitig kay Cent. "Ehem!" I cleared my throat at mabilis naman siyang napapunta doon sa table niya.
President pero may harot! Nakakatawa pero hindi natin sila masisisi dahil gwapo nga naman talaga ang kasama ko. Kahit ako na matagal ko na siyang kilala, hindi pa rin nagbabago 'yung feels na araw araw ka pa rin niyang pinapakilig. How I wish is hindi na talaga magbabago 'yun. May nilatag naman si Juliet sa table niya na mga folders.
"Guys! Lapit kayo dito!" gaya nang sabi niya, lumapit kami sa kanya. "Paghatian niyo 'tong folders kasi nandiyan 'yung names nang graduating student of high schools. Kahit ngayon medyo maaga pa paghahandaan na. Pakicheckan 'yung mga drop outs kasi baka masali pa sila sa lists." Inabot naman ni Juliet ang dalawang ballpen kay Cent at my pasimple pang haplos 'to sa kamay ni Cent.
Mabilis ko namang inagaw ang ballpen sa kamay ni Cent, "Sana sa susunod, sa akin na iabot hindi sa boyfriend ko."
Pansin ko naman kay Juliet ang pagkabigla sa sinabi ko o siguro ay nakalimutan niya. Kumakalat nga diba sa school namin pero actually hindi pa naman official, soon pa lang. Masyado lang talagang mga chismosa ang mga school mates ko. Nang buhatin ni Cent ang folders at lumipat kami nang table ay naupo ito sa tabi ko.
"Seryoso 'yung sinabi mo kanina?"
I chuckled, "Ofcourse... no."
Nadismaya naman siya sa sinabi ko. "Why?"
I smiled, "Diba sabi ko, there's a right time to be your girlfriend. Cent just be my friend now, you're more than special than any of them."
"That's why I like you!" aamabahan na naman niya sana ako pero pinigilan ko nang daliri ko ang labi niya.
"Not now." Mataray kong sabi habang abala sa ginagawa ko. "Gawin mo na 'yun sayo. At siguraduhin mong sabay tayong ga-graduate."
Kunot noo naman siyang tumingin sa akin, "Why do you always remind me of that? Ofcourse Kaye, we will."
I smiled. At nang balingan ko ang folders at nakita ko ang name ni Cent... hindi ko naman pinahalata pero laking pangamba bigla ang naramdaman ko. Three more absent, drop na si Cent... gawa nang pag-alis niya nang school nang walang excuse.
"Kaye, may problema ba?"
Mabilis akong umiling. "Basta, araw araw kang pumasok ha? Isipin mo na, kasama mo naman lagi ako. Cent... promise?"
Marahan naman siyang tumango sa akin, "Oo naman."
Tumayo naman ako at nilapitan si Juliet, "May problema ba, Kaye?"
"Tanong ko lang, what if may natitira na lang na absent ang isang student then yung tatlong natitirang 'yun, na-absentan pa? Wala bang palugit?"
Lumingon sa akin si Juliet saka umiling, "Wala, bakit meron ba?"
Umiling ako, "Wala naman. Natanong ko lang!" tumango rin siya. "Sige! Balik na ako."
Pagkabalik ko ay nginitian ko si Cent. Kapag hindi pa nangyari ang gusto ko, ligwak ang happy ending ko. That's my relationship goals sana 'wag mag failed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top