Chapter 4

Chapter 4

Peryaan

 

I was preparing myself dahil susunduin daw ako ni Marc before 7pm dahil pupunta kami sa peryaan. Dapat kanina pa kaming hapon eh baka hindi pa bukas 'yung perya, anong gagawin namin dun? Tutunganga lang hanggang sa magbukas ang mga games doon? Sinong baliw diba! Pero ngayon, naka jeans lang ako at simple white shirt. Hindi naman ako 'yung taong fashionista eh, basta simple lang akong manumit. Saka maganda naman ako diba! Wag kang umangal kutusan kita diyan!

            "Ang tagal naman ni Marc." Sabi ko, nakatunganga naman ako sa wall clock namin at sinasabayan sa pag-ikot nito. Nakakainip na ha! Hindi na naman ako nagatubili pa kundi lumabas na ako ng bahay at doon na lamang siya hihintayin. Napansin ko naman ang bilog na buwan! Diba may sabi sabi na kapag bilog ang buwan, magsisilabasan ang mga aswang o mga engkato? What if, nandito na sila sa tabi tabi? Napalunok naman agad ako ng laway ko, naku naku! Tinatakot ko lang ang sarili ko eh.

            Pero dyosa naman ako kaya hindi na sila magtataka.

            "Hoy! Kaye!" napalingon naman ako sa tumawag ng maganda kong pangalan. At nang matanaw ko naman siya ay kumakaway kaway pa ang mokong. "Tara na!" dagdag pa nito.

            "Coming!" oh diba! Sosyal lang ang peg ko, mala-princess na ba ang dating ko? Princess in jeans lang ang peg. Hindi ko na talaga alam ang itatawag ko sa sarili ko, dyosa ba o engkantada ba o prinsesa? Alam niyo naman na kahit anong itawag sa akin ay fit na fit for my personality kaya ayun walang pumatol na prince charming sa akin.

            Saklap ng life.

            "Wala ka bang napapansin sa akin?" mahinhin kong tanong kay Marc. Well, pansin ko naman sa kanya na gwapo siya, ngayon. Nakataas kasi ang buhok niya. Ah! Alam ko na dahil nagpapagwapo siya sa papakilala niya daw sa akin. I wanna know who she is!

            "Meron ba dapat?" ngiwi pa nito sa akin.

            Sinamaan ko naman siya nang tingin, "You know, Marc. Kahit simple lang ako, I'm beautiful in other way 'no! Leche 'to!" irap ko pa sa kanya.

            Natawa naman siya sa akin, at ginawa pa akong clown ha! "Opo, miss bente uno!" saka siya tumawa pa. At ano namang trip niya sa bente uno na 'yun? Kanina niya pa sinasabi 'yun, tawang tawa siya sa sarili niyang joke at hindi naman ako maka-relate dahil hindi naman niya shine-share.

            I wonder kung nabalik na rin ba kay Prince Charming ko ang ID niya, dahil kung hindi patay na patay ako, sa kanya. Ay adik, lagot ako kung hindi! Magkaibigan pa si Lopard pati siya, ang mga gwapo kong crush, to the highest level na pinapagpantasyahan ko na. Well, Lopard is not available, may girlfriend na kasi siya at hindi ko kilala 'yun. Pero si Prince Charming, kakakilala ko pa man lang din sa kanya, na love-at-first-sight na ako. Yung tipong siya na talaga!

            Siya na nga sana.

            "Oh, sumeryoso mukha ka diyan." Aniya.

            Mabilis naman akong napalingon sa kanya at kumunot ang noo, "Talaga? Naging seryoso pa pala ako?" napatango tango naman ako habang siya ay napasapo na nang kanyang palad sa noo niya. Adik din ano, sinasaktan ang sarili. "Teka, Teejay."

            Ngumisi naman siya sa akin, "Yeah, I like that." Napakagat labi naman ako na sabihin niya 'yun. Mala-bedroom voice lang ang dating niya!

            "So you prefer calling you Teejay than Marc?" Tanong ko naman sa kanya na agad niya naman akong inilingan.

            "No, I want Marc. I prefer Marc." He smiled.

            "Okay... so sino nga pala 'yung ipapakilala mo sa akin mamaya?" kung sino man talaga siya at kung nililigawan man siya ni Marc, well para sa akin go na siya kasi mabait na tao si Marc at magpakakatiwalaan naman talaga siya.

            "Nasa perya na ba tayo? Mamaya makikilala mo." Ngiti pa niya sa akin. Napatango na lang ako sa kanya.

            Ilang saglit lang ng paglalakad ay nakarating na kami sa peryaan. Maingay at maraming tao sa paligid, may mga rides sa loob at may mga karaoke's din kasi may mga asong tumatahol ay sorry, kumakanta pala. Ang mean ko ba? Sorry ha, hindi naman eh. Tumuloy naman kami sa loob ni Marc, hawak hawak niya ang kamay ko.

            "Wag kang bibitaw, masyadong maraming tao." Aniya. Aaminin ko naman na kinilig ako sa sinabi niya para sinabi niya na rin na wag akong aalis sa kanya dahil ayaw niya akong mawala. Oh diba! Lakas kong makahugot!

            Pero sa hindi inaasahan, nabitawan niya ang kamay ko dahil sa dagsa ng tao. Naanod na ako ng mga tao palayo sa kanya kaya hindi ko na siya nakita at sa ibang part na ako ng perya napunta. I get phone para i-text siya pero sa kasamaang palad, nag-shut down bigla ang phone ko.

            "Badtrip naman!" inis kong sabi. Binalik ko na lang din naman sa bulsa ko ang cellphone ko at nagsimula nang maglibot sa lugar. Masyado palang maraming tao ngayon, maingay dahil na rin sa first day na pagbukas nito ngayon gabi. Tutal gabi gabi na rin naman ito kapag patapos na doon na lang ako babalik ayoko nang makipagsiksikan! Grabe na 'to!

            Habang naglalakad ako ay may nakikita akong mga couples na naglalaro sa mga booths doon, sa may baril-barilan tapos ang prize ay teddy bear na ibibigay ng lalaki sa babae. Oh! How sweet! Sana kasi nandito rin ang prince charming ko para magawa niya rin sa akin 'to. Sana kasi walang couples ngayon na nandito, sana lahat dito assumera!

            "Oh! Sh*t! Look what you've done!" napatigil naman ako sa paglalakad ko nang may nabunggo na pala ako. At nang suriin ko kung sino siya ay halos magtumbling ang puso ko sa nakita ko. As in! Nasa harapan ko siya ngayon at natapon ko ang... coffee jelly niya.

            "S-sorry." I muttered.

            Napailing siya at napangisi, "Buy me." Utos nito sa akin.

            "Huh?" na lamang ang naisagot ko sa kanya. Sino ba naman kasing hindi magtataka sa sinabi niya. Anong bibilhin ko? Alam kong shunga ako pero hindi ko talaga alam kung anong bibilhin sa kanya, pwede bang siya na lang. "Ha? Ano nga ulit 'yun?" tanong ko.

            Kinuha naman niya ang kanang kamay ko at dinala ako kung saan. Kung siya tinatabihan kapag dumadaan ako nasisiksik. Grabe, ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko at akala mo ay mamumuo na ang dugo sa pulso ko. Hindi ko alam kung saan kaming parte ng perya papunta basta ang pakiramdam ko ngayon.

            Masaya... itatanan na ba ako nitong prince charming ko?

            Nahinto naman kami sa mga food stands. Hinarap niya ako, nakatingala naman ako sa kanya at inaabangan ang sasabihin niya. kinakabahan ako na kinikilig at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

            "Ah, anong ginagawa natin dito?" tanong ko naman ulit sa kanya.

            He smirked, "You know, you're so stupid. You've always wasted my time." He said and turn away from me. Pero dahil sa kabaliwan ko ay hinabol ko siya at hinablot ang kanyang kaliwang kamay. Infairness, malambot ang kamay niya.

            "Okay, fine. What do you want?" Leche naman, napapa-english ako ng wala sa oras dito!

            Again, he smirked, "Be my maid, slave and somehow my dog."

            Namintig naman ang tenga ko sa sinabi niya. "A-anong sabi mo?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

            "I know you heard it, so be my dog."

            "Hindi ako aso." Nguso ko sa kanya.

            "Not literally, but you could be one of them." He smirked! Alam mo kahit ikaw ang prince charming ko parang below the belt naman ata ang ginagawa niya, ang alam ko lang sa sinabi niya ay may bibilhin ako sa kanya tapos ano 'to ngayon magiging aso niya ako ngayon.

            "No way!" I never imagined, I slapped him.

            Napatingin naman ang mga tao sa paligid na nakakita sa ginawa ko sa kanya. Nag-igting naman ang panga niya sa ginawa ko at hindi ko na alam ang gagawin ko dahil hindi naman makatarungan ang sinasabi niya sa akin. Parang hindi naman ako babae sa kanya, ano ako kala niya bakla? Chura rin nito eh.

            "S-sorry." Nauutal ko pang sabi.

            But then again, he stole my hand. Napatitig na lang ako sa kamay ko na hawak hawak niya. Dapat tumakbo na pala agad ako, ang bagal ko rin naman kasi magfunction. Ang slow ng utak ko at hindi ko agad kinayang tumakbo. Masyado akong slow.

            "You will pay for this, Miss bente uno." He smirked saka niya binitawan ang kamay ko.

            Bente uno? Pati ba naman siya, nahawa na sa kabaliwan ni Marc? Pero teka nga, ano ba kasing meron doon?

            Ilang saglit lang ay may tumawag sa akin, "Kaye!" nakita ko naman si Marc na palapit sa akin at hinigit ako palayo sa mga taong pinagtitinginan na ako. Masyado ba akong nagbigay attraction sa kanila dahil bas a sobrang ganda ko napahinto sila sa paglalakad at dahil sa prince charming ko, nahinto sila. Alam niyo ba, kahit ganun siya.

            Kahit hindi siya 'yung prince charming na nababasa ko sa mga fairytale books, I just want to be his princess pero sa once upon a time pa lang mukhang, may ending na agad kami. There were no happily ever after, just the end.

            "Anong nangyari sayo? Saan ka ba napunta?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

            I faked a smile, "Wala! Tinangay ako diba kanina ng mga tao." Sabi ko na lamang sa kanya.

            "Pero nakita kita kanina, kausap mo siya." Aniya.

            "Oo, nasampal ko nga siya eh."

            "Ano?!" nagulat siya sa sinabi ko. "Bakit?"

            Nagkibit balikat na lamang ako sa kanya, hindi ko rin alam ang gagawin ko dahil biglaan ang nangyari. Parang ayoko na bumalik sa susunod dito sa peryaan kasi parang ang malas malas ko rito, nasira na ang fairytale lovestory ko. All of it will just end.

            Hindi ko alam, pero sabi ng iba meron daw forever.

            And I believe in that forever, but it came up na wala pala talaga. Paasa.

            "Alam mo, kanina mo pa dapat siya nakilala." Sabi niya sa akin. Oo nga ano! Nakalimutan ko na 'yung ipapakilala niya sa akin, sayang pero bakit hindi niya kasama?

            "Tara! Nasaan na ba siya?" excited kong tanong sa kanya.

            "Sorry, Kaye. Umuwi na siya. Sabi niya next time na lang daw. Sayang."

            I fake a smile, "Okay lang 'yun, Marc. Tara na, uwi na tayo." Pagyayaya ko sa kanya. Lumabas na rin naman kami ng peryaan at halos magtago na naman ako nang makita ko siya. Nakaupo siya sa gilid ng kalsada, parang may hinihintay siya doon at gusto ko man siyang lapitan pero may atraso ako sa kanya.

            Napakalaki na siguro n'un.

            Tiningnan ko na lamang siya habang palayo kami ng palayo pero nang lumingon siya sa gawi, kulang na lang ang kumaripas ako nang takbo dahil sa takot.

            Yung prince charming ko, siya ba talaga 'yung hinahanap ko o nagkamali lang ako? Lahat talaga ng mga nabubunggo kong tao, minamalas sa akin. Malas ba talaga ako? Hindi naman ah, ang swerte nga ng mga magulang ko sa akin kasi may anak silang maganda, proud na proud sa sarili.

            "Ang lungkot mo." Pansin niya pala 'yun.

            "Ano ba kasing meron sa bente uno?" naalala ko na naman bigla dahil sa binanggit ni Joseph Vincent 'yun kanina. Magbabayad daw ako sa kanya at tinawag niya pa akong bente uno.

            Pero sa pagsabi ko n'un hindi na naman natigil si Marc sa kakatawa, "Hindi mo talaga naaalala?"

            Umiling naman ako sa kanya pero habang pilit na pilit kong inaalala. "OMG!" napatakip na lang ako sa bibig ko. Bakit ba masyado akong ulyanin at makakalimutin, pati ba naman 'yun nakalimutan ko pa. "Paano naman niya nalaman na ako 'yun?"

            "Dahil kay Lopard?" Sabi ni Marc.

            Napailing naman ako sa kanya, "Pero diba, bente uno malufets ang sinabi ko sa kanya?" tumango naman sa akin si Marc. "Hala! Paano?"

            "Baka nagkamali ka ng bigay ng ID?" ano ba naman 'tong mga sinasabi sa akin ni Marc. Mukhang mga hindi naman kapani-paniwala. Paano ko naman maibibigay 'yung ID k okay Lopard eh suot-suot ko 'yun akin at hawak ko ang kay Prince, paano diba?

            "Hmm." nag-isip naman siya.

            "Baka natatandaan niya ako? OMG! Crush niya din ako?" sabi ko, na agad naman akong nakatanggap ng batok mula kay Marc.

            "Ang adik mo din 'no! Siguro kaya nalaman niya ang pangalan mo... haay. Wala talaga akong alam." Saka siya tumawa. Hay naku!

            Nang ilang saglit lang ay nakarating na rin ako sa bahay at nagpaalam na rin naman sa kanya. Agad naman akong tumakbo papunta sa kwarto ko at chi-narge ang phone ko at hindi nga nagkamali si Marc sa sinabi niya kanina. Ang ID ko at ID ni Prince Charming ay napagpalit ko. Ang naibigay ko ay ang ID ko! Hindi ko alam na ID ko na pala ang binigay ko, asar naman!

            Lagot na lagot na talaga ko ngayon! Paano na ang image ko kay Prince Charming niyan, sirang sira na! Nasunog na ata. Patay!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top