Chapter 37

Chapter 37

 Bonding

 

~Cent's POV

"No, please! Don't tell them!" she cried bursting out all her tears.

            Napaigting na lamang ang panga ko at inalis ang pagkakayakap niya sa mga binti ko. "No, Jonie. I will."

            And I left her crying from what damn she did, and I'm almost finished fucking fixing up my probem.

            Princess... Kaye... I'll be home.

~Kaye's POV

Mabilis akong nagreply nang makatanggap ako nang text mula kay Kevin. Kay-aga aga pero alam kong magiging kasing ganda ko rin ang mood ko ngayon. Napadapa naman ako sa kama ko habang hinihintay ko ang reply niya. Sayang lang talaga 'yung hindi ko siya nauubutan kagabi dahil kung saan saan pa ako nagpupunta pero okay lang dahil nag-iwan naman siya nang number niya. Atleast ngayon, magkakaroon na ulit kami nang communications. Nakakamiss din kasi ang mga pang-aasar niya sa akin.

            Instead of texting back, he calls.

            "Keviiiin!" naghumerantado kaagad ako nang mapindot ang answer. Hindi ko lang talaga mapigilan ang feels ko na makakausap siya kasi even sa facebook chat, walang paramdam kasi nagdeactivated siya kaya ayun tapos syempre nasa ibang bansa siya hindi kami makapagtext. Mahal din kasi, sayang pera.

            "Wait! Kaye!" sigaw nito sa kabilang linya na sigurado ko ay nabingi sa kakasigaw ko.

            Natatawa naman ako, "Namiss kita sobra!"

            "Oo ramdam ko nga!" mahangin nitong sagot sa akin pero sa sagot na niya 'yun kahit papaano bumabalik 'yung dati naming friendship. Gusto ko talaga 'yung mag-stay na lang sa isang bagay na alam kong hindi naman magiging complicated, ang worst kasi nang mangyayari kung ipupush mo pa to the highest level eh masasaktan ka lang din naman. But I'm so happy.

            "Kahit kailan talaga umaapaw ang kayabangan mo."

            "Tss, That's what you called Kevin's air."

            "Eh?" at sunod na narining ko na lamang sa kabilang linya ang pagtawa niya. Napanguso naman ako dahil mukhang saya naman nang isang 'to. "Oo nga pala! Bakit hindi mo ako hinintay kagabi? Pumunta ka pala dito."

            "Yeah, actually daan lang talaga ang pinunta ko pero ngayon..." he paused. "Labas ka ng bahay niyo."

            Napataas naman ako nang kilay sa sinabi niya kahit hindi niya nakikita. Ano na namang kayang naisip nito at nakuha pa akong palabasin anng bahay, eh tamad na tamad nga ako magkikilos papalabasin pa ako.

            "Ano bang meron?" pagtatanong ko pa.

            "Basta! Sumunod ka na lang." mabilis naman akong tumayo sa kama ko at lumabas nang kwarto  at nang buksan ko ang pinto palabas ay bumungad sa akin ang napakagwapong lalaki. Halos mamangha ako dahil sa muli nagkita na naman kaming dalawa mabilis namang kumunot ang noo niya, "Hindi mo ba ako yayakapin?"

            Ang hangin, kaya ang lamig lamig ngayon.

            "Sus!" saka ko siya niyakap at inalis din naman dahil medyo awkward ang datingan saming dalawa. "Napauwi ka?"

            "Bakasyon din namin don." Ngiting aso pa niya. Niyaya ko naman siyang pumasok sa loob ng bahay pero tumanggi naman siya at siya naman ang nagyaya sa akin na maglakad lakad na lang daw kami dalawa tutal hindi naman maaraw sa labas kundi makulimlim lang saka mahangin kaya swak na swak. Tahimik lang din naman ako habang naglalakad kaming dalawa, ewan ko pero nahiya rin ako bigla na nakasama ko ulit si Kevin sa tagal ng panahon... well, ilang buwan lang din naman 'yun pero iba ang effect kapag naging close kayo.

            "Kumusta pala doon sa ibang bansa?" Panira ko sa pagiging tahimik naming dalawa. Mas lalo kasing nagiging awkward.

            "Mabuti naman, masaya pero nung first week ko 'dun na-home sick ako dahil wala naman akong mga kaibigan dun at kilala puro families ko lang ang kasama ko mabuti na lang din ay nakilala ko rin ang mga pinsan ko doon kaya ayun kahit papaano naging maayos hanggang ngayon, dumadami na sila." Pagku-kwento naman niya sa akin.

            Napangiti na lang ako, "Masaya siguro sa ibang bansa 'no? Mararanasan mo na 'yung four seasons tapos—"

            Napatigil ako nang magsalita siya, "Hindi rin. Hindi naman kasi tumatakbo ang buhay mo dahil sa seasons dun kailangan mo rin talagang magsikap. At oo nga pala, kaya pala ako nawalan nang communication sayo at nagdeactivate ako nang account ko dahil nagfocus ako sa school ko."

            "Wow naman! Ano bang kukunin mo?"

            "Pilot." Simple nitong sagot sa akin.

            "Wow! As in! Seryoso?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Gusto niyang maging piloto pero mahal kais 'yun kaya hindi ko afford, may kaya naman siguro ang family nila kaya yun ang nagustuhan niyang course. "Bakit pilot?" tanong ko sa kanya.

            "Well, I just want to drive an airplane, experience it. Because when I was a child when I always saw an airplane in the sky, I've always say on future I'll drive one of those, siguro ngayon mas pagbubutihin ko pa 'yun." Aniya.

            Mas napangiti naman ako sa sinabi niya, may goal talaga for himself. To be a pilot, it's such a big course pero alam kong kakayanin niya 'yun. "Ilibre mo ako sa airplane kapag piloto ka na ha!" pambibiro ko pa sa kanya.

            "Sure! Maybe after few years." I tapped his shoulder dahil alam kong magagawa niya 'yun.

            "I'm looking forward to it, Mr. Hollister."

            Bigla na lang ako nito inakbayan kaya medyo nanigas ako pero naging komportable din naman ako habang tumatagal. Namimiss ko ang samahan naming dalawa, ang pangungulit niya kahit minsan thru chat lang. Napapayuko na lang din ako ako kapag may nakakapansin sa amin dahil hindi sa akin kundi kay Kevin na alam kong may tinik pa sa mga kababaihan, I wonder kung may girlfriend na kaya siya o wala pa.

            "Kevin, may girlfriend ka na ba?" tanong ko sa kanya.

            "Bakit mo naman natanong?" mas pag-aalinlangan sa boses niya.

            I shrugged, "Gusto ko lang malaman. Meron ba?"

            Napansin ko naman ang pag-iling niya sa tanong ko, "Wala. Single at sabi ko nga diba, mag-aaral muna ako kapag tapos na, I will. 'Yung ang sinabi ko sa sarili ko na hindi ko babaliin, Kaye if its only the way that I could make my future family in a better life, I'll do what I can first."

            Na-'ahh' naman ako sa sinabi niya dahil ang sweet niya. Ang swerte rin nang magiging girlfriend o asawa ni Kevin dahil totally na nagbago ang pananaw ni Kevin sa buhay niya and even such na gusto niya munang magtapos bilang isang piloto, "Alam kong mayaman ka na Kevin, yayaman ka pa dahil malaki ang sahod ng piloto." Biro ko pa sa kanya.

            "Baliw ka talaga! Pero alam ang love maihahambing natin 'yan sa pagmamaneho mo nang airplane. Kung ako, lalaki ang nagmamaneho nang airplance dapat alam kong stable at walang mapapahamak sa mga pasahero ko at love dapat akong kahit stable kami at walang nangyayari, sisiguraduhin ko pa ring hindi siya mabibigo sa akin."

            "Takte! Ang sweet mo talaga, Kevin!" saka ko kinurot ang magkabilang pisngi niya dahil nanggigigil ako sa kanya dahil sa mga ka-asukal-an niyang mga sinasabi. "Mabuti na lang talaga magkaibigan tayo."

            "Oo nga buti ni-reject mo ako."

            Bigla naman akong napanguso sa sinabi niya saka siya nagtatawa-tawa. Naalala ko na naman tuloy dati kung paano ko siya sinabihan na gwapo nga siya pero pangit naman ugali niya. Eh! Basta tapos na 'yun at ayoko nang ibalik dahil maganda na ang pagkakaibigan namin ngayon ni Kevin.

            "Leche ka talaga." Irap ko pa sa kanya.

            "Eh kayo nga pala ni Vincent? Still strong pa ba?" aniya.

            I smirk and shook my head, "Si Vincent? Nasa ibang bansa... hindi ko masasabing strong dahil ngayon ang complicated pa rin nang sitwasyon namin na ngayon ay wala akong alam kung ano na nangyayari sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung AKO pa ba ang gusto niya o mas natuon ang atensyon niya kay Jonie. Magulo hanggang ngayon but I try to understand everything kasi hanggang ngayon umaasa ako na babalik siya at hindi puro salita ang sinasabi niyang... babalik siya sa akin."

            Napansin ko naman kay Kevin ang pagkamot niya sa ulo niya, "Tinanong ko lang kung stay strong tapos nagbigay ka na nang preach mo. Eh ano nga palang nangyayari at sino 'yung Jonie?"

            I sighed, "Jonie is the girl who'll marry with Cent. Yes, arrange marriage."

            "Aww... sorry to hear that. Pero sobrang bata pa nila para ikasal?" tanong niya sa akin.

            "Sabi daw kapag tumungtong na si Jonie at Cent nang 20, go for the marriage na daw. At hanggang tatak pa rin dito..." turo ko sa utak ko. "Pati dito, " turo ko sa puso ko. "Ang sakit na naramdaman ko noon."

            Bigla naman akong niyakap ni Kevin kaya feeling ko si Cent ang yakap ko. Hindi ako kumalag dahil mukhang kailangan ko rin naman talaga nang tao na makakasama kahit papaano, lahat kasi nangnakapaligid sa akin may nililigawan kuno na sila o kaya sila na. Kaming dalawa na lang ni Kevin ang naghihintay nang right time. Napadako naman kami sa park at nagulat ako na muling tinatayo ang peryaan, may ilang bukas na. Siguro dahil Christmas ay binuksan muli at pagkatapos ay aalisin ulit nila. Pero hindi kami tumuloy doon.

            Gusto ko kasi kapag pumasok ulit ako sa peryaan, kasama ko si Cent.

            "Ilibre mo na nga ako." Saka ko naman siya hinigit sa mga natitinda nang kwek-kwek, fishball at kikiams.

            "Naku! Kala ko nakalimutan mo na." iiling-iling niyang sabi.

            Naupo naman kami matapos niya akong ilibre. Hindi naman malalagad ang pera ni Kevin dahil alam kong may dala-dala 'yan for sure. Hindi ko rin siya makausap dahil abala ako sa kinakain ko at nang mabilaukan ako, nasuka ko tuloy.

            "What happen?" saka hinagod ni Kevin ang likod ko. "Don't tell me, you're pregnant?"

            Nilakihan ko naman siya nang mata dahil sa sinabi niya, "Anong buntis? Hindi 'no!" mabilis kong sagot sa kanya. Ako buntis? Nasuka lang at nasamid? Mga isip nga naman oh! Kaya binatukan ko siya agad dahil sa sinabi niya.

            "Oo nga pala, after Christmas babalik na kami sa US. Sayang hindi tayo makakapagbonding masyado."

            Nadismaya ako dahil akala ko pa naman magtatagal siya dito at siya ang makakasama ko sa buong bakasyon peor mukhang nagkamali talaga ako. Magiging malamig talaga ang Christmas ko pero agad naman akong nagkaroon nang ideya, "Punta ka sa buhay, noche Buena right?"

            "Yes! Sure! Sure!" mabilis nitong pag-sang ayon sa akin.

            Napagpasyahan din naman namin na umuwi na dahil mukhang uulan pa dahil biglang ang kalangitan. Nnag maihatid niya ako sa bahay ay saktong bumuhos ang kaninang nagbabadyang ulan. Mabuti na lang nakauwi ako dahil wala akong paying na dala, napatingin naman ako kay Kevin na nagkakamot nang ulo.

            "Paano ka makakauwi?"

            "There's an umbrella." Saka niya tiningnan ang payong sa tabi nang pintuan namin.

            "Pero baka matangay ka sa sobrang lakas nang hangin."      

            He laughed, "No, hindi naman siguro. Can i?" aniya.

            Tumango naman ako sa kanya at binigay ang hello kitty na payong, "'Yan! Para sure na babalik ka talaga dito sa bahay."

            Hindi niya ako pinansin dahil sinusuri niya ang payong na binigay ko sa kanya na masyadong girly dahil sa tatak na hello kitty. "Wala na bang iba?"

            "Wala na eh. Pagtiyagaan mo na lang!"

            Saka siya nagkibit balikat at binuklat ang payong, "Goodbye... don't lose hope waiting for him. He's going back at any moment." After he said those words nablanko na lang ako sa kanya at tinignan siya habang sinusugod ang malakas na hangin.

            Pero napailing ako bigla nang bigla siyang tangayin nang hangin at nakitang basang basa na, "Sabi ko sayo tatangayin ka eh!" tawa ko pa sa kanya.

            Saka lang din siya tumawa at inabot sa akin ang payong ko, "Mabuti na lang walang nakakita sakin na gamit 'yan." Natawa naman ako at doon na siya kumaway at nagpaalam.

            Pumasok naman ako sa loob nang bahay at tumungo sa kwarto ko, lalo tuloy lumamig ngayon dahil sa lakas nang hangin sa labas. Naramdaman ko naman ang pagvibrate nang cellphone ko at minadaling buksan at napatitig na lamang ako nang mabasa ko muli ang pangalan niya sa screen nang phone ko.

            From: Prince Charming

            "I love you... it's damn fucking true."

            It's just a word but there's an impact in my left chest. Nagbibigay ka na ba nang signs na babalik ka na sa akin? Ang tagal mo nang wala, alam kong mabilis lang ang panahon pero bakit sa tuwing gustong gusto na makita ka na, saka pa bumabagal ang oras. I'm longing for my Prince Charming. Please give me my happy ending... not a tragic ending.

            Tragic ending not because he died or me, because he killed my heart from choosing someone over me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top