Chapter 36

Chapter 36

Just Pure Waiting

 

From: Prince Charming

"Hey... I'll be back soon."

        Napabalikwas agad ako sa pagkakahiga ko nang mabasa ko ang text message na galing kay Cent. Ilang beses ko pa itong pinagbalik-balik na basahin hanggat sa itapat ko sa puso ko ang celllphone. Magkikita na ulit kami. Hindi lang ako makapagreply sa kanya dahil mahal ang text at tawag sa ibang bansa kaya tiis tiis ganda lang talaga ako. Wala nga akong magawa ngayon dahil bakasyon na. December na kaya at next year pa siguro babalik si Cent, hindi ko alam sa soon niya.

        At ilang buwan na lang ga-graduate na ako sa high school. Mas magkakalayo na kami ni Cent dahil alam kong papasok siya sa kilalang university samantalang ako sa isang state university lang. Bumalik ako sa pagkakahiga ko at niyakap ko ang unan ko pero bigla akong naistorbo nang pusa kong si Princey. Lalaki siya at bagay naman sa kanya ang pangalan na binigay ko, kulay puti ang balahibo niya at may yellowish gold na kalat kalat na stripes sa katawan niya. Naawa ako sa kanya nung mapulot ko siya dahil iniwan lang 'to sa tabing kalya kaya hindi na ako naghesitate na kunin siya at alagaan.

        Hinaplos ko naman ang balahibo niya at napangiyaw naman siya. Nag-unat pa ito dahil siguro nasarapan sa haplos ko sa kanya.

        "Alam mo ba Princey, kapag nasa tabi kita feeling ko kahit malayo si Cent sa akin ramdam kong katabi ko rin siya." Napapangiti at napapagaan kasi ni Prince yang pakiramdam ko lalo na kapag stress ko tapos bigla siyang maghaharot sa akin kaya siya ang ginagawa kong stuff ko dahil hindi naman siya nangangalmot gaya nang ibang pusa.

        "Meow." Natawa naman ako sa naging tugon ni Princey at napataas ang dalawang kilay ko nang hawakan nito ang ibabaw nang kamay ko na parang gustong makipagholding hands kaya ginawa ko naman. Pero agad naman itong umalis at lumabas nang kwarto ko.

        Napaupo naman ako sa kama ko at humugot nang napakalalim. Nakakabagot dahil mukhang buong araw lang ako hihiga sa kama ko. Binuklat ko naman ang laptop ko at nagfacebook pero nagkalat lang sa newsfeed ko ang mga kadramahan ng mga kaklase ko and even my school mates at ang umagaw nang atensyon ko sa isang post ay nag-under go daw nang rehab si Leah. Naawa naman ako bigla dahil sa ginawa ko pero kasi, kung hindi nila ginawa 'yun sa akin hindi ako gaganti. Minsan talaga sa buhay natin kailangan natin tanggapin na mas matindi pa ang balik nang mga bagay kung ikaw mismo ay may hindi magandang balak sa isang tao. Wala rin akong balita na isa ibang Jiggly Girls na sila Jean, Beverly at Ershely dahil hindi pa naman sila tumutungtong nang 18 ay siguro nasa DSWD sila. Not sure pero baka.

        Lumabas naman ako nang kwarto ko at pumunta sa sala. Nakita ko naman si Ate Roma na busy na nakikipagchikahan sa cellphone, may kausap siya kaya hindi ko na naman inabala pang kausapin siya. Naupo naman ako sa sofa at binuksan ang tv, news ang bumalandra sa akin at all about Christmas naman ang usapan kaya nilipat ko nang ibang channel pero naboringan naman agad ako sa palabas.

        I sighed and then yawned.

        "Palipat-lipat ka nang channel, Kaye. Masira 'yan." Napatingin naman ako sa kanya at pansin ko naman na wala na siyang kausap sa phone niya.

        "Kabored ate." Bagot na bagot kong tugon sa kanya. "Sino nga pala 'yung kausap mo?"

            "Ooh!" mabilis naman si Ate Roma na napaayos nang upo. "Boyfriend ko." ngiti ni Ate Roma. Hindi ko alam na may boyfriend pala si Ate kaya rin pala pansin kong lagi siyang blooming noong mga nakaraan, nakabingwit si Ate.

            "Sino 'yan Ate?" interesado kong tanong sa kanya.

            "Boyfriend ko nga." Matawa matawang sagot ni ate sa akin. Kulang na lang na mabatukan ko din si Ate sa joke na binitiwan niya. Kaurat. "Lazaro Harrest."

            Napabilog naman ang bibig ko, "Wooh! Astig! Pangalan pa lang, gwapo na!"

            "Korek ka diyan, Kaye!" ngiting aso na ni Ate Roma. "Gusto mo ba siyang makita?"

            Naganyak naman ako bigla sa kanya dahil hindi ko pa nakikita 'yung boyfriend niya, ngayon ko lang nalaman na may boyfriend siya diba? Bakit ba ang mga tao sa paligid ko may mga loveteams pero ang sa akin, nasa malayong lugar. 'Yung kanila, konting push na lang sila na pero sa akin pwedeng ma-push pero hindi ko sigurado. Malalaman ko lang kapag bumalik na siya.

            "Search mo sa facebook! Lazaro Harrest!"

            Napasimangot naman ako sa sinabi ni Ate. Akala ko pa naman seryoso siya na ipapakilala niya 'yung boyfriend niya pero thru facebook lang pala. Natawa naman si Ate Roma sa naging reaksyon ko kaya bigla niya akong niyakap.

            "Ate naman! Akala ko totoo na."

            "Totoo nga! Pero kakasabi niya lang na dadalaw na lang daw siya sa Christmas."

            "Seryoso?" mabilis naman akong tinanguan ni Ate. "Wow! Mabuti ikaw ate makakasama mo sa Christmas 'tong Prince Charming mo ako Malabo." Pang-iinaso ko saka ako nagcrossed arms with nguso pa. Hindi ko alam pero naramdam ko na lang bigla ang inggit sa sarili ko mula sa kanila. Oo na ako na ang inggit dahil kasa-kasama nila ang lovelife nila kaya buhay na buhay sila ako, life lang wala pa si love.

            She tapped my left shoulder, "Darating din 'yun sa tamang panahon. Sa oras nang pagbabalik niya." ngiti pa ni Ate.

            Napangiti naman ako sa kanya at napatango na lang nang bahagya.

            Natigil kami sa pagiging emo ni Ate Roma nang biglang dumating si Skye na kasama si... hindi ko alam ang pangalan. Nagtinginan naman kaming dalawa ni Ate Roma at nagkibit balikat kaming pareho dahil 'di namin kilala 'yung bitbit-bitbit na babae ni Skye.

            "Oo nga pala! Siya si Casey!" hagikgik ni Skye. "Casey! Si Ate Roma at Kaye!" pagpapakilala niya sa amin.

            Agad ko naman siyang binigyan ng tango at ngiti gayundin naman si Ate Roma. Sinuri ko naman siya, magaling pumili si Skye dahil malapit lang sa akin, maganda isang salita. May pagkadyosa ang dating pero hindi pa rin matatalbugan ang pagiging maganda ko, mahinhin ang galaw pero mas... oo na hindi ako mahinhin. Simple gaya ko. Sana lang ay totoo rin ang pinapakita niya kay Skye na medaling umasa. Naku! Uupakan ko 'to si girl kapag niloko niya si Skye.

            "Casey?" pagbanggit ko sa pangalan niya.

            Tinanguan naman niya ako, "Opo." Malambing na sagot nito sa amin.

            "Girlfriend ka ba nang kapatid ko?" mabilis na tanong ni Skye na ngayon ay nasa kusina. Mag-aala Prince daw muna siya for his princess. Taray lang!

            Mabilis na umiling ang babae kaya nagtitigan kami ni Ate Roma at mabilis niyang binalik ang tingin kay Casey. "Ano mo siya?" tanong ko naman.

            Mahinhin siyang natawa, "Wala pa po, nanliligaw pa lang po siya sa akin."

            Pareho kaming napa, "Ahh!" ni Ate Roma nang sumagot siya.

            Dumating naman sa sala si Skye na may dala-dalang meryenda for her girl, or should I say his princess. Inasikaso naman niya ito dahil sa nagkakaroon sila nang masinsinang usapan ay minalabis kong umalis na lang sa eksena nila at lumabas nang bahay. Muli na naman akong napabuntong hininga, hanggang kailan kaya ako maghihintay kay Cent. Hanggang kailan ako aasa na magiging happy ending ang lovestory dahil mukhang ngayon, hindi pa sure kung saan papatungo ang mala-fairytale kong pag-ibig.

            Nakakatawa lang dati na sa bawat lalaking nakikita kong gwapo, crush ko na agad at binibigyan nang signature flying kiss ko pero nang simula nang matuon ang atensyon ko kay Cent ay hindi na 'to nabaling sa iba, I mean hindi na ako tumitingin sa ibang lalaki except kila Kevin and Renzo dahil hindi pa naman gaano ka-official ang feelings ko kay Cent nang dumating sila pero mas lalo ako naging focus kay Cent na umabot na sa ganitong sitwasyon.

            My not so ever after story.

            Nang madala ako nang paa ko sa paglalakad ko ay napunta ako landian park kung tawagin ko. Nakakaasar dahil dito pa talaga ako napunta kung saan maraming couples ang magkakasama. Nilibot ko na lang ang mata ko sa kanila. Sweet sila at halata naman sa kanila na mahal nila ang isa't isa. Napangiti na lang ako nang makita ako sina lolo at lola na sobrang sweet dahil si lolo ay sinusuyo si lola na siguro ay nabadtrip kay lolo, I find it sweet kasi kahit ang tanda na nila mahal pa nila ang isa't isa.

            Napaupo naman ako bench doon sa tabi nang fountain.

            Malapit na maggabi, naghihintay pa rin ako sa pagdating ko. Kinuha ko naman sa bulsa ko ang phone ko at halos malalag ito dahil sa nakita kong one missed call from Prince Charming ang nakalagay! Bakit ba hindi ko naramdaman ang pagvibrate nito! Huhuhu! Kung kailan gustong gusto ko na siya makausap saka pa naging tanga dahil naging manhid na hindi masagot ang tawag.

            Binuksan ko naman ang facebook ko at tumambad sa newsfeed ko ang posts ni Cent. Agad kong pinagbabasa ang mga ito.

            'I'm freaking crazy that she doesn't answer my call.'

            'Sorry for being not beside you this Christmas.'        

            'I'm tighted up but I almost... almost.'

            'Whenever I'm not with you please think of me, I'll be in your heart asap.'

            Natatawa na lang ako sa mga posts niya at hanggang doon abot abot ang kilig ko. Kahit nasa landian park ako at hawak ko lang ang phone ko ay okay lang, parang kausap ko na si Cent dahil sa mga posts niya.

            'Wait for me.'

            'Damn marriage!!!'

            And my heart felt ache when I read that message pero imbis na mainis ako natuwa pa ako sa punctuation marc na nilagay niya.

            'Cause I'm f*cking love you..."

            Aksidente ko namang na-like ang posts niya na na 'yun ila-log out ko na sana ang facebook ko nang umagaw ang kakapost niya lang na status.

            'I'm almost finished.'

            What he mean with that? Pero mabilis ko pa rin nilog out ang account ko dahil nalike ko nga ang status niya syempre nakakahiya. I want to leave some messages to him sa facebook pero ang awkward lang tingnan dahil sa text nga hindi ko magawang makausap siya siguro, mas maganda kung sa personal kami magkakausap.

            Umuwi na naman ako at may nadatnan akong isang tao na nakatayo sa harap nang bahay. Hindi ko sinubukan siyang tawagin kahit tumatakbo na siya palayo. Hindi ko rin siya nakilala dahil natatabunan nang madilim na paligid kaya hindi ko nasilayan kung sino 'yun. Napakibit balikat naman akong pumasok sa bahay at sinalubong na naman ako ni Mama.

            "Nak! May nagpunta dito... as in ngayon ngayon lang!" ngiting aso ni Mama.

            "Sino Ma?" excited kong tanong sa kanya.

            "Kevin daw ang pangalan, o kaya Kelvin, karvin, marvin, chevin... basta may vin sa dulo 'yun!"

            "Ma, Kevin 'yun."

            "Oo 'yun nga!" mabilis na pag-sangayon sa akin ni Mama.

            "Ano pong ginawa niya?"

            "Kinakamusta ka lang tapos may binigay siyang number text mo na lang daw siya." Saka inabot sa akin ni Mama 'yung kapirasong papel at binasa ang numero na siguro ay kay Kevin. Mas naging excited ako dahil for about months na hindi kami nagkausap, magkakausap na kami sayang nga lang dahil siguro siya 'yung lalaking nakatayo kanina sa harap nang bahay. Ang tanga tanga ko kasi eh.

            "Sige Ma, akyat na ako." Sabi ko naman saka ako tinanguan ni Mama.

            Nang makapasok at makahiga ako sa kama ko ay agad kong sinave ang number ni Kevin at agaran itong tinext pero no reply kaya naghintay naman ako nang ilang oras pero wala talaga. Siguro hindi pa 'yun magrereply sa ngayon bukas na lang kami mag-uusap. Gusto ko kasi ulit makabonding siya.

            Cent, ilang buwan ba kitang hindi makikita at malayo sa akin? Kailan ka ba babalik sa akin kasi tagal na tagal na ako sa pagkawala mo kahit na medyo naaaliw ako sa mga posts mo na hindi ko naman kayang bigyan nang response dahil mas maganda pa rin 'yung personal talaga. I miss you so much, Joseph Vincent Hughes. Bumalik ka na aking prince charming! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top