Chapter 34
Chapter 34
Why oh why?!
I make myself busy 'yung tipong nakahiga lang ako pero ang daming iniisip nang utak ko. Ang galing'no? May homework kami pero tinatamad akong gawin dahil pwede namang mangopya na lang bukas sa mga kaklase ko, kung magpapagod pa ako mag-isip eh pwede namang kumopya na lamang diba. May bagong phone na rin pala ako at syempre new sim, hindi na rin ako nagtiyagang tanungin sila sa mga number nila dahil wala na naman akong pake, itetext ko ba sila eh sila nga hindi ako magawang matext.
Naistorbo ang pagpapahinga ko nang may kumatok sa pintuan ko. Nang magsalita 'to ay doon ko lang nalaman kung sino 'yun. Naupo naman ako at napabuntong hininga na lang. Ano na naman kayang kailangan ni Skye sa akin?
"Pwedeng pumasok Kaye?" aniya sa kabilang side ng pinto.
"Ayoko." Tipid kong sagot sa kanya.
Saka niya biglang binulabog ang pintuan na akala mo ay nagwawala. Bigla naman akong nairita dahil hindi ata siya titigil hanggat hindi ko siya pinapapasok kaya mabilis akong tumungo sa pinto at pinagbuksan siya. Gabi na pero nangbubulabog pa rin siya. Hindi niya ba naiisip na kailangan kong mapag-isa kasi 'yun ang kailangan ko.
"Ano bang kailangan mo?" mataray kong tanong sa kanya.
Isasarado ko na sana ang pinto nang hindi niya sinagot ang tanong ko peor agad naman niya itong pinigilan. Paarte pa kasi! "Gusto sana kitang makausap."
I rolled my eyes to him, "Ano na namang sasabihin mo sakin?" hindi ko pa rin inaalis ang pagtataray ko sa kanya. Ni minsan sa tatlong buwan na 'yun, hindi ako lumabas nang kwarto maliban na lang kapag kakain na pero minsan dinadalhan na lang nila ako kaya medyo lumayo ang loob ko sa kanila pero I used to talk to them as I know them.
"Basta! Tara dito..." saka niya kinuha ang kamay ko at sinipa ang pinto para masarado. Naupo naman kaming dalawa sa kama. Ang weird nang feeling dahil parang ito 'yung time na kailangan ko siyang patigilan sa pagkakagusto niya sa akin at ngayon parang 'yun pa rin ang feeling na 'yun pero hindi na maaari dahil alam kong may nagugustuhan si Skye sa school nila, and I don't know who she is at wala na akong balak malaman gaya nang pagkaintriga ko noon kay Marc.
"Simulan mo na kung anong sasabihin mo." Seryoso kong tugon sa kanya.
Bakas kay Skye ang pagiging seryoso din kaya nakisabay na ako sa aura niya. May agwat ang pagitan namin, ano ngayon kung kababata ko siya, lalaki siya at alam kong nate-tempt sila minsan kaya kailangang umiwas. Teka! Ano ba 'tong iniisip ko. Like hell!
"Alam mo ba, malapit ko nang mapasagot si Casey." Nakangiting aso nitong tugon sa akin.
Nanliit ang mata ko sa sinabi niya at kumunot bigla ang noo ko sa sinabi niyang pangalan na hindi ko naman kilala, "Who's Casey?"
Umayos siya nang pagkakaupo, "Siya 'yung kinukwento ko sayo na nililigawan ko. At ngayon, malapit na talaga." Hindi na mawala sa kanya ang ngiti na kanina lamang ay nababalutan nang seryosong aura pero ngayon, kulang na lang na tumahol siya dahil sa lapad ng ngiti nito.
Napalunok naman ako nang laway saka siya tinaasan nang kilay, "Bakit mo sinasabi sakin 'to?"
He smirked, "Dahil ikaw ang nag-insist sa akin noon na hanapin ko ang right princess for me and I got lucky dahil mukhang si Casey ang hinahanap ko." hindi ko alam ang ire-react ko sa kanya kaya napailing iling na lang ako sa kanya. "Hindi mo ba pansin na sa mga sinabi ko noon, lahat 'yun inapply ko. Just to find my Princess."
I took a deep breath, "Okay. This is enough, Skye. Matutulog na ako."
He laughed, "Matutulog ka pero may eye liner pa rin 'yang paligid ng mata mo, alam mo 'wag mo nang lagyan nang kababuyan 'yang mukha mo. Kaye simple is the best foundation of a girl."
"Skye, saan ka humuhugot."
Nagkibit balikat siya sa akin, "Gusto ko lang kasi makasama 'yung dating Kaye."
Napailing ako sa sinabi niya, "Never, Skye."
Natawa na naman siya sa sinabi ko. Nababaliw na ata 'tong si Skye at lahat nang sinasabi ko ginagawang katatawanan but it isn't dahil 'yun ay ang totoo. Malayong maibalik ang dating Kaye pero kung ang prinsipe ko ang bumalik sa buhay ko, malaki ang posibilidad. Pero sabi ko nga, imposible na siyang bumalik kaya imposible na ring bumalik ang dating Kaye.
F*ck the Prince thingy. Wala nang ganun sa buhay ko. Kadiri.
I've grown more a lot kaysa sa dati.
"Hindi ka pa ba aalis? Matutulog na ako."
Hindi niya ako sinagot kundi naglibot siya sa kwarto ko na may hinahanap kuno at nang makita niya ang hinahanap niya ay bumalik siya sa kama, at inabot sa akin ang wipes. Tinitigan ko lang ito saka ko tinaasan nang kilay, "This could be change the emo Kaye."
"Emo ka diyan!" pananaray ko pa.
"Sige na, punasan mo na 'yang eye liner mo. Baka kapag umiyak iyak ka diyan, kumalat pa sa unan." Tatawa tawa niyang sabi sa akin.
"Sh*t ka! Akin na nga!" saka ko inagaw sa kanya ang isang piraso nang wipes at tumapat sa salamin at dahan dahang inalis ang eye liner na nakapalibot sa mata ko. Sobrang itim at akala mo, emong emo pero hindi, nagbago lang talaga si Kaye. "Ayan na tapos na!"
Nilingon ko naman siya pero hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at sinuri ang paligid nang mata ko. "Meron pa." saka niya kinuha sa kamay ko ang wipes at siya mismo ang nagpunas nang natititirang eye liner sa mata ko. Nakakamiss din pala 'yung gawi namin dati pero ayokong ipakita 'yun dahil ayoko, ayoko, ayoko. "Ayan na! Maganda ka na ulit!"
Saka siya nakatanggap nang batok mula sa akin.
"Masakit 'yun ah." Pag-iinaso niya habang hinihimas ang ulo niya. "Pero seryoso talaga, kaya gusto kitang kausapin kasi..."
"Kasi ano?" may pabitin effect pa talaga si Skye ha. Nakakaasar! Hindi niya na lang i-straight to the point para makatulog na ako. "Sabihin mo na Skye."
"Tungkol kay Vincent."
"Anong meron sa kanya? Kung kadramahan lang 'yan, makakalabas ka na." saka ko kinuha ang kumot at binalot ito sa buo kong katawan at nakahiga na pero nakatalikod ako sa kanya. Bakit hindi ko pa rin kaya na ibalik 'yung dati pero bakit naiwan sa akin 'yung salitang mahal ko siya.
"Hindi mo siguro alam na sinusundan ka niya dito pauwi kanina."
"Ramdam ko pero hindi ko pinahalata." Sagot ko na lang sa kanya. Sa school pa lang noon, nakita ko siyang mabilis na nagtago kaya nakilala ko kaagad kung sino ang sumusunod sa akin pauwi. Hindi ko naman kailangan tumakbo palayo sa kanya, dahil sa ako na ang naglalakad palayo pero siya pa rin ang pilit na humahabol sa akin. "'Yun lang ba, Skye?"
"Meron pa." pabitin pa nito.
"Sabihin mo na kasi." Matigas kong sagot sa kanya.
"Sinabi niya sa akin na aalis siya at pupuntang ibang bansa for their business at ang sabi niya sa akin ay alagaan daw kita hanggat wala pa daw siya, hanggat hindi pa daw siya bumabalik dahil may malaking problema daw siyang aayusin doon."
"Ano naman 'yun?" interesado kong tanong sa kanya.
"Hindi ko alam pero alam mo ba bakas sa kanya 'yung pangungulila sayo pero sinisigurado ko naman sa kanya na hindi kita papabayaan."
"May Casey ka na, sa kanya mapupunta ang atensyon mo." Sagot ko sa kanya. Tama naman ako diba, may nililigawan siya na magiging girlfriend na niya at ngayon na gustong pabantayan sa akin ni Cent si Skye hindi ko alam.
Tama nga ba ang hinala ko na ang problemang aayusin niya doon ay ang arrange marriage nila ni Jonie? Pursigido talaga siyang bumalik sa akin kahit alam namin na mahirap na dahil nakatali na siya sa kagustuhan nang kanyang magulang.
"Bakit pa daw sa ibang bansa sila pupunta?"
"Hindi niya nasabi pero siguro about business 'yun."
"Okay." Tipid ko na lamang sagot sa kanya.
Kung maaayos niya nga ang problemang 'yun, magbabalik ang dating Kaye na nakilala niyo, niya at minahal niya.
Naramdaman ang paggalaw nang kama, siguro ay tumayo na si Skye pero hindi ko pa naririnig na bumubukas ang pinto kaya siguro nandito pa siya sa kwarto ko naglilibang.
"Hindi mo pa gawa assignments mo?" tanong nito sa akin.
"Hayaan mo na 'yan." Tugon ko na lamang sa akin.
Natahimik naman sandali, "Ako nang bahala dito. Maiwan na kita diyan!" saka ko na lamang narinig ang pagsara nang pinto. Mabilis akong napaayos nang kinauupuan ko at tinignan ko ang study table ko at wala na doon ang notebook kong may homeworks. Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo at pakilamero ni Skye.
Niyakap ko na lamang ang binti ko at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Mabilis ko naman itong pinunasan, mabuti na lang na inalis ni Skye ang eye liner dahil tiyak na kakalat ito sa mukha ko at magmukha pa akong mime dito. Mahirap ang kondisyon ko ngayon pero still, I have to move on. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, malaki talaga ng pinagbago ko sa dati, kapag may eye liner at hanggang ngayon, kitang kita ko pa rin ang pagiging malandi Kaye noon.
Ang pag-asam sa kanyang mga crushes ay natigil na lamang doon.
Mabilis akong napahiga sa kama ko at parang saglit lang, pinikit ko na ang mata ko.
Hindi pa ako patay, matutulog lang.
--ENDLESSLY—
Tanghali na ako nagising kaya hindi na ako makakaabot sa first subject ko kaya binagalan ko na lamang ang kilos ko. Nakita ko rin naman ang notebook ko sa study table ko at nang ibuklat ko ito ay bahagya naman akong napangiti kahit papaano ay may sagot ang homework at nagtitiwala naman ako sa mga sagot ni Skye.
Nilagyan ko na nang eye liner ang pagitan nang mata ko at nang matapos ako ay tuloy tuloy lang ako palabas nang bahay at patungo nang school. Sinalubong ako nang mga tulalang kaklase ko nang madatnan nila akong tuloy tuloy lang sa pagpasok nang room na hindi man lang binabati ang guro namin peor who cares, wala rin naman siyang pakelam dahil nagtuloy tuloy lang din siya sa discussion niya.
Nang makaupo ako sa silya ko ay doon ko na-realize na kaya pala ang aliwalas nang paningin ko ay walang asungot ang nasa harap ko. Napangalumbaba naman ako habang nagtuturo ang guro dahil bored na bored na rin ako kaya nilabas ko ang phone ko at naglaro ako, bigla rin nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko na marinig nila ang sound ng nilalaro ko.
"Miss Ramirez! Stand up!" utos sa akin ni Mr. Ople. Walang gana naman akong sumunod sa kanya. "Kailan ka pa natutong bastusin ang klase ko."
Napangisi naman ako sa kanya, "Ngayon lang, siguro."
"Get out!" saka nito tinuro ang pinto kaya napakibit balikat na lamang ako saka ako lumabas nang klase niya. I'm out of hell, "Get one fourth sheet of paper, number your paper 1 to 20. Quiz number 4!"
"Sir!" pagmamakaawang sabi nang mga kaklase ko kaya tinawanan ko na lang sila dahil hindi na ako magiisip pa para lang magsagot sa mga quiz.
Tumungo naman ako sa canteen at umupo ako sa usual table ko. Mabilis na nagsilalisan ang mga katabi nitong table nang makita nilang papalapit ako. Laking takot na lang nila kung babanggain nila ang tulad ko.
My phone beep once so I check out who's calling and I got a unknown number. Sinong damuho ang naka-alam nang number ko?
From: 09123454378
"Wait for me, Princess..."
And I delete when I got read those message. Nakilala ko naman kasi kaagad kung sino ang nagtext at sino naman ang nagbigay sa kanya nang number ko at kapag nalaman ko na si Skye pala ang nagbigay. Leche rin 'to!
Umalingawngaw sa paligid nang canteen nang may tumawag nang pangalan ko, "Kaye!" nang silayan ko naman ay nakita ko si Renzo na papalapit sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ngayon lang ulit kita nakita! Anong nangyari sayo?"
I smirked, "Don't act as if you care, Renzo."
I see his face dam expression, "Kaye, hindi kita nakilala. Nagbago ka na talaga."
"So leave me alone."
"No, I can't." aniya. "I know this is sh*t but please let me tell you, someone is worth waiting for, Kaye."
"And what do you mean?"
Natawa siya, "Vincent. Wait for Vincent."
Bakit ba laging ang babae ang naihihirapan at kailangan maghintay sa isang tao na dumating? Kami na lang ba lagi ang magdurusa? Nakakapikon na. Parang fairytales lang, kung walang prinsesa walang darating na prinsipe.
"I'll wait, yeah, if he did something to prevent that damn marriage."
"Yes, he will." He said in serious tone.
Don't be so such affected Kaye, hindi mo pa alam ang kakahantungan mo. Am I really not sure if my life belongs to the path of happy ending where I am now, is in the path of pain. But I'll just think, okay... I still can't move on with Cent.
I still love him and everybody is so confusing. I cried.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top