Chapter 32
Chapter 32
My Comeback
After three months. Ilang araw ang nalipas sa tatlong buwan at sa tagal ng panahon na hindi ko pagpaparamdam sa mga taong nakapaligid sa akin, hindi ko alam pero alam mo ba 'yung feeling na ang dami nang pagbabago sa sarili mo, na kaya mo nang i-handle ang sarili mo sa kahit anong bagay na nakapaligid sayo at ngayon sa muling pagbabalik ko, iiwan ko sa kanila ang ngiti kong magpagwagi.
Alam kong nagsasaya sila dahil sa pagkawala ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari pero ang hindi nila alam ay buhay na buhay ako at mali sa inaakala nila. Hindi rin ako pumasok sa school nang tatlong buwan para lang mapaghandaan ang mga plano ko sa pagbabalik ko, nalaman naman ng teacher's ko ang nangyari sa akin at nang malaman nila na buhay ako ay binigyan ko sila nang reminders na huwag munang ipaalam sa iba na buhay ako ngayon dahil sumasailalim lang ako sa medikasyon dahil may nakakahawa akong sakit kahit hindi naman totoo 'yun. Nauto ko naman sila kaya nag home study ako for about three months at ngayon na pagbabalik ko sa school, naiisip ko pa lang ang mga reaksyon nila nang makikita nila ako. Naghahalumpasay na ako sa kakatawa. Curse them.
Kinalimutan ko na rin sa buhay ko ang mga pagpapantasya sa mga fairytales, prinsipe at pag-aasam na maging prinsesa. Lahat 'yun pinalitan ko nang panibagong mapagkikinabangan sa buhay ko at naging interesado sa mga mapaglarong tadhana ng buhay. Fairytales, isang salita pero ngayon tinatawanan ko na lang siya dahil noon pinaasa niya ako dahil akala ko magkakaroon ako nang ganung buhay pero ang saklap lang dahil hindi 'yun ang inaasahan ko. Prince Charming are the best rival's on my life now, hindi ko alam pero ngayon kailangan ko na silang talikuran dahil hindi naman sa mga lalaking nakapaligid umiikot ang mundo ko.
May sarili akong buhay at paligid, hindi sa isang tao na nandiyan lang para sayo.
But for now, Jiggly Girls... wait for my sweetest revenge.
"Woah!" nabigla ako nang bumungad si Skye sa kwarto ko. "Seriousy Kaye? School ang papasukan natin, hindi club." Aniya sa akin.
Pinagpatuloy ko lang din naman ang paglalagay ng eye liner sa mata ko. Lahat ng nagagawa nang nakaraan may impact sa kasalukuyan kaya kung ano ako ngayon, ang mga dahilan ay ang nakaraan. Pero sabi nga nila, bakit daw ako magi-stick sa past kung ang kinagaganda naman daw ng buhay ay nasa present.
F*cking sh*t the one who said that. Hindi nila alam kung anong nangyari sa akin dati. All I just felt is pain and nothing more. Muntik na akong mamatay, hindi ba pa sapat na mamuhay ako sa akto nang gusto ko?
Tumayo ako at niligpit ang pinag-gamitan ko nang eye liner ko. Kinuha ko naman ang black back pack ko at tuluyang lumabas ng kwarto ko na hindi man lang pinapansin si Skye. All you can see is just me, nagbago ba ako? Siguro sa tingin ko sa ibang aspeto.
Ngayon na straight ang buhok, may eye liner ang pagitan ng mga mata at walang pakialam sa paligid. Tandaan, 'wag babanggain ang bagong Kaye Ramirez.
"Woah!" namilog ang bibig ni Ate Roma nang makasalubong ako. "Kaye, saan ka pupunta?"
"Papasok Ate." Tipid kong sagot sa kanya. Tumango naman siya sa akin at pansin ang hindi pagiging komportable sa akin. "Ate, siguro masanay na kayo na ganito na ang Kaye na laging makikita niyo." I patted her shoulder, "I have to go, someone's waiting for me." I smirk.
Palabas na ako nang bahay nang habulin ako ni Skye at may inabot sa aking wipes pero tinaasan ko lang siya nang kilay dahil sa ginawa niya. Nakalahad lang ito sa harap ko. "Anong gagawin ko diyan?" mataray kong tanong sa kanya.
"Punasan mo 'yang eye liner mo, hindi bagay sayo." I flipped my hair to him and walks, "Saka school ang pupuntahan natin Kaye." Dagdag pa nito sa akin.
Humarap naman ako sa kanya, "Walang masama sa ginagawa ko, Skye. Just please stop acted like you care, you're just my childhood buddy."
Nag-igting ang panga nito sa sinabi ko pero who cares, hindi naman ako papanaig dahil ako si Kaye Ramirez kahit na kababata ko 'tong isang 'to hindi ako papapigil dahil buhay ko naman 'to, buhay ko ang ginagalawan ko ngayon at hindi sa kanila.
"Kababata mo nga lang ako pero kahit ganun pa man, mahalaga ka pa rin sa akin. Hindi kita pababayaan sa anumang gusto mo. Oo kababata mo lang ako pero importante ka. Naalala mo pa dati Kaye?" I rolled my eyes to him. "Kapag may problema tayo at tayo lang di ang makakagawa nang solusyon, naalala mo pa bang tayong dalawa lagi ang gumagawa nang paraan pero ngayon. You stood up by yourself." He look at me from my head to toe and vice versa, "Hindi na kita kilala."
I laughed, nakakapikon lang ang sinasabi niya. Walang kwenta. Naturingang kababata ko pero siyang hindi sang-ayon sa mga pinaggagawa ko ngayon. Sabi nga nila may mga kaibigang kasama mo saya at may kaibigan kang kasama mo sa lahat. So saan siya doon? Hindi ko alam. "Yeah, maybe I change but listen Skye, I'm doing this for good."
Saka ko siya iniwang nakatayo dahil nauubos lang ang oras ko. Kailangan ko pang bigyan nang isnag pasabog ang pagbabalik ko dahil ang inakala nilang patay na ay muling makikita nila na naglalakad sa hallway nang paaralan. That's what they know. Hindi nila inalama kung ano talaga ang nangyari, pinabayaan nila kung ano talaga ang nangyari sa akin.
May nabasa pa nga ako sa isang post ng kaklase ko sa facebook, months ago. "Justice for Kaye Ramirez!" justice for what? Eh buhay na buhay ako. Nakakatawa lang talaga dahil halos mag-flood ang thread na 'yun nang mga comments na kagaya nun.
I rode a cab papunta sa school and when I got in.
Pagkatapak ko pa lang ng lupa ay naramdaman ko na ang naturang pagbabalik ko sa paaralan ko. I walk at sa inaasahan ko na talaga na mangyari ay nang mapansin ako nang mga ka-school mates ko ay nagulat na lang sila at halos malaglag ang panga at sundan ako nang tingin. Napapangisi na lang ako sa bawat may makakasalubong akong estudyante dito. Hindi ba nila inaasahan ang pagdating ko, pasensya na dahil surprise ko talaga 'to para sa inyo.
Hindi ko inisip na maging fierce ang look ko dahil ang gusto ko maging mas matindi pa sa inaasahan nila. Naka-uniform pero naka eye line na kitang kita. Alam mo ba 'yung kay Avril Lavinge, yeah parang ganun at mas maganda 'to dahil nakikita ko ang sarili ko na nakapagmove on na sa lahat nang bagay.
Napangisi na lang ako nang makita ang Jiggly Girls na halos mapanganga nang makita ako. Ang nakakatawa pa sa kanila dahil ay puno na nang kolorete ang kanilang mga mukha. Ang sarap ingudngud ng mukha nila sa lupa! Hindi ako insecure dahil 'yun ang dapat sa kanila. Hindi dapat sila binibigyan ng fair dito sa school dahil dapat ang mga katulad nila ang inaalila.
I smirk, "Nagulat ata kayo."
Pansin ko ang paglunok ng laway ni Leah, "I-imposible." Utal nitong tugon. Napalingon pa ito sa kanyang mga kaibigan pero nag-igting na ang kamao ko dahil sa kanya at hindi na ako nakapagtimpi at nasuntok ko na siya sa kanyang kaliwang pisngi. Mabilis siyang napatumba at nawalan ng malay.
Lumapit naman sa akin si Jean, na laging nagmamagaling. "B-bakit mo ginagawa 'yun?!" sumbat nito sa akin.
Agad ko naman siyang binigyan ng sampal, "Sapat na ba 'yan Jean? Kayo bakit niyo naisip na IPASABOG AKO SA ABANDONADONG BAHAY AT IWANAN AKO! Sa tingin niyo ba hindi ako magtatanim nang galit sa inyo?!" sigaw ko kahit na naririnig na nang mga nasa paligid namin ang nangyayari, wala akong pakelam dahil 'yun naman talaga ang gusto ko ang malaman ng lahat ang ginawa sa akin ng mga babaeng 'to.
Ginigising nila si Leah, "Sana namatay ka na lang!" sigaw ni Beverly sa akin.
Napangisi naman ako sa kanya, "Sana nga diba?" saka ko naman siya binigyan nang sipa at namilipit naman agad siya sa sakit.
Lumapit sa akin si Ershely at inambahan ako na sasaktan pero naunahan ko siya na sundutin ang mata at nagsisigaw sigaw na siya doon. "Demonyo ka!" sigaw ni Beverly.
Nagpaikot ikot naman ako sa kanila na ngayon ay mukhang mga hampas lupa. "Hindi pa nga sapat ang natatamo niyo, hindi pa nga kayo namamatay." Ngisi ko pa. "Kung sana dinaan niyo na lang sa magandang usapan, hindi aabot sa ganitong sitwasyon. Ngayon na alam na nang lahat ang nangyari, saan kayo tutungo ngayon?"
Mas nagkaroon nang usapan sa paligid at ngayon dahil marami nang nakakaalam ay kakalat na ito at makakarating na sa principal. Kick-out ang magiging labas nila dito dahil malaking labag sa batas ang kanilang ginawa lalo na't hindi pa sila tumutungtong nang 18 years old pero maliban kay Leah.
Nang makita ko na wala pa ring malay si Leah ay agad ko naman itong sinunggaban ng sabunot. Wala akong pakelam kung pinagtutulungan ako nang mga babaeng haliparot na 'to makaganti lang ako sa kanya.
Pero sa bawat kalmot at sabunot na binibigay ko Leah ay may humablot bigla sa kamay ko at napatigil sa ginagawa ko. Napatitig lang ako sa kanya at mabilis na hibalot pabalik sa akin ang kamay ko. May expression siyang naguguluhan pero ako nalulunod na sa inis at galit.
"Anong ginagawa mo?" nagtataka nitong tanong sa akin. Ilang buwan din kami hindi nagkita nito at nagkausap, mabilis siyang nawala sa isipan ko pero mabilis na bumabalik sa akin ang ala-ala kung paano nabuo ang pagkakagusto ko sa kanya.
"Wala kang pakelam don, Cent."
Mabilis akong umalis sa eksenang 'yon dahil ayoko nang masawsaw pa sa mga diskusyon nila doon at makita ang pagmumukha ni Cent. Malaki rin ang pinagbago niya noong huli kaming nagkita. Mahahaba na ang kanyang buhok at payat.
Akala ko ba magbabago siya para bumalik—scratch that! Ayoko munang isipan ang lahat nang 'to dahil ngayon ang iisipin ko lang ay makahiganti sa Jiggly Girls na ngayon ay alam na ang kahahatungan. Hindi ako umattend nang first subject which is si Ma'am Amandy na nagulat din sa pagbabalik ko kahit alam niyang buhay lang ako at may sakit, nagulat siya dahil sa kung ano ako ngayon.
Makalipas ang isang oras na nandito lamang ako sa canteen. Wala ni isa ang nagbalak na umupo sa tabi kong mga tables dahil nakikita nilang hindi ako kabait tulad dati nang inaakala nila, dapat lang dahil hindi na ako apihin tulad nang dati. Ayokong maging aapi-api lang at maging mahina, gusto kong lumaban sa gusto ko.
"Kaye!" umagaw nang atensyon ko ang boses nang lalaki na tumawag sa pangalan ko. Nakakapanibago dahil after three months, narinig ko muli ang boses niya. Huli kaming nagkita ay sa room na hindi man lang nagsasabi sa akin nang mga hinanakit niya at parang hindi niya ako tinuring na bestfriend pero ngayon, mukhang nagbabalik na rin siya. "Ikaw ba talaga 'yan?" tanong niya nang makarating sa table at umupo sa silya sa harap ko.
I smirked, "Malaki talaga ang nagagawa nang nakaraan, Bestfriend."
Kunot noo naman siyang tumingin sa akin at lumungkot na lang ito bigla, "Akala ko talaga, wala ka na. Nagpadala ako sa mga tsismis na naririnig ko sa paligid ko. Sorry dahil hindi naging maganda ang sitwasyon natin noong mga nakaraan."
Napa-iling na lamang ako sa kanya, "Matanong nga kita Marc." Then he nodded, "Kaibigan ba talaga kita?"
Nagtaka siya sa tanong ko bago sumagot ng, "Oo naman! Bakit mo natanong?"
Napangisi naman muli ako sa kanya, "Kaibigan sa saya o kaibigan sa lahat?"
Napabuntong hininga siya. Oh well. "Kaye, alam mo naman dahil nung nakalipas na panahon ay alam mo naman ang nangyari between sa amin ni Xam pero alam mo naman ang sinasabi ko diba? Bestfriend kita, sa lahat, kahit anong mangyari! Ano ba kasing pinagsasabi mo diyan?"
I stood up, "Nevermind those shittiness. Go on, I need to make a plan."
"Kaye, mag-usap tayo." May agad na humablot sa braso ko at kahit na pigilan kong sumabay sa kanya ay nadadala niya ako.
"Ano bang ginagawa mo, Cent!"
Huminto siya at binitawan ako pero agad akong binigyan nito nang halik sa labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top