Chapter 28

Chapter 28

Friendly Date 'kuno'

 

It is the second day that Joseph Vincent Hughes didn't attend school. I was still hoping that he'll come but it all just hopes. Ano na kayang nangyari sa lalaking 'yun at hindi nagparamdam? I even tried to call him and text him but no replies from him. He even deactivated his social networking accounts, I couldn't such find a way to see him and to talk to him. I don't know if our fairytale so called-lovestory is real or is just a pure fiction that made up of reality. Dunno! I'm still confused of what happened.

            "So, are you going to meet Renzo?" tanong sa akin ni Skye habang palabas na kami ng campus.

            I slowly nodded to him, "Yes, ayoko naman indyanin siya 'no. I gave a promise na go ako sa date 'kuno' niya. So why not diba?" sagot ko sa kanya.

            "Pero baka mamaya... si Renzo ang kaharap mo pero si Vincent ang laman ng utak mo." Ngisi pa nito.

            Napangiwi naman ako sa kanya saka umiling. Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad at hindi mawala sa isipan ko si Cent. Lagi na lang siyang nakatambay sa isip ko, kahit kailangan kalimutan dahil may quiz kami kanina, siya at siya pa rin ang namumutawi sa isipan ko. Hindi ko na kayang malayo sa kanya pero bakit ngayon. Nararamdam ko na ang paglayo niya sa akin? Bakit?!

            "Saan ba kayo magkikita ni Renzo?"

            "Syempre sa may park, sa landian park." Hindi talaga 'yun yung tawag sa park na 'yun pero nakasayanan ko na dahil sa maraming couples, singles and such ang nagkakalat doon kaya ayos na rin'yun. "Hindi ko na naman siguro kailangan magpalit, as usual... maganda na ako." Tawa ko pa.

            Tinaasan lang ako ng kilay ni Cent. Napaepal talaga minsan nito, kahit kailan panira ng moment ko!

            Nang makarating naman kami sa meeting place namin ay wala naman kaming nadatnan doon na Renzo. Dapat kasi sa school na lang kami nagkita eh, iisa lang naman ang pinanggalingan namin pero mukhang papalakarin pa kami ni Renzo kung saan. Syempre bago kami umalis ni Skye, nilibot ko muna ang paningin ko baka sakaling nandito lang siya at hindi lang namin nakita pero ilang saglit lang ay may lumapit sa aming isang batang babae.

            "Ate, para raw po sayo." Saka nito inabot sa akin ang isang maliit na nakarolyong papel.

            "Salamat." Ngiti ko saka binuksan ang rolyong papel. Binasa ko naman agad ang nakasulat pero napakunot noo na lamang ako dahil hindi ko na-gets kung anong ibigsabihin ng mga nakasulat dito.

            "Akin na nga!" hablot ni Skye sa papel na hawak ko saka niya binasa, "Clue numner 1, para masimulan natin an gating first date... tss, friendly date nga eh! Ay kailangan mong sundin ang mga direksyon na nakasulat sa papel patungo sa ating pagkikita. Clue: Pumunta sa malapit na tindahan at hingiin ang susunod na clue." Napatingin naman sa akin si Skye. "Seryoso ba talaga 'tong si Renzo?"

            Napakibit balikat naman ako sa tanong niya, "Hindi ko alam pero try natin sundin ang nakasulat diyan."

            Napa-iling na lang si Skye sa sinabi ko saka namin hinanap ang malapit na tindahan ito. Nang magtanong kami ay agad namang binigay ng aleng tindera ang muling nakarolyong papel at ako naman ang sunod na nagbasa ng next clue.

            "Second clue: Pumunta sa dating peryaan at hanapin sa may puno doon ang susunod na clue."

            "Naku! Pinapagod lang ata tayo ni Renzo eh." Inaso ni Skye.

            "Hayaan mo na! Nage-enjoy naman ako eh!" ngiti ko pa. Saka kaming dalawa tumakbo kung saan ang dating pinagtuan ng peryaan at natanaw naman kaagad namin ang puno na nandoon. Napahinto naman ako bigla dahil naalala ko na naman ang gabing naging official ang isang long lost princess at ang destined prince niya.

            I never thought, I cried for remembering those nights. Well, I missed him so much.

            "The princess is crying, I'd maybe out from this scene." Ani Skye.

            HInatak ko naman ang damit niya at hinila pabalik sa tabi ko. "Adik ka talaga! Ang dalas mong manira ng moment. Tara na nga! Hanapin na natin 'yung next clue."

            Saka namin nilapitan ang puno at hinanap sa puno ang muling next clue at maswerte naman ako dahil ako ang nakakita nito. Agad ko namang binasa at ito na rin pala ang last clue at ngayon pinapapunta niya kami ngayon sa isang restaurant. Agad naman tinakbo ni Skye 'yun kahit pagod na pagod na kami kakatakbo pero keri lang dahil nag-eenjoy naman ako kahit papaano.

            Nang nasa harapan na namin ang tinutukoy na restaurant. And a moment, some waiters gave me a blindfold. I don't know what's happening around here pero naki-ride na lang din ako sa nangyayari at inalalayan naman ako ni Skye papasok sa loob. Sinabi ko pang bulungan niya ako kapag nakapasok na kami pero ang sabi niya lang ay, "Wala namang tao."

            Agad ko naman tinanggal ang blindfold na tumatakip sa mata ko at sinuri ang paligid. Walang tao, walang kumakain, walang Renzo akong nakikita and all I can see is reserve tables ang mga nasa ibabaw ng lamesa ng bawat isa pero wala pa ni isa ang tao. Baka mali kami ng napasukan at napuntahan dahil mukhang may event na magaganap dito.

            "Tara labas tayo! Mali ata napuntahan natin!" siko ko kay Skye.

            "Baliw ka kasi eh! Sabi mo dito." Paninisi niya pa sa akin.

            Palabas na sana kami ng restaurant nang may tumawag sa maganda kong pangalan. Parang biglang hinangin ang buhok ko nang lingunin ko ang tumawag sa akin at napangiti na lang na makitang naka-formal ang lalaking kanina pa namin hinahanap. Nilapitan naman ako nito at inabot sa akin ang bouquet of flowers. Mahinhin naman akong nagpasalamat. Pabebe effect pa, pero kahit papaano ay kinikilig ako sa pakulo niya ngayon.

            He get my hand and sudden we walk to the table in center. Inuring nito ang upuan at naupo naman ako gayundin naman siya at naupo. Ngayon kaharap ko na si Renzo Oliveroz. Kung single pa sana ang prinsesa, baka makuha pa kita... Renzo.

            "Table's for three." Nabigla naman ako sa biglang pagsulpot ni Skye sa katabing upuan. Ngayon medyo awkward tuloy kay Renzo ang date na ito dahil nasa left side namin si Skye at bantay sarado sa akin like I do said.

            Ngayon ako naman ang nagsalita, "Ano nga palang gagawin natin?" ngiti ko.

            He smirk, "I just want to tell something."

            "Where's the food?" Skye said.

            After all, lahat ng seryosong usapan namin ni Renzo ay laging sinasabatan ni Skye na pabalang kaya hindi ko rin magawang pigilan ang mga ngiti ko dahil sa kanya. Ako rin naman ang may pakana na umeksena siya sa mga ganitong eksena dahil ayokong malululong ako sa madramang sitwasyon.

            We eat, we laughed and everything comes. Kahit papaano ay nag-enjoy akong kasama ko si Renzo. Nang ibaling ko naman ang paningin ko sa orasan ko ay muntik na akong mabilaukan dahil magdadalawang oras nap ala kaming nandito sa loob ng restaurant na 'to at ang mas nakakalula lang ay nirenta pa talaga ni Renzo ang buong restaurant for this so called-date but for me, it's just a friendly date.

            "Wait! Before the date ends," Renzo said but he just interrupted by Skye.

            "Friendly date. Autocorrect is on, sorry." He said and sip his drink.

            "What now?" tanong ko naman sa kanya.

            He slowly touch my hand and intertwined it. He stared at me and I just smile. "I just want you to be my girlfriend, Kaye. Could you give me a chance?" he said.

            But I just stole back my hand from him. Hindi ko alam pero bakit bigla kong naramdaman na hindi na pwede. Binawi ko ang kamay ko mula sa kamay niya nang sabihin 'yun at ngayon blangko ang expression ng mukha niya pero ako laking pagtataka na lamang ang nabuo sa utak ko. Napatingin naman ako kay Skye pero nagkibit balikat at umiwas naman siya nang tingin sa akin.

            Muli kong binalik ang tingin ko kay Renzo. "Kaye, why?"

            I deeply took a sighed then I shook my head, "No, Renzo. You can't because I had. I already had a boyfriend." Pumikit ako saka muling huminga nang malalim.

            Nabigla naman si Renzo sa sinabi ko, "Who?!"

            "It's Cent." I simply said, "Sorry to ruin your day, Renzo. I didn't mean to."

            But he just bowed his head, "Tara na, Kaye." Skye grab my head. I stood up and left him sitted alone in his chair. Napailing na lang ako sa sarili ko dahil sa nangyari. Hindi ko naman kasi alam na 'yun pala ang ang gusto niya kaya niya ako inaya dito sa date na kanyang tinatawag. Kaya rin pala, ako ang tinawag niya nung sa peryaan nung kumanta siya. Bakit ba ang tagal ko maka-realize ng mga bagay bagay kaya tuloy mukhang pinaasa 'yung tao.

            I feel sorry for Renzo.

            "Don't blame yourself, Kaye. You didn't mean it. Actually, I know the feeling." Ngisi niya saka nanliit ang mata kong napatingin sa kanya. "Nung araw na sinabi mo sa akin na hanggang magkaibigan lang talaga tayo Kaye, its actually break my heart but instead I look forward that no matter what happen, wherever you go... I'm still your childhood buddy."

            Glimpse of smile form in my face. Hindi ko alam na ganun pala ang feeling nun pero sabi nga nila, hindi naman maiiwasan na ma-reject ka nang isang tao dahil lahat naman tayo ay dumadaan dun kagaya ko rin. But I've never felt the same as them, siguro matatag lang talaga ako hindi iniisip ang mga ganun kaya kahit anong mangyari... hindi ko aalisin ang mga ngiti ko sa labi ko.

            Habang naglalakad kami sa gilid nang kalsada pauwi sa bahay ay naagaw nang isang kotse ang atensyon ko hanggat sa sinundan ko ito palayo na nang palayo. Para akong nabato ako sa kinatatayuan ko habang tinitingnan 'yun. Hindi mawari sa akin kung paano ko nasilayan siya nang ganun. Hindi naman ako nagkakamali at namamalikmata dahil kilalang kilala ko sa mukha ang prince charming ko, nakabukas ang bintana nang kotse kaya mas lalong hindi Malabo ang paningin ko. Hindi maaari. Kaya ba hindi pumapasok si Cent ay dahil may iba na siyang gusto? Ang babaw pero bakit kasama niya 'yung babaeng 'yun sa kotse?

            Alam niyo naman siguro ang feeling ko ngayon, nagseselos ako dahil sa iabng tao nagagawa niyang makipagkulitan pero sa taong nilaan siya wala siyang oras. Hindi ko nga alam kung totoo ba talaga 'yung sinabi niya sa akin.

            Ngayon ko na ba mari-realize na hindi nga nabubuhay ang prinsesa at mundo nang realidad para makuha ang isang happy ending.

            "Tss. Ano na naman iniisip mo?" saka ako inakbayan ni Skye saka muli naman kaming naglakad pero nakayuko lang ako all the time. "Sino na naman ba 'yan?"

            Umiling ako bilang sagot.

            "Tss, sabihin mo na."

            "Wala nga, Skye. Wag kang makulit!" saway ko naman sa kanya.

            "Alam mo, hindi maganda para sa isang prinsesa ang malungkot."

            "Hindi rin magandang biruin ang isang prinsesa kapag malungkot." Tugon ko naman sakanya.

            Rinig ko naman na bumuntong hininga siya, "Alam mo kung makakatulong ako diyan sa iniisip mo, sabihan mo lang ako."

            Ngiti ko sa kanya.

            "Maiwan muna kita, may dadaanan lang ako." Saka niya inalis ang pagkakaakbay sa balikat ko.

            Bakit ngayon ko lang naramdaman ang maiwan? See this, first Kevin, who migrate in states and after, Marc who didn't want to talk about something kaya nilayasan ako. Tapos si Renzo, who I didn't mean to broke his heart and Cent? That I can't imagine, sana lang hindi tama ang kutob ko and Skye, who let me to think about somethings in me.

            Buntong hininga here, buntong hininga there. Nakakailang buntong hininga na ba ako ngayong araw, hindi ko na mabilang. At nang malapit na ako sa subdivision namin ay sumalubong sa akin ang Jiggly Girls na mga naka pink dress at puro mga terno pa silang apat.

            "Come with us, kiddo." Saka hinigit ni Leah ang kanang kamay ko at pumasok kami sa isang kotse na minamaneho nang isang naka-salamin na lalaki. Tinakpan nila nang panyo ang bibig ko at tinakpan ang ilong at ilang saglit lang ay nakaamoy ako nang ibang sensasyon mula sa ilong ko saka ako nawalan nang malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top