Chapter 22

Chapter 22

Broke

 

~Kaye's POV

I don't know what to feel and to react when somehow the girl that I want to meet is Xamantha, that I've known already and I don't get what happen if Xamantha dumb him because of Cent. I don't know what Marc will right now, I ran so they couldn't ask me so much things. Ayokong magtanong sila sa akin na masyadong controversial ano.

            Pauwi na rin ako at hinihintay ko na lang si Skye dahil sabi niya antayin ko daw siya kung ako man ang maunang lumabas. Habang hinihintay ko naman siya ay may natanaw naman ako sa labas ng campus dahil nasa gate lang ako ay ang babaeng nung isang gabi ko lang din nakita. Naging pamilyar siya dahil sa buhok nito at kutis, nakilala ko siya kaagad. Siya 'yung kasa-kasama ni Cent noon sa perya.

            Tinitingnan ko lang siya at mukhang may hinihintay siya at hindi ako magkakamali kung si Cent 'yun at nang kumaway siya ay nabaling naman sa loob ng campus ang paningin ko at tama nga talaga ang hinala ko at siya ang hinihintay ng babaeng 'to. Hindi ko kilala 'yung babae dahil hindi ko pa naman nakikita as long as nung isang gabi lang. Muli na naman nagtama ang mata namin ni Cent, may mga mapupusok siyang mata na agad kang mapapatingin pero pinilit kong umiwas. Ayoko siyang alalahanin.

            "Tara na! Babe!" as I heard when this girl referring to Vincent.

            "Tss." All I hear is just his smirk.

            Nang ibalik ko naman ang tingin ko ay parang linta na nakakapit ang babae sa braso ni Cent pero mahahalata mo kay Cent na iritado siya dito. Napabuntong hininga na lamang ako sa kanila at naagaw na ni Skye ang atensyon ko dahil nagtatakbong lumapit sa akin.

            "Kaye! Tara na!" excited nitong sabi sa akin habang hinihigit ako palabas na nang campus.

            "Wait lang Skye! Nagmamadali ka?!" tanong ko naman sa kanya.

            "May pupuntahan tayo!" higit higit niya pa rin ako. Mabuti na lang at hindi ako naka heels kundi ilang beses na akong natalisod. Sayang ang maganda kong skin kung ganun. Bumagal naman din si Skye at hiningal naman ako doon. "Wag mong sabihin sa perya tayo pupunta na naman?" tanong ko sa kanya.

            "Oo!" nakangiti nitong sabi sa akin. "Winala mo kasi 'yung teddy bear na bigay ko sayo! I tried my best pa naman tapos iwawala mo lang." aniya.

            Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi talaga winala 'yun eh, sadyang nabitawan ko lang at napulot na siguro ng ibang tao 'yun at inangkin ang hindi kanila pero ayos lang sa kanila na lang 'yun kasi hindi ata nila keri na makapuntos sa mga bibe doon sa perya.

            "Okay, sige! Pero pwede bang maglakad na lang tayo?" protesta ko naman sa kanya saka siya bumagal at ganun din naman ako. Bumalik na naman sa isipan ko 'yung kay Marc, Xam at Cent... isasama ko pa ba ang sarili ko? Hindi siguro. Si Marc na may gusto kay Xam. Si Xam na may gusto kay Cent. Si Cent na taken na nang isang hindi ko kilala. Ako na umaasa na magkakaroon ng prince charming.

            Imposible na ata na dumating 'yung tinakdang prince charming sa buhay ko dahil dapat kung totoo man siya, matagal na siyang pumasok sa buhay ko. Nagkamali nga ata ako nang pinangarap dapat hindi na fairytale ang inaasam kong lovelife.

            There are some reason to have a fairytale lovelifes but eventually they aren't true. Prince or Princess so called can only be read or seen in a books or a tv. In short term, reality is made up of imposible things that a girl needs.

            "Ayan na ka naman, Kaye. Ang lalim na naman ng iniisip mo." Aniya. "Baka malunod ako niyan sa sobrang lalim." Ngisi pa nito.

            Napakunot noo naman ako sa sinabi niya at tinry na i-sink sa utak ko ang sinabi niya pero gumagana na naman ang pagkaslow ko at hindi ko nagets 'yung sinabi niya sa akin. Napahilamos na lang siya ng palad sa mukha niya at bumuntong hininga.

            "Siguro, hindi mo talaga ako kayang intindihn Kaye. You can't appreciate what I can do for you. Maybe I'm in the lower part of your choices to be your Prince Charming but I can be your first when you're in pain. So Kaye, choose me."

            "For what?" he glared at me. "No, I don't get it. Seriously."

            He sighed, "Okay... unless you didn't even love me."

            "Yeah... as my childhood buddy. I love you."

            Napahinto naman kami sa paglalakad dahil bigla niyang hinila ang magkabilang balikat ko at hinarap sa kanya. Nagtaka naman ako bigla sa kanya. "You said 'I love you'!" tuwang tuwa nitong sabi sa akin. Tumango naman ako sa kanya, nakakatuwa pa rin pala talaga na kasa-kasama mo 'yung kababata mo na hindi mo rin  nakita ng ilang taon.

            "But still, I'm broke Skye." I took a deep sighed and he release my shoulder.

            Nasa gilid kami ng kalsada ng maraming ilaw, sa maraming dumadaan... nagdadrama ako dito. Nakakahiya lang pero hindi ko na rin maimintis na hindi ilabas 'yung nararamdaman ko. Tinungo naman ako ni Skye sa kabilang park kung saan marami ring couples ang nagkalat, marami ring bitter at mga single na nagpapalipad ng saranggola sa mahanging kapaligiran.

            Naupo naman kami sa bench na bato at napayuko na lamang ako.

            "Come Kaye, please tell me." Aniya.

            Tumingin naman ako sa kanya, "Skye, wala ka naman dapat dito eh. Pero ang problema ko lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naiipit sa mga sitwasyong hindi ko kayang lusutan. Isama mo na si Cent..."

            "Ang karibal ko? Anong meron sa kanya?"

            "Akala ko prince charming ko siya pero taken na pala siya, then it goes with my girl friend likes him and my bestfriend likes her. Parang chain diba? Pero ako ang nahiwalay sa chain na 'yun kasi ayokong dumikit sa alam kong bawal na."

            Hinilod naman ni Skye ang likod ko, "No, that's not your problem Kaye. See this, you like some guy and you didn't even know what him in behind. So wala ka naman dapat ipagalala Kaye, kung meron man doon lang 'yun."

            May punto naman siya, "Haay! Ang gulo nang buhay! Pero hahayaan ko na lang muna siguro at ang agos ng buhay na lang ang huhusga. Tara na sa peryaan, Skye. Ililibre mo pa ako eh!" finally, a smiled on my face turns out. Siya naman ang hinigit ko at tumungo na kami papunta peryaan. Malapit na rin magsarado ang perya at mawawala na rin siya kaya sulitin na rin nang lubos ito.

            Nang marating na namin ang peryaan ay nagulat na lang kami sa dagsa ng tao ayun pala ay dahil may guest performer sila ngayon. Ang sosyal lang nang peryaan na 'to, nakuha pang mang imbita ng mga performers para lalong maganyak ang mga tao na dumayo dito. Hindi naman kami nakipagsisikan ni Skye at tumungo kami malayo sa stage dahil doon nagkukumpulan ang mga tao kaya mas minabuti na lang namin na mag-stay sa ibang games.

            "Dito ka lang, Kaye... watch me and I'll shoot those ducklings." Pagmamayabang niya sa akin. Confident siya masyado at natutuwa naman ako doon dahil nakukuha niya pa rin akong pasayahin sa kabila ng mga heartaches na nadarama ko pero teka nga! Why do I let myself stuck with those kaek-ekan diba dapat mas maging masaya ako kasi alam ko naman na mas marami pa akong mahahanap o may mas higit pa diba.

            Never stuck to a person who doesn't even show your importance.

            "Wow! Ang galing mo Skye!" puri ko sa kanya dahil sa first shot pa lang niya ay natamaan niya kaagad 'yun bibe kaya kinuha naman niya agad ang prize na teddy bear na ngayon ay kulay purple na dahil ubos na daw ang kulay blue, no choice naman pero cute naman ang teddy. "Paano mo nagawa 'yun?" tanong ko sa kanya.

            He smirked, "Simple lang." ang yabang talaga nito. "Pinagpraktisan ko 'yung mga stuff toys mo sa bahay mo." And I glared at him at nagtatakbo naman siya at ako naman ay hinabol siya. Mabuti siya at maraming tao at hindi ko siya mahabol pero sa kasaamang palad may bumunggo sa akin pero mabilis naman agad ako nitong nasalo.

            "Renzo! Ikaw pala!" tinayo naman ako nito. "Salamat." Mahinhin kong sabi sa kanya.

            "Wala 'yun!" kamot batok niya pa sa akin. "Ano nga palang ginagawa mo?" napangiwi naman ako sa tanong niya. Bwisit 'yun si Skye, pinapahiya pa ako dito kay Renzo mabuti na lang talaga marunong siyang sumalo kundi semento ang bagsak ko.

            "Ah, 'yung kaibigan ko kasi tinakbuhan ako." Paliwanag ko naman sa kanya.

            He nodded, "Okay." He looke away. "Ah, Kaye... pumunta ka mamaya doon sa may stage area ng bandang 6pm." Aniya.

            "Bakit? Anong meron?" mabilis kong tanong sa kanya.

            "Basta! Sige! Kitakits na lang!" saka siya kumaway palayo sa akin.

            "Bakit mo kausap 'yun?!" biglang bungad sa akin ni Skye na hinablot naman bigla ang kamay ko. magkasalubong ang dalawa nitong kilay na siguro'y nagseselos sa nakita niya. Si Renzo kasi ang una niyang na-encounter doon sa mga so-called's prince charming ko na ngayon ay wala na.

            May sari-sarili na silang buhay, natira si Skye na isip bata.

            "Basta, mamaya pumunta tayo sa stage area, dun sa mga performers." Sabi ko naman sa kanya.

            "Ano namang meron dun?"

            "Basta! 6pm 'yun! Halika na, maglibang na tayo!"

            "Wait! Ano?!" gulat na gulat 'to. "Anong halikan na?"

            Nanliit naman ang mata ko sa sinabi niya? May sinabi ba akong ganoon? Sa pagkakaalam ko halika na 'yun? Naku! Baliw talaga 'tong si Skye, binibigyan ng malisya ang maliit na bagay.  Napailing na lang din naman ako sa kanya at tumungo kami sa bilihan ng cotton candies. Nabalitaan namin na ngayon na rin pala ang last day at hindi na sa susunod na araw kaya may performers daw ngayon. Oh well, mawawala na ang libangan namin kapag uwian moment na.

            "Sayang, hindi na kita mayayaya pa ulit dito." Skye said in a sad tone of voice.

            "Don't worry, Skye! Marami namang lugar diyan. Halur! May mall pa kaya and even sa landian park sa kabila." Halakhak ko pa sa kanya.

            "But we don't have any landian moment." Aniya na parang inosente.

            Hinilamos ko naman ang kamay ko sa mukha niya at natawa na lang, Tinungo naman namin ni Skye ang videoke bar at nasaktuhan pa talaga na sa kung saan kami ni Cent nagvideoke eh dun din kami ngayon papasok.

            "Choos a song." Utos sa akin si Skye.

            I shook my head, "No, I would love if you sing to me." Ngisi ko pa sa kanya.

            "What?!" hindi niya makapaniwalang sabi sa akin. "I'm not a good singer!" dagdag pa niya.

            "And even me." Ngisi ko pa. Alam ko naman na hindi lalaban sa akin kaya in the end. Talo siya sa akin.

            "Okay, fine." Saka niya kinuha 'yung song book at namili ng kanta. Mangagalahating oras na kami sa loob ay hindi pa rin siya nakakapili ng kanta at dahil magaalas sais na rin naman ay tumungo na kami sa stage area gaya ng sabi ni Renzo sa amin kani-kanina lamang.

            "Thank God." Rinig kong bulong ni Skye.

            I glared at him, "No you not, Skye. May ibang araw pa."

            "Oh no." usal na lamang niya.

            Nang patungo na kami sa stage area ay marami-rami na nga rin ang tao at may kadiliman na ang paligid dahil mag-gagabi na at bongga ngayong last day ng perya dahil may mga sounds chuchu pa sila at mamaya daw ay magkakaroon ng fireworks display. Sana ganito lagi araw araw ang momentum ko para laging happy lang.

            Nang matunton na namin ang stage area pero may kalayuan kami ni Skye dahil nga sa nagsisik-sikan ang mga tao doon at maya maya lang ay lumabas ang isang kilalang rock band at nagsimula na itong magperform. Hinanap naman ng paningin ko si Renzo kung nasaan na siya dahil siya ang nagpapunta sa akin dito pero siya ang wala ngayon.

            "Please welcome... Renzo Olivarez!" at biglang napunta doon ang atensyon ko at ang kanina ko pang hinahanap na si Renzo ay nasa stage pala. Napangiti naman ako dahil ito pala ang sinasabi niya.

            "Tss, gwapo lang siya kasi nasa stage." Rinig kong bulong ni Skye sa gilid ko pero hindi ko na siya pinansin.

            Hindi na naalis ang atensyon ko sa lalaking kamukha ni Alexader Dreymon!

            "Good evening guys, I'm here to sing a song for the girl who I like. She's here..." napalingon naman ako sa paligid ko at hinanap 'yung babaeng tinutukoy niya gaya din nang iba naghanapan kung sino 'yun. "Haha, maybe you don't know her. Well, I'll sing a song that she suggested to me to sang this to whom I like and I know you can see me and I'm sure you'll love this."

            Hindi naman naalis ang ngiti ko sa labi ko dahil ang swerte ng babaeng 'yun ngayon kung kilala ko man siya, ang swerte swerte niya.

            He strums the guitar, and when I heard it. I knew it! I knew the song!

'What would I do without your smart mouth
Drawing me in, and you kicking me out
You got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright'

And whenever he sings, the crowd goes along with him. Kahit ako nadadala sa ganda ng boses niya. Akala mo perfect na tayo siya dahil sa gwapo niya at isama mo pa ang ganda ng boses. Mas lalo siyang nakaka inlove, ang nakakalungkot nga lang ay may iba na siyang mahal.

''Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you'

And when I realize the song he sings.'Yun ang sinuggest ko na kanta na gagamitin niya ata sa panliligaw niya for that girl. Natuwa naman ako dahil ginawa niya.

"Hey you..." Biglang may tinuro si Renzo sa direksyon namin.

"He pointed at me. Yuck!" usal ni Skye.

Pinalo ko naman siya, "Adik! Hindi ikaw 'yun."

"Yes you girl..." inikot ko naman ang ulo ko pero wala namang tao sa paligid ko na babae. "Yes, you Kaye." At napalingon ako sa kanya nang banggitin ang pangalan ko.

Bumaba siya ng stage at tumungo sa stage at lumapit sa akin at hiningi ang kamay ko. Tumungo naman kami sa stage at tinapos ni Renzo ang kanta niya.

Nayakap ko naman siya bigla dahil sa kilig na nadama ko.

"This what I do when I confront my feelings to the girl I like." Napaalis naman ako nang yakap sa kanya.

            "So huh? You like me?" ngisi ko pa.

            He nodded, "Absolutely!"

            Nang ibaling ko naman ang paningin ko sa mga tao sa baba ng stage ay nakita ko si Skye na magkasalubong ang kilay dahil siguro ay nagseselos siya at ibang klase ang ginawa ng karibal niya sa pagiging titulo ng prince charming pero nabaling ang atensyon ko sa may kalapitan nang stage kung saan nakita ko siya kasama ang babaeng hindi ko naman kilala. Si Cent at ang kasama niyang babae, inis na inis 'yung girl dahil nasa itaas ako kaya minadali akong bumaba.

            "Thank you..." sambit ko kay Renzo at siya naman ay tumungo sa backstage at ako ay naglakad papunta kay Skye pero hindi na nawala ang mata ko kay Cent. Why all of a sudden, siya pa rin ang gusto ko? Bakit gustong gusto ng mata ko ang masaktan sa mga nakikita niya?

            Lumapit na lang ako kay Skye at hinigit na siya, uuwi na kami.

            "Bakit hindi ako ang dinala?" rinig kong bulong ni Skye pero napangisi na lang ako sa kanya at ilang saglit lang ay lumiwanag na ang kapaligiran dahil sa mga fireworks sa itaas. Makukulay at mabibighani ka, pero sumakit ang mata ko nang magkaroon ng formation ng puso na mabilis naman nawala.

            Hindi ko na naman agad tinapos ang fireworks at naalis na kami ni Skye.

            "Wait! Someone's calling your name, Kaye."

            "No it's just the fireworks." Sabi ko na lang kay Skye at hindi pinakinggan ang tumatawag sa pangalan ko.

            "How come that the fireworks say 'Come back! Kaye' when the sound is 'boom!' I don't get it." Iiling iling na sabi ni Skye.

            I never want to be broken again Cent. Renzo is there to catch me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top