Chapter 21

Chapter 21

Practice makes perfect

 

I do more a lot of focus sa practice namin kaysa sa matuon sa iba ang atensyon ko. Pinag-align naman kaming mga babae at pati na rin ang mga lalaki. Nakilala ko na rin naman ang iba naming mga kalaban at isa na pala doon si Xamantha na representative ng section nila. Pansin ko rin naman sa kanya ang halos bawat pagtingin niya kay Vincent na kinaiitira ko naman pero si Vincent ay hindi man lang tumitingin sa kanya kundi minsan ay sa akin 'yun napupunta pero agad ko namang inaalis ang tingin ko. Kaye, sabi nang magpractice muna!

            Binigyan na rin naman kami ng desired numbers namin at syempre ang boys din. Parehas kami ni Cent ng number tutal kaming dalawa ang representative ng section namin.

            "Number 8! Form your line!" tawag ng choreographer sa akin at ako naman ay pumila at ilang saglit lang din naman ay magsisimula na rin kami for our first production. Kasama na rin daw ang rampahan. May sportswear, talent portion and question and answer ang contest na 'to at hindi naman mahirap 'yun dahil walang swimsuit kaya go lang ako.

            Ilang minuto ang nalipas, pinaglakad na kami nito para 'yung sa entrance naming lahat at 'yung part ng pagpapakilala. Minadali ko lang ang akin dahil ayoko ng paulit-ulit pero nang si Cent na ang sumunod ay pinagalitan ng choreo dahil nawawala ito sa focus niya. Naaawa naman ako dahil mukhang wala nga talaga sa ulirat si Cent. Nagawa naman niya nang perfect ang kanyang sasabihin pero ang tagal bago niya nasabi.

            Nang matapos naman ay pinolished ulit ang entrance hanggang sa mapagod na kaming lahat. Nasa gymnasiunm kami ngayon kaya hindi namna mainit kasi aircon dito at dito rin naman kasi gaganapin kaya dito na kami nagpractice para daw maging gamay na namin ang stage at all. Nang magpahinga naman saglit ay biglang tumabi sa kinauupuan ko si Xamantha. Muntik ko na ring maibuga sa kanya ang tubig na iniinom ko mabuti na lang ay napigilan ko.

            "Pasensya na! Nabigla ata kita!" aniya. Nginitian ko naman siya at pinunasan ang bibig ko. Nilapag ko ang bote sa gilid ko at binalik ang tingin kay Xam na ngayo'y ay titig na titig kay Vincent. Hindi ba siya nagsasawang tingnan si Vincent? Naku naman.

            "Baka matunaw naman ang partner ko." sabi ko saka ko siya siniko.

            Kinilig naman ang gaga sa sinabi ko, "Alam mo hindi ko talaga mapigilan. Sobrang gwapo niya talaga!" sabi niya na halatang pinipigil din ang kilig upang hindi mapaghalataan pero kanina pang nagpapractice kami ay sobrang halata na siya. Binubunggo niya pa nga si Cent eh tutal number 7 lang kasi siya kaya hindi nagkakalayo ang mga number namin.

            "Pero alam mo ba, taken na siya." Bigla ko na lamang nasabi sa kanya. Ewan ko rin at nasabi 'yun. Hindi ko naman gusto pero bugso lang talaga ng damdamin na wakasan na niya ang pagkakagusto niya kay Cent. Bitter? Hindi ko alam, siguro. Ayoko lang siyang mapunta sa iba pero 'yun nga, pagmamay-ari na pala siya ng iba hindi man lang nalalaman ng makitid kong utak.

            Sumama naman ang tingin ni Xam sa akin at biglang nagiiling, "Hindi ano! Sino nagsabi sayo?"

            I shrugged, "Nababalitaan ko lang naman 'yun." Ngiti ko pa sa kanya.

            She crossed her arms, "Pero alam mo ba naiinis ako nung nagchange siya ng status niya sa fb na in a relationship with... sino nga ba 'yun?" panandalian naman siyang nag-isip. "Ah! Oo 'yung Kerryl Langot ba 'yun. Kamibyerna." Mataray nitong sabi.

            Kung alam niya lang kung sino 'yung tinutukoy niyang babae ay 'yun din ang babaeng katabi niya ngayon.

            "Ah 'yun ba? Na-hack lang ata siya nu'n eh?" pagsagot ko pa sa kanya.

            At bakas naman sa mukha niya ang pagkauto sa sinabi ko. "Mabuti na lang." at huminga siya nang napakaluwag. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dito ako Xamantha. Hindi lang pala ako ang slow dito, mume-myembro din siya.

            Ilang saglit ay pinabalik na kami sa practice namin sa five minutes break namin. Nang bumalik ako sa pwesto ko ay nagtama na naman ang mata namin ni Vincent na agaran kong iniwas. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa tuwing titingin ako sa mata niya. Akala ko kasi siya na ang meant to be ko pero hindi pala, marami pala atang naka-destined sa kanyang tao at isa na ako dun sa pinaasa niya.

            "Miss number 8! Focus please!" nasigawan na naman ako ng choreo dahil nahuli ako sa pila. Kasalanan 'to ni Cent eh, hindi umaalis sa isip ko at naisipan pang tumambay na lang at hindi umalis. Nakakaasar dahil hindi naalis sa akin kung paano siyang tinawag ng babe na babaeng kasama niya at sinabing hindi niya ako kilala doon. Masakit, ngayon ko rin ba ipaparamdam kay Cent na hindi ko na siya kilala?

            "Kaye, focus." Sambit ni Xamantha sa akin. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya dahil ngayon, magkahawak ang kamay namin ni Cent na inaaalalayan ako pababa ng stage na kasama sa production. Kaasar!

            Pinractice na rin namin ang ibang pwesto namin for the different categories. At sa huling pwesto naman namin ay kailangan naming magpose with our partners at si Cent ang katabi ko. ang awkward lang dahil ngayon magkaharapan kaming dalawa at nag-iiwasan lang ng tingin. Ilang beses na rin kaming nasumbatan ng choreo pero hindi na lang namin pinansin at mas tinuon ang atensyon sa practice. Practice ka lang Kaye dahil malapit na rin naman matapos ang practice hour niyo at makakalayo ka na sa kulungang ito at hindi mo alam kung makakagalaw ka ba ng maayos.

            "Great job! Bukas ulit, students!" ani choreo at kami naman ay nagsibalikan na sa aming mga classroom. Inunahan ko na si Cent pabalik dahil tiyak na hihintayin ako nu'n pero sa hindi ko naman inaasahan ay may humablot ng kamay ko. Napahinto naman ako sa paglalakad at dahan dahan na napaharap kung sino ang humablot ng kamay ko, at halos gusto kong bawiin ang kamay ko mula sa kanya pero nanigas ang kamay ko sa kamay niya.

            "Let my hand go..." mahina kong sabi pero pautos.

            "No, I'll let it go if you told what is going between  us." Aniya. Matigas at malamig niyang sabi, diretsyo ang tingin sa akin at naghihintay ng makabuluhang sagot sa akin.

            Binalik ko naman ang tingin ko sa kamay ko sa kanya at agad ko itong hinila pabalik. "Us? Nababaliw ka na ba, Vincent? Walang us. There was never an us, can you see? Gusto mo pa bang manood ng maybe this time para ipamukha ko sayo na walang us? Ugh! Cant you just see, I'm jealous for what happened last night."

            But then, I heard his smirked. "So what I am right."

            Napatingin naman ako sa kanya, "No, that's not what I meant." Pagiiba ko. Namali lang talaga ako nang sinabi ko at hindi 'yun ang gusto kong iparating.

            "Yes, I've heard it right.

            I sighed, "Yes you heard but you can't change what happened yesterday. You have your princess, Vincent. I am no one, so please... leave me alone."

            And then I left him dumbfounded. I felt my heart so greedy this time. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi sa kanya 'yun pero nangyari na rin naman kasi at kahit kailan isa lang akong no one sa buhay nila. Hindi ata talaga ako prinsesa at mukhang ilsuyon ko lang ang lahat ng ito.

           

~Marc's POV

Natapos ang klase na hindi pa bumabalik si Kaye at Joseph mula sa kanilang practice. Minabuti ko naman na lumabas para hanapin sila kung tapos na ba ang practice nila dahil ipapakilala ko na ang nililigawan ko sa kanya na ngayon lang pumayag dahil masyado daw syang busy at mahalaga daw ang oras para sa kanya. Habang naglalakad ako ay natanaw ko siya na tumatakbo kaya bilang bestfriend niya ay sinundan ko naman siya at nang mahabol ko siya ay hinawakan ko ang kamay niya na nagpatigil naman sa kanya.

            "Bitawan mo ako." Utos nito sa akin. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya dahil ngayon ko lang narinig 'yun sa kanya at sa akin niya pa sinabi 'yun. Minsan naman hindi siya ganyan at minsan makikipagharutan pa kapag may humahawak ng kamay niya.

            "Wait! Kaye anong problema?" sa pagkasabi ko ay dahan dahan naman siyang humarap sa akin at akala mo'y bata na binigyan ng lollipop at dali dali naman niya akong niyakap. Ang weird lang ng feeling dahil hindi ko alam kung bakit siya ganito ngayon. "Anong meron, Kaye? Mukhang wala ka sa sarili mo?" tanong ko.

            Tumawa siya, 'yung tawang pilit. Alam ko dahil nararamdaman ko. "Hindi kaya." Tanggi niya pa kahit alam ko na naman.

            Umalis naman siya sa pagkakayakap sa akin. "Ano nga, Kaye?" seryosong tanong ko sa kanya at doon na nagbago ang expression niya dahil bumuntong hininga na siya.

            "Wala... ilang beses lang kasi ako nasita sa practice."

            "Ah..." tango ko naman sa kanya. "Oo nga pala! Tara ipapakilala na kita!" agad ko naman siyang hinigit dahil alam kong excited din siyang makilala ang babaeng 'to. Unang kita ko lang din kasi sa babaeng 'to ay naagaw na nito ang atensyon at hindi na siya maalis sa paningin sa bawat araw na hindi ko siya nasisilayan, pinupuntahan ko ang lugar kung saan ko siya unang nakita at baka sakaling nandoon siya. Nung oras at araw na 'yun, ang swerte ko dahil nachempuhan ko siya at doon ako naglakas loob na makilala siya.

            Tumungo naman kami sa may garden ng school kung saan sinabi ko sa kanya na magkikita kaming dalawa at mukhang maswerte na naman ako dahil nasaktuhan namin nandoon na siya at naghihintay sa amin. Nakatayo siya na nakatalikod sa amin.

            Huminto si Kaye sa pagtakbo gayundin naman ako.

            "Anong nangyar Kaye?" tanong ko naman sa kanya.

            Tinitigan ko siya at sinusuri naman niya ang babaeng nakatalikod ngayon sa amin. "May kamukha siya."

            Napakunot noo naman ako, "May kamukha eh likod pa nga lang nakikita mo!" sabi ko sa kanya.

            "Hindi talaga! Parang kilala ko na kung sino siya." Aniya.

            At ilang saglit lang ay humarap na ang babaeng kinagugustuhan ko at kung makapagreact naman itong kasama ko ay parang akala mo ay may multo nang nakita.

            "Sabi ko na, Si Xamatha!"

            Nagulat naman ako biglang sinabi niyang pangalan dahil tama nga siya, si Xamantha nga ang babaeng nililigawa ko. Dahan dahan namang lumapit sa amin si Xamantha at ako naman ay parang tuod na nabato dito sa kinatatayuan ko. Nilingon ko naman si Kaye pero hindi pa rin siya mapakali sa expression ng mukha niya kaya natawa ako sa kanya.

            "Kaye, bakit mo kasama si Marc?" tanong ni Xamantha sa kanya. Mukhang magkakilala na nga ang dalawa at hindi ko na kailangan pang magtanong kung magkakilala baka pagmukha pa akong tanga sa kanilang dalawa.

            "Bestfriend ko, Xam." Ani Kaye.

            "Ohh, really?" hindi makapaniwalang sabi ni Xamantha.

            "Ah, ngayon Kaye na nakilala mo siya..."

            "Yes, and I have to go." At dali dali naman siyang tumakbo palayo.

            "Anong nangyari dun?" kamot ko sa batok dahil hindi ko naintindihan si Kaye kaya nagkibit balikat na lang din ako at muling hinarap si Xamantha na hindi ko mapigilan ang hindi rin mapangiti dahil sa ganda nito at medyo simple naman siya. Angat din ang kaputian niya.

            "So, ano nang gagawin natin?" tanong naman niya sa akin.

            "Xam, I had formally to say this." Huminga naman ako nang malalim. "Could you give me chance you court you?" ilang beses na akong nagtatanong sa kanya nito nang paulit-ulit pero gusto kong marinig sa ngayon ang salitang oo mula sa kanya.

            Umiwas nang tingin si Xam then she bit her lower lips. Natahimik naman ako habang hinihintay ko ang kanyang sasabihin. Maraming pumapasok sa isip ko na mga negatibo dahil hindi ko alam kung bibigyan niya ba ako ng chance at hindi ko alam kung saan tutungo ang panliligaw ko sa kanya.

            Then she look at me, she took a sigh. "Marc Teejay..." she said. "I'm sorry, I can't. I'm started to fall with the guy I love. I'm sorry." She hugged me then she moved away and walks away in my life.

            Now my life is broke apart. No more happy ever after. It sucks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top