Chapter 2
Chapter 2
Crazy bastard
"Huhuhu!" punas ko sa luha ko. Masisira ang feslak ko rito eh. Naiiyak ako kasi nandito ako ngayon sa prisinto at hindi alam ang gagawin. Ayoko pa namang makulong, bata pa ako at wala pa ako sa legal age para makulong at... at... ibigsabihin nito posibleng umabot sa parents ko 'to? No way! Lalo ako naiyak sa pinag-iisip ko, ay hindi humahagulgol na pala ako.
Hinahagod lang ni Marc ang likod ko para patahanin ako. Sumama talaga siya sa akin para makita niyang makulong ako, echos lang! Pero kasi, natatakot talaga ako. "Don't worry Kaye, hindi ka naman siguro nila ikukulong eh." Aniya.
Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya sa akin, kahit kailan talaga kapag nagsasalita si Marc tapos lagi niyang napapagaana ng loob ko pero bumigay na naman ako kasi mali 'yung ginawa ko eh. Eh kasi sino ba naman kasi mag-iiwan nang bomba dun. Promise, tunog bomba talaga 'yun.
"How could you say that?"
Nagkibit balikat siya sa akin, "Wala lang, pinapagaan ko lang pakiramdam mo."
Napabuntong hininga naman ako sa kanya at pinahiram niya sa akin ang panyo niya dahil mukha nang binabaha ang mukha ko dahil sa luha ko. Siningahan ko na rin at sabay balik sa kanya pero sabi niya akin na lang daw. Wow ha! Yaman.
Umupo na ang pulis na magiinterview kuno daw sa akin. Juice colored, gabayan niyo po sana ako. Sa mga sasabihin ko, sana hindi ako makulong at sana mapaniwala ko silang inosente ako at hindi mamamatay tao—Ay teka, iba na 'yun ah?
"Miss Ramirez?" I nodded to him. "So anong binalak mo at bakit ka gumawa nang eskandalo?" tanong nito sa akin.
Napatingin muna ako kay Marc bago ko siya sagutin, "Ay naku po! Wala naman po kasi talaga 'yun, actually po wala naman po talaga kasi akong alam 'dun. Nakita ko na lang ang bag, tapos pinakinggan ko tapos tunog bomba siya kaya ako napasigaw. Sir, hindi mo lang talaga alam kung paano ako magreact kasi hindi tayo close, promise hindi ko tala—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tapatan niya nang kamay niya ang mukha ko. Ay bastusan lang? Akala ko ba, sa 'prisinto magpaliwanag' pero bakit pinipigilan ako. Mga baliw!
"Akin na ang ID mo." Utos nito sa akin. Nanlaki naman ang mata ko at napatingin kay Marc dahil siguro ang susunod na eksena na nito ay itutulak na nila ako sa selda.
"Hindi niyo naman po siya ikukulong diba?" Tanong ni Marc sa pulis. Napatitig naman ako sa pulis at hinihintay ang kanyang sasabihin. Lagot ako nito!
Umiling ang pulis. Sa wakas! Hindi ako makukulong, "Pero ibibigay namin ang ID niya sa principal nang school niyo dahil sa ginawa niyang eskandalo. Ang school na ang bahala sayo." Ani pa nito. Akala ko naman sasaya na ako dahil inosente ako pero hindi pala kasi mas lagot ako sa school.
Binigay ko naman sa kanya ang ID ko at pwede na raw kami umuwi. Sobrang kahihiyan ang ginawa ko, kahit kailan talaga ang baliw kong utak kung ano anong nagagawa. Baliw nga siguro ako kaya kung ano anong naiisip ko.
Tinusok tusok ko si Marc sa tagiliran niya hanggat sa lumingon siya sa akin, "Haha! Bakit?" matawa tawa niyang sabi.
"Please, 'wag mo sasabihin kay Mommy 'to ha? Alam mo naman 'yun." Nguso ko pa.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko pero tumawa lang siya. Nang-aasar ba ang isang 'to. Naku naku!
Bago pa kami umuwi ay dumiretsyo muna kami sa isang Ice Cream Parlor upang gumaan daw lalo ang pakiramdam ko. He treated me naman kaya go lang ako. Habang kumakain ako nang ice cream ko ay hindi ko maiwasan na hindi mapalingon kay Marc dahil sobrang titig na 'to sa akin at nakangiti pa. Hindi ko naman maitatanggi na gwapo talaga ang bestfriend kong ito pero hindi kasi siya 'yung tipo ko, sorry.
I snapped out him from being staring at me like for a minute. "Makatitig? Wagas?!"
Natawa siya, baliw din ano? "No, kanina kasi habang pauwi tayo. I found a girl, she's very charm, attracted and ofcourse, beautiful." He smiles ashe said those compliments.
"Ako ba 'yun, hehehe."
Isang batok ang nakuha ko sa kanya, ay grabe nagawa pa akong batukan. Eh fit naman sa personality ko 'yung binigay niyang description eh. Napanguso naman ako sa ginawa niya at muling ninamnam ang ice cream ko.
"No, hindi mo ata siya kilala. Para kasi siyang model, well perfectly fit for me."
"Wow ha! Kailan ka pa umechos nang ganyan, Marc ha? Sabihin mo nga."
"Nung makita ko siya." Ngiting aso niya. Napasimangot naman ako sa kanya kasi parang baliw na 'tong kausap ko at syempre ginantihan ko na siya at binatukan din. Bumalik din naman agad sa katinuan ang nawawala niyang mundo. Chos!
"Uwi na tayo, baka hinahanap na ako ni Mother earth sa bahay eh." Sabi ko.
Tumango naman siya sa akin at sabay naman kaming naglakad pauwi. Hindi naman magkalayo ang bahay namin ni Marc, walking distance lang din naman ang layo kaya ayos lang na maghatid sundo siya sa akin. Nang makarating naman na kami sa bahay ay nagpaalam ako sa kanya at pagpasok ko sa bahay ay dahan dahan akong naglakad papuntang hagdan pero someone called my name, "Kaye, you're home already."
Oh no! Its Mom.
Napangiwi naman akong lumingon kay Mommy at tumango. "Bakit Mom?" asking her.
"Wala naman," ngiti ni Mommy saka siya lumapit sa akin the hug me.
"Mom? Anong wala, bakit kung makayakap ka sobrang higpit?" I asked her confusely.
Mahinhin na natawa si Mommy sa sinabi ko, nagjojoke ba ako at lagi silang tumatawa sa akin. Nakakainsulto na ah. "I heard may bomb threat daw na nangyari, near your school ha? Is it true?" sabi niya. Hindi ko pinahalata na nabigla ako sa tanong niya sa akin, sino ba kasing baliw ang hindi kung ako mismo ang promotor n'un?
I nodded, "Oo nga Mom."
"Are you okay? Nakita na ba ang naglokong 'yun? Naku, hindi dapat ginagawa 'yan. Maraming napahamak oh." Pag-aalala niya. Kaya pala sinalubong niya ako nang yakap dahil doon, kung alam niya lang na ang anak niya ang gumawa nung kabaliwan na 'yun.
"Opo naman Ma, ahh... about dun sa gumawa, I have no idea." Sabi ko na lang, "Mom, better I got to my room, marami po kasi akong homeworks eh." She nodded and I ran to the stairs open up my door.
Nang masara ko ang pinto pagkapasok na pagkapasok ko ay napasandal na lang ako bigla. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko, ay peste! Kinabahan ako dun kay Mommy ah, kung maka tanong naman kasi akala mo nasa hot seat ka.
Huminga naman ako nang malalim at hinagis sa kama ang bag ko at nahiga.
Napatingin ako sa kisame ko at nakita ko na naman ideal prince charming nang buhay ko. Napangingiti na lamang ako dahil hindi ko mapigilan, kahit walang mukha 'yung prinsipe ko sa taas nang kisame ay ayos lang atleast naiimagine ko ang perfect prince for me. I almost want him in my life, love is everywhere and my crushes are evrywhere! Landi much.
--ENDLESSLY—
OMG! I gotta be late. Lakad na patakbo na ang ginagawa ko para lang makaabot sa first subject ko, at kapag nahuli ako ay tiyak na papalabasin lang ako. I came to the door and open it, sakto naman dahil pagkabungad ko ay wala pa ang prof. namin.
"Luckily! Naunahan ko si Ma'am Man—" napatigil ako sa pagsasaya ko nang magpakita sa akin ang prof. ko.
"You're late again, Miss Ramirez." Ma'am Mandy said. I pouted just like a baby. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa loob even with Marc. Inirapan ko na lang naman siya.
"But Ma'am?"
"No butts Miss Ramirez." She exclaimed. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. "but ofcourse I have something for you." Nakatayo lang ako sa pintuan at tinignan siyang pumunta sa center table at bumalik na may hawak na patong patong na folders, as if ipapagawa na naman niya sa estudyante niya 'yan.
"Ano pong gagawin diyan Ma'am?" I gradually asked.
"Check those papers, paki staple na rin." Sabay patong niya nang stapler.
"Seriously Ma'am, all of this?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya pero tinaasan lang ako ni Ma'am nang kilay at saka siya dahan dahan na tumango.
"You go now, pwede ka sa cafeteria gumawa." Tango ko naman.
"Sige Ma'am! Pero do me a favor po!" she raied again her left eyebrows. "Marc! Pakopya ako nang notes ha? Later ko kukunin sayo!" sigaw ko. Bumaling din naman ako kay Ma'am Mandy at nagba-bye at binigyan nang signature flying kiss ko.
Pumunta naman ako sa cafeteria as she said, grabe naman 'tong folders ni Ma'am mga papel lang naman ang laman pero bakit sobrang bigat. Naku naman. Habang naglalakad ako dahil sa malikot kong mata ay hindi ko inaasahan na matatanaw ko siya...
"Prince Charming..." sambit ko na lamang na makita ko siya nakatayo. Hinawi niya ang buhok niya paitaas habang ang isang kamay niya ay nakapasok sa bulsa niya, the way he stood. Para siyang model at para sa akin, perfect prince siya.
Napalingon siya sa gawi ko at dahil sa nanlambot ako. Nalaglag lahat nang hawak kong folders. Natauhan naman agad bigla ako sa nangyari kaya pinulot ko na ang folders and even the papers na humiwalay sa loob nito. Nilingon ko muli ang kinatatayuan nang prince charming ko at nanlumo ako na wala na siya doon.
Siya 'yung nakabangga ko kahapon na sinabihan akong 'Stupid, brat.' Oh diba, naaalala ko pa, syempre. Gwapo eh.
Habang pinupulot ko naman ang folders ay may biglang sumabay sa pagkuha ko sa isang folder. I slowly looked at the person who took the same folder I grabbed, and when I saw... its him! My prince charming.
"S-salamat." OMG! Ang love pa kapag nauutal, final na 'yun? Edi love nga 'to. Napatitig na lang ako sa mata niya, ang gwapo niya. May light blue siyang mga mata, pefect package ika nga.
"Stupid, brat. You don't know how to pick up things right?" Nanlaki naman ang mata ko na magsalita siya. As in! ang gwapo nang boses niya at buong buo. Parang tini-tease na niya ako, alam mo 'yung bed room voice, ganun na ganun! "I'll be late because of you."
Sinisi pa ako. I pouted.
After we pick up all the things, he gave it to me. Tumayo naman kami. "S-salamat ulit." But he just stared at my hand. Napatingin naman ako sa kamay ko, wala namang dumi. Pinunas ko sa uniform ko ang kamay ko at nilahad muli sa kanya.
"Tss." He look away. Napaatras naman ang kamay ko at ngumiwi. Siguro, ayaw niya sakin makipagshake hands because kapag nagdikit ang balat namin, may sparks at baka masunod naman kami doon. Iba na talaga 'to. Pero paglingon ko muli sa kanya, naglalakad na siya palayo sa akin.
"My prince charming, walking away from me... and that's how my fairytale ends. No happy endings." Echos! Pero napangiti niya ako sa ginawa niya, akala ko last time ko lang siya makikita pero ngayon hindi na.
I looked down and I saw an ID. Pinulot ko naman ito at nakilala ko kaagad kung kanino ito dahil sa picture nito, kinilig naman ako na malaman ko ang pangalan niya.
"Joseph Vincent Hughes." Ang buong pangalan niya. Nang muli ko naman lingunin siya ay wala na siya doon, kaya siguro mamaya naman ay makakasalubong ko siya kasi kahit ID ko nasa principal na daw. Fair lang kami!
Nang makarating naman ako sa cafeteria ay naghanap ako nang comfortable seat where I can move easily, malamig din kasi dito sa cafeteria and I should say, na semi-private kasi ang school na 'to kaya medyo sosyal talaga.
Sinimulan ko na rin naman gawin ang mga che-checkan daw sabi ni Ma'am Mandy.
--ENDLESSLY—
After of thirty I finished checking and staples all the papers. Hindi naman pala din nakakapagod dahil mabilis ko lang din siya nagawa. Niligpit at pinagpatong patong ko na rin naman ang mga folders at ibabalik na kay Ma'am syempre papasukin an n'un ako sa klase niya.
"Kaye Ramirez, right?" Napalingon ako sa babaeng tumawag nang pangalan ko. Ang president pala nang Student Council na si Juliet.
I nodded to her, "Ah, bakit?"
"Pinapatawag ka pala sa principal's office, about dun sa nagawa mo kahapon." Ngiti niya.
Napangiwi naman ako sa kanya, kahihiyan ba ang nagawa ko kahapon kaya ito ako ngayon nakayukong papunta ngayon sa office nang principal namin. Pumasok naman si president sa loob para sabihin na narito na ako. Sumilip muli siya at sinabing, "Pumasok ka na raw."
Napabuntong hininga naman ako.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na ang maamong mukha nang principal. Nakatuon ang atensyon nito sa akin at saka ako pinaupo sa upuan sa harap niya. May pagitan na table at doon nakita ko ang ID ko.
"Miss Ramirez, anong gusto mong gawin ko sayo?" tanong nito sa akin.
Napaangat naman ang ulo sa tanong ng principal sa akin, "Kahit ano po! 'Wag niyo lang po ako i-expel or i-kick out po. Lahat po gagawin ko, maglinis, magwalis lahat po." Pagmakakaawa ko. "Gusto ko pa po mag-aral." Titig ko sa kanya at naghihintay nang sagot.
Nakatitig lang din siya sa akin, ilang segundo lang din ay bigla siyang humagikgik.
"Ano ka bang bata ka, we won't give you some punishments pero sana lang ay hindi ka na gagawa nang ganun. Do you understand Miss Ramirez?"
"Opo, Ma'am."
"Sige, makakabalik ka na sa klase mo." Binigay na rin niya ang ID ko at sinuot ko. Thank God! Mabuti na lang talaga at mabait ang principal namin, hindi ako binigyan nang suspension at buti na lang hindi ako nakick-out.
Pagkalabas ko naman nang office nang principal ay hindi sa kalayuan ay nakita ko si Prince Charming—este si Joseph Vincent pala. Maglalakad sana ako palayo sa kanya pero tadhana nga naman oh! Hinabol niya ako, infairness. Hawak hawak niya ang braso ko, nilingon ko siya. Nagulat na lang ako na magkasalubong ang kilay nito.
"Did you stole my ID?" he asked straightforward.
Napaatras naman ang ulo ko sa sinabi niya, "Ako?"
"You're the one I'm with minutes ago."
Napatango naman ako sa kanya, "Ohh..." hindi ko lang pinapahalata na kinilig ako, syempre I took the chance para magkausap kami. "Sorry, hindi ko talaga nakita."
"Tss." He smirked. "Brat, if you don't find it." Dinuro niya ako, wow ha! "I'll kill you!" he threatened and walk away.
Oh wow! Just wow! Tinakot niya ako sa lagay na 'yan! Naglakad na lang din naman ako, tinignan ko ang relo ko time na ni Ma'am Mandy, siguro wala na siya sa room kaya didiretsyo na lang ako sa center.
My phone vibrate so I checked out who called but before I get my phone, may nakapa akong iba sa bulsa ko at nang makita ko.
"I'm so dead." Nasa akin pala ang ID niya. Oh No! Sigurado ka ba siya sa pananakot niya kanina na papatayin niya ako? Bakit kasi ang makakalimutin ko. Patay ako nito! Ibigay ko na lang kaya sa Lost and found o idiretsyo kong ibigay sa kanya.
Not so lucky today, I'm soooo crazy bastard.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top