Chapter 19
Chapter 19
Joseph Vincent's Past
~Cent's POV
For the second time around, I never felt the way I used to love a girl with his own perfections. I never imagined that I could like this girl but ugh, she just stole my attention and all and after what she did to me, my life never seems greater than before but when I actually remember how I wait for her, lagi na lang ako nababadtrip, naiiinis sa sarili ko. Hindi ko kasi akalain na sa pangako niya na sa hintayin ko daw siya, napako ang lahat nang 'yun dahil kahit kailan hindi na siya bumalik sa piling ko.
Kaya ang ginawa ko na lamang ay pinatay ko na siya sa buhay ko at sa nakaraan ko. Masakit kasi matagal-tagal din kayong nagsama at sa huli ikaw ang iiwan niya.
A knock from the door came out of the blue. So I walk towards to it and when I open it, a girl reminds me of her. I don't know her but she just keep smiling at me then, hugged me for no reason.
I moved her away, "Who are you?" I asked.
She giggled. She move the hair blocking her face, "You don't remember me? It's me! Jonie!"
And I got freeze and when she said her name. It cant be!
~Kaye's POV
Dahil bukas pa ang pasok dahil weekend ngayon, hindi ko pa rin makalimutan kung paano ko ginamot-gamot si Cent. Minsan lang naman mangyari 'yun kaya sinulit ko na! Pero ngayon mas hindi ako mapakali sa kanya dahil sa may nalaman ako na kating kati na malaman tungkol sa past niya. Hindi ko alam kaya gusto kong alamin pero parang masyado namang pribado kung ganun pero eh! Gusto ko talaga malaman!
Nasa bahay niya kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya?
"Kaye, kanina ka pa nakatapat sa electric fan, baka nabusog ka na nang hangin niya." Ani Ate Roma. Kanina pa nga ako dito dahil hindi nga ako mapakali at wala naman akong magawa kaya binabad ko ang sarili ko sa electric fan.
Hinarap ko naman si Ate Roma, "Naku Ate! Ayos lang 'to! Para atleast pantay na sila ng utak ko, puro hangin." Sabi ko na medyo natawa naman si Ate at napailing iling pa sa akin. Nakita ko naman si Skye na papalapit na naman sa akin kaya agad akong lumayo sa kanya dahil tatabihan lang nu'n ako.
Alam niyo ba! Bet na bet din talaga ni Mama si Skye for me pero iba naman ang gusto ko at si Cent 'yun! Si Cent na talaga ang my one and only prince charming for life!
"Ang gulo mo, Kaye." Sabi ni Skye na poker face pa. Tumigil naman ako sa paglayo sa kanya at umupo sa tabi at hindi nga ako nagkamali dahil tumabi pa rin talaga siya sa akin. Sinimangutan ko naman siya at doon naman siya umusog nang kaunti mula sa akin.Laging ganito si Skye, gusto nang kaharutan. Pwes, hindi kami bagay but we can remain friends.
Kinuha ko naman 'yung phone ko at tinext si Marc kung ano nang nangyayari sa nililigawan niya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi sa akin kung sino 'yun. May pagka mystery din kasi si girl dahil nung ipapakilala na sana sa akin ni Marc 'yun bigla naman nagkaroon ng kung anong kaekekan kaya hindi rin nagawang ipakilala sa akin.
"Marc! Kailan mo ipapakilala sa akin 'yung unknown girl mo?" text ko sa kanya.
May reply naman agad ito, "Soon... I don't know and not maybe."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "Anong ibig mong sabihin?"
Ilang saglit lang din ay may mensahe mula sa kanya, "Hindi ko rin alam, Kaye. Ngayon nga eh, magkikita kami. Sana, pumayag siya."
Napangiti naman ako ng bahagya kahit hindi niya nakikita, "Good luck sayo, Marc! Binata ka na talaga!" reply ko at hindi na siya muling nagreply sa akin.
Napalingon naman ako kay Skye na bigla na lang umiwas ng tingin sa akin kaya sinunggaban ko siya ng kiliti na agad naman niyang dinipensahan at tumayo para makaiwas sa akin pero tumakbo siya at gayundin ay hinabol ko siya. Akala niya magpapatalo kami ah!
"Nagbabasa ka ng text ng may text!" sigaw ko sa kanya.
Pero dinilaan niya lang ako saka ko siya muling hinabol hanggat sa napagod kaming dalawa at nauwi naman sa batok ang bawi ko sa kanya. Hindi ko rin namalayan na nakayakap na pala siya sa akin kaya mabilis akong napaalis sa kanya at tumayo.
"Pupunta akong perya, sama ka?" tanong ko sa kanya.
"Tara!" pagsang-ayon naman nito kaagad sa akin.
Nagpaalam naman kami ni Skye kay Ate Roma na pupunta lang kami ng perya at huwag daw magpapagabi. Keri lang naman kaya umalis na kaming dalawa. Dahil sa inuunahan kong maglakad si Skye ay mabilis kaming nakarating sa perya na hindi naman gaano kadamihan pa ang tao pero kapag medyo kinagabihan na ay dadagsain na naman ito. Dapat pala si Cent na lang inaya ko kaysa sa mokong na 'to pero okay lang. Nilibre naman ako ni Skye sa ibang games at kaekekan ng peryaan.
"Hindi ka pa ba napapagod? Kanina pa tayo pabalik balik dito?" pag-iinaso ni Skye dahil kanina pa nga kami pabalik balik dito sa shooting game kung saan may laruang baril ka na papatamain sa mga bibe na mabibilis umandar then when you got them, may prize ka mula sa kanila pero kanina pa ako hard to get makakuha lang doon.
"Ako na nga!" agad inagaw sa akin ni Skye ang baril na hawak hawak ko at siya naman ang naglaro. Halos matawa tawa at iling iling na lang ako sa kanya dahil kahit siya hindi siya makatama sa mga bibe doon kaya iniwan ko na lang siya doon na pursigido rin manalo doon. "Hoy! Kaye! Hanggat hindi ako nananalo, hindi ako aalis dito." Aniya na concentrated talaga sa ginagawa niya.
Habang nagiikot ikot ako dito sa peryaan ay may isang rides na lang pala dito ang hindi ko nasasakyan. Ang mini ferris wheel nila. Gusto ko siyang ma-try pero ang awkward naman kung ako lang mag-isa diba? Kaya tinalikuran ko at naglibot libot na lang ulit. Nalilibang ang paningin ko sa mga taong masasaya, sa mga magsyotang kung maglambingan ginawang condo ang peryaan pero hayaan sila, buhay nila 'yun. Ang dami ring gwapo pero parang gwapo rin ang hanap nila, sayang.
Naupo naman ako sa tabi at sakto naman na may tumabi sa akin at ang kinagulat ko lang na makita ko si Kevin. Halos mahiya na naman ako sa kanya dahil parang nakuha na naman niya ulit ang puso ko na gusto nang ma-fall sa kanya at umaatras kay Cent pero bakit nga ba ako naiinlove sa kanya? Dahil sa sex appeal niya, sa gwapo niya?
"Ikaw lang mag-isa?" tanong nito sa akin.
I nodded, "Oo eh. Eh ikaw?" pabebe kong tanong sa kanya.
"You want me to took over you."
Napataas kilay naman ako sa sinabi niya at pasimpleng napangiti dahil kahit papaano kinikilig pa rin ako sa kanya. I had no commitments with others or kung sino mang tao kaya okay lang 'to dahil crush ko lang naman siya. Hayaan mo na si Skye, kaya niya na mag-isa.
"Saan tayo magsisimula?" tanong niya sa akin.
Nag-isip din naman ako kaagad at doon ko naman naalala ang mini ferris wheel kaya 'yun ang sinuggest ko sa kanya na puntahan namin na agad naman niyang sinang-ayunan kaya doon kami tumungo. Nagulat na lang din ako nang kunin niya ang kamay ko at isarado naman ito gamit ng kamay niya. Mainit ang kamay niya at sobra naman akong nahiya sa ginawa niya pero agad ko din itong inalis sa pagkakahawak niya sa akin. Hindi lang ako sanay katulad ng kay Cent na halos angkinin na ang kamay ko.
Aww. Namimis ko lang siguro ata 'yun.
Nang marating na namin ang mini ferris wheel ay nagulat kami dahil sa haba na nang pila nito at mabuti naman ay nakaabot kaming dalawa. Napansin ko naman ang tao na nasa harapan ko kaya sinuri ko naman kung sino siya pero hindi ko mafeature kung sino siya dahil nakatalikod sa amin at ang kasama naman niyang babae ay madaldal at hindi mapakali sa kanya at hawak hawak nito ang kamay. Holding hands sila... ang sweet pero ayaw nung lalaki.
Nang humarap sa amin ang lalaki ay nagulat ako. Halos manlaki ang mata ko. Hindi ko maigalaw ang ulo ko kahit siya ay nagulat din nang makita ako at nang malipat ang atensyon niya sa kamay ko na hindi ko namalayan ay hawak hawak na muli ni Kevin. Muling nabaling ang mata niya sa mata ko at masyadong maraming gustong iparating ang titig na 'yun at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
He smirked as if I know what he means up to.
"Babe, sino ba 'yang tinitignan mo?" napalingon naman ako sa babe na tumawag sa kanya at hindi ko naman magawang magreact dahil kaharap ko si Cent at katabi ko si Kevin.
"Nothing." Iling ni Cent saka sila pumasok sa loob ng gondalo for them.
Napatingin naman ako kay Kevin at inalis ang kamay ko sa kanya at kaming dalawa naman ang sumunod na sumakay sa loob ng gondola. Magkaharap ang pwesto namin pero sa bintana lang ako nakatingin. Iniiwasan ko ring tingnan sina Cent sa kabilang gondola.
"Alam kong sinasadya mo 'yun, Kevin." Tugon ko na lamang sa kanya saka ako humarap sa kanya.
He smirked, "He stole you away from me." Aniya.
Nanliit naman ang mata ko sa sinabi niya, "A-ano? Anong kinuha?" hindi ko siya maintindihan, makitid din ba ang utak niya?
"Siya ang ginawang representative for the prince na dapat sa akin 'yun." Sabi pa niya. Hindi ko na rin nagugustuhan ang timpla ng boses niya kaya pati ang mood ko ay nababago dahil sa kanya.
"Big deal na 'yun for you, Kevin?" sarscatic indeed.
He nodded, "Of course! Kaye, I like you very much so I get jealous. I know that you and Cent have something that may I have not." Pagpapaliwanag naman niya sa akin.
Kaya pala niya ginawa 'yun para pagselosin rin niya si Cent at mukhang nagtagumpay siya dahil sa akin naman nagalit si Cent.
"You win, Kevin. Nagawa mo ang gusto mo, napagselos mo si Cent pero Kevin. Inakala ko iba ka, na akala ko you have the type of a guy na makikita ko lang sayo na wala sa iba pero tama nga ako. Meron ka talaga na wala si Cent. Nagagawa mong manakit ng damdamin." Sumbat ko sa kanya.
"Tss." At nang sa maling pagtingin ko sa gondola nila Cent ay nagtama ang mga paningin namin pero ang hindi ko ginusto ang hindi pagpansin nito sa akin na parang wala lang. "Nevermind him, Kaye. I'm here." Aniya.
Ako naman ang ngumisi sa kanya, "Pwes! Kevin, I thought you have some this prince charming type but I crack that because you broke it. Block listed ka na as prince charming ko, Kevin. Bye." And the gondola stopped so I stepped out of it.
"Why so big deal with that?!" sigaw nito but I just rather to ignore him.
Nakasalubong ko naman si Skye na may hawak hawak nang color blue na teddy bear na hindi ko naman pinansin at hinabol si Cent pero mukhang hindi ko rin siya kayang lapitan dahil sa babaeng kasama niya. Hindi rin naman siguro ako nagkakamali ng akala diba, na 'yung babaeng kasama niya girlfriend niya? Tinawag siya nitong babe at wala naman akong nabalitaan na may girlfriend na siya.
"You ignored me." Usal ni Skye sa akin at inabot ang color blue na teddy at kinuha ko naman sa kanya.
"Mauna ka na, Skye. Susunod na lang ako." Tugon ko sa kanya at nagkibit balikat naman siya at nauna nang maglakad sa akin.
Habang tinatanaw tanaw ko pa si Cent hindi ko na rin napigilan at umalis na sa posisyong 'yun dahil hindi ko kinakaya ang nakikita ko. Yakap yakap ng babae si Cent and it made my heart broke. Hindi ko rin namalayan, nabitawan ko na rin pala ang teddy bear na bigay ni Skye.
I lose the teddy. I lose one auditionee. I lose my prince charming.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top