Chapter 18

Chapter 18

Anong pinaglalaban mo?

 

Napapapilit ngiti na lamang ako sa tuwing sasabihan nila ako na galingan ko daw sa gaganapin na contest for this yearly Campus Prince and Princess, I don't have any choice na mag-back out dahil pinili na ako at alam ko naman na walang ibang sasali sa mga kaklase ko. A lot of them is kj's.

            Nandito ako ngayon sa sala ng bahay namin, pinag-uusapan nila ate Roma at Mama 'yung mga kailangang preparations ko for this contest. Sila aligaga na aligaga pero ako ito, chill at mukhang walang gana talaga dahil sa nangyari between me and Cent. Ah, pero may nangyari nga ba? No, wala naman. Sadyang bugso lang talaga ng damdamin 'yun at parang sinaksak ka ng matatalim na kutsilyo dahil sa nakita mo. Masakit lang sa part ko dahil nagugustuhan ko na 'yung tao.

            Natututunan ko na siyang magustuhan.

            "Okay, Kaye..." I look at Mom at kinunutan lang ng noo. "So kailan ba ang laban niyo?"

            "By next, ah, next week." Sagot ko naman kay Mama.

            "Mabuti kung ganun! Mas magiging prepared din kami ni Ate Roma mo para sa mga gowns na gagamitin mo." Tuwang tuwa na sabi ni Mama na siya pa ang mas excited sa akin.

            Napabuntong hininga na lamang ako saka tumayo, "Ma, labas muna ako." Paalam ko sa kanila. Tinawag pa ako ni Mama pero hindi ako lumingon sa kanya kaya nagtuloy-tuloy lang ako palabas. Naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Skye at sasamahan daw niya ako kung saan man daw mapadpad ang paa ko.

            "So, ikaw pala ang representative niyo." Aniya. Tahimik lamang ako habang siya ay patuloy lang sa pagsasalita, "Goodluck sa representative niyo for Prince dahil makakalaban niya ako." Ngisi pa nito sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya dahil hindi ko naman akalain na mapipili siya for their representative.

            But I just smiled, "Goodluck din sayo."

            "So walang goodluck kiss, ganun?" pag-iinaso niya sa akin. Binatukan ko naman siya at nauna akong maglakad at hinabol naman niya ako. Natungo namin ang mini stop mula sa labas ng subdivision namin.

            Inaya naman ako ni Skye na inilibre sa mini stop kaya sumang-ayon naman ako sa kanya at nag-stay naman kami sa loob habang kinakain ang binili namin. Napapaiwas na lang ako ng tingin sa tuwing mararamdaman kong nakatitig sa akin si Skye, nakakailang kasi dahil hindi mo ine-expect na 'yung kababata mo ay ngayon nakikipag kumpitensya for me, para maging alam mo na.

            "Wala ka sa mood, Kaye." Aniya.

            I shook my head, "Hindi naman."

            "Weh? Kanina ka pa kasi walang imik eh. Daldal ako ng daldal tapos tango at ngiti ka lang ng ngiti. May problema ba? Let me know so I could help." Aniya.

            Bumuntong hininga naman ako at umayos ng pagkakaupo. "Wag mo na kasi alamin!"

            Saka niya kinurot ang pisngi ko. Pinalo ko naman siya at agad naman niya itong inalis. "'Yung seryoso Kaye, ano 'yun?"

            Umiwas na ako ng tingin sa kanya at nang matanaw ko sa labas ng mini stop ang isang lalaki na binubogbog. Natuon ang atensyon ko sa kanya dahil mukhang pinagtutulungan siya. At nang halos titigan ko pa ang lalaking binubogbog at nang mapunta sa direksyon ko ang mukha nito ay doon ko lang nakilala kung sino siya. Nagdudugo ang kanyang gilid ng labi at may pasa ang bandang pisngi niya.

            Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko.

            "Kaye! Saan ka pupunta?!" sigaw ni Skye habang ako ay palabas ng mini stop at nang makita ko na lamang ay tumatakbo na palayo si Cent mula sa mga nangbubugbog sa kanya. Nakaramdam ako ng biglang pagkaba dahil sa bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ito love kundi kinakabahan ako sa mangyayari sa kanya. Gusto ko sana siyang sundan pero mukhang nakalayo na siya.

            "Sino ba 'yun?" tanong ni Skye na naguguluhan na rin sa akin.

            Naisip ko rin naman agad. Ano nga bang ginagawa ko at nag-alala ako ng sobra sa kanya. Baliwala na naman dapat siya sa akin diba pero hindi ko pa rin maiwasan lalo na't nagsisimula nang lumakas ang tibok nito sa kanya.

            "Si Vincent 'yun." Ani ko na narinig pala ni Skye.

            "Ooh! Ang rival ko rin pala! Pero nuxx! Magwawagi na ata ako sa kanya, mawawala na ang mukha niya." tatawa tawa niya pang sabi.

            I glared at him at siya naman ay napaiwas ng tingin at sumisipol sipol pa at dali daling pumasok sa loob ng mini stop.

            Ano kayang nangyari kay Cent bakit siya hinahabol ng mga lalaking 'yun at naawa talaga ako sa kanya na makita kong bugbog sarado siya. Naku! Lagot siya niyan, may contest pa kaming sasalihan pero hindi na ako nagdalawang isip pa, sinimulan ko nang maglakad at sinundan ang tinakbuhan ni Cent.

            Tinawag pa ako ni Skye pero mabilis akong nakalayo sa kanya. Sorry Skye, mas priority ko si Cent.

            Nililibot ko ang paningin ko, hanap there, hanap here pero walang bakas ni Cent akong makita. Sobrang nagaalala na ako sa kanya at dahil nakakailang minuto ako sa paghahanap ay mukhang susuko na ako dahil hindi ko rin naman alam kung saan siya hahanapin at nagsisimula na namang umulan kaya nagpatila lang ako.

            "Sh*t." may narinig naman akong boses na nagpapintig sa tenga ko kaya inaligid ko ang paligid ko at pinakiramdaman at nang linngunin ko ang nasa paligid ko ay nakita ko ang kaawang awa na si Cent. Agad naman akong napalapit sa kanya.

            "Anong nangyari sayo?" pag-aalala ko sa kanya. "May dugo ka! Ano bang ginawa mo? Masakit ba? Naku naman! May contest pa tayo, wag mong kakalimutan! Ano bang nangyari sayo?" halos sa pagtataranta ko ay napatingin ako sa kanya na nakangisi. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

            "So you care for me?" aniya.

            "S-syempre naman!" tugon ko na lamang sa kanya.

            Mayamaya lang ay may tinuro siya, sa labi niya. "It hurts. Could you touch it." Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi niya kaya napatitig na lang ako at doon ko lang narealize at binitawan siya at tumayo pero sa taranta ko ay napatid pa ako at sa muling pagkakataon sa hindi sinasadyang pangyayari ay muling naglapat ang labi namin na agad ko naman siyang tinulak.

            "I'm good now, thanks." Hindi ko naman napigilan na hindi kiligin na dapat ay nangingibabaw ang inis ko sa kanya pero wala eh, masyado akong marupok kaya kahit anong gawin ko bibigay at bibigay talaga ako sa kanya.

            "Ano bang nangyari sayo?" pagtatanong ko naman sa kanya habang pinupunasan ang labi ko. Nakakailang beses na nangyari 'to at sana hindi na maulit... kung mauulit, sana 'yung tulog ako.

            "Natamaan kasi sila ng bato na binato ko, and I didn't even know na tatamaan sila n'un." Aniya. Napatango na lang din naman ako sa kanya saka siya binigyan ng batok.

            "Adik ka rin kasi! Bakit ka nagbabato?"

            "I thought you're mad at me." Sa sinabi niya at natahimik ako. Umiwas ng tingin at halos kaliwang dibdib ko na lamang ang mabilis na gumagalaw sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot dahil hindi ko rin alam kung tama ba talaga 'yung naging mood ko nun. Hindi naman kasi talaga ako galit, nagselos lang ako. "And I have a mistake, please take my sorry."

            "No! Don't sorry, wala ka namang kasalanan eh."

            "So, you have?"

            Face palm. Huminga naman ako nang malalim, "Oo meron pero hindi ko sasabihin. Tara na nga!" hinila ko siya patayo. "Gamutin natin niyang sugat mo."

            Pero sa pagtayo niya ay sumadsad siya sa akin at nagdikit kaming dalawa at halos ilang inches na lang ang pagitan ng mukha namin. Nakatitig lang ako sa mata niya at nawala lang 'yun ng ngumisi siya. Bakit ba ibang klase 'tong si Cent?

            Inakay ko naman siya na sumakay ng cab patungo sa sa bahay nila, iika-ika ng siya pero mabuti na lang talaga kasama niya ako kundi lagot siya.

            "Nga pala, nahabol ka ba ng mga lalaking 'yun kanina?" tanong ko sa kanya habang papasok na kami sa loob ng bahay nila.

            "Hindi, nagtago ako. Mabuti nga nakatakas ako." Sabi niya.

            "Mabuti talaga!"

            Binuksan naman niya ang pinto at pumasok kaming dalawa na akay akay ko pa rin siya. At halos magulat ako nang biglang bumungad sa amin ang Mommy ni Cent at nabitawan ko naman siya dahil sa gulat.

            "You break my leg." Inaso niya habang inaakay ko siya patayo.

            "Oh! What happen to you Joseph!" pag-aalala ng nanay niya. Nilapitan naman ito ng nanay niya at hinawakan pa sa magkabilang pisngi at hinalik-halikan. Hindi ko naman  napigilan na hindi matawa. Napalingon naman sa akin ang Mommy niya. "Thank you, Kerryl."

            "Ka—" at nakaramdam ako ng apak sa paa ko. Oo nga pala, ang pagpapakilala sa akin ni Cent sa mama niya ay Kerryl Langot. Gandang pangalan 'no? Ang ganda ganda ko tapos katunog lang ng kulangot ang ipapangalan sa akin. Hmmp, hayaan na nga! Sa mama niya lang naman 'yun screen name na 'yun.

            "Ma, excuse us. Gagamutin pa ako ng girlfriend ko." sabi ni Cent sa mama niya.

            Nagkaroon naman ng malapad ng ngiti ang nanay niya, "Go! Go! Kerryl, take care of your boyfriend."

            Ngumiti saka tumango na lang ako sa nanay niya at inalalayan ko siyang mapunta sa kwarto niya. Hindi rin talaga ako makatsempo sa kanilang dalawa eh, pinandigan talaga ang girlfriend niya ako sa mama niya. Napailing iling na langa ko sa kanya pero atleast second time around ko na dito sa bahay ni Cent.

            Nang makapasok naman kami sa kwarto niya ay pinaupo ko siya sa kama at ako naman ay kinuha ang first aid kit nila na tinuro naman niya kung saan nakalagay.

            Kumuha naman ako ng balde at tubig at bimpo at pinahid ito sa mga namuong dugo sa labi ni Cent.

            "Sa susunod kasi mag-iingat na." saka ko diniinan ang sa pisngi niya.

            "Ouch! It hurts, princess." Binitawan ko naman ang bimpo at siya na lang ang pinaghawak ko noon at inasikaso ko naman siya. Tahimik lang kami at ako naman ay hindi halos makagalaw dahil siya titig na titig sa akin 'yung tipong hindi na niya inaalis ang mata niya sa akin. Hindi naman ako mapakali, sino ba naman kasing hindi isang gwapong lalaki ang ginagamot mo.

            Nang matapos na ako ay tumayo na ako, "Okay na 'yan."

            But he just get my hand, "Wait—let me talk to you." Sabi niya. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko ay lumapit naman ako sa kanya.

            "Ano naman 'yun?"

            "Please I beg you, let me be your prince. Not knight in shining armor or else, but please... let me."

            I finally can smile and looking at him straight. "Cent, you can."

            Then he just stood and hugged me. I felt freeze, halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko sa biglaang pagyakap niya sa akin. Sana lang hindi niya marinig kung paano kabilis tumibok ang puso ko.

            Umalis naman siya sa pagkakayakap sa akin. Malawak na ang kanyang mga ngiti at akala mo ay walang nangyari sa kanya kani-kanina. "We will get the title Prince and Princess, right?"

            I nodded, "Yes! And I'm sure, if that happens... were... uh!" teka ano ano na ba pinagsasabi ko? "Wala wala!" saka niya muli ako niyakap.

            Nakakahiya na tuloy sa kanya, ramdam na ramdam ko kasi ang pag-init ng mukha ko at gusto ko na lang itago sa kanya dahil nakakahiya talaga.

            Nagpaalam na rin naman ako nang makatulog na siya dahil sa sobrang pagod niya. Iba pala ang pakiramdam na ang prince charming ang natutulog at gigisingin ng halik. Napatitig na lang ako sa mukha niya at hindi ko masasabing hindi siya perfect dahil parang lahat na ata ay nasa kanya na.

            Muli na lang akong nakabalik sa sarili ko na maramdam kong nilapat ko ang labi ko sa kanya. Agad naman akong napatayo at lumabas ng kwarto niya. Kinakabahan ako na ewan, iba talaga ang feeling na 'to.

            Nang bumaba na ako ay nakasalubong ko si Tita... hihi! Syemre, close na kami ngayon!

            "Uuwi ka na Kerryl?" tanong niya sa akin.   

            Tumango ako, "Opo tita!" ngiti ko.

            Mayamaya lang din ay hinawakan nito ang dalawa kong kamay at niyakap ako. "Please take care of Joseph, ikaw lang ang dinala niyang babae dito sa bahay sa matagal na panahon."

            "B-bakit po?" tanong ko.

            "Mahabang kwento pero sa maikling salita, may tao siyang hinihintay simula ng pagkabata niya." Hinawakan naman ako nito sa magkabilang balikat ko. "May tiwala naman ako sayo, Kerryl."

            Anong meron sa past ni Cent na hindi ko alam? Nacurious tuloy ako bigla at gusto kong alamin 'yun. Cent, why you do this to me! Sana hindi ako maging obsess.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top