Chapter 15
Chapter 15
Level Up
Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa utak at isipan ko kung paano sinabi ni Vincent 'yun sa akin. I never imagined how he could care for me like that, he never make his princess get sick and he's reffering whom? Me? Napakalaking kalakohan naman kasi diba, si Cent mag-aalala sa akin mukhang never pero bakit kanina ng sabihin niya 'yun, tila natigil ang mundo at parang hindi agad nag-sink in sa akin lahat ng sinabi niya. Nakakapanibago kasi, ngayon ko lang narinig 'yun mula sa isang lalaki.
Nagpagulong-gulong na ako sa kama ko, tumapat sa aircon, magtatalon-talon pero hindi effective dahil hindi pa rin siya naaalis sa akin. Para rin akong pinagpapawisan na ewan dahil lang sa kanya, anong ginawa mo sa akin Cent? Huhuhu! Love na nga ba talaga ang tawag dito o masyadong lang akong nag-iilusyon?
Natigil lang ako sa pagpapaypay ko sa sarili ko kahit malamig na ang paligid dahil sa aircon nang may kumatok sa pintuan. "Are you still up, Kaye?" and it was Skye. Sinigaw ko naman na bukas ang pinto at dahan dahan niyang tinulak ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ko. Baka sa labi nito ang mga ngiti at doon naman ako naweird-uhan.
"Makangiti lang, Skye?" ani ko.
Tumabi naman siya sa kama ko pero agad naman akong sinamaan ng tingin nito. Ang weird niya nga. "Bakit hindi mo ako hinintay kaninang uwian?" diretsyo nitong tanong sa akin. Well, kung alam mo lang Skye ang nangyari.
"Kailangan ba dapat?" tanong ko pa.
"Naman!" aniya na tumaas ang boses. "Paano na lang kaya kung may nangyari sayo pag-uwi mo? Ako pa sisihin ng Mommy mo tapo—" pinatigil ko siya sa pagsasalita na paglapat ko ng daliri ko sa bibig niya. Minsan rin talaga hindi natitigil ang bunganga nito.
"Skye, I'm with someone earlier."
Nanlaki naman ang mata niya at halos maglaglag ang panga dahil sa sinabi ko. Tinapik ko naman siya sa balikat niya at sinarado ang nakabukas na bibig. Bahagya rin naman akong natawa sa kanya. "Sino 'yan ha? Anong ginawa niya sayo?"
Napa-eh na lamang ako sa naging reaction niya sa akin. "Overacted, Skye. Niyaya lang naman ako no'ng tao sa peryaan at pumayag naman ako at dapat wala ka naman ipagalala dahil siya ang nagboluntaryong ihatid ako pauwi." Ngiti ko pa sa kanya.
"Mabuti." Aniya. "Ano?!" sabi ko na nga ba, magugulat siya, late reaction nga lang. "Sino 'yan Kaye ha! Nililigawan ka ba niyan?" kung hindi oa, kung maka-react lang akala mo ay pagmamay-ari niya ako. Minsan talaga, kailangan mong tiisin na lang ang pagiging oa niya.
"He's Vincent, Skye." Ngiti ko pa, "And maybe he's one of your rival." Ngisi ko pa sa kanya.
Pero naging oa na naman si Skye sa sinabi ko kaya napatayo siya sa kinauupuan niya at halatang nagulat talaga siya. "What? So it means, I have three rivals to make it with you."
"A-huh! And one more thing, be the best man win to my heart, Skye." Alam ko hindi siya magpapatalo kasi alam niya simula bata pa lang kami ay kahit papaano ay may alam na siya sa mga gusto ko and such kaya meydo wagi na siya doon at talo ang iba, "At oo nga pala, he's the one who's stealing your princess."
Napa-iling iling na lang siya sa mga sinasabi ko na dini-descourage ko para sa kagustuhan niya. Well, hindi ko naman sinasabi na hindi ko gusto si Skye but yeah, there's a part of me na kababata ko siya eh. Oo kung sasabihin ng iba, bestfriends turns to lover and what if kung mas maganda kung mag-stay na lang forever between friendship pero ang ika nga nila, walang forever. Leche sila.
Lumapit na si Skye sa pinto at dahan dahang sinara, sinilip niya ang ulo niya. "Well, goodnight princess. Wait for me tomorrow, I want to take you solo." Then he slam the door.
Napahiga na lang ako sa kama ko. nakakapagod na araw pero alam ko naman na worth it 'yung pagod ko dahil nakasama ko si Cent, parang binabawi ko na rin 'yung ex-prince charming ko na tawag ko sa kanya kasi ngayon I want to take him as my prince charming again. Pero paano naman sina Renzo at Kevin at uh, si Skye. I assured naman na there's a time na magkakaintindihan lahat ng sitwasyon, kung kanino nga ba talaga nakatadhana ang happy ending ko.
Si Cent nga ba? Si Renzo ba? O ang kababata kong si Skye or this gentleman and handsome Kevin? Dunno what to do, kung ganito lagi ang umaga't gabi ko na laging ginugulo ng mga auditioners ko for prince charming, hindi na ako magi-score sheet! Pipili na talaga ako kung ganun.
I smiled. Princess? Ngayon ko lang narinig tawagin 'yun sa akin.
And uh, what will I do with these Jiggly Girls? Tatanggapin ko ba ulit ang offer nila na bumalik sa grupo nila, alam kong namiss lang nila ako kaya ganun.
~~ENDLESSLY~~
"Kaye! Dalian mo naman please?!" utal ni Skye na kanina pa katok ng katok sa pinto. Hindi ba siya makapaghintay at araw araw naman kaming ganito eh. Syempre I always do the girl thing mode on, na syempre kailangan maging mas maganda sa harap ng mga tao at kanina pa rin kasi ako nakaharap sa salamin and I'm thinking about to choose accept them or rather to ignore them. Mahirap kasi naging kaibigan ko rin sila for about years.
"Coming!" sigaw ko nang matapos akong mag-ayos at hinablot na ang bag sa tabi ng pinto at binuksan ito.
Halos mahinto naman ako sa paglalakad ko na bumulaga sa akin si Skye na naka-shades na alam ko namang nagpapapogi lang. Natawa ako at binatukan siya, tuluyan rin kaming bumaba ng hagdan. Tumuloy sa kusina para mag-almusal at sandal ay nagpaalam lang kami upang pumasok.
"Gwapo ba?" anito na sobrang proud sa sarili niya.
I rolled my eyes, "Kung ako tatanungin?" nagkibit balikat naman ako sa kanya, "Sakto lang. Nothing to worry, Skye." Ngiti ko sa kanya at tinapik ko siya.
Nang marating na namin ang school ay nagpauna na ako sa kanya at siya rin naman ay tumungo na sa kanyang school ang basta daw ay hihintayin ko siya mamayang uwian. Ako pa pinaghintay eh 'no. Habang patungo ako sa room ko ay sinalubong na ako ng Jiggly Girls na pinangungunahan ni Leah kasunod nito sina Beverly, Jean at Ershely. At ang nakakapanibago lang ay hindi nakataas ang kanilang mga kilay sa akin at hindi ako minamata. Nakangiti sila na parang anghel, o siguro'y nagaanghel-anghelan lang.
"Good morning, Kaye!" bati nito sa akin saka niya ako niyakap. Bineso pa ako nito sa magkabilang pisngi ko. Nakakapanibago talaga dahil muli ko ulit ito naramdaman mula sa kanila, ang pagiging magkaibigan namin.
"Good morning din Ka—" yayakapin din sana ako ni Jean with matching flickering of eyes pa niya ay hinarangan siya ng siko ni Leah. Natawa naman kaming lahat sa naging reaksyon niya at bumalik din naman kaagad sa seryoso ang aming usapan.
Mata sa mata ang tingin para walang bahid ng kasinungalingan.
"Nakapagisip isip ka na ba?" tanong nito sa akin.
Napakagat labi naman ako dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang isasagot ko. Napatingin naman ako sa tatlo nitong kasama at pinupurisigi nila ako na muli akong isama. Bumuntong hininga naman ako sa kanila sabay ang mahinhin kong ngiti.
Tumango ako.
"Yes?!" hindi makapaniwalang tanong niya sa kain.
Muli akong tumango, "Oo pero sa isang kondisyon!" sabi ko at silang apat naman ay nagtinginan at sabay sabay na kumunot ang noo. "Magkita tayong lahat sa dati nating kitaan at kapag dumating ako doon, sure na talaga na babalik ako sa grupo natin." Ngiti ko pa.
Nagbago naman ang expression ng mukha ni Leah, "But you just said yes."
I nodded, "Yes and I have a condition." Dagdag ko pa.
"Okay," tiningnan ako nito ulo hanggang paa at binalik sa mukha ko. "And if then, see you... Kaye." Ngisi pa nito at nagsialisan naman silang apat at halos magpigil naman ako ng tawa dahil natapilok si Ershely sa kanyang suot na heels. Napaka naman kasi, school tapos heels? Ipa-student council na 'yan! Di biro lang.
Pero pupunta kaya ako sa meeting place namin which is lagi naming tambayan?
Sa Canteen lang namana ng tambayan namin pero 'yun nga kinakabahan pa rin ako sa kung anong magiging kalabasan. Pero hayaan na kung saan man ako dalhin ng paa ko, kung makalimutan ko man 'yun edi okay! Atleast naging mabait ulit sila sa kain kahit papaano.
Nang tumalikod na ako at tumungo sa room ay nakasalubong ko si Renzo na tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Halos mabato ako at mapatingin na lang sa mukha niya, bakit ang gwapo niya? Hindi man siya kalakasan ang dating nila Kevin at Cent pero bakit namumutawi pa rin ang kagwapuhan niya lalo na ang kanyang mapupungay na mga mata, sabi ko nga kamukha niya si Alexader Dreymon! Wapak na wapak!
"Good to see you again, Kaye." Huhuhu! Naiiyak ako sa manly na boses niya, ang sarap pakinggan lalo na siguro kapag kumakanta siya. I want him. Bakit ba kasi hindi ako makakita ng isang lalaki na nasa kanya na ang lahat na mala-Daniel Padilla ang datingan?
"H-hi, Renzo bebe." Namula naman ako sa inutal ko sa kanya. Alam mo ba ang tigas ng dibdib niya, siguro naggi-gym siya kaya ganun.
Natawa naman siya sa akin, "I gotta go, see you around." Paalam nito sa akin at ako naman ay tumungo na rin sa room ko.
Mabuti rin at hindi ako naabutan ni Ma'am Amandy kaya tumungo na ako sa upuan ko. Binati rin naman ako ni Marc na ngayon ay busy sa kanyang ginagawa at nang lapitan ko at tanungin ko kung anong pinagkakaabalahan niya. Bigla naman niya itong tinago sa akin at saka ngumiti ng malapad.
"Ano 'yan Marc?" pagpupumilit ko sa kanya.
Umiling siya, "No, nothing." Hagikgik pa nito sa akin. Napanguso naman ako sa kanya dahil ayaw niyang ipaalam sa akin kung ano 'yun. "Sige na nga," atlast, he gave up. Pinakita naman niya sa akin ang isang letter at nang inamoy ko ito ay mabango, scented paper ata ang gamit niya.
"Para kanino naman 'to? Luma-love letter ka, Marc ah!" pangungutya ko pa sa kanya.
"Because I just have no guts to say what I've truly feel for her." Aniya. Napatango naman ako sa sinabi niya, torpe pala ang problema ng isang 'to.
"Sino ba kasi 'yan?"
He shook again his head, "Dibale na, sana nga tanggapin niya 'to." Saka nagkaroon ng malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Bumalik rin naman ako sa kinauupuan ko nang dumating na rin si Maam Amandy. Ilang oras ang nalipas pero walang dumadating na Vincent sa upuan niya, nasa harapan ko pa man din siya pero walang nakaupo.
"Ano kayang nangyari dun?" tanong ko sa sarili ko.
"Nagkasakit daw." Bigla naman akong napalingon sa katabi ko at kunot noo naman niya akong tinanguan.
"Kanino mo naman nalaman?"
"Alam mo naman, mabilis ako makasagap ng chismis." Tawa pa nito.
Napangiwi na lang ako sa kanya at bumalik sa tuon sa pagtuturo ni Maam Amandy. Napangalumbaba naman ako, bakit kaya nagkasakit 'yun? Siguro dahil nabasa siya ulan kagabi? Hindi naman siguro 'no?
Wait! Nagca-care ba ako? Oh no! Love is it you?
~Leah's POV
"Girls! Padating na ba siya?" tanong ko naman sa tatlong alipores kong uto-uto na kanina pang nagmamatiyag kay Kaye kung dumating na ba pero wala pa rin. I even texted her na pumunta siya dito pero mukhang hindi naman niya nari-receive at nung tinawagan ko naman siya ay naging unattended naman ang phone niya.
"Hindi kaya inuuto niya lang tayo?" tanong ni Beverly sa amin.
Umiling naman ako, "No, she mean what she said." Sabi ko pa sa kanila.
Alam ko naman na hindi siya tatanggi dahil kami ang naging unang kaibigan niya dito kaya alam kong babalik at babalik din siya sa amin. Well, kaya lang naman gusto ko siyang maibalik sa grupo kasi I have a plan n asana mag work out para mas lalong mapalapit ako kay King Vincent namin.
"Gosh!" halos mapatingin kami kay Jean dahil sa reaksyon nito pero nakita niya lang pala ang crush niya.
Nakakailang oras na rin kami dito sa canteen at dito naman ang sinabi niya na magkikita kami dahil ito ang tambayan namin. Napabuntong hininga na lang ako at nanggigil sa galit at inis. Humanda ka sa akin, Kaye for making us fool once again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top