Chapter 14

Chapter 14

What is the meaning of this?

 

As I soon as to got our meeting place of Cent he waved as he see me. Naku! Parang hindi naman kami nagkita at kumaway pa. Mabilis akong naglakad patungo sa kanya. Ewan ko ba kung anong balak nitong unggoy na 'to at sasamahan ko siya ngayon. Ang bilis ko rin naman kasi um-oo kapag sinabing libre, nakakahiya naman sa kanya kung tumanggi pa ako diba? May atraso pa naman ako sa kanya, ayoko ng magdagdagan pa 'yun.

            "Ang tagal mo naman." Inaso nito sa akin. Napa-chin up naman ako bigla sa kanya at kunyari mataray ako ngayon.

            "Mabuti nga sinamahan ka." Pagtataray ko pa sa kanya. Minsan lang mangyari 'to kaya sana pagbigyan niyo na ako dito. Ngumisi lang siya sa akin at maya maya lang naramdaman kong bigla siyang umakbay sa akin at ako naman ay parang ninja na umalis sa pagkakaakbay niya. "Rule number 1! Don't ever akbay akbay on me!"

            Napataas kilay naman siya sa sinabi ko, nagulat ako kasi parang may static na kung anong nagdikit ang balat namin. Somethings weird diba.

            "So?" tipid nitong sagot sa akin.

            "Basta," crossed arms ko pa sa kanya. "Di bale! Saan na tayo ngayon?" excited kong tanong sa kanya. First time niya kasi akong yayain ng hindi sa pilitin eh, mas naa-appreciate ko 'yung ganito siya dahil mas malakas ang dating niya sa akin kung magiging gentle lang siya sa akin. Ayoko ng hindi ano, lagi akong kawawa kung ano.

            He smirked before answered me, "Somewhere..." he just said and I just nod. Apparently, he get my hand and we just got holding hands. Hindi na lang ako nakapagreact sa ginawa niya sa akin dahil nagulat ako doon, napatitig na lang ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Malambot ang kamay niya at hindi rough katulad ng iba, ang smooth lang. Ang perfect lang dahil parang binagay talaga ang mga kamay namin sa isa't isa.

            Naglakad na si Cent kaya sumunod na lang ako sa kanya na hawak hawak niya pa rin ang kamay ko.

            Nakakahiya rin tuloy sa mga taong nakakakita sa paligid lalo na ang mga classmates ko, alam mo naman kasi pag may nakita silang ganito diba. Chismis ang abot nito at ang mga bibig nilang hindi matahimik kung ano ano nang nadala ng chismis nila sa ibang tao kaya nagkakaroon ng gulo. I wonder why Cent did this.

            Hindi ko alam pero napapatitig na lang ako sa kanya, hanggang sa lilingon siya sa akin at ako naman ang may pagkakataon na umiwas. Bakit ba mas ngayon ko lang na-realize na gwapo pala talaga siya, they have the same comparison with Kevin but its just, Cent has it all.

            "Saan ba kasi tayo magpupunta?" tanong ko sa kanya.

            Mag-gagabi na rin naman kasi at parang may pagbadya ng ulan dahil sa may kulog kulog at madilim na kalangitan. "Hindi kaya umulan?" tanong ko sa kanya.

            "Hindi 'yan, it will ruined my night." Aniya na tinanguan ko na lang muli. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay na parang pagmamay-ari na niya. Naalala ko rin bigla si Xamantha dahil nga pala may gusto siya Cent, mamaya ay baka biga na lang akong sugurin n'on dahil sa nalaman o nakita niyang magkahawak kamay kami ni Cent. Ano na lang kaya magiging palusot ko sa kanya kung ganun?

            "We're just friend nothing more." Usal ko na hindi ko inaasahan ay narinig pala ni Cent ang sinabi. Ngumisi siya sa akin at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ang weird ng feeling ko ngayon na hindi ko talaga maintindihan dahil ba sa hawak niya ang kamay ko, na parang hawak na rin niya ang puso ko! Lintek! Hindi pwede! Sabihan pa akong mang-aagaw.

            "Really Kaye? Good to hear that." Ngiti nitong sabi sa akin. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya dahil bigla bigla na lang niyang nasabi 'yun. Ewan ko ba sa lalaking 'to kung anong nakain ngayong araw. Nagkaroon ata ng magic dahil hindi niya ako sinungitan at inasar asar na aso, first time 'yun dahil minsan umaabot pa kami sa gyera kung ganun.

            At sa paglalakad namin ay nakarating kami sa peryaan which when I dumb him.

            "Anong gagawin natin dito?" pag-aalala kong tanong sa kanya. Parang may masama akong nararamdam dito na ikapapahamak ko dahil sa nangyari sa amin noon. Bigla rin akong napakalakas sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko maintindihan, bakit niya ako dinala dito?

            Alam niyo ba, nagsisi rin ako no'ng nagawa ko 'yon sa kanya dahil pagkatapos kong magawa 'yun sa kanya when I left the peryaan nakita ko lang siya sa tabi ng daan na parang problemado tapos nakadagdag pa ako sa kanya. I hate myself that day, which I ruined the night of my prince charming.

            "Ano bang ginagawa sa perya? Magsasaya diba?" sabi niya sa akin na parang wala siyang naalala doon sa nangyari sa amin. Maraming nakakita kaya sa amin n'on at sobrang kahiya hiya 'yun para sa part ko dahil sinampal ko siya but he just too jerk. Pag-initan din daw ba kasi ako, and noon napag-isip isip ko na fair lang naman pala kami.

            "Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko sa kanya. Magkatitig kaming dalawa ngayon, but his smiles fade and he look away. Nilagay pa nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa saka muling tumingin sa akin, napalunok na lang ako dahil parang seducing look ag dating noon sa akin.

            "I'll make you happy." He smirked then he hands over my shoulder and almost we've like a couple. Napayuko naman ako sa ginawa niya sa akin dahil nagagawa niya 'yun, oo nga pala lalaki siya. Kaya niyang gawin ang lahat ng pang-aangkit. Haha!

            Pumasok na kami sa peryaa, naka-akbay pa rin siya sa akin habang ang ibang couples ay pinagtitinginan kami, hindi naman siguro dahil sa students kami dahil suot suot pa namin ang uniform namin. Siguro ay mas nahumaling sila sa kakisigan ni Cent. Oo na aamin na akong gwapo naman talaga siya dahil first meeting ko palang sa kanya, tinawag ko na siyang prince charming at halos malaglag pa lahat ng mga gamit ko ng muli ko siyang makita. Siguro nga destiny.

            Pero paano talaga si Xamantha? Sabihin niya pang nagsusulot ako porket kasi umamin na siya pero nauna naman ako diba?

            "Hey! Dog, come here!" halos mapatingin naman ako sa tawag niya sa akin at mapasapo sa ulo ko dahil akala ko hindi niya ako tatawaging ganun pero nagkamali pala ako. But then again, lumapit parin ako sa kanya.

            " Ano ba 'yun?" I pouted.

            He smirked, "Tss, stop pouted you look like ah..." I rolled my eyes dahil nag-isip pa ng maiaasar sa akin. "Pig." Simple niyang tugon sa akin.

            Bigla naman sumama ang tingin ko sa kanya at sasabunutan sana siya pero ang bilis umiwas at umilag. Kainis! Hindi tuloy ako makaganti sa kanya, ayoko kasi ng asaran mas lalo kasi akong talo sa kanya.

            "Ay tingnan mo sila oh! Ang cute!"

            "Oo nga! Perfect sila!"

            Halos mapatigil naman kaming dalawa ni Cent ng marinig 'yung mga babae chismosa na nakakita sa amin. Perfect daw?! Sabay kaming nagtawanan ni Cent dahil sa mga kababawang sinabi ng mga 'yun, were not even couple at hindi na siguro mangyayari 'yun at sa huli ay nagkaroon din kami ng katahimikan na tilang may dumaang anghel sa paligid.

            Pero nang matahimik siya, doon ko siya sinabunutan! Sa wakas!

            "You!" utal niya habang inaayos ang nagulong buhok. Naku talaga! Ang aarte talaga ng mga lalaki pagdating sa kanilang mag buhok, eh kaming kapag hinahangin ng malakas paulit ulit na binababa dahil nililipad keri lang! Pero sila, konting galaw lang, ayos kaagad ng buhok. Leche!

            "Ano nang gagawin natin?" tanong ko sa kanya.

            "You sing?" tanong nito sa akin.

            Napaturo naman ako sa sarili ko. Ako?! Hahaha! "Oo naman!" self-proclaimed kahit na hanggang lupang hinirang lang ang kayak o at pumipiyok pa ako. Atleast kahit papaano pinagpala naman... sa kagandahan.

            Hinigit naman niya ang kamay ko at nagtatakbo kami. Para tuloy ang feeling ko ay para kaming umiiwas sa mga tao at gustong kumawala sa magulong kapaligiran and I want to have that feeling kahit na one second lang.

            Nahinto naman kaming dalawa ngayon sa isang karaoke bar which is by room naman at soundproof kaya hindi naririnig sa labas. Agad siyang pumasok sa loob pero ako tiningnan ko lang siya at nagkibit balikat pero binalikan niya ako at pumasok na kaming dalawa sa loob. Naupo naman ako sa upuan at saka niya inabot sa akin ang song book—kung saan pipili ka ng mga kantang kakantahin.

            "Kaya mo ba ako dinala dito kasi papakantahin mo lang ako?" taka kong tanong sa kanya.

            Malalaman mo talaga sa mga ngiti ni Vincent kung anong balak niya. Ang hiwaga pero mapanlokong ngiti ang datingan niya.

            "I want to hear you sing." Tugon niya lamang sa akin.

            Hinawi ko naman ang buhok na nilipad sa bibig ko, "Seryoso ka ba talaga diyan?" I asked then he just nodded to me. Ano ba 'tong si Cent, gusto pa akong marinig na kumanta. Dapat sa cellphone na lang para hindi masyadong awkward ang datingan.

            Pero nandito na kami eh, wala akong magagawa. Mapilit ang isang 'to.

            "Go, pick one." Utos niya.

            Nagkaroon naman ako ng idea kaya napangiti ako ng malapad, "Basta kakanta ka rin."

            "No way!" agad nitong sagot.

            "Edi hindi na rin ako kakanta." Ngiti ko pa.

            Napabagsak balikat naman siya sa sinabi ko, "Ugh! Okay, fine. Now pick."

            Mabilis naman akong namili ng aking kakantahin. Nang mapili ko agad ay nagpipindot na ako doon daka ito nagplay. Inabot sa akin ni Cent ang microphone. Natutuwa lang din ako sa sarili ko, akala mo magaling talaga, maganda lang talaga ako.

'Walkin' through a crowd, the village is a glow
Kaleidoscope of a loud, hide beats under coats
Everybody here wanted somethin' more
Searchin' for a sound we hadn't heard before
And it said.'

Ang sabi daw niya kasi ay kumanta ako at feel ne feel ko naman! Napapatingin ako sa kanya at iba ang tingin niya sa akin na parang naguguluhan. Che siya! Basta ako, kumakanta ako!

'Welcome to New York
It's been waitin' for you
Welcome to New York, welcome to New York
Welcome to New York
It's been waitin' for you
Welcome to New York, welcome to New York

It's a new soundtrack I could dance to this beat, beat forevermore.'

            Then Vincent just stole the microphone on my hand, I pouted like a baby! Ang ganda na ng kanta ko eh saka niya aagawin ang mic. Napa-crossed arms naman ako sa kanya at bumalik sa kinauupuan ko.

            "Hey, better to chose lovely  songs."

            "Eh?" hindi ko maintidihan kung bakit niya binaggit 'yun at 'yun pa ang gusto niya. napakibit balikat naman ako kaya namili naman ako kantang isusunod ko and I played it. And after I almost finished the song when I look at him, nakatulala lang siya sa akin. I wave my hand a his face para sabihin na tapos na akong kumanta but then, nakangiti lang siya.

            "Good." Aniya.

            "Anong good?" tanong ko.

            "Magaling ka, pwede na." tapos may mga ilang salita siya na binulong na hindi ko na narninig.

            "Ikaw na!" sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin kundi lumabas na agad siya. Anong nangyari sa kanya? Agad ko naman siyang sinundan at hinawakan sa braso niya pero pagkaharap niya sa akin ay nakangiti siya.

            "Ang daya mo!" protesta ko sa kanya!

            But he just shrugged and get again my hands, medyo hindi na rin ako nailang sa paghahawak ng kamay niya sa akin dahil kanina niya pa nga ito hawak hawak at ngayon ay kalangitan ay sobrang dilim na at hindi nga ako nagkamali ay bumuhos ang ulan, kaya rin pala malamig.

            Agad kaming humanap ni Cent ng bubong upang hindi kami mabasa at swerte naman dahil nakabalik kami sa loob ng videoke room kanina na pinasukan namin, malamig rin dito sa loob dahil may aircon. Sosyal ano!

            "You make wet." Tugon niya sa akin.

            Pinagpagan ko naman ang damit ko para medyo matuyo, may kinuha naman siya sa bag niya at inabot sa akin ang jacket niya.

            "No, hindi. Okay lang naman, Cent. Hindi naman ako masyadong basa." Saka ko binalik sa kanya ang jacket pero hindi pa rin siya nagpaawat, lumapit naman siya sa akin at pinatong niya ang jacket sa likod ko.

            "I don't want my princess get sick."

            At halos mabato ako sa sinabi niya, princess? Nabingi na ata ako. Imposibleng marinig 'yun mismo sa bibig niya. Cent why you did this to me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top