Chapter 13
Chapter 13
Frustations
They're everywhere and I can't stop thinking of it. Lahat sila nakapaligid sa akin and I don't even know kung magtatagal ba sila sa paligid o sadyang napadaan lang para guluhin ang tahimik kong buhay. Fairtytales is what I've dream and when I dream all my hopes are still and it will never be lasts. Hindi lang kasi ako ngayon makagalaw dahil nasa balikat ko ang ulo ni Vincent at ayoko naman na umalis baka mabagok pa siya, nangonsensya pa ako sa kanya. Pero bakit kasi ganito 'yung nararamdaman ko sa kanya.
I thought it will fade away but it just never did. Lalo pala siyang bumilis and I can feel butterflies in my stomach which give blush on me. Nakakahiya lang na tumingin sa kanya baka sabihin pa niyang pinagnanasahan ko siya. Ang kapal lang ng mukha pero nang i-galaw ko ang ulo ko, sisilipin na gising ba siya... pero tulog siya ng makita ko. He slept over my shoulder. Napapatakip na lang din ako ng mukha kapag may dumadaan na schoolmates ko tapos kapag mga teachers naman ay napapangiwi na lang ako at saka nila ako iirapan.
Ganyan dito sa school, hindi mo alam kung sino ang mapapalagayan mo ng loob kaya nga iniwan ako ng mga bestfriends kong Jiggly Girls which they only want boys, inalis nila ako kasi ayaw nila sa akin. Masyado daw ang slow na babae, so what diba atleast tao ako. Eh sila? Mukhang mga dugong na pinutukan ng kolorete sa mga mukha nila. Hindi naman ako masyadong mean pero that's what I see them, nagmumukha lang silang malalandi.
"Hey! Hindi pa ba kayo tatayo diyan?" napalingon naman agad ako sa lalaking nagsalita at halos mapalunok laway na naman ako dahil si Kevin lang naman 'to.
"Kaye! Late ka na naman?" biglang singit ni Marc sa likod ni Kevin. Nakangiti lang ako sa kanila pero sila nagtitigan at tinaasan ako ng kilay. I can read their eyes at doon ko lang na-gets ang sinasabi nila.
Bigla akong napatayo dahilan para matumba si Cent sa sahig at matama ang ulo. Napaluhod naman ako at inalalayan siya. Ang laki na naman siguro ng kasalanan ko dito! Bakit din ba kasi ako nagmamadali? Eh wala naman dapat ipagalala diba? Epal lang naman 'to si Cent, dumating lang sa buhay ko na mala-prince charming at—hindi naman siya 'yung usual prince charming na saviour and such siya 'yung tipong kaaasaran mo. Nagkatitigan kaming dalawa nito habang hawak ang ulo niya na tumama sa sahig. Naalala ko bigla ang pagtatapat sa akin ni Xamantha kanina. Bakit din ba ako bigla kanina natahimik na lang nang aminin niya 'yun?
Well, I'm happy for her dahil nakita na niya ang prince charming niya while me, still searching for the right one.
Umiwas ako ng tingin sa kanya, I can't look at him straight! Hindi ko alam kung anong nangyayari. "Sorry." Ang nasabi ko na lang pero maya-maya lang ay naramdaman ko ang kamay niya niya na pumatong sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at dahan dahan niya itong iniangat kaya ako rin ay tumayo na.
Agad naman akong tumuloy sa room namin na nag-iingay na namang mga kaklase naming. Natahimik lang ako naupo sa silya ko at pinapakiramdaman ang paligid ko, tila isang kalabogsa dibdib ko ang nangyari sa akin kanina. But please Kaye, don't ever fall too much.
Napansin kong palapit sa akin si Marc, malapad ang ngiti nito at alam kong may ibigsabihin siya dun. Masilayan ba naman ang nangyari, lalo na ni Kevin. Kinuha niya 'yung tabing silya ko na bakante dahil absent at nilapit naman nito sa tabi ko.
Agad niya akong siniko, "Siya na ba?" he grinned.
Napailing na lang ako sa kanya, "Hindi, Marc." Simple kong sagot sa kanya. Sana naman kasi hindi lahat ng nakikita nila may kahulugan lahat, minsan sila lang ang gumagawa ng chismis kaya nagkakaroon ng mga chismosa sa paligid. And I don't want to involve myself sa mga ganyan, gusto ko 'yung ako at siya lang ang makakaalam.
At sino siya? 'Yun nga, hindi ko pa siya nakikilala and I don't even sure if all of these guys around me, is one of the prince charming I've been looking for. Sana dumating ka na rin, matagal na akong naghihintay. Kating kati na ako! 'Di joke lang, di ako gagaya sa Jiggly Girls.
"Alam mo, minsan hindi kita maintindihan Kaye." Lingon ko naman sa kanya tapos siya naman ay nakaupo ng maayos habang ang mata ay nakatingin sa pisara sa harap. "Ang dami ng lalaking nagkakandarapa sayo but you always leave them, ah! I mean is, wala ka bang nararamdaman na baka isa sa kanila 'yung prince charming mo na matagal mo ng gusto nung bata ka pa?"
Napangiti naman ako sa sinabi niya, "Nung bata ako, pinangarap ko magkaroon ng isang prince charming na katulad ng kila Cinderella, Sleeping Beauty and even Snow White. I love fairytales kaya ng tumanda ako at hanggang ngayon, I do believe in fairytales. Alam mo Marc, gusto ko na nga mag eni mini mo sa kanila pero alam kong may right time naman dun diba? Like you. Kailan mo nga pala ulit ipapakila sa akin 'yung nililigawan mo?" tusok ko sa tagiliran niya.
Umiwas naman siya nung inulit ko ulit. "Hindi na kami ulit nagkita eh. Hindi ko pa siya ulit nakikita."
"Sino ba kasi 'to?" pang-iintriga ko sa kanya. Tinitigan ko naman siya pero bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Inlove na talaga ang bestfriend ko. "Huy! Ano magde-daydream ka lang diyan?"
"You'll know her, soon."
"May pa soon soon ka pa diyan! 'Pag 'yan nakilala ko tapos hindi kagandahan katulad ko. Iwanan mo na!"
Natawa naman siya sinabi ko, "She's more than prettier than you, Kaye."
I glared, "So sinabi mong pangit ako? Aba!" aamba sana kong kukurutin siya pero agad niyang nahahablot ang kamay ko kaya hindi ko naitutuloy. Leche lang! Pangit daw ako at mas maganda 'yung nililigawan niya sa akin. Okay! Fine! I gave up, ipapa-massacre ko na lang 'yun and in the end, still I'm the reigning beautiful girl in the world.
Oh diba! Self support lang ang peg ko.
"Hindi naman sa ganun Kaye. Malakas lang talaga ang charisma niya kasi alam mo naman, attractive talaga ako sa magaganda."
"Kaya pala naging kaibigan mo 'ko." halos itaas niya ang kilay niya sa akin na halata bang nang-aasra lang sa akin.
"Leche ka! Hindi ba pwede kahit tayong dalawa lang, sabihan mo rin akong maganda?" pagtataray ko sa kanya.
"No, I wont." Ngiti pa 'to.
"Edi dun ka!" pagtataboy ko na sa kanya dahil kung hindi niya ako sasabihan ng maganda mag-eeskandalo ako dito sa school at—ay wag na, baka umabot na naman ako sa prisinto nito at baka makulong na ako dun. Naku naku!
"Kasi Kaye, maganda ang ugali mo sa panloob well, in other way kaya ang payo ko sayo... wag na wag kang lalabas ng bahay. Maganda ka kahit saang sulok nang bahay." Ngiting ngiti pa nito sa akin. Matutuwa na rin sana ako dahil pinupuri niya ako pero in the end, pang aasar lang pala 'yun!
"Leche ka talaga! Bumalik ka na nga sa kinauupuan mo." Saka ko siya tinulak tulak at tumungo na sa kanyang kinauupuan.
Napa-ayos naman ako ng upo at halos manlaki ang mata ko na mapansin kong nakatingin ang dalawang lalaki sa akin. Si Kevin at Cent! Oo silang dalawa lang naman, ang mga gwapong kong friends diba? Yumuko na langa ko dahil baka malusaw pa ang kagandahan ko.
"Hey... Kaye." Namintig ang tenga ko ng banggitin niya ang pangalan ko. First time ba ito o masyado lang talaga akong nagulat kasi tinawag niya ako sa pangalan ko at hindi sa aso o kung anu man.
Nilingon ko siya, "Ano 'yun?"
"Pwede mo ba akong samahan mamaya?" mahinahon nitong sabi sa akin. Ang amo lang ng mukha niya at hindi siya naiinis.
"Saan?" tipid kong tanong. Kinakabahan kasi ako, masyadong mabilis ang tibok ng puso ko tila na parang sasabog na sa sobrang bilis. Akala mo'y bulkan na gustong gusto na isabog ang lava, at feeling ko namumula ako.
Anong nangyayari sa akin?!
Alam mo ba ang gusto kong Prince Charming na dumating sa buhay pag-ibig ko ay 'yung gentleman, may respeto sa babae, hindi maangas o datingan ay gangster, ayoko n'un pero kung si Kenji na lang ni Athena, okay na sakin! Ayoko rin sa nananakit ng babae, 'yung tipong iiwan ka na lang bigla sa ere. Kung iisipin sa ngayong panahon, mukhang wala na talagang pag-asa na mahanap ko 'yung prinsipeng 'yun. Ako na prinsesa na umaasa sa isang chivalrous guy pero mukhang mabibigo ako.
Mahirap maghanap n'un.
"Hey, can you come with me?" pagwawagayway pa niya ng kamay niya sa mukha ko na ikinabalik naman ng katinuan ko.
"O-oo!"
"Thank you."
"Wait, anong sinabi ko?"
"Oo, sasamahan mo ako mamaya?" aniya.
"Sigurado kang sinabi ko 'yun?" tumango siya sa akin. "Weh? Di nga? Sinabi ko ba 'yun? Tsaka baka kapag sumama ako, gawin mo na naman akong aso." Nguso ko pa.
He giggled, "Nope." Kunot noo ko. "Cause you more like a janitor fish when you pout!" at sa huli huli rin pala mang-aasar din ang adik. Agad ko namang binawi sa kanya na di ko na siya sasamahan, pero naku naman ang bilis ko rin bumigay dahil ililibre niya daw ako ng kahit anong gusto ko kaya gumora lang ulit ako sa kanya.
Pero tama nga ba ang ginagawa ko? Diba dapat umiiwas na ako sa kanya dahil alam kong nandiyan na si Xamantha for him, na si Xam lang naman talaga ang may gusto. Oh well, magkakaaminan din naman 'yan for sure.
--ENDLESSLY—
Hinihintay na ako ngayon ni Cent sa may gate, kasi sabi ko sa kanya doon na lang niya ako antayin dahil nga dadaan pa ako ng library pa kunin ang libro na gagamitin ko para sa research namin. Nang makuha ko na libro ay pinatatakan ko naman sa librarian ang card ko at saka ako tuluyang lumabas.
Pero kung minamalas nga naman ay nakasalubong ko pa ang Jiggly Girls dala dala ang kanilang mga fake chanel bags na alam ko namang binili lang sa ukay ukay. Alam ko kasi kasama nila ako bumili, meron din ako n'un eh, Louis vitton pa nga para mas sosyal sa kanila.
"Ano na naman gusto niyo sakin?" tanong ko sa kanila. Nakapalibot kasi silang apat sa akin at akala mo mga amazonang handa ka ng bitayin patiwarik na lang. Ang tataray ng mga clown na 'to!
"Ikaw." Ani Leah.
"Ako?" turo ko pa sa sarili ko kasi malay mo hindi pala ako 'yun, na may tao pala sa likod ko. Naging assumera pa ang dating ko diba. "Seryoso? Ako?!" di ko talaga makapaniwalang tanong sa kanila. The last time na magkaharap kami ay binugbog nila ako at ang naging ending n'un ay nadala ko sa clinic ng school. Bwisit naman kasi, buti nga mga malilit na pasa lang ang natamo ko sa kanila.
Sayang ang skin ko 'no!
Napahilamos naman ng mukha si Leah ng kamay niya at sina Ershely, Jean at Beverly ang mga dakilang alipores ni Leah.
"Seriously Kaye, may saltik ka ba?" Aniya.
"Sinong Kaye, ako ba?" tukoy ko na naman sa sarili ko. Mamaya hindi ako 'yung Kaye na tinutukoy niya eh.
"Ugh," she rolled her eyes. "Okay! Fine, we want you back at Jiggly Girls Group!" as she said those words. Biglang nag-glow ang mga mata ko kasi muli ko na naman silang makakasama pero bakit? Bakit nila ako pinababalik sa grupo nila, diba tinanggal na nga nila ako? Hindi naman sila naawa sa akin 'no? Ganda ko kaya.
"Seryoso?"
"Yes!" As Jean, Beverly and Ershely said in chorus. Napa-oh na lang ako sa kanila. Napalagay pa ako ng daliri ko sa baba ko at nag-isip kung tatanggapin ko ba ang alok nila na muli akong isali sa grupo nila? Pero paano kung patayin na nila ako o ginagamit lang nila ako? Ang daming kaek-ekan nang utak ko na madaming tanong na nabubuo.
"Pag-iisipan ko muna, dahil ngayon may date pa ako!" ngiti ko sa kanila.
"Date? Kanino?" gulat na sabi ni Leah.
"Syempre! Kanino pa ba?! Edi kay, Vincent!" and when I said it, nalaglag ang panga nila at syempre umalis na ako with the signature flying kiss ko sa kanila. Tatanggapin ko kaya 'yung alok nila na mapasama ulit sa JGG? Tss, hayaan na nga muna 'yan! Sasamahan ko muna si Ex-Prince Charming.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top