Chapter 11
Chapter 11
Boys
Pagkasigaw na pagkasigaw ko ng pangalan niya ay agad ko siyang niyakap ng napakahigpit. Skye is my childhood friend na matagal ko ng hindi nakita at luckily, nagkita ulit kami ngayon. Nagulat lang kasi ako ang laki na ng pinagbago niya. At ngayon na yakap yakap ko siya, parang ang landi ko na naman. Medyo nagka-muscle siya dahil sa form nito sa mga balikat nito at infairness hindi na amoy dugyot itong kababata ko, ang fresh fresh na niya!
"Ang bango mo na!" Wagas na ngiti ko pa sa kanya nang umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. Nagkaroon naman ng kunot noo sa kanya kaya mas na-cute-an ako sa kanya. Ang cheeks niya! OMG!
"Para namang sinabi mong mabaho ako dati?" aniya.
"Pwede rin." Kibit balikat ko pa saka ko na naman siya pinisil sa magkabilaang pisngi niya. "Namiss talaga kita, Skye!"
"Skye lang? Walang ah—nevermind."
Napanguso naman ako bigla, "Ano 'yun?" Tanong ko naman sa kanya. "Sabihin mo na!" tulak ko pa sa kanya. "Ayaw mo sabihin, ano ngingiti ka lang diyan?!" sabi ko pa sa kanya. Saka lang siya tumatawa sa akin. Sino bang baliw dito sa amin? Siya na tumatawa na parang ewan o akong namimilit sa kanya?
Siguro siya, tumatawa kasi eh. Hahaha! Baliw!
Ilang oras din kaming nagkwentuhan about sa mga nangyari sa amin, sa buhay buhay namin. At grabe lang kasi sa tinagal na nang panahon na hindi kami nagkikita at puro internet communications lang ang nagiging daan namin. Masaya ako kasi nakasama ko na 'yung kababata ko na kasama ko sa kalokohan nung bata pa ako, pero matanda na ako siya pa rin ba ang kasama ko?
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, shunga ka pa rin!" halakhak niya pa pagkatapos akong asarin. Kinuwento ko lang naman kasi sa kanya 'yung time na nagkaroon ng epic fail na akala ko, may bomb threat. Halakhak todo siya pero ako hiyang hiya na ako dahil nakikinig din si Ate Roma. Nakikitawa rin siya sa bawat kalokohan na naku-kwento ko, hindi magkapalya sa kakatawa.
"Anyway..." saka sumeryoso si Ate Roma. "May boyfriend ka na ba?"
At sa tanong naman niya 'yun ay doon ako napahalakhak. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang talaga ako natawa sa tanong niya. Ako? Magkakaroon ng boyfriend? Kailan? Mukhang wala ngang may balak eh, kaasar. Maganda naman ako, hindi lang pansinin. May attractive naman akong pangangatawan pero sinasabi nilang hipon daw ako. Tss, maganda kaya ako all over my drop dead gorgeous body.
"Seryoso, Kaye?" Taas kilay naman na tanong ni Skye. At napangiwi naman ako bigla sa kanila dahil masyado silang seryoso. Ano ba nangyari sa kanila, hindi ko keri ang air dito. Masyado akong na-trap sa katanungan nila.
Pero ano nga ba ang sagot ko?
"Ano?" pag-uulit pa ni Ate Roma.
"Wala." Simple kong sagot sa kanila. "Pero alam niyo ba marami akong crush pero ni isa sa kanila, hindi ako pinapansin." Buntong hininga ko pa. "Pero may ilan naman akong lalaking kaibigan at mga kilala pa sa school? Aray diba?" nguso ko saka nagcrossed arms.
"Talaga? Really?" hindi makapaniwala si Ate Roma.
Tumango naman ako, "Ilan sa kanila close ko pero itong isang 'to, inis na inis ako!" Minsan hindi na talaga ako nakakapagtimpi. "Alam niyo ba tinawag niya akong aso."
"What?" ani Skye.
"Aso. Dog. Ano pa gusto niyong tawag dun?" irap ko pa sa kanila at hindi nga ako nagkamali dahil ang sunod na ginawa nila ay pinagtawanan nila ako. "Kaasar kayo, pumunta ata kayo dito para tawanan langa ko eh." Nguso ko pa.
"Hindi kaya..." sabi ni Ate Roma habang nagpupunas ng luha sa magkabilang mata niya. "May nakakakami—" hindi na naituloy ni Ate Roma 'yung pagsasalita niya dahil sa biglang tinakpan ni Skye ang bibig nito para matigilan.
Agad namang inalis ni Ate Roma ang kamay ni Skye sa bibig niya, "Yuck! Basa 'yang kamay mo!" ani Ate na halata namang nandiri. "May reason naman kasi talaga kaya kami napunta dito, Kaye." Sabi ni Ate Roma saka inirapan muli si Skye.
"Daldal talaga nito." Iling iling ba pa ni Skye na halata namang badtrip.
"Ano nga kasi 'yun?" pagtatanong ko pa.
"Mamaya." Ate Roma grinned. "Wait! Puntahan ko lang pala si tita, maiwan ko muna kayong dalawa diyan!" tumango naman ako saka siya tumayo at pumunta sa kinaroroonan ni Mama.
Nahagip naman ng mata ko si Skye na nakatingin sa akin kaya tumalikod ako. Ayoko ng tititigan ako. Masyado akong nalulusaw. Narinig ko naman siyang ngumisi kaya medyo nagkaroon ako ng goosebumps. Ano bang meron kay Skye ngayon na wala dati, bakit nung muli ko siyang makita parang ang laki ng part na ang saya ko ulit pero bakit nagkakahiyaan na kami 'di tulad dati na sobrang close kami 'yung tipong ngudngudran sa lupa. Haha! Joke lang 'yun, pero infairness lumakas ang dating niya.
Iba na talaga si Skye Weitford.
"Ah, Kaye?" tawag niya sa pangalan ko kaya dahan dahan naman akong humarap sa kanya na may pa-flip flip pa ng buhok. Mahinhin kunyari.
"Bakit, Skye?" Tanong ko naman. Nakakatuwa lang din ang pangalan namin. Sa akin, Kaye with letter A tapos sa kanya naman, Skye without letter A pero may S. So 'yung tatlong letter namin sa pangalan ay nandun, napalitan lang ng isang letter. Wala lang, natuwa lang ako.
"How are you?" seryoso nitong tanong sa akin.
Umayos naman ako ng pagkakaupo ko, nag-crossed feet tapos nilagay ang parehong kamay sa tuhod ko. "Im good." Mahinhin kong sagot. "Good, kasi kapag 'fine' daw ang sinagot mo. Para ka daw kinonfine sa hospital kaya mas prefer daw na 'good' ang sabihin kasi good nga daw ako. Eh ikaw, good ka rin ba?"
He chuckled, "I'm very good." Ngiti niya. I find so cute at him, sa tinagal ng panahon maraming nagbago sa kanya. Ang physical features niya na kung tawagin dati ay dugyot pero ang datingan ngayon ay akala mo prinsipe sa isang fairytale. Mabango ang dating at naka-fall ang mga ngisi. "Its been a long time, since we play along the backyards."
Natawa naman ako sa kanya, "Oo nga! Naalala ko pa n'un na nakatapak ka ng tae dahil atras ka ng atras tapos nung isang araw din na nagduduyan ka, naiputan ka rin ng ibon. Swerte ka sa tae, Skye." Ngiti ko pero bigla ko rin na-realize kung ano nga ba ang mga pinagsasabi ko. Ako nga ata talaga ang baliw dito. At paano napunta sa tae ang usapan? Geez! " Pasensya na, ang saya lang kasing balikan." Ngiti ko.
"Alam ko." tipid nitong sagot. "You wanna know why I came back?" tanong niya sa akin.
Feeling ko bigla na rin nagbago ang atmosphere sa paligid ko. Ang awkward na.
"B-bakit?" diretsyo kong tingin sa kanya. Walang mintis na umiiwas sa kanyang mga mata.
"I wanna give you your dreamed fairytale life."
At halos ang tagal mag function sa utak ko ang sinabi niya hanggat sa hindi ko talaga naintindihan kung anong punto niya doon.
"A-ano?"
Natawa siya, "You like fairytale, and here... I'm the prince charming. You know what, Kaye. When we were young, you were just a fancy girl to me but then, I thought you're the princess I've been looking for."
Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating sa akin, ewan ko ba pero parang gusto kong maiyak sa sinabi niya hindi dahil natuwa ako, dahil hindi ko alam kung anong ibigsabihin niya dun. Kung anong gusto niyang ipahiwatig? Si childhood friend, gumaganun?
"Seryoso?" tanong ko ulit sa kanya. "Pero kababata kita eh."
"So that doesn't mean, bawal maging tayo?" Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Kung ganun, kaya siya nagbalik para sa akin?
Naku! Ang dami na talagang lalaki sa paligid ko. Isa isahin ko pa ba? Una, si Marc and he was my bestfriend nothing more goes on and on, pangalawa 'yung bwisit na si Vincent na 'yun, ikatlo 'yung ka-schoolmate ko na isinakay ako sa motor niya wait sino nga ba 'yun—Oh! This Renzo guy, si motor-guy! And 'yung isa pa na si—Leche, sa dami ba naman ng lalaking nakakasalamuha ko sa araw araw... nakakalimutan ko rin pala ang pangalan nila. And hmm, Kevin! And the last one, is ito nga si Skye.
Marc, Vincent, Renzo, Kevin at Skye? Sino ang pipiliin ko, ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko? Oh! Anong paiiralin ko, isip ba o ang puso ko! Hmm, hindi naman ako nalilito... kung papaliin ako, tanggalin na sina Marc kasi bestfriend ko 'yan saka may nililigawan ata? Tapos itong Vincent na 'to, bwisit lang 'yan eh, inakala kong prince charming! So ang natira? Renzo, Kevin at Skye? Whom will I choose?
Audition na ba ang peg nila?
"Hey..." he waved his hand in front of me kaya bigla na naman akong natauhan doon. "Nakangiti ka lang kasi all the time, iniisip mo ba ako?" I glared at him.
"Asa ka!" saka ko siya binatukan! "Wag ka naman masyadong feeler, Skye. You know, hindi ka lang nag-iisang lalaki sa buhay ko." ngisi ko pa.
"So, may the best prince charming win."
"Correct ka diyan!" pag-sang ayon ko pa sa kanya.
Ilang minuto na pag-uusap ay napagpasyahan namin ni Skye na pumunta na sa kusina dahil naamoy na namin ang lutong dinner ni Mama at hindi nga kami nagkamali dahil nagluto sila ng baked mac! OMG! Nag-crave din tuloy ako bigla.
Mabilis naman akong napaupo sa upuan at kumuha ng platito at nagsandok ng pagkain.
"Where's the manner, Kaye?" sita sa akin ni Mama.
Napatingin naman ako kila Ate Roma at Skye na nagpipigil ng tawa.
"Nasa libro ma." Saka ko kinain ang nasa harapan kong pagkain.
"Oo nga pala! Kaye, sa school mo na ako papasok!" at halos maibuga ko sa kanila ang kinain ko.
"Seryoso?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya ay may papapikit-pikit pa ng mata dahil hindi talaga ako makapaniwala. Si Skye, papasok na sa school namin? OMG! World war na ba ito? Paano na 'yan, malalaman niyang bawat lalaki doon sa school crush ko? Tawagin niya pa akong malandi.
Sana lang hindi ko siya classmate, kundi huli ako!
Napangiwi na lang ako sa kanya, "Sabay na kayo pumasok bukas!"
"Ma?!" tingin ko agad kay Mama.
Napasapo naman ako sa noo ko.
"Away mo ba Kaye?" tanong ni Skye na agad ko namang inilingan. "Mabuti na 'yung maliwanag. I'm here to guard you." Ngiti niya pa.
I sighed, oh no.
--ENDLESSLY—
"Wait lang kasi!" sabi ko kay Skye na hindi makapaghintay sa akin. Alam niya naman na marami akong kailangan gawin, girl kikays alam niyo na 'yun. Kailangan ko maging perfect sa mata nila at syempre ang maging maganda. Nang matapos naman ako ay lumabas na ako ng kwarto ko na naghihintay pala siya doon.
I smiled, "Maganda ba?" tanong ko naman sa kanya.
Sinuri naman niya ako, may palagay lagay pa ng daliri sa baba niya. "Pwede na, wala namang pinagbago eh." Saka ko siya binatukan.
"Ang sama sama mo talaga sa akin!" irap ko sa kanya.
Pero tawa lang siya ng tawa sa akin. Baliw na lalaki.
Nagulat na lang din ako ng inakbayan niya ako pababa ng hagdan. Nakita ko naman si Ate Roma kaya madali kong inalis sa balikat ko ang braso niya pero napahigikgik naman si Ate sa nakita niya. Oo nga pala, mag-stay sila dito sa amin for good or for worst? Basta daw, may hinihintay daw silang dumating na ayaw naman nilang sabihin sa akin.
Nagpaalam naman ako kay Mama pero sabi ni Ate Roma ay maaga daw umalis kaya sa kanya na lang kami nagpaalam. Ano kayang pinagkakaabalahan ni Mama para maagang umalis? Sumakay naman kami ni Skye ng tricycle at ilang saglit lang ay nakarating din kami sa school.
"Humanda ka sa gyera." Ngisi ko pa.
"Akala ko ba semi-private school 'to pero bakit humanda sa gyera?" nagtataka niyang tanong sa akin.
Napasapok naman ako sa noo ko, "Tangeks! Marami kasing boys diyan sa paligid ko, malay mo. Hindi mo na pala katabi 'yung binabatanyan mo." Saka ko nagtatakbo palayo sa kanya papunta sa gate pero sa kashungahan ko ay nadapa pa ako.
Someone lend his hand para makatayo ako, and when I look at him. Napangiti na lang ako, "Salamat, Renzo."
"So, siya pala 'yung isa? Walang binatbat." Ngisi pa ni Skye na akala mo makikipag-agawan talaga. Naku naku! Mga lalaki talaga. Oh well, ganun talaga kapag may lahing maganda.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top