Chapter 10

Chapter 10

Transferee

 

And my jaw dropped as I saw this drop dead gorgeous human on earth! Paking Shet, talaga! Ang gwapo niya at bigla rin agad akong namula na biglang mabalisa dahil sa nangyari kanina. What he mean with the word 'Nice'. Naku naman! Ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko tumungo siya sa upuan niya sa may bandang harapan sa dulo sa gilid saka nagsipasukan na rin ang iba pa naming mga kaklase na galing pala sa AVR dahil may pinapanood daw sa kanila na dapat eh kasama ako, kaso hindi eh. Inatake ako ng mga unggoy kanina.

            Halos mapalunok laway na lang ako habang tinitingnan ko siya sa upuan niya at hindi ako magkamayaw dahil ang gwapo niya talaga! Hindi ako nagkakamali na siya ang one and only Prince Charming ko, nagkamali nga lang talaga ako na si Cent ang inakala kong prince charming ko pero hindi, Ito na talaga ang puntong hinahanap ko!

            "Hey, stop staring at him." Napatingin naman ako sa nagsalita at tinaasan na lang siya ng kilay.

            "At bakit, Vincent?" pagtataray ko sa kanya. Ang epal epal naman kasi, nakakailan na siya sa akin. Hindi niya ba naisip na babae ako at hindi lang basta basta tumatanggap ng halik, dapat kasi nagpapaalam muna siya. Kainis! Hindi kasi porket lalaki siya, susugod na lang din siya bigla, hindi naman ako sundalo para i-defend ang sarili kong labi mula sa kanya. Ang landi ko lang.

            "You look like a dog, you're drooling over him." Sinamaan ko naman agad siya ng tingin habang siya ay nakangisi. Lagi na lang niyang pinagmumukha akong aso for his point, aso ba talaga ako? Hindi naman diba, tao kaya ako. Magandang babae specific.

            "Oo na aso na ako, pero hindi mo ako pwedeng utus-utusan na lang." aniko. Natahimik naman siya sa kinauupuan niya at umayos siya ng pagkakaupo niya. Bumalik naman ang tingin ko kay Prince Charming the second, at halos mapaigtad ako ng makitang nakatingin din siya sa akin at ang bonus pa ay kinindatan niya ako.

            I waved at him, but he looked away.

            "Isnabero rin pala." Dismaya kong sabi.

            Dumating na rin naman ang sunod naming teacher at nag-lesson din naman kaagad ito. Syempre hindi nawala ang pagpapakilala sa new transferee's. I'm excited to know his name, 'yung tipong ipagsasama niyo 'yung pangalan niyong dalawa hanggat sa makabuo ka ng loveteam. OMG lang talaga! Sinundan ko naman ng tingin siya habang papunta sa harapan, alam mo ba 'yung feeling na nakatingin ka sa kanya tapos ganun din siya sayo. Parang may magnet na hindi na nag-alis sa mga mata namin. Siya na kaya ang Prince Charming ko?

            "Introduce yourself." Ani Teacher namin.

            "Ehem." At halos madilat ang mata ko dahil mas manly ang dating ng boses nito kumpara kay Vincent. I'm started to loving this guy. "Kevin Hollister. 19. And hello, everyone!" he smiled as if my heart start to beat faster. Umupo naman siya sa upuan niya at hindi na rin mawala sa labi ko ang mga ngiti ko.

            I heard Vincent's smirked but I just rolled my eyes to him.

            My world begins with a fairytale.

--ENDLESSLY—

Natapos ang klase ko at hinantay ko naman si Marc sa gate dahil may dinaanan pa siya. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang magtama na naman ang mata namin ni Vincent. Naasar ako, bakit ba umiinit na lang bigla ang dugo ko sa kanya. Lumipat na lang ako ng pwesto pero ang nakakainis lang talaga ay sinundan niya pa rin kung nasaan ako.

            "Ano bang problema mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. I crossed my arms na ipakita talaga sa kanya na nagagalit ako pero dumaan 'yung crush ko kaya napatingin ako doon. "Crush!" tawag ko at syempre ang signature flying kiss ko. Pero alam mo ang tugon sa akin ng crush ko, he pointed his middle finger to me. Akala mo gwapo! Hayaan mo, block na siya sa listahan ng mga crush ko.

            Natawa si Cent sa akin, "You know, you shouldn't been like that." Aniya na napagpakunot noo naman sa akin.

            "At bakit naman?" pagtataray ko pa.

            Pero umiling lang siya sa akin, "I gotta go." Aniya at pinasok ang dalawang kamay niya sa magkabilaang bulsa niya. Minsan hindi ko rin maintindihan kung anong gusto niya at hindi ko alam kung ano ba talagang ugali ang meron siya. Ang weird niyang tao.

            Nakita ko naman si Marc na papalapit sa akin na tumatakbo habang kumakaway-kaway pa. "Glad you came, akala ko aabot ka pa ng gabi eh." Sarscatic indeed.

            "Sorry for waiting you, Kaye." Hingal niya pa at napakamot siya sa batok niya. "Kaye, kung maaari lang mauna ka na kasi hindi rin ako makakasabay eh." Aniya at nag glow naman bigla ang mukha niya. "Promise! Next time, sabay na ulit tayo!"

            Mabagal na tango naman ang naibigay ko sa kanya.

            "Sure na 'yun ha?" paninigurado ko sa kanya.

            Lonely na naman ako nito sa paglalakad at uuwing mag-isa. Tumango rin naman siya sa akin at nagmamadaling bumalik sa loob ng school at ako naman ay napabuntong hininga na lang at naiwang nakatayo sa tapat ng gate ng school.

            "Uwi na kaya ako?" tanong ko sa sarili ko na lagi ko namang ginagawa tuwing mag-isa ako. I don't prefer to be alone, kasi I'm always talking with myself. Nagsasariling desisyon, pero its okay dahil nagiging independent naman doon.

            Pero sa love kaya? Kaya ko kayang mag-isa?

            No! Kaya nga ako naghahanap ng Prince Charming ko na mamahalin ako forever! I wonder who he is, sana naman makasalubong ko na rin siya.

            "Hey..." Sabi ko nga makakasalubong ko siya. At nang tingnan ko ang mukha niya ay halos maghalumpasay ako ng makita siya at ngayon ay harap-harapan pa. Napalunok laway na lang ako sa kanya at napangiwi dahil hindi ko kayang ngumiti dahil sa sobrang kilig. Putik! "You walk home alone?" OMG! Kinausap niya ba ako? Napatingin naman ako sa paligid ko at wala naman akong ibang kasama, ibang tao sa paligid. Hindi kaya? May multo akong katabi at may third eye 'tong isang 'to?

            He laughed, "No, ikaw ang tinutukoy ko."

            Bakit na ako kinakabahan ako. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon, ito na ba 'yung point na magpo-propose na siya? Pero bakit ang aga naman.

            Ngiwi ko naman sa kanya. Pahinhin mode ako ngayon dahil wala talagang lumalabas ni isang salita sa bibig ko.

            "Can I court you?"

            "Huh?" Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. "A-anong sabi mo?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Pero hindi naman ako nagkamali ng dinig diba? Sabi niya, 'Can I court you?'OMG! Siya na agad ang gumawa ng first step. Love na love na talaga kita, kung pwede na sana kita pakasalan agad.

            He laughed, "I mean, can I court you home?"

            "Ah!" at halos mapahiya naman ako sa sobrang pagre-react ko sa kanya. Masyado kasing malikot ang utak ko eh, nadala na sa mga fairytale books. Na kapag nakita mo na siya na agad 'yun! Siya na 'yung infinity ko, pero it takes a few more pages to reach the happily ever after. And we are in the first page.

            Tumango naman ako sa kanya at nagsimula naman kaming maglakad. Hindi kasi dumating 'yung kalesa kong kalabasa eh. Pinaglakad pa tuloy ako.

            "So what's your name?" he asked. Napangiti na lang ako dahil hindi niya pa pala ako kilala. Naku dapat pag ganyan gumawa siya ng move para makilala niya ako pero wala akong effort na nakita doon. Sayang siya doon, bawas points. Hayaan mo, may 99 ka pa naman.

            "Kaye Ramirez." Mahinhin kong tugon sa kanya.

            "Beautiful name, like you." I feel like I'm the only girl in the world for what he said. "Just joking!" saka niya binarag ang maganda ko na sanang imahinasyon. Napasimangot naman ako bigla sa kanya, how dare he na i-joke ang kagandahan ko? Taragis! "But you are more even beautiful."

            At sa muling sinabi niya ay hindi ko na napigilan pang hindi na mapangiti. Kahit pa magdugtong siya ng joke diyan, atleast sinabi niyang maganda ako. Kamusta naman si Vincent, hindi marunong um-appreciate kasi ang tingin niya sa akin, ASO!

            "Thank you." Mahinhin ko ulit tugon sa kanya. Syempre kailangan ng poise sa bawat pagsagot sa kanya. Kailangan kong maging maganda in his view pero lagi naman akong maganda eh.

            "But you're taken."

            Parang binarag na naman niya ang puso ko dahil sa sinabi niya. At halos hindi ko rin ma-gets kung bakita niya nasabi 'yun kaya napatingin ako sa kanya at tiningnan ng nakakapagtaka. Teka, oo nga pala! Kailan pa ako naging taken?

            "Paano mo nasabi?" tanong ko sa kanya.

            "I see you kissed by our classmate." At halos mapaiwas naman ako ng tingin ko sa kanya.

            Hindi ko talaga alam kung anong dalang kabwisitan ng dala sa akin ni Vincent! Ayan tuloy napagkamalan ng boyfriend ko siya. Nakakainis na ewan, nasira agad ang image ko sa kanya.

            "Pero hindi ko naman siya boyfriend eh, walang kami."

            "How this sh*t happen." Halos mapahinto kaming dalawa ni Kevin sa paglalakad ng may narinig kaming dalawang nagsalita at mabilis itong nagtatakbo. Nang titigan ko ang lalaki na tumatakbo palayo sa amin, ngayon ko lang din narealize na siya pala 'yun.

            Si Cent pala 'yun.

            "He heard it. Go follow him!" halos mapatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ano rin bang pinagsasabi nito?

            "No, kakasabi ko lang. Wala namang kami!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

            "Oh! Easy girl, but hey... he kissed you. So does it mean—"

            I snapped out him, "No, walang kami. Can't you understand that?" sa inis ko rin sa kanya ay nauna akong maglakad sa kanya. Takte naman kasi, sino bang nagsabi kasing kami na ni Vincent? Kung dati sana gugustuhin ko pa pero ngayon parang hirap tanggapin na siya, magiging boyfriend ko?

            There's a big NO.

            "Hey stop." He get my hand so I stopped walking and look at him. My heart beat fast than it could be, so he's the one? "So I have a chance?"

            After a moment of what he said. Sa fairytale kusang dumadating ang mga prince charming para iligtas ka. They are the Knight in shining armor na magliligtas sayo sa kapahamakan at hahalikan ka mula sa pagkakatulog at magmamahalan ng walang katapusan.

            Pero alam niyo ba ang mga fairytales, minsan akala natin tapos na. 'Yun pala hindi pa, merong mga story na hindi nakapaloob at sa ibang libro pa mababasa dahil hindi lahat ng lovestory ng isang prinsesa ang nakapaloob dun, minsan sa ibang libro mo pa malalaman kung bakit ganun pala ang nagyari. Like in books that is trilogy, you will never know how it is happened pero ang the end pa in pala ay sila.

            Ano kayang isasagot ko kay Kevin.

            Napakaraming lalaki na napakalibot sa buhay ko pero siya, kakarating niya lang na parang kabute at liligawan ako? Napangiti na lang ako.

            "Yes..." I said to him, bigla bigla na lang din niya ako yakapin pero kumawala din naman agad ako. "But for now, you'll just wait."

            Maybe you're not the Prince Charming I've been looking for. Magpa-audition kaya ako ano?

            Sa dina-dami ng lalaking nakakasalamuha ko sa araw araw, baka isa na pala doon ang Prince Charming ko hindi ko lang alam dahil sa marami nakatuon ang buhay ko. Talaga naman eh, dapat hindi lang sa iisang tao ka mag stay, dapat marami kang alam sa mga taong nasa paligid mo lang.

            "Okay, I'll just wait for you too answer me." He smiled.

            Cute ka, gwapo ka, perfect ka, may pagka gentleman ka, opposite ka nga ni Vincent na masyadong ungentleman pero gwapo naman. Hindi ko masasabing perfect siya dahil sa ugali niya. Pero ang alam ko lang...

            Malapit ko na talaga makita si Prince Charming.

            Naglakad na rin naman kaming dalawa at ilang saglit lang ay nakarating na rin ako sa subdivision at doon na lang ako nagpa-iwan. At ako naman ay sumakay ng trycicle patungo sa bahay namin.

            "I'm home!" Sigaw ko pagpasok ko ng bahay.

            Pero naagaw ang atensyon ko na may lalaking nakatalikod ang nakaupo sa sofa namin.

            "Hello Sis!" isang babae naman lumabas mula sa kusina namin. At halos pumalakpak ang tenga ko dahil nagkita na naman kami. Ang pinsan kong babae na si Roma. Niyakap agad ako nito na namiss ko naman ng sobra. "Kanina ka pa namin hinihintay!"

            "Nino?" Sabay turo naman ni Roma sa lalaking nakatalikod.

            "Skye! Take off your earphones!" sigaw ni Roma. At nang sa sigaw niya ay tinanggal naman nito ang earphone sa tenga at nang humarap ito ay laking gulat lang naming dalawa na magkita na naman kaming muli.

            "Skye Weitford!"

           

            

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top