Prologue

"DREAMY Saturday," tatango-tangong basa ni Pomee sa pangalan ng club bago tuluyang pumasok sa loob.

The faint smell of cigarette, alcohol, and mixed perfumes pervaded Pomee's nostrils, making her nose crinkle. Iginala niya ang paningin sa lugar. Sa kabila ng makukulay na usok na bumabalot sa club, litaw na litaw pa rin ang sopistikadang interior niyon. Halatang hindi biro ang magpa-reserve rito. It was like Valkyrie and Chaos combined. Kagaya ng parating nakikita sa mga club, people were pounding at each otherʼs body. Kung makasayaw ang mga ito sa dance floor ay parang wala nang bukas.

"Pomee!"

Halos mapatalon ang dalaga sa gulat nang biglang sumulpot sa kaniyang harapan si Cheska. Her best friendʼs flashy outfit caught her attention—flaming red mini dress and neon green over-the-knees stretched boots. Napakurap si Pomee. Iyon na siguro ang pinakamaikling bestida na nakita niya sa buong buhay niya. It was almost an inch away from being scandalous! Que horror!

"Youʼre late!" nakasimangot nitong sigaw sa kalagitnaan ng malakas na tugtog ng club.

Pomee drew back. "Sorry, alam mo namang hindi ako papayagang umalis ni dad hanggaʼt hindi ko natatapos 'yong trabaho ko."

Tumingin ito sa suot na Rolex at ipinaikot ang mga mata. "Pasado alas diyes na ng gabi, boo. Donʼt tell me pinag-overtime ka na naman ni tito?"

"Well...heʼs my father, so wala akong magagawa." Nagpakawala siya ng isang buntonghininga at saka itinaas ang mga balikat. "Letʼs just look at the other side of the coin. Ang importante, nakarating ako and weʼre spending Friday night together."

"Fine, fine! Whatever," ani Cheska sabay palatak. Inilagay nito ang isang kamay sa baywang habang ang isa namaʼy inabrisete sa kaniyang braso. "Tara na! Doon tayo sa may bar. Seanʼs waiting."

Kumunot ang kaniyang noo. "Sean? Sino 'yon?"

"Duh, my boyfriend. Ano ka ba naman, boo?"

"Wait, akala ko ba Craig ang pangalan ng bago mong boyfriend?" Kapapalit lang din kasi nito ng nobyo almost two weeks ago. "Donʼt tell me may bago ka na kaagad?"

Cheska wheeled around, then slapped her own forehead. "Oh! Oh, yeah, of course, itʼs Craig. Gosh, nakalimutan ko. Seanʼs the cute dentist pala na na-meet ko last night sa mall," tila hindi bothered nitong tugon.

Grinning, they made a beeline for the bar.

Cheska Dia Grecco was the perfect example of a wild child. Cheskaʼs liberated lifestyle opened Pomeeʼs eyes to things that were forbidden—according to Pomeeʼs guarded parents.

Lumaki kasi siya sa isang tradisyunal at konserbatibong pamilya. Paniguradong hindi lamang singhal ang aabutin niya sa mga magulang kapag nalaman ng mga ito na pumupunta siya sa ganitong lugar. Sarado ang isip ng mga ito pagdating sa makabagong kultura. They wouldnʼt approve of any of these, ngunit dahil na rin sa impluwensiya ng kababata, nadagdag sa bokabularyo niya ang salitang nightlife.

"Oh, hey! Nandito na pala ang office chic. Whatʼs up, Poms?" nakangising bati ni Craig kay Pomee nang tuluyan silang makalapit sa puwesto nito. Drunk was all over his flushed face. Itinaas pa ng lalaki ang kamao at nag-gesture na parang magpi-fist bump, pero tinangungan niya lang ito at nginitian.

"Drop it, Craig," saway rito ni Cheska. Kinuha nito ang isang bag na ibinigay ng bartender mula sa kabilang side ng bar at muling pumihit paharap sa kaniya. "Here, boo, take this."

Kahit na hindi niya silipin ang loob, alam na alam niya kung ano ang laman niyon.

"You know the drill," Cheska said, glancing at Pomeeʼs cream blouse and purple wide-leg trousers. "I knew you would arrive looking like my grandmotherʼs favorite ice cream, so I decided to bring you some real party clothes."

Napangiwi siya. "That bad?" tanong niya sabay sipat sa sariling suot.

Cheska clicked her tongue. "Yep, that bad."

Pabiro niya itong inangilan bago kinuha ang bag. "Saan ang washroom?"

Ngingiti-ngiting itinaas nito ang isang kamay. Sinundan niya ng tingin ang direksiyon na itinuro nito. Bitbit ang damit na bigay nito, dali-dali siyang nagpaalam sa kaibigan at tinunton ang banyo. Saktong pagpasok niya roon ay wala gaanong tao at maraming bakanteng cubicle, kaya mabilis siyang nakapagpalit.

Tiningnan ni Pomee ang sariling repleksiyon sa salamin. She was now wearing a bright yellow knee-length dress. The color complemented her pale complexion and the cut showed just the right amount of skin. Napangiti siya. Kabisadong-kabisado na talaga siya ni Cheska.

Feeling satisfied, Pomee stepped out of the washroom and sauntered back to her best friend.

"See? E 'di lalong lumitaw ang beauty mo!" pumapalakpak na komento ni Cheska.

"Oo nga, Poms! Daʼt ganiyan parati ang sinusuot mo. You look hawt," ani naman ni Craig na kulang na lang yata ay ibuhol ang magkabilang braso sa baywang ng kaniyang kaibigan.

Kinuha ni Cheska ang bitbit niyang mga bag at basta na lamang iyon inabot sa bartender na napadaan sa kanilang side. "Keep this for a while, then hand us a bottle of booze! The best one you got there!" utos pa nito sa lalaki sabay baling sa kaniya. "Oh, youʼll drink, ha?!"

Ngumuso siya. "Agad?"

"Donʼt worry, dating gawi! Overnight 'yong paalam ko sa 'yo kina tita. Hindi naman malalaman ng parents mo na uminom ka unless ilalaglag kita, so youʼre safe, boo!" pag-a-assure pa nito sa kaniya.

Maliban sa kanilang pagtakas sa weekend tuwing may time para mag-club, malaya rin siyang nakakapag-sleepover sa bahay ng kaibigan. Matalik din kasing magkaibigan ang kani-kanilang mga magulang kaya bata pa lamang ay dikit na sila sa isaʼt isa ni Cheska.

Bente-kuwatro anyos na siya ngayon, pero kung kontrolin siya ng mga magulang ay para lamang siyang isang high school student. Labag man sa kalooban niyaʼy hindi siya maaring pumiyok sa kagustuhan ng mga ito.

Naputol ang kaniyang pag-iisip nang biglang may humaklit sa kaniyang baywang. Kahit na hindi naman mababa ang neckline ng suot niyang bestida ay napatakip pa rin siya sa kaniyang dibdib—afraid her hidden treasures would be seen.

"You look dashing tonight, sweet pea," anas pa ng baritonong boses nito sa kaniyang tainga. She felt his firm hand sliding down, with utmost tenderness, from the side of her waist down the swell of her hips.

Pomee blinked. She had to.

Nilingon niya ito. Sapat na ang mga kumikislap na ilaw ng club para makita ng dalaga ang hitsura ng lalaki. Una niyang napansin ang mga mata nito. His intense gray eyes reminded her of someone close to her heart. His crooked smile gave him the playboy vibe. Mukha itong pinunit mula sa isang glossy magazine dahil sa mala-model na physique.

Habang nakatingin dito, pilit niyang kinakalkal sa kaniyang isip kung kilala ba niya ang lalaki, but she couldnʼt really remember meeting him before.

Dahil ayaw niya naman magmukhang maldita, nginitian niya na lamang ito at sinabihan ng simpleng, "Salamat." Ganoon naman talaga siya kapag may lumalapit sa kaniyang mga lalaki. Sanay na siya sa mga ganitong eksena. Tatanggalin na sana niya ang kamay nitong nakapalibot pa rin sa kaniyang baywang nang biglang magsalita si Cheska.

"Oh my gosh! Nakalimutan kong ipakilala kayo sa isaʼt isa!" tatawa-tawang bulalas nito sabay tapik nang malakas sa sariling noo. Pansamantala muna itong lumayo sa ubod ng touchy nitong boyfriend at humarap sa kanila ng estranghero.

Kumunot ang kaniyang noo. Magkakilala sila ni Cheska?

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Hinila siya ng kaibigan at inakbayan kaya tuluyan siyang nabitiwan ng lalaki.

"Pomee, this is Reiford, my cousin. Kakauwi niya lang from Italy and he owns this club!" dire-diretsong pagpapakilala ni Cheska sa kaharap. Itinaas pa nito ang dalawang kamay sa ere at iminuwestra ang buong club.

Pomeeʼs mouth formed a small 'o' while nodding.

Kaya pala hawig sila ni Chase, aniya sa isip-isip niya.

Ngumiti ang kaniyang best friend at bumaling naman sa pinsan nito. "Reiford, meet my one and only smoking hot boo—Pomee." Cheska snatched her boyfriendʼs drink and smiled naughtily. "Single pa 'yan. Hindi pa nagkaka-boyfriend at all," pahabol pa nito sabay hagikgik.

Pomee grinned at Cheskaʼs remark. "Hoy, sira ka talaga!"

"Youʼre indeed smoking hot, princess," Reiford agreed.

Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito. Hindi pa rin talaga siya sanay na pinupuri ng ibang tao.

He extended a hand towards Pomee and belted, "Nice meeting you!"

Nakangiting tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Likewise! Nice place, by the way!"

"I know, right?" sagot ni Cheska. Her eyes lit up. Humiyaw pa ito at gumiling sa kandungan ni Craig. "And since Reiford owns this club, unlimited drinks for us!"

Tumawa lamang siya sa inasal ng kaibigan. Cheska was her exact opposite. Nakiki-party siya rito at paminsan-minsan ay nakikisabay sa trip, pero hindi siya liberated katulad nito. Pomee sometimes let herself indulge in fun things, but not in too much fun. Hinding-hindi niya kayang sabayan ang lifestyle ni Cheska.

Bahagya siyang lumayo sa mga ito nang magsimulang dumaldal si Craig tungkol sa recent wild escapade nito sa Europe. It seemed to have piqued her newfound acquaintanceʼs interest. Isinandal niya ang likod sa counter at itinuon na lamang ang atensiyon sa kantang nire-remix ng DJ.

Mayamaya lamang ay naramdaman niya ang pagtapik sa kaniya ni Cheska. Inginuso nito ang grupo ng mga lalaking sumasayaw sa gitna ng dance floor. "Look at those hotties."

Inilipat niya ang tingin doon. "Parang mga bata pa," aniya. Tantiya niyaʼy mga college students pa lamang ang mga iyon.

Cheska smirked. "'Donʼt care. I bet theyʼre good in bed."

Inikot niya ang mga mata at hinampas ito nang malakas sa braso. "Nand'yan boyfriend mo, 'no. Tumigil ka nga."

Tinapunan lang nito ng tingin si Craig na abala pa rin sa pakikipag-usap kay Reiford with matching actions pa. Nagkibit-balikat lamang ang kaniyang kaibigan at saka muling ibinalik ang mga mata sa grupo. "Letʼs dance with them!"

"Ayaw ko nga!" tanggi ni Pomee.

Binalingan siya nito. "Huwag ka ngang KJ! Tara na!"

"You know I canʼt," tutol pa rin niya sabay tukod ng dalawang siko sa countertop. Iniba niya ang usapan. "Oo nga pala. Anong sinabi mo sa parents ko this time?"

"Well, sabi ko lang naman na I need your opinion sa tinatrabaho ko na designs," tila balewalang sagot nito. "Alam kong tatawagan ni Tita Karen si mommy to confirm our agenda for tonight, so I told my mom a few white lies here and there to make sure youʼre covered. My folks are quite gullible, you know."

"Ibang klase ka talaga," tatawa-tawa niyang wika. "Hindi ka talaga nauubusan ng palusot. Palagi mong napapaniwala ang parents natin."

"Bakit naman hindi? We all know Iʼm a good girl." Cheska winked at her knowingly. "At saka, hello? Hahayaan ba naman kitang ma-stuck doon sa apat na sulok ng boring mong kuwarto habang ako, e, nagpa-party at nagsasaya rito?" Mahina nitong binangga ang kaniyang braso. "I canʼt do that to my own best friend."

Na-touch siya sa sinabi nito. "And thatʼs why I love you."

Cheska made a face.

Pomee exhaled. "Mami-miss kita kapag nasa Italy ka na," dagdag pa niya.

"Oh, please, boo! Spare me the drama. Para namang hindi na ako babalik dito. Mag-aaral lang naman ako roʼn, 'no! Alam mo namang matagal ko nang hinihintay 'yong opportunity na 'yon." Kinuha nito ang bagong lapag na alak sa counter at agad na nagsalin sa isang shot glass. Inabot nito iyon sa kaniya kapagkuwan. "Now, nandito tayo para mag-enjoy. Live a little, boo! You need a boost! Drink it! Drink! Drink!"

Laughing, Pomee acccepted it and chugged the whole shot down her throat. Napapikit siya nang maramdaman ang mainit na likidong gumuhit sa kaniyang lalamunan.

"And that, bitches, is my girl!" hiyaw ni Cheska. Muli siya nitong inakbayan at sasayaw-sayaw na hinila sa gitna ng dance floor. "Letʼs party, everybody!"

As if on cue, lalong lumakas ang pagpatugtog ng DJ. Gayundin ang hiyawan ng mga tao.

Mayamayaʼy muli itong sumigaw, "What do you think of Reiford?"

Pomee shrugged. "He looks nice."

"Heʼs handsome, right?!"

"Pero mas guwapo pa rin si Chase," Pomee answered, grinning from ear to ear.

Cheska rolled her eyes heavenward. "Still in love with my twin brother, huh?"

Her cheeks turned scarlet. "Kailan ba nagbago 'yong nararamdaman ko para sa kaniya?"

"Jeez, Pomee, youʼre hopeless!" Bigla nitong kinuha ang walang laman niyang shot glass, na hindi niya namalayang hawak-hawak pa pala niya at itinapat sa bibig ang mismong bote ng alak. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Huli na para makaiwas siya, bumuhos na ang laman ng bote sa kaniyang bibig.

Impit siyang napasigaw nang muling gumuhit sa kaniyang lalamunan ang rumaragasang apoy na dala niyon. Sunod-sunod siyang napahirit nang ubo habang tinatapik ang tila napaso niyang dibdib. That stung!

Nang makahumaʼy sinamaan niya ng tingin ang humahalakhak na kaibigan. Hahampasin na sana niya ito nang muli na namang may pumulupot na matipunong braso sa kaniya. Sa hangin tuloy naglanding ang kaniyang kamay. Pomee looked up.

"Hello again, sweet pea." Reiford smiled seductively, flashing his pearly white set of teeth.

Narinig niya ang pagtili ni Cheska. "Ikaw na ang bahala sa best friend ko, cousin, ha?!" sigaw nito bago siya tuluyang iwanan kay Reiford sa gitna ng naggigitgitang mga tao.

——

Umiikot ang buong paligid ni Pomee. Hindi ganoon kataas ang alcohol tolerance niya kaya mabilis siyang nalalasing. Hindi naman iyon ang una dahil maraming beses na siyang nalasing noon dahil na rin sa pamimilit ni Cheska na uminom siya, pero ito na siguro ang pinakagrabe sa lahat. She couldnʼt even walk without her feet stumbling.

"Iʼm so drunk," she mumbled, voice slurred. Pinilit niyang nilingon si Cheska na kumukuha ng suporta sa balustre ng hagdan.

Ang chauffer ni Craig ang naghatid sa kanila pauwi. Mabuti na lamang din at overnight ang ipinaalam ni Cheska sa kaniyang mga magulang. Hindi siya maaring umuwi sa kanila na pasuray-suray at tila wala sa katinuan, or else sheʼd be dead meat. At least may kaunting oras pa siya mamayang umaga para palipasin ang kaniyang hangover.

"Where the hell is Craig?" anang kaniyang kaibigan. Hindi niya rin gaano maintindihan ang pananalita nito dahil kumpara sa kaniya, mas marami itong nainom. "Damn. Nauna pa siyang umakyat kaysa sa 'tin. That asshole. Hindi man lang muna alalayan ang girlfriend."

"Last na talaga 'to. Hindi na talaga ako iinom sa susunod," aniya habang pilit pa rin na hinahakbang ang mga paa.

Binalingan siya ni Cheska. "Boo, y-you know...you know where the guest room is, right?"

Dalawang beses pa muli nitong inulit ang sinabi bago niya tuluyang naintindihan. Sunod-sunod siyang tumango. Dahil magkaibang direksiyon ang tatahakin nila, naiwan si Pomee mag-isa sa tahimik na hallway. She heaved out a sigh. Pinilit niyang maglakad nang tuwid at huwag gumawa ng kahit na anong ingay.

"Nasaan na ba ako?" mahina niyang tanong sa kawalan.

Napakamot siya sa ulo. Apat na palapag ang mansion na pag-aari ng pamilya nina Cheska. It had more than twenty guest rooms, and in her state right now, she was having a hard time identifying which is which. Napasapo siya sa noo.

Great, naligaw ako sa bahay ng best friend ko, sabi niya sa isip-isip niya habang binabaybay ang madilim na daan. Kung tutuusin ay dapat kabisado na niya ito dahil kinalakihan niya rin naman ang bahay na ito, pero dala ng sobrang kalasingan, hindi na niya alam kung saan siya pumupunta.

Pomee stopped dead in her tracks when she saw the familiar white door with blue lining. Humarap siya roon at saglit iyong pinakatitigan. Hindi siya puwedeng magkamali, kuwarto iyon ni Chase. Napatingala siya at bumuga ng hangin. Ngumiti siya nang mapait at muling tumitig sa pinto nang ilang segundo. She held the doorknob.

"I...I love you...you—I...ugh." She bit her lower lip. Inalis niya ang pagkakahawak sa seradura. Bagsak ang mga balikat na nilampasan niya ang kuwarto ni Chase at nagpatuloy sa paglalakad.

Dragging her aching feet, she moved around. May napansin siyang kuwarto sa dulo, at kung tama ang pagkakaalala niya roon, isa iyong guest room. She recalled sleeping there countless of times noong college pa sila. Hinubad niya ang mga sapatos at halos liparin ang silid.

Pomee turned the silver knob. Muntik na siyang mapasigaw sa tuwa nang makitang bukas iyon. "Good heavens! Itʼs open."

Walang sinayang na sandali ang dalaga. Dire-diretso siyang pumasok sa loob at dali-daling humiga sa pinakagilid ng kama. Walang bahid ng liwanag na pumapasok sa silid dahil na rin marahil sa block curtains na nakatabing doon, pero hinayaan na lamang 'yon ni Pomee dala ng sobrang kalasingan.

Handa na siyang magpatangay sa antok nang may maramdaman siyang kakaiba sa kaniyang katawan—as if someone was touching her—her legs, to be specific. The rough hand continued caressing her skin.

Eyes still closed, Pomee swallowed hard.

Pakiramdam niya bigla siyang naliyo. Hindi niya alam kung dahil ba sa pinagsamang kalasingan at antok o sa kakaibang kiliti na dulot ng humahaplos sa kaniya.

Umuwang ang kaniyang bibig nang dumako ang malilikot nitong kamay sa itaas na bahagi ng kaniyang katawan. A pair of firm hands wandered tenderly at her satin covered breasts, teasing each peak. The burning heat vibrating from her body was so intense, para siyang lalagnatin nang mga sandaling iyon. Seconds later, naramdaman niya ang banayad na paghatak nito sa kaniya, tapos ay ang dahan-dahang pagdagan ng buong bigat nito sa kaniya. The strong smell of his cologne tickled her nose. It was intoxicating.

Hindi niya alam kung paano gagalaw. Should I wrap my arms around him? Should I push him?

She knew one thing—she didnʼt want to stop. Halos tumigil ang oras nang lumapat ang malalambot nitong mga labi sa kaniya. Pomee gasped at the sudden contact, but her eyes remained shut. Her lower lip was being nibbled and, gracious, it felt so good she almost melted.

The kiss went deeper the moment his tongue wandered inside her mouth, making her powerless and yearning for more. Hindi siya marunong humalik, pero ginantihan niya ito nang buong puso. There was something familiar about this dream...or about this man.

Pomee unknowingly circled her legs over his waist and tied her jelly arms around his neck, giving him full access to her body. He ground his growing manhood against her femininity, and she gasped at the sudden rush of electricity that quickly surrounded her flesh.

She shrugged inwardly, giving in to the unknown need clouding her system.

Iʼm probably just dreaming or hallucinating, she thought.

Sa dami ba naman ng alcohol na lumalangoy sa kaniyang sikmura ngayon at lumulunod sa kaniyang utak, nahihirapan siyang pilitin ang sarili na mag-isip kung sino ba ang humahalik sa kaniya ngayon—o kung totoo ba ito o isa lamang panaginip.

Nang humiwalay ito sa kaniya, akala niyaʼy tapos na ang kaniyang panaginip, ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay muli itong dumagan sa kaniya.

Naked.

It sparked more fire within her—which she didn't know she was capable of. The man brushed his bare skin against hers. Raw and solid muscles pressed to her tiny body. She stroked his chest and marveled at his broadness using her trembling hands. He seemed to like it because his mouth made a muffled sound.

Pinamulahan ang dalaga ng mukha. It was all foreign to her. Ngayon lang din siya nakadama ng hubad na katawan. At kahit na ba panaginip o hallucination lang ito, it felt so real! Oh, the things people did when they were drunk. Papaano ito nabuo sa kaniyang imahinasyon?

Napasinghap siya nang lalo nitong idagan ang pagkalalaki sa kaniya. In a blur, all her irrational thoughts and arguments went down the drain. She stopped thinking and began reacting. Pomee bit her lower lip. Hard. Dumako ang kamay nito sa laylayan ng suot niyang bestida, prompting her to take it off. Pomee obliged. Matapos hubarin ang damit at ihagis sa kung saan, sinunod niya ang kaniyang underwear. Hindi na niya alam kung saan niya iyon naitsa dahil agad siya nitong sinunggaban ng halik.

Marubdob. Mapusok. Makapagtigal-hininga.

Matapos magsawa sa kaniyang mga labi, dumausdos pababa ang halik nito sa kaniyang leeg patungo sa mayayaman niyang mga dibdib. Suave ang bawat galaw ng lalaki. Hindi niya alam kung papaano nito nagawang i-unhook ang suot niyang bra nang hindi niya namamalayan.

He took one nipple inside his warm mouth and swirled his wet tongue around it.

Pomee whimpered, reacting to new sensations building up inside her body. Pabiling-biling ang kaniyang ulo habang nagpapakasasa ito sa kaniyang dibdib. Her legs parted involuntarily when he ground his hard and throbbing member over her bare wetness.

She was already aching down there, and she still wanted more.

Lost in his own hunger, he moved his hand and cupped her womanhood. Her breathing intensified as he put more pressure against her moist folds.

"Oh, God!" she cried, sucking in some air.

Akmang aabutin niya ang kamay nito para sana alisin doon nang bigla nitong ipasok ang isang daliri sa loob. A long and exaggerated moan escaped her mouth, her pelvis shooting upwards.

He slammed his digit in and out. Mabagal lamang iyon sa umpisa, tila kinakalkula ang kaniyang reaksiyon, hanggang sa unti-unting bumilis na parang may hinahabol. Itinukod niya ang dalawang siko sa higaan para kumuha ng suporta. Pakiwari niyaʼy masisiraan siya ng bait sa ginagawa nito.

May kakaunting kirot siyang naramdaman, pero kayang-kaya niya naman iyon ignorahin dahil mas nangingibabaw pa rin ang kakaibang luwalhati na dulot niyon. Mariin siyang napapikit nang alisin nito ang kamay roon at ipalit ang mga labi nito. Naibagsak niya ang likod sa kama. Shock turned into waves of pleasure. Pigil ang hiningang hinagilap ng kaniyang mga kamay ang makapal nitong buhok na kumikiliti sa kaniyang mga hita. She almost collapsed when he started to lick her most sensitive bud, sending a shockwave of pleasure down her aching body.

Patuloy lamang sa pagtaas-baba ang ekspertong dila ng lalaki. As he devoured her inner goddess, he slipped one finger inside her one more time and then, slowly, slid another one. Using his thumb, he drew tiny circles around her precious button of pleasure, teasing her. Pomeeʼs head swung back and forth, as if she was about to lose her sanity. Hindi niya mapigilang manginig. May kung anong namumuo sa kaniyang loob. Hindi niya matukoy kung ano 'yon, but it was about to come out!

"I-I...I think Iʼm gonna—oh!" Hindi matapos-tapos ng dalaga ang sasabihin. I think Iʼm going to pee!

He held her creamy legs in haste and placed them around his waist. She gulped when she realized what he was about to do. And before she could even utter a word, pain and pleasure slashed her body like a thunder. She felt something tear inside her. Humagis ang kaniyang mga kamay sa magkabilang braso ng lalaki. Her back arched.

Ngunit imbis na dumaing, mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Moving in a slow pace, he lowered his head and gave her another mind-blowing kiss. Gradually, he increased his speed. Tingin niyaʼy mapuputol ang kaniyang mga kuko sa tindi ng pagkakabaon niyon sa braso nito.

Pomee breathed out when the pain finally subsided. Few moments later, she started begging for more. She was meeting every thrust, every push, and every pull as he poured overflowing attention to her desperate and hungry being.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top