Chapter 4
NAKATITIG lamang si Pomee sa nakalapat na pinto habang hinihintay na bumukas iyon. Ilang gabi nang gano'n ang kaniyang ginagawa. Nananalangin na sana ay iluwa ng pintong iyon ang asawa niya. Ilang araw na kasing hindi umuuwi si Chase. Nang tumawag siya sa secretary nito, ang sabi sa kaniya'y mayroon lang itong kailangan asikasuhin sa ibang bansa, pero duda siya kung totoo iyon.
Malakas ang pakiramdam niya na nandito lang si Chase sa Pilipinas. Gusto niya sanang magtanong sa mga biyenan niya ngunit ayaw niya namang mahalata ng mga ito na hanggang ngayon ay walang nagbago sa pagsasama nilang mag-asawa, kaya nagkasya na lamang siya sa paghihintay rito.
Martir, oo, aminado siya. Dahil nagawa pa rin niyang magpakatatag at manatili sa piling ng asawa sa kabila ng lahat ng dinanas niya rito.
She smiled bitterly. Maybe this was the price she had to pay for loving him. Maybe these were the things she had to endure and to trade for wanting to protect him. Ito ang napapala niya sa panghihimasok sa buhay ni Chase.
Ngunit imbes na marmarkulyo at magpadaig sa sakit, buong puso niyang tinanggap kung ano ang buhay na pinasok niya. She should've left him, pero heto siya at naghihintay sa pagbalik nito.
Tanga? Siguro. Impokrita siya kung sasabihin niyang hindi siya nasasaktan at nahihirapan. Pero siguro nga ay tanga siya, dahil handa siyang tiisin ang lahat para kay Chase. Sapagkat sa kabila ng lahat, sa kabila ng sakit, hinagpis, luha...paulit-ulit lang din niya itong patatawarin nang kusa.
Sa tuwing nakikita niya itong nagagalit o nasasaktan, mas lalo niya itong gustong mahalin. Mas lalong nagnanais ang puso niyang burahin ang lahat ng sakit na dinulot niya rito sa pamamagitan ng pagsukli rito ng pagmamahal.
Pomee wanted to conceal all his scars with her love, she wanted to heal all his wounds with her touch. If only he'd let her do that.
But she knew she couldn't mend his broken heart...much more replace the person inside it.
Because that was something beyond her control.
"Hija?"
Nag-angat siya ng tingin kay Manang Susan. Halata sa mukha nito ang pagod dahil sa maghapong gawain. Pati pala ang kawaksi'y naiistorbo niya sa gabi-gabing paghihintay kay Chase.
"Manang, kung gusto mo na pong magpahinga, okay lang po." Banayad ang ngiting sumilay sa kaniyang mga labi.
Sa kabila ng inaantok nitong ekspresiyon ay gumanti ito ng ngiti. Iyong klase ng ngiti na nakakapanatag ng kalooban. "Ay, naku. Huwag mo akong alalahanin. Maari ba kitang tabihan at makakuwentuhan sandali?"
Sunod-sunod siyang tumango. Mula nang ikasal sila ni Chase, pakiramdam niya, buong mundo niya ang nagsara. Umayos siya ng upo at inayos ang mga throw pillow sa kaniyang tabi para magkaroon ito ng sapat na espasyo.
Lumawak ang pagkakangiti ni Manang Susan at saka isinilid ang sarili sa sofa.
"Alam mo, hija," panimula nito, "bilib na bilib ako sa iyo."
Nilaro-laro niya ang kaniyang mga daliri. "Bakit naman po?"
"Dahil napakatapang mo at napakatatag ng loob mo. Napakabata mo pa, pero nakakaya mong indahin lahat ng 'to. Sa edad mo ay puwedeng-puwede mo pang gawin lahat ng gusto mo." Saglit itong tumigil at tumingin sa kaniya. "Pero nandito ka sa piling ng asawa mo. Nagtitiis."
"Ganoon ho siguro talaga ang pagmamahal, Manang Susan." Ngumiti siya nang mapait. "Kapag mahal mo, handa kang gawin ang lahat kahit pa ang kapalit niyon, e, masaktan ka."
Silence engulfed them.
"Noon pa man ay naniniwala na akong kailanman ay hindi mo sinadyang pikutin si Chase," basag ni Manang Susan sa katahimikan.
Gulat na humarap si Pomee rito. "N-Naniniwala ho kayo?" Dahil maliban kay Cheska, wala nang ibang naniniwala sa 'kin.
"Oo naman." Marahan nitong tinapik-tapik ang kaniyang magkasalikop na kamay.
Nagsimulang mag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. "B-Bakit ho?"
"Nasa mansion ako ng mga Grecco noʼng...noʼng mismong araw na sumugod ang mga magulang mo pagkatapos nilang malaman ang nangyari sa inyo ni Chase," mabagal nitong wika. Tumigil ito at saglit na nag-alangan sa susunod na sasabihin, ngunit sa huli'y nagpatuloy pa rin nito. "A-At hindi sinasadyang nasaksihan ko 'yong buong pangyayari sa hardin."
Natigagal siya. "N-Narinig n'yo po ang lahat?"
Tumango ito bilang sagot. "Pero hindi ko sinabi kina Don Javier ang mga nalaman ko. Tinago ko 'yon sa sarili ko dahil ayaw kong panghimasukan ang desisyon mo. Pero dahil nakukunsensiya ako at gusto kitang tulungan, noong naghanap sina Don Javier ng katulong na maninilbihan dito sa bahay ninyo, ako na ang nagprisinta."
Napasandal siya at mariin na napapikit sa pagdaloy ng mga alaala sa kaniyang gunita. Tandang-tanda pa niya ang lahat...
Hindi isang panaginip ang nangyari kagabi dahil totoong may nakatalik si Pomee—si Chase. Hindi niya alam na naroon pala ang binata sa guest room. Kapwa sila lunod sa alak at wala sa tamang huwisyo noong gabing 'yon kaya hindi nila na-control ang kanilang mga sarili.
Agad namang nakarating sa mga magulang niya ang balita. Mabilis pa sa alas kuwatrong nilipad ng mga ito ang mansion nina Chase. Parehas pa ngang mga nakapantulog ang parents niya.
"Anong katarantaduhan 'to, Chase?!" nagpupuyos na bungad sa kanila ni Don Paul, ang ama ni Pomee. Sinubukan nitong lumapit kay Chase ngunit mabilis niyang naiharang ang katawan dito.
"Dad, no!" sigaw niya.
Her body trembled in fear when her father grabbed her arm. Napaigtad siya sa sakit na dulot ng pagkakahawak nito sa kaniya. He pulled her away from Chase and pushed her to the side. She heard Cheska's muffled squeak behind her.
Agad na dumalo sa kanila si Don Javier, ang ama nina Chase at Cheska. "Pare, huminahon ka."
Ngunit hindi ito pinakinggan ng kaniyang ama. "Huminahon?! Nagalaw ng anak mo ang anak ko tapos ay gusto mong huminahon ako?!" sigaw pa nito.
"Please, Paul," pakiusap na rin ni Doña Olivia, ang asawa ni Don Javier at ina ng kambal. Tumayo ito lumapit din sa kaniyang ama. "Kumalma muna kayo ni Karen. Kausapin n'yo nang maayos ang mga bata."
Nahihiyang nilingon ni Pomee si Chase na patuloy lamang sa pagpukol ng masasamang tingin sa kaniya.
"If you'll excuse us, kakausapin lang namin si Pomee," her mother said in a flat note. Hindi na nito hinintay pa na makasagot ang mag-asawang Grecco. Kasama ang kaniyang ama, inakay siya ng mga ito patungo sa garden ng mansion.
Dumagundong ang takot sa kaniyang dibdib. Alam na niya kung ano ang mangyayari sa pag-uusap na 'yon. Sana pati ito ay parte lang din ng panaginip.
Pagkarating nila sa garden, luminga-linga muna sa paligid si Doña Karen at walang sabi-sabing sinampal siya nang malakas. Awtomatikong napasapo siya sa nasaktang pisngi. Tears welled up in her eyes.
"Hindi ka na nahiya sa mga Grecco!"
Sa sobrang lamig ng boses ng kaniyang ina, maski katawan niya'y pinanlamigan.
"Ma, I'm really, really sorry." Hinawakan niya ang kamay ng ina ngunit pumiksi ito at muli siyang pinagkalooban ng isa pang malakas na sampal. Humagulgol siya na lumapit sa ama. "Dad, please, forgive me."
Madilim ang anyo ng kaniyang ama. Tipong handang pumatay.
Pinagsalikop niya ang dalawang palad at marahang pinagkiskis. "Ma, Dad...please, forgive me."
"Gusto mo ba talagang matulad sa kapatid mo?!"
Nilingon niya ang ama. Namumula ito sa galit. Kung hindi lamang siya babae, malamang ay nasapak na rin siya nito.
"Wala kang pinagkaiba sa Ate Pola mo! Paano kung nabuntis ka?! Bibigyan mo ba talaga ng isa pang kahihiyan ang pamilya natin?!" anang pa ng kaniyang ina.
"Ma, hindi—"
"Sabihin mo sa amin ang totoo, Pomee," putol sa kaniya ng ama. Lumapit ito sa kaniya at muli siyang hinawakan nang mahigpit sa kaniyang braso. Paniguradong pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay magkakaroon siya ng maraming pasa sa katawan. Nakagat niya ang ibabang labi nang manuot sa kaniyang kalamnan ang galit sa pagkapit nito.
Sunod-sunod siyang napalunok. "Dad, let me explain—"
"Is he your boyfriend? Because if not, I'll file a rape case against Chase and his family! I'll make that boy suffer!" Don Paul said, gritting his teeth.
Nanlaki ang kaniyang mga mata. Biglang umurong ang kaniyang dila. Balak pa naman din niyang sabihin na wala silang relasyon ng binata at aksidente lamang ang lahat. "D-Dad, no, please. Don't—don't do that, nakikiusap ako. Walang kasalanan si Chase rito. I-It's entirely my fault," she begged.
Her face was already pale. Kung kinakailangan niyang lumuhod sa harap ng mga magulang ay gagawin niya. Pero alam niyang hindi iyon uubra sa mga ito.
"So you seduced him?!" her mom shrieked, horrified. "You must be out of your mind, Pomee Fuentez! Hindi ka namin ganiyan pinalaki!"
Habang pinagsasabihan siya ng mga magulang ay mabilis na umandar ang kaniyang utak. Hindi puwedeng magkagulo ang mga pamilya nila ni Chase. Hindi niya hahayaang malagyan ng lamat ang pagkakaibigan ng kanilang mga magulang nang dahil lang sa isang pagkakamali na wala namang may intensiyon na mangyari.
Ngunit kilala ni Pomee ang mga ito. Kung aaminin niya ang totoong dahilan kung papaanong nagising siya sa tabi ng binata nang walang kahit na anong saplot sa katawan, hindi lang si Cheska ang madidiin. Paniguradong itutuloy din ng kaniyang daddy ang pagsasampa ng kaso kay Chase kahit pa ipagpilitan niyang wala itong kasalanan. Kilala niya ang mga magulang. It would start a never-ending chaos between their families. At ayaw niyang umabot sila sa ganoong tagpo.
Kapag naman sinabi niyang nagpakalasing siya nang kusa kaya nangyari 'yon, itatakwil siya ng mga magulang niya tulad na lamang ng ginawa nitong pagtatakwil sa nakatatanda niyang kapatid na si Pola. Maaga kasi itong nabuntis at hindi ito pinanindigan ng lalaki.
Hindi marunong tumanggap ng kahit na anong form ng pagkakamali ang kaniyang parents.
"Pomee, may relasyon ba kayo ni Chase o wala?!" untag sa kaniya ng ama. Naroon pa rin ang poot sa mga mata nito.
Kumibot-kibot ang kaniyang mga labi. Ang lakas-lakas din ng tahip ng dibdib niya. Para siyang hihimatayin anumang oras.
"Answer your father, Pomee!" ani pa ni Doña Karen. "May lihim ba kayong relasyon ni Chase o wala?!" Mula sa bulsa ng suot nitong bestida ay inilabas nito ang phone. "I'm calling our lawyer—"
"C-Chase is—he's my...boyfriend," maagap niyang sabi. Napapikit siya nang mariin kasabay ng pagtulo ng panibagong mga luha.
Lihim siyang humingi ng tawad sa binata. I'm really sorry, Chase.
Ito lang ang option na mayroon siya to save everyone...except herself.
Silence momentarily filled the garden.
"If that's the case, kailangan n'yo nang magpakasal sa lalong madaling panahon," rinig niyang deklara ng ama kapagkuwan.
Right there and then, she knew she'd be tied into a loveless marriage.
Mas malaking sakripisyon iyon sa parte ni Chase at siguradong hindi siya nito mapapatawad, pero hindi niya naman maatim na makulong ito. Marami pa itong pangarap at ayaw niyang masira iyon nang dahil sa nangyari. She knew what her family was capable of doing. Her parents may be conservative and traditional, but they could destroy anyone in a snap. Paniguradong hindi sasantuhin ng mga magulang niya si Chase kahit pa isa itong Grecco.
She couldn't let everyone suffer because of her mistake.
She couldn't let Chase suffer and get hurt...not on her watch.
But...
Well, just maybe...maybe it would be more bearable for Chase if she showered him with love. And maybe it would hurt less on her part dahil mahal naman niya ang pakakasalan niya.
Marriage was the only way to patch things up and regain the trust of both families. It was the only way to save him.
Pero ang hindi alam ni Pomee, she just committed the biggest mistake of her life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top