Chapter 2
POMEE'S eyes slowly fluttered open. Hinayaan niyang maka-adjust ang kaniyang mga mata sa liwanag ng silid. She pressed her lips and stared at the ceiling. Panibagong araw na naman ang haharapin niya. Iinat-inat na binalingan niya ang wall clock. Tamang-tama. Pinilit niya talagang gumising nang maaga para maihanda ng pagkain si Chase.
Pupungas-pungas siyang tumayo at nagtungo sa kuwarto ng asawa upang silipin kung naroon pa ito. Marahan niyang pinihit ang doorknob, but to her dismay, naka-lock 'yon. Nalaglag ang kaniyang mga balikat. Si Chase ang nagdesisyon na maghiwalay sila ng kuwarto. Hindi na siya nakipag-argumento pa rito noʼn dahil alam niyang masasaktan lang din siya sa maririnig.
Ilang segundo siyang nakipagtitigan sa pinto ng silid nito bago siya nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga at dumiretso na lamang sa kusina. Naabutan niya roon si Manang Susan, ang kaisa-isa nilang kawaksi.
"Good morning po," nakangiti bati ni Pomee rito.
Binalingan siya nito't ginantihan ang kaniyang ngiti. "Magandang umaga rin, hija. Gusto mo na bang mag-almusal?"
"Mamaya na lang po." Lumapit siya rito. "Um, nand'yan pa ho ba si Chase?" alanganin niyang tanong sa matanda.
"Oo. Tulog pa ang asawa mo."
Lihim siyang napa-yes! nang malamang sumakto ang oras ng gising niya. Madalas kasi ay napupuyat siya kahihintay kay Chase kaya madalas ay tinatanghali rin siya ng gising. Dali-dali siyang nagsuot ng apron at nag-inspeksiyon ng laman ng ref.
"Ipagluluto mo ba ng almusal si sir?" tanong ni Manang Susan.
"Opo," tugon niya sabay tango nang sunod-sunod. Narinig niya kasi kagabi na magiging mabigat ang araw na ito para sa asawa dahil marami itong meetings at aasikasuhin, kaya naisip niyang lutuin ang paborito nitong ulam—sinigang.
Humagikgik si Manang Susan. "Ang suwerte talaga ni Chase sa iyo, hija. Maganda na, maasikaso pa!" anito habang tinutulungan siya sa pagpe-prepare ng mga kailangan niya.
Saglit na dumaan ang isang mapait na ngiti sa kaniyang mga labi. "Sana nga alam niya rin 'yan, Manang," malungkot niyang saad.
Higit kanino man, si Manang Susan ang saksi sa mapait nilang pagsasama ng lalaki. Ito ang naging kawaksi nila mula noong ikasal sila ni Chase. Galing ito sa mansion ng mga Grecco na inilipat sa kanila upang dito na manilbihan. Ang matanda lang din ang tanging nakakaalam at nakakaintindi ng sitwasyon nilang mag-asawa. Hindi rin naman niya maitatago rito ang totoong nangyayari sa kanila ni Chase dahil kasama nila ito sa bahay araw-araw.
Bahagyang hinagod ni Manang Susan ang kaniyang likod. "Lalambot din 'yon. Hayaan mo munang lumipas ang galit sa puso niya."
Pero hanggang kailan siya maghihintay na mawala ang galit sa puso ni Chase? Hanggang kailan siya magtitiis sa sakit? Posible pa nga bang mapatawad siya ng asawa?"
"Sana nga po, Manang Susan. Sana nga po..." ang tanging nasambit niya na lang. Pinilit niyang ngumiti kahit sa loob-loob niya'y kanina pa nagbabadya ang kaniyang mga luha.
Mayamaya pa'y naging abala na sila sa pagkilos sa kusina. Mabilis nilang naluto ang sinigang dahil bukod sa hindi naman iyon mahirap i-prepare, tinutulungan din siya ni Manang Susan. The mouthwatering aroma of the soup permeated the air. Excited na siyang ipatikim kay Chase ang kaniyang niluto.
As if on cue, loud and heavy footsteps echoed through the whole house.
"Manang Susan?"
Kumabog ang dibdib ni Pomee nang marinig ang baritonong boses na iyon ng asawa. Nabitin sa ere ang sandok na hawak niya. Nilabanan niya ang panginginig ng kamay at dahan-dahan iyong ibinaba sa countertop. She turned around.
Napakurap siya nang makita ang asawang bihis na bihis at guwapong-guwapo sa suot na puting long-sleeved polo at itim na slacks. Nakasukbit sa kamay nito ang kulay maroon nitong coat na mukhang ilang ulit na pinaraanan ni Manang Susan ng plantsa. He looked very corporate. He always did.
Lagi niya namang nakikita si Chase, pero palagi pa rin siyang naa-amaze sa taglay nitong kaguwapuhan. Aware siya sa napakaraming babae na nahuhumaling dito, at hindi niya itatangging kabilang siya sa mga iyon.
Always breathtakingly handsome.
"Magandang umaga, hijo," masayang bati ni Manang Susan kay Chase. "Tena rito't pinaghanda kayo ni Pomee ng masarap na agahan." Nakangiting iginiya nito ang kaniyang asawa sa lamesa.
Pomee filled her lungs with air and poured her heart with hope. "Good morning!" bati niya kay Chase.
Parang walang narinig na dumire-diretso lang ito ng upo at nagpatimpla ng kape kay Manang Susan. Ni hindi ito nag-abalang tapunan siya ng tingin. Nagkatinginan sila ng matanda, pasimple itong umiling na para bang nagsasabi ng huwag siyang magpaapekto sa inaakto ng lalaki. Muling nilakasan ni Pomee ang loob at sinubukang lumapit kay Chase para halikan ito sa pisngi, ngunit kamay pa lamang niya ang dumadampi sa balikat ng asawa'y agad na siya nitong tinabig.
Okay, Pomee, hinga. Kaya mo 'to, she reminded herself.
Kinuha niya ang kape sa papalapit na si Manang Susan at sinenyasan ito na magsandok ng ulam para kay Chase. Umupo siya sa bakanteng silya na nasa tabi ng asawa at siya na mismo ang naglagay ng tasa sa harap nito. "Nagluto rin pala ako ng paborito mong sinigang. Manang Susan helped me kaya I'm sure na magugustuhan mo 'yon."
Hindi pa rin siya nito tinapunan ng tingin at sige lang sa pag-scroll sa emails nito. She bit her lower lip.
"Manang Susan, can you cook me some bacon?" mayamaya'y utos ni Chase na para bang hindi siya narinig o nakita.
Binalingan niya si Manang Susan. Bantulot na inilapag ni Manang Susan ang mangkok na may lamang sinigang at tumingin sa kaniya bago inilipat ang tingin sa asawang nakatutok pa rin sa cellphone nito.
"H-Ha? P-Pero masarap po ang sinigang na luto ng asawa n'yo," anang pa ng kawaksi.
Lumabi siya. "O-Oo nga. K-kahit tikman—"
"I only want bacon," matigas na putol ni Chase sa sinasabi niya.
"S-Sige ho." Atubiling sinunod ni Manang Susan ang utos nito.
Napakagat siya sa ibabang labi. Pilit niyang winaksi ang pagkirot ng kaniyang puso. She fought to control the sting of Chase's rejection. Tumayo siya at lumapit kay Manang Susan na nag-iinit na ng kawali.
Ipiniling niya ang kaniyang ulo at nagsalin na lamang sa maliit na stainless. "Kung ayaw mong kumain dito, magbaon ka na lang para may makain ka namang healthy sa opisina mo. Sabi kasi ng secretary mo—"
Muli siyang naputol sa pagsasalita nang biglang kunin ni Chase ang kaldero na naglalaman ng bagong lutong sinigang at basta-basta na lamang itinapon sa lababo.
Nanlaki ang mga mata niya. Narinig din niya ang impit na pagsigaw ni Manang Susan sa kanilang likuran. Her whole body trembled.
Ang sinigang ko...pipi niyang usal.
Nadurog ang puso niya sa ginawa ni Chase. Pinaghirapan niyang lutuin 'yon.
Stunned, she asked, "B-Bakit mo t-tinapon? H-Hindi ka ba mahilig sa sinigang? S-Sayang naman..."
Patuyang ngumiti ito. "Sayang?" he scoffed. "Higit pa dʼyan 'yong naramdaman ko no'ng basta-basta na lang matapon at mapunta sa wala 'yong apat na taong relasyon namin ni Sheena dahil sa iyo."
Huminga siya nang malalim para pigilan ang mga luhang gustong-gusto nang sumungaw sa kaniyang mga mata.
"At puwede ba? Tigil-tigilan mo ang pakikialam sa akin? Walang nagsabi sa iyo na gawin mo 'to for me," dagdag pa nito sabay talikod sa kaniya.
Hindi na nito hinintay pa ang almusal na pinapaluto kay Manang Susan at dali-dali nang lumabas ng kanilang bahay. Nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Saka lamang niya napagtanto na pigil-pigil pala niya ang kaniyang paghinga nang marinig ang malakas na pagharurot ng sasakyan ni Chase.
Mariin siyang napapikit at napasandal sa lababo. Parang pinipiga ang puso niya.
Hindi pa ba siya sanay?
Bahagya niyang sinuntok-suntok ang sariling dibdib. "Kaya mo pa. Kaya pa natin," halos pabulong niyang usal sa sarili. Tinapunan niya ng tingin ang lababong puno ng nagkalat na sahog ng sinigang.
"H-Hija, a-ako na lang ang maglilinis niyan. Magpahinga ka na lang muna," awang-awa na sabi ni Manang Susan.
Malungkot niya itong tinanungan. Hindi na siya tumanggi pa dahil pakiwari niya'y na-drain ang kaniyang lakas dahil sa nangyari.
——
NAPAPITLAG si Pomee nang marinig ang boses ng kaibigan sa kabilang linya. She's spacing out again.
"I'm really sorry, Pomee," hinging paumanhin ni Cheska. Rinig din niya ang mahinang paghikbi nito.
Ilang buwan nang wala sa Pilipinas si Cheska. Umalis ito isang linggo matapos ang kasal nila ni Chase. Lumipad ito patungong Italy para ipagpatuloy ang pangarap na maging isang tanyag na fashion designer. Tuloy ay wala siyang mayakap sa tuwing kailangan niya ng presensiya nito.
"Kasalanan ko lahat," saad pa ni Cheska.
Pomee let out a sigh. "Shh, no. Tigilan mo na nga 'yan," saway niya rito sabay pakawala ng isang impis na tawa.
Sinisisi ni Cheska ang sarili dahil daw kung hindi siya nito pinainom nang todo at kung doon lang daw siya sa kuwarto nito natulog nang gabing iyon, malamang ay hindi magkakagulo ang lahat.
Lahat naman sila'y may kani-kaniyang kasalanan sa nangyari, ngunit hindi nito dapat akuin ang lahat ng sisi. Hindi niya maatim na parusahan ng kaibigan ang sarili nang dahil sa isang pagkakamali na wala namang may intensiyon na mangyari.
Napapikit si Pomee nang dumaan sa kaniyang isip ang alaala ng gabing iyon.
"Hanggang ngayon, ayaw akong patahimikin ng konsensiya ko. Alam kong hindi kayo okay ni Chase..."
Kinurap-kurap niya ang mga mata para hindi siya tuluyang maluha. "A-Ano ka ba?!" pabiro niyang sikmat. "S-Sobrang okay kami ni Chase, 'no!" Pinilit niyang pasiglahin ang tinig para hindi nito isipin na nagsisinungaling lang siya.
She let out a heavy sigh. But to be honest? Durog na durog na 'yong puso ko. Durog na durog na ako.
Ngunit hindi niya kayang isatinig ang mga salitang 'yon. Wala siyang kakayahan dahil 'yong puso niya ay iba ang sinasabi. Kulang ang kaniyang lakas para pigilan ang dinidikta ng kaniyang puso—para dinggin ang sinigiw ng kaniyang isip. Her love for Chase was just way more powerful than anything else in the world.
Mariin siyang napapikit. Unti-unti na namang nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata.
Wala, e. Mahal mo, bulong ng sutil niyang puso.
Kung sa larangan lang din ng pag-ibig ang pag-uusapan, isa siyang talunan. As if she could still deny the fact that she was still madly in love with Chase kahit gaano pa siya nito saktan emotionally. Kahit kulang na lang ay magpagawa na siya ng sariling pool sa dami ng mga nailuha niya rito. Kahit ano yata ang gawin nito sa kaniya, ang tanga niyang puso ay paulit-ulit lamang itong patatawarin at mamahalin nang lubos.
Siguro nga totoo iyong sinasabi ng iba na may mga bagay na hindi mo basta-basta maisusuko kahit na buong mundo na ang tumututol sa 'yo—kahit pa tadhana na mismo ang kalaban mo. Kabilang sa mga bagay na 'yon ay ang pagmamahal niya kay Chase. Her love for him was too pure and endless. Hindi niya rin alam kung bakit, e.
Kaya kahit hayagan nitong ipinamumukha sa kaniya ang pagkamuhi nito, she just couldn't hate him. Handa siyang tanggapin lahat ng sakit na binabalik nito sa kaniya. Umaasa siya na balang araw, magbabago ang ihip ng hangin at matututunan din siya nitong mahalin.
"Pomee, are you still there?" untag ni Cheska sa kabilang linya.
"Yeah, I'm still here!" Muli niyang pinasaya ang boses upang tabunan ang paghihirap ng kaniyang kalooban.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanila kapagkuwan.
Maliban kay Manang Susan, wala nang iba pang nakakaalam ng tunay na estado ng relasyon nila ni Chase. Ang hirap-hirap itago sa loob ng sakit.
"Pomee?" basag nito sa katahimikan. Ramdam niya ang alinlangan sa tono nito. "B-Bakit...bakit hindi mo sinabi sa magulang mo at kina dad ang totoong nangyari no'ng gabing napadpad ka sa guest room?"
Napabuga siya ng hangin. Inaasahan na niyang one of these days ay tatanungin din siya ng kaibigan tungkol doon. Kung bakit niya kailangan pagtakpan ang totoo. Mukhang hinintay muna nitong pumayapa ang gulo sa kani-kanilang pamilya.
Pomee smiled bitterly. Of course, she couldn't tell everyone the truth. Parang domino effect lang kasi iyon, e. At pinili niya ang option kung saan unti lang ang masasagasaan at unti lang ang magiging damage.
Well, 'yon ang akala mo, ani ng isang bahagi ng kaniyang isip.
Tandang-tanda niya kung paano bumadha ang gulat sa mukha ng lahat nang ianunsiyo niya na magnobyo sila ni Chase. Lalong nahindik ang kani-kanilang mga magulang nang sabihin din niya na ginusto niya ang nangyari sa kanila ng binata.
Chase denied it, of course. But he failed miserably. Alam din ni Cheska ang totoo, pero sinabihan niya ito na huwag magsalita sa kanilang mga pamilya tungkol doon.
Iyon ang pinakamadaling paraan. Pero kahit naman anong solusyon ang piliin niya, masasaktan at masasaktan pa rin siya, e. Matatalo at matatalo pa rin siya. Alam niya 'yon.
Inihanda niya ang sarili sa labang pinasok niya. Ang hindi lang niya napaghandaan ay 'yong sakit na mararanasan niya sa piling ni Chase. Akala niya magiging madali lang ang lahat dahil naniwala siyang kaya niyang burahin ang galit sa puso nito. Akala niya kaya niyang turuan ang puso nitong mahalin din siya. Ngunit paano nga ba niya tuturuan ang pusong bulag na bulag sa pagmamahal ng iba?
Oo nga't sa legal na aspeto ay pag-aari niya si Chase, pero hindi kailanman kaniya ang puso nito.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at marahas na pinakawalan iyon. "It's for the best, Cheska. Ginawa ko 'yon dahil mahal ko kayo at para maprotektahan kayo."
Parang nagkaroon ng bikig ang kaniyang lalamunan. Her mind was full of miserable thoughts. She's distracted, hurt, and confused.
But above all, she felt empty...inside.
How could a person full of love feel so empty?
Tama nga ba talaga ang naging desisyon niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top