Chapter 20
{THE BIG REVELATION!}
Nag paload agad kinabukasan si Tinay para mapaliwanag agad niya ito kay Hezekiah lahat, inumpisahan niya sa pagsasabi na si Hedriane talaga ang may pakana noon at si Hedriane mismo ang nagpost noon. Hindi naman siya, umaasa siya na maniniwala ang binata sakanya dahil ayaw naman niya na bigla na lang mawawala si Hezekiah sakanya dahil para sakanya si Hezekiah na ang huling taong mamahalin niya, nakikita na niya ang mga pwedeng mangyari sakanila kung sila ang magkakatuluyan ngunit hindi na yata yun matutuloy dahil sa pinag gagagawa ni Hedriane sa account ni Tinay..
Nagreply na si Hezekiah kay Tinay..
"Akala mo maniniwala ako sayo? Hindi na! Akala ko totoo ka sa akin, sa pagmamahal mo pero ganun? Dalawa kami ng ex boyfriend mo sa puso mo?"
"Ganun talaga yung nangyari kahapon Hezekiah, hindi ko talaga alam na gagawin niya yun. Bakit ko naman gagawin yan sa'yo? Alam mo naman sa puso mo mahal kita at kahit wala ako dyan sa tabi mo alam mong totoo ako sayo."
"Alam mo ba kung bakit ako magpapakita sa'yo? Kasi aalis na ako sa Pilipinas sa birthday ko! Pupunta na akong Spain at doon na ako mag aaral. hindi na ako titira pa dito. Ayoko na tumira dito! "
Nabitawan ni Tinay ang cellphone niya nung nalaman niya ang plano ni hezekiah na pag alis.. Parang tumigil ang mundo niya, hindi siya maka alis sa pwesto niya, ni hindi niya kayang magsalita o umiyak man lang. Gusto niyang sumigaw para malabas ang sakit sa puso niya pero hindi niya magawa. Parang nananaginip siya, panaginip na totoo. Panaginip na sana hindi nangyayari.
"Alam mo bang ikaw ang huling gusto kong makita sa pag alis ko? Kaya nga ako magpapakita sayo gawa nun tapos ito ang gagawin mo sa akin? Kung akala mong madadala mo ako sa paganyan ganyan mo, pwes hindi."
Sobrang sakit ng bawat salita na nababasa niya sa mga texts ni Hezekiah, gustong gusto na niya sirain ito o kaya patayin na lang para hindi niya na mabasa lahat..
"Kahit next year pa dapat ang flight ko magpapabook ako agad agad bukas para makaalis na at di na tayo magkita, wag ka na umasa na magkikita pa tayo sa scheduled date nating dalawa dahil sinasabi ko sayo, malabo na mangyari yang gusto mo."
Bawat salita dumudurog sa puso ni Tinay..
Gustong gusto niyang pigilan si Hezekiah sa lahat ng plano nito. Pero paano? Hindi naman niya alam kung anong oras ang alis ni Hezekiah, ni hindi niya alam kung sang airport siya naka check in..
"Sana sa pagbalik ko, maayos ka na, sana sa pagbalik ko hindi na kayo niyang boyfriend mong yan. Sana nasa mabuting kamay ka na. Dahil pinapanagako ko, babalikan kita at sisirain ko ang pagmumukha niyang lalaking yan. Magpapayaman muna ako at magtatapos ako ng pag aaral sa Spain. I loved you so much but you chose to broke my heart. I want to build my castle with my queen. And supposed to be, it's you. But no. You've lost my trust."
Sobrang sakit ng mga salita. Sobrang tumatak sa utak ni Tinay lahat yun. Hindi niya alam kung saan siya mag uumpisa ngayon na wala na siyang kasiyahan sa buhay niya, Hezekiah is her happiness, paano na siya ngayong wala na ang binata sa araw araw na pag gising niya?
"Lastly, wag ka na magtetext sa number na ito dahil sa oras na masend ko sa'yo to ay aalisin ko na at itatapon ang sim card ko. Ibibigay ko kay Henry itong phone.. Si Henry na ang makakausap mo pagkatapos na masend ng text na ito.."
iniisip ni Tinay na mga panaginip lang ang mga nangyayari, sana nga ay panaginip na lang dahil sa totoo lang nung mga oras na yun ay gusto an niyang magising ng tuluyan..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top