Chapter 10


"Goodmorning. I was surprised nung tinext mo ako kagabi Tinay.. Medyo matagal na nung huli kitang nakausap." -Zeke

That's the first message na nakita at kinagulat niya, akala niya hindi totoo na itetext siya ni Hezekiah. Akala niya nangloloko lang si Henry sakanya kagabi. Hindi niya alam kung ano isasagot niya, will she reply or not? Mixed thoughts at what's happening to her.

"Zeke, I just want to let you know na pinatext ka ni Henry sakin, nagtext siya sakin kagabi."

"Haynako, yun talaga o, ibang klase. Alam talaga nun kapag kailangan ko na maging masaya, sobrang lungkot ko kasi these past few days, nakita siguro niya."

Pero..bakit ako? Bakit ako ang tinext ni Henry at hindi si Catherine? Diba dapat si Catherine ang itext ni Henry dahil siya ang kailangan ni Zeke? Yan ang mga tanong ni Tinay sa utak niya, na alam niyang kailangan niya ng kasagutan sa mga ito..

"Pero... hindi ka ba nagtataka? Bakit ako ang tinext niya? Hindi ba dapat si Catherine at hindi ako?"

At that point, kinakabahan na siya sa magiging reply ni Zeke sakanya. Para bang gusto na niya magpakain sa lupa nung mga oras na yun.

Bigla na lang nag ring yung phone niya, pagtingin niya nagtext na si Hezekiah, unti unti siyang nanginig. Hindi niya alam kung ano ang sagot ni Zeke.

"Kasi alam ni Henry na ikaw lang ang magpapasaya sa akin." sagot ni Zeke

Hindi alam ni Tinay kung magiging masaya ba siya sa o ano dahil sa nabasa niya, pero sinagot na din niya agad.

"Uhm.. Ako nagpapasaya sayo? Paano mo naman nasabi? Saka diba? Galit ka sakin nung huli tayong nag usap ah?"

"Wala na sakin yun, ang mahalaga sakin ngayon.. Ikaw, nakakatext na ulit kita." sagot ni Zeke

"Pero paano si Catherine? Diba mahal ka pa niya diba?"

"She will be fine.. Everything will be fine with her. Matatanggap niya din na hindi ko na siya mahal, maybe hindi ngayon pero siguro, pagdating ng panahon."

"I'm okay na Zeke, I just want to know your condition lang naman. I think I have to go."

"Do you think na I will let you go this time? Because I'm promising you.. I won't."

"Pero... Ayoko na makagulo ulit Zeke. Tama na yung minsan akong naging parte mo. Pero tama na."

"Hindi naman ganun kadali na lang yun, oo nagalit ako pansamantala sa'yo pero pansamantala lang talaga yun. Maybe nadala lang ako ng emosyon ko, pero okay na ulit ako. Pwede na ulit tayo."

"Pero paano kung guluhin tayo ulit ni Catherine? Paano kung pumasok ulit siya sa buhay natin? At isa pa, mas okay na ako na wala ka, walang tayo."

Kahit napaka sakit para kay Tinay na sabihin ang mga salitang yun, alam niya na kailangan niya yung gawin para makaiwas na sa gulo.

"So ano 'to? Higante mo ba 'to sa mga ginawa ko sayo? Please, utang na loob pinag sisihan ko na lahat ng ginawa ko sa'yo. Sana naman wag mo sa akin gawin 'to. Promise, poprotektahan kita sa oras na manggulo si Catherine sa atin, basta bumalik ka lang."

Sana panaginip na lang ang lahat, sana hindi totoo na katext ni Tinay si Zeke, sana matapos na, kasi sobra na siyang nasasaktan, kasi alam niya sa sarili niyang gustong gusto na niya bumalik sila sa dati ni Zeke pero may humihila sakanya para gawin ito at yun ay takot. Takot na baka kapag okay na ang lahat sakanila ni Zeke ay biglang may bumalik, bumalik para sirain ang nabuo nilang pag ibig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top