Prologue

Song: There You Are- ZAYN

Dead

"Shit!" I cursed under my breath when I saw one of the securities roaming around the hall.

"Ano na? Hindi ka parin ba aalis?" tanong ng isa kong kaibigan sa kabilang linya. "Iiwan ka nalang namin kung ganoon."

Narinig kong naghagikhikan sila matapos sabihin iyon.

"Wag!" agad kong pag-pigil. Inipit ko ang aking telepono sa aking tainga at balikat upang sumilip muli.

The guards are now doing their usual security check around the palace. Palagi silang ganito. Lagi nalang nakabantay sarado. Kahit pagpunta lang sa garden ay itatanong pa kung ano ang gagawin ko doon!

It's exhausting to have someone following you everywhere you go. Parang wala na akong privacy. Laging nakabantay ang mga mata sa akin. Laging nakasunod. Wala na akong magawa nang ako lang!

I can't even have my alone time! Oo, nakakaalis ako ng walang kaibigan na kasama at nakakapag-mall ako ng mag-isa. But the thought that they're just around the corner, still makes me feel like I wasn't alone at all!

"I'm coming. I just need to get pass these people." I hissed.

Nakita ko namang lumipat na sa kabilang banda ng palasyo iyong gwardya na kanina ko pa tinitingnan. I took this a chance to go down the stairs. Dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko. Sinubukan kong wag gumawa ng kahit ano mang ingay.

"Ano? Nakalabas ka na ba?"

"Hindi pa. I still need to get past through the guards at the gate."

"Tss. Tatakas nalang hindi pa magawa!"

Agad namang kumunot ang noo ko. Akala ba nila madali para sa akin itong ginagawa ko?! Sa dinami-rami pa naman ng guards dito, ni simpleng pagtakas, ay napakahirap nang gawin!

Being the president's only child is so damn hard! I have to stay inside the palace all the time for my "safety". Wala na akong ginawa dito kung hindi ang tumunganga!

Everyone's eyes are watching my every move. The whole country's eyes are on me! May magawa lang na mali, ayun at nasa tabloids na kinabukasan! Akala mo naman ikinasira ng bansa iyong ginawa ko.

That's why I have to act prim and proper. But how am I supposed to do that kung nasasakal naman ako sa ganitong buhay? I always have to live up to people's expectations.

Kapag kilala at nakagawa ng simpleng pagkakamali, bash agad. Bakit? Hindi ba kami pupwedeng magkamali? Perpekto ba kami para hindi makagawa ng kasalanan? Tao rin naman ako kagaya nila. Nagkakamali rin.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at agad na lumabas. Nagtago ako sa mga halaman. Alam ko kasi na kahit dito sa garden, marami parin ang nakabantay.

I heard the bored breathing of my friend on the other line. I told her to just wait. Mahirap kasi talaga itong ginagawa ko.

I barely have time to hang-out with my friends! Kahit magpaalam ako, bawal. Lagi nalang bawal dahil baka daw mapahamak ako!

Oh, please! I know how to handle myself. I'm not a child anymore!

"What now, Aria? You're still going to stay there and do nothing?" tanong ng isa ko pang kaibigan.

Today they're going to have a graduation party. I really want to come. Alone. But my parents did not allow me unless I'm with my bodyguards! Paano ko naman maeenjoy ang gabi kung nakikita ko sa paligid ang mga bodyguard ko!?

My friends are probably bored already. Kanina pa nila ako sinasabihan na gumawa na ng paraan para makasama ako sakanila. Nagpaalam naman ako, e. Pero hindi parin ako pinayagan! That's why I have no other choice but to sneak out.

I just want to have time with my friends. Ngayon na nga lang nila ako inaya na sumama sakanila ulit kaya bakit ko sila tatanggihan diba? Feeling ko rin kasi ay nilalayuan nila ako at ako lang itong pilit na ipinagsisiksikan ang sarili ko.

I don't want to lose friends.

Simula rin kasi noong naging presidente si Daddy, medyo naging mailap na sila sa akin. Ramdam ko iyon pero hindi ko sinasabi sakanila. Ayoko namang may isipin sila tungkol sa akin.

Minsan umaalis sila nang hindi nila ako inaaya. Ayos lang naman sa akin na umalis sila nang hindi ako kasama, e. Alam rin naman nilang hindi ako papayagan. But the thought that they ask me to come with them even though they know that I won't be allowed to, makes me think that I'm still a part of their circle. Pero iba kasi ang nangyayari, e.

I feel left out whenever they talk about things that I don't know about. I'm always behind them whenever they walk through the hallway. Sometimes I don't miss out the part where the students are giving me weird glances.

I tried so hard to fit in with them. I even changed myself for someone that I am not for them. I did that so they can finally accept me.

Pero sa tingin ko hindi parin sapat iyon para sakanila.

Bakit nga naman ba mukhang kawawa itong anak ng presidente? Isn't she supposed to be happy because they basically rule the whole country? Isn't she supposed to be happy because she can get anything she wants?

No. I may have everything, but I feel so empty inside.

I crave for someone's affection. I crave for my friends' affection. And most of all, I crave for my parents' affection.

Wala na silang oras para sa akin. Naiintindihan ko naman na ginagawa lang nila ito para sa bansa. They're always out of the country to negotiate with other nations. Tapos pag balik, parang wala lang ako sakanila.

Hindi nila ako magawang kamustahin nung mga oras na wala sila dito. Ni tawag nga sa akin, hindi nila magawa.
And that's the reason why I became a rebel. Baka kasi pag nagrebelde ako, mapansin naman nila ako. I thought that rebellion is the only answer to my problems.

"Ang tagal naman, Aria! Kanina pa kami dito! Nakakahiya sa mga kasama namin!" reklamo ng kaibigan ko.

"I'm sorry, eto na."

Agad akong napatigil sa paglalakad nang makita ko ang isa sa mga hardinero na nagliligpit ng kanyang mga gamit. Shit.

I can't climb through the gates dahil may mga gwardya na nagbabantay doon. Kung magpapalusot ako, hindi naman nila ako paniniwalaan. I have no choice but to climb through the walls!

Kuya Sven taught me how. He's my cousin and he knows so many ways to sneak out of his guards. Kagaya ko, he's also being surrounded by bodyguards.

If I will succeed on sneaking out tonight, this is the third time I will outsmart everyone here in this palace. I smirked at the thought.

"Uh, Manong..." tinawag ko iyong pansin ng hardinero. Agad naman siyang napalingon sa akin at nagulat nang makita ko.

"Oh, madam! Ano pa hong ginagawa niyo rito? Gabi na!"

"Ah... Eh... may inutos po kasi si Manang Rosalie sa akin. Sabihin ko daw po sa'yo na ipaayos na iyong mga halaman sa Mabini Hall. Mukhang pagod na po kasi si Manang Rosalie kaya ako nalang po ang nag-offer na magsabi sa'yo."

Napalunok ako nang matapos. Manong's forehead creased. Nagtataka niya akong tiningnan pero kalaunan naman ay tumango. Ngumiti ako. Nilagpasan niya ako. Hinintay ko muna siyang makaalis ng husto hanggang sa sinimulan ko nang umakyat ng pader.

This is so unladylike! Hindi ko akalain na magagawa ko ang mga ito. Well, this is what they get for keeping me in jail for years!

Agad na namilog ang mga mata ko nang makita ko ang taas ng tatalunin ko. My friends are waiting on the other side of the road. I need to blend in with the people.

Pumikit muna ako bago tuluyang tumalon. I feel the ache on my ankle when I finally landed on the floor. But that's the least of my concern now, baka mapansin ako ng mga gwardya. I need to keep moving.

"Nakalabas na ako." I informed my friends.

"Hay! Finally! Now go! Para makaalis na tayo! I'll hang up now!" mabilis niyang pinatay ang kabilang linya.

Tumalikod na ako at nagsimula nang magpunta sa sinasabi nilang meeting place namin. The door of the van that they're in immediately opened. Sinalubong ako ng tatlo kong kaibigan.

"Took you long enough, Aria!" sabi ni Francine.

"Come on! Get in! We need to keep moving! Kanina pa kami nakapark dito." Medyo pagalit na sinabi naman ni Apple.

Ngayon ko lang napansin ang laman ng kotse. May mga lalaki silang kasama. Hindi ko sila kilala. I don't even know if they are also from the same university we're in.

Pumasok na ako ng van at tumabi sa lalaking nakaitim na snapback. He's wearing a black bomber jacket and he also has a piercing on his side lip.

He winked at me when he must've noticed that I've been staring too much. Agad akong nag-iwas ng tingin. I pursed my lips.

"Saan ba ang punta natin, Apple?" tanong ko.

"Just wait and see, Aria. You're going to be surprised!"

Hindi na ako nagtanong pa at sumandal nalang. This is my third time of sneaking out just to be with them.

Nung unang beses kong tumakas ay gumawa pa ako ng palusot upang iligaw ang mga bodyguards ko. Buti nalang at tanga sila kaya mabilis akong nakatakbo at nakasama sa mga kaibigan ko. Ang pangalawang beses naman ay nagkunwari akong masama ang aking tiyan. I went inside the CR at doon ako kumuha ng pagkakataon na tumakas.

Who would've thought that I would try and force myself to fit in that small window? Sobrang intense ng ginawa kong iyon!

Ngunit nakatakas man sa mga bodyguards ay hindi naman ako makakatakas sa panenermon ng mga magulang ko. Galit na galit sila, lalo na si Daddy, sa tuwing mababalitaan nila ang nangyari.

Nagsimula silang magpatugtog ng malakas. Nagkakantahan sila sa loob at ang iingay nila. Nanahimik nalang ako. The guy beside me is also quiet. Hindi siya nakikisali sa katuwaan ng ibang kaibigan.

Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya nang lumingon siyang muli sa akin. I heard him chuckled.

"The president's daughter is a bad girl huh?"

My forehead creased. That's what they already thought of me just because I sneaked out? I only did this because I don't want to lose friends! Sila na nga lang ang mayroon ako, tapos hahayaan ko pa bang mawala? Obviously, I have my reasons.

Nilingon ko siya at nginitian ng kaunti.

"You can say what you want to say." sabi ko sabay tumawa ng bahagya.

"You think you're not? But why did you do it if you aren't a bad girl?"

"Because I have reasons."

"And what is that reason?" he challenged. Hindi agad ako nakasagot.

"I don't want my friends to leave me behind." I whispered. Inalis ko ang tingin sakanya. Natahimik siya ng sandali.

I just hope that my friends didn't hear that. Ayoko namang isipan nila ng masama iyong sinabi ko. Baka sabihin na naman nila sa akin na pinagmumukha ko silang masama.

"I'm Jake."

Nagulat ako nang bigla siyang nagpakilala. Nakita ko namang inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Ibinalik kong muli ang tingin sakanya. I smiled a little at him.

"Aria," simple kong pakilala sa sarili pagkatapos naman noon ay tinanggap ko ang kamay niya.

Ako nalang ang naunang nag-alis ng kamay. Pagkatapos noon ay tumingin nalang ako sa labas ng bintana at hinintay na tumigil ang sasakyan.

"Ano, bro? Malayo na tayo sa Malacañang. Baka pwede niyo nang ilabas 'yung marijuana!" sigaw noong nasa shotgun seat.

Agad akong naalerto sa sinabi niyang iyon. They're using illegal drugs? Gosh! What did I get myself into? They've never done this before!

Yes, I drink. I smoke... but not weeds! This is different! This is illegal! This is something that I will never do!

"Hoy, Apple! Sabihan niyo 'yang anak ng presidente na wag tayong isumbong!" sabi noong driver.

"Tss. Alam na niyan ang gagawin niya. Sigurado akong ayaw niyang mapahamak ang mga kaibigan niya. Right, Aria?"

Hindi agad ako nakapag-salita. I don't know anything about this. Hindi ko alam na ganito pala ang gagawin nila ngayong gabi! Pot session! The hell!

Kung alam ko lang na ganito pala, sana hindi nalang ako sumama. Kapag nalaman ng mga tao ang tungkol dito, baka masira ako! Masira si Daddy! Baka isipin ng tao na gumagamit ako ng drugs kahit hindi naman!

They'll probably start to conclude that just because my friends use drugs, means I do, too! When in fact, I have no idea about this! Ni hindi ko nga alam na gumagamit sila Apple, e.

"You're using drugs, Apple?" hindi niya ako pinansin at sinindihan lang ang nakarolyo na papel. Ibinaling ko ang tingin sa dalawa ko pang kaibigan.

"You still don't know a lot of things about us, Aria..." nakangising sinagot ni Jennica.

I let out a sigh. Ano nalang ang sasabihin nila Daddy kapag nalaman nila? I'm screwed! Again! For the hundredth time!

Naghanda pa sila ng ilang rolyo. Binigyan nila si Jake. Nakisindi naman ito at agad na humithit. Nagpakawala siya ng malalim na hininga na para bang sarap na sarap siya sa ginawa.

Nilingon niya ako. Nandidiri kong tiningnan iyong hawak niya. He scoffs then he offered me some which made me automatically refuse.

"Pabayaan niyo na 'yang si Aria. Di gagamit 'yan!" sabi ni Apple pagkatapos niyang humithit ng isa pa.

Sa tingin ko nakita niya ang pag-ooffer na ginawa ni Jake sa akin. May kung anong amoy na ang pumapalibot dito sa buong sasakyan. Gusto kong takpan ang ilong ko para hindi na madamay pa. I shifted from my seat uncomfortably.

Wrong decision, Aria. Sana hindi ka na tumakas. I thought we're just going to hang out and have fun! But I didn't know that this is what they plan to do tonight!

Nakahinga naman ako ng maluwag nang dumating na rin kami sa pupuntahan. It's so dark and I don't know where the hell we are!

Everyone in the palace must be in panic mode right now. They probably know that I'm gone. I turned off my phone so no one will call me. Sigurado ako na itetrace nila ako sa oras na sagutin ko ang tawag nila.

"Bumaba na tayo. Kanina pa tayo hinihintay dyan." Ani ng driver.

Agad naman silang sumunod. Jake pushed me off a little to signal me that I should get down the van now. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Are you going down or not?"

Hindi ako sumagot at bumaba nalang. My friends are now putting their lipsticks on. Sa side mirror sila nananalamin. I put both of my hands on my back pocket.

I roamed my eyes around the whole place. Kakaunti lang ang bahay. Ang iba ay wala pang ilaw. Iyong bahay na natatangging may ilaw ay iyong maraming tao sa loob. It looks like a frat party.

Nagsimula kaming magtungo sa bahay na iyon. A loud music is blasting through its speakers. Malakas siguro ang loob nito na magpatugtog ng ganito kalakas dahil wala naman siya ganoong kapitbahay. May mga bahay ngang nakatayo, pero mukha namang walang nakatira.

The people that I'm with excitedly entered the house. Agad silang sinalubong ng payat na lalaki na puno ng tattoo ang katawan. I saw Apple smiled at him. She came up to him and then she sweetly pressed her lips to him.

My eyes widened. This is her boyfriend?

I tried not to look disgusted. Mukhang araw araw atang humihithit ang isang 'to para maging ganito kapayat.

They made out in front of us. Hinayaan sila ng mga kasama ko at tsaka pumasok na ng bahay na iyon. Sumama ako.

"Get a room!" Jake playfully pushed the both of them. Tumawa iyong lalaki at itinulak rin si Jake.

My goal for this night is to not get in any trouble. If I have to make myself invisible, I will.

I was about to move pass them when Apple's boyfriend blocked my way. I immediately raise my gaze to him. Niliitan niya ang kanyang mga mata. Sa tingin ko namumukhaan niya ako.

"Aren't you..." tinuro niya ako. Bumaling naman siya ng tingin kay Apple.

"She's not going to say anything. Don't worry."

Ngumisi iyong lalaki sa akin. My goal of being invisible for tonight eventually vanished when Apple's boyfriend caught everyone's attention. Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking braso. I had the urge to push his hand off of me pero parang naestatwa ako dahil sa sinabi niya.

"Guys! We have a visitor! The president's daughter is here!"

Natigil ang lahat sa kanilang ginagawa. Lahat sila ay napabaling sa gawi namin. Some has a surprised look on their faces. Ang iba naman ay nakangisi sa akin.

"And she's not letting us get in troubleeee!" sigaw noong boyfriend ni Apple sabay tulak sa akin papasok sa loob.

I stumbled a bit. Thankfully, Jake caught me before I slipped on the floor. I whispered a thank you.

Masyadong mausok sa loob ng bahay na ito. Malakas rin ang tugtog kaya hindi masyadong nagkakarinigan ang iba.

May lumapit sa aking babae at tsaka ako binigyan ng isang cup ng beer. She smiled at me. Sinundan ko naman siya ng tingin ang nakitang binigyan niya rin ng beer iyong mga kasama ko.

I smelled the beer before chugging it. Baka kasi may kung ano silang nilagay doon.

"Don't worry. They don't spike drinks here." Sabi ni Jake sa akin. I felt relieved because of that.

Agad kong inilapit ang cup sa aking bibig at tsaka uminom. The hot liquid quickly travelled down my throat. Napangiwi ako. It doesn't taste good.

I spent hours inside the house until I can no longer handle it. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa katabi ang ibang kaibigan. Jennica raised her gaze at me.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa labas lang."

Tumaas ang kilay niya at tsaka tumango.

"Hoy! Anak ng presidente! Wag kang magkakamaling isumbong kami ha! Baka anong gawin namin sa'yo." banta noong kasama namin sa van. Matapang ko siyang tinitigan.

"Hindi ko gagawin 'yon."

"Mabuti naman." 

Pagkatapos noon ay hinayaan na nila akong lumabas ng bahay. Kanina pa nila ako inoofferan ng beer doon. I've had enough drinks. I can feel that alcohol is slowly ruling my system.

I still don't know how I'll get home after his night. They're probably too high now to even drive! I can't stay here!

I'll get in a big, big trouble once my parents found out that I smell like a weed!

Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking kamay. I conquered my fear of the dark just to get out of that house. Hindi ko na talaga kakayanin ang amoy.

All this time, I thought I was alone. Kaya laking gulat ko nalang nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Had enough?"

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. I saw a group of guys staring at me. Hindi agad ako nakapagsalita.

Lahat sila ay mukhang high na high na sa ginagawa. My eyes went to the floor. Nakailang pakete na rin sila.

Gosh! How can they still survive despite taking drugs every single day? Hindi ba't nakakasira ng katawan iyon?

Tingnan mo nga iyong boyfriend ni Apple! Ang payat at mukhang ilang hinga nalang!

And how come that no one in this neighborhood informs the police about what's happening here?

I keep on having the urge to tell my parents about this. But doing that would mean that my friends might also get in trouble.

I don't want that to happen.

Tumayo ang isa sakanila. I took a step back. Nakangisi lang siya habang papalapit sa akin.

"Parang perlas pala iyang kutis mo. Alagang alaga ka siguro sa Malacañang." aniya sabay hagod sa aking balikat. Agad kong tinampal ang kanyang kamay.

"Put your hands off of me!" I said aggressively.

The guy smirked even more. "Ha! Feisty!"

Nagtawanan ang kanyang mga kaibigan at 'yung iba ay tumayo na rin at lumapit sa amin. Hinawakan ako ng isa sa aking braso at pinigilan akong makawala.

Pilit kong inaalis ang kanyang kamay pero masyado siyang malakas kumpara sa akin.

"Ngayon lang kami makakahawak ng anak ng presidente. Susulitin na namin." Ani ng isang lalaki. Agad akong nandiri.

"Isa lang oh!" sabat pa nung isa.

Pilit kong inilayo ang sarili ko nang sinubukan ng isa na halikan ako sa leeg.

"Tulong! Tulungan niyo ko!" Sigaw ko upang makaagaw ng atensyon.

Tumawa ang magkakaibigan. The guy who went to me first brushed the back of his hand on my cheek. Tinampal ko iyon at tiningnan siya ng masama.

"Kahit anong sigaw mo, hindi ka maririnig ng mga 'yan. At isa pa, normal na 'to dito. Kaya wag kang sumigaw diyan." tumawa siyang muli.
Lumapit siyang muli at sinubukan akong halikan. Tinulak ko ang mukha niya. Kukunin na sana ng isa pa nilang kaibigan iyong isa kong kamay nang mabilis ko siyang sinuntok sa mukha.

Nagulat sila dahil agad na nagdugo ang ilong ng lalaki. Kahit ako ay nagulat sa aking ginawa. Some of the PSG taught me some basic self-defense. Didn't know it comes in handy now.

Dinaluhan nila iyong kaibigan nila kaya kinuha ko iyong pagkakataon para tumakbo.

"Uy nakatakas! Sundan niyo! Di pa tayo tapos diyan!"

I don't know what has gotten into me to ran through the streets instead of going back to the house where my friends at.

I don't feel safe inside that house. Tingin ko kapag sinabi ko sakanila iyong tinatangkang gawin ng mga lalaki sa akin, pagtatawanan nila ako.

Or worse, they will let those guys rape me! Wala pa naman silang pakialam sa nangyayari.

I ran until my breath turns heavy. Tumingin ako sa likod at agad akong nagsisi. I saw them getting nearer. Hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. I have no idea where I am!

Liliko na sana ako nang magulat ako nang may biglang humila sa akin. Agad niya akong sinandal sa malamig na pader. I opened my mouth to scream but the person quickly covered it using his palms.

Sobrang liblib sa lugar na ito kung saan niya ako hinila. Hindi ko rin maaninag ang mukha ng taong 'to.

I tried to get out of his hold but he only pinned me harder on the wall.

"Shh! They might caught you." aniya sabay inilagay ang kanyang index finger sa kanyang bibig.

What?

Nakita kong nakalagpas na rin iyong mga humahabol sa akin kanina. Agad na kumunot ang noo ko.

Is this person trying to help me or he's  just one of them who's also trying to take advantage of me?

Inalis niya ang palad sa aking bibig. Kinuha niya ang kanyang telepono sa kanyang bulsa at may kung sinong tinawagan doon.

"What are you doi-"

"Angel recovered. I repeat. Angel recovered."

My eyes quickly widened when I heard my codename being said. My bodyguards use the codename 'Angel' for me.

Tiningnan ko iyong lalaki. He's wearing a cap and he looks disguised. Hinila niya ako paalis ng lugar na iyon.

Agad na tumambad sa harap namin ang isang itim na sasakyan. I already knew who's car is this.

The driver, Kuya Glen, shakes his head disappointedly at me. Ngumuso ako.

Naupo ako sa tabi ng isa pang bodyguard na hindi ko kailanman nakikita pa sa loob ng palasyo.

Bago ba ito?

I roamed my eyes around the car. Halos lahat ng nandidito ay hindi ko kilala.

Now my eyes went to the person who grabbed me just a minute ago. Nang maupo siya sa tabi ko ay agad niyang sinara ang pinto.

"Angel is inside the car now. She's safe." aniya sa kanyang walkie-talkie.

Nilingon niya ako at doon ko tuluyang nakita ang pagmumukha niya. His thick brows and perfectly sculpted jaw are what surprises me the most.

His lips protruted. Inalis niya ang cap na suot at saglit na inayos ang kanyang buhok.

My mouth parted. I've never seen someone as good as him.

But... back to the question. Who are these people? Did my father hired another set of bodyguards for me?

Oh, no. I hope he didn't. They look much stricter compared to those bodyguards that I've been with before.

"Let's go back to the palace now. The president wants to talk to his daughter asap."

Shit. My parents knew about what happened.

I'm dead.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top