Chapter Twenty-Six
Song: Huling Sandali- December Avenue
Tired
Axel covered my body with his while he's taking me out of that dangerous situation. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa baywang ko habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa ulo ko na para bang prinoprotektahan iyon.
Hindi na nasundan pa ang pag-sabog na iyon pero nagkakagulo parin ang mga tao nang umalis kami. Siguro nakita na rin ni Joseph na si Axel ang kumuha sa akin kaya hindi na niya sinubukan pang agawin sakanya. Siguro tumulong nalang din iyon sa pagliligtas pa ng mga tao.
Agad akong dinala ni Axel patungo sa mas ligtas na lugar. Kahit na gulo gulo parin ang utak tungkol sa nangyayari, mas nanaig ang pagkabigla ko na makita siya dito.
"Axel, anong ginagawa mo dito?" hindi ko napigilang itanong.
Hindi siya nag-salita. His main focus is getting me out of here. Binuksan niya ang isang pinto na naghatid sa amin palabas ng congress. Dito kami nakatokang dalhin ng aming mga bodyguard kung sakaling magkaroon ng aberya sa kalagitnaan ng SONA.
I wonder how Axel managed to know our escape plan? Hindi kaya't sinasabihan parin siya ni Damon? O di kaya'y nakikibalita parin siya?
I think I got overwhelmed by the thought that Axel saved me na hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sa akin si Mommy. Agad niya akong sinalubong ng yakap. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala.
Agad na lumayo si Axel sa akin upang bigyan si Mommy ng espayo.
"Thank God you're safe, Aria!" she sighed in relief.
Hindi ako agad nakayakap pabalik sakanya. Nanatili ang tingin ko kay Daddy na nakatingin kay Axel ngayon. Bakas sa mukha niya ang pagkabahala pero ngayong nakita si Axel ay napalitan ito ng pagkabigla. His mouth parted.
Nilingon ko naman si Axel na bahagyang niyuko ang ulo para sa kanya. Nawala lang ang tingin ko sakanya nang nagsalita muli si Mommy.
"Akala ko wala nang magliligtas sa'yo! I was so worried!" halos mangiyak-ngiyak niyang sinabi.
Inilubay ko ang tingin kay Axel at niyakap nang pabalik si Mommy. Her hug on me tightened. I closed my eyes and leaned my head against hers. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang balikat. I think she's crying already.
Ibang klaseng kaginhawaan rin ang naramdaman ko nang makita kong ligtas silang nakalabas ng kongreso. I don't know if the threat was for me or for my father. Kumpara sa aming dalawa, mas marami siyang natatanggap na death threats sa akin.
Lumapit naman si Daddy sa amin at hinawakan ang nanginginig na balikat ni Mommy. His hand brushed my hair. Tipid siyang ngumiti sa akin.
Inalis ni Mommy ang kanyang sarili mula sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Her bloodshot eyes are an enough to tell me that she really indeed cried.
"Akala ko talaga wala nang magliligtas sa'yo doon dahil nakita kong wala pang lumalapit na bodyguard mo. Mabuti nalang ang dumating si..."
Hinanap ng mga mata niya ang taong nagdala sa akin dito. Nang lumapat ito kay Axel ay agad na bumuka ang bibig niya nang dahil sa pagkamangha.
"Axel?" hindi makapaniwala niyang sinabi habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Axel.
Magalang na yumuko si Axel sakanya. Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon na makapagsalita pang muli si Mommy dahil lahat kami ay nabigla sa pagbagsak ng pintuan.
Lahat kami ay agad na napabaling doon. Ang mga bodyguards ay mabilis na hinablot ang kanilang mga baril at agad na itinutok sa tapat ng pinto.
Axel was also quick because he immediately grab his gun behind his back and moved in front of us. Si Daddy naman ay niyakap kaming dalawa ni Mommy bilang proteksyon.
I heard Axel muttered a soft curse when he realized that it was just Damon and Joseph. The both of them quickly raised both of their hands up in the air, thinking that everyone's going to shoot them.
"Ibaba niyo na ang mga baril niyo." Utos ni Daddy.
Agad naman nilang sinunod iyon. Yumuko ang dalawa at humingi ng paumanhin.
"Pasensya na po Sir." Ani Joseph.
"Nagmamadali po kaming bumalik para masigurong naligtas si Aria. Pasensya na po kung nabigla namin kayo." Si Damon naman ang nagsalita ngayon.
Halos lahat ata kami ay napabuntong hininga nang malaman na si Damon at Joseph lang pala iyon. I glared at the both of them for almost causing everyone to have a mini heart attack. Nahihiya namang nag-iwas ng tingin si Damon at lumapit na kay Axel.
Habang nag-uusap ang dalawa ay lumapit naman si Ricardo sa amin, ang head sa security team ni Daddy.
"Kailangan na po nating umalis, Sir, mas ligtas kung makakabalik na tayo sa palasyo."
Tumango si Daddy. Iginiya niya naman kami patungo sa aming mga sasakyan. Habang naglalakad palayo ay hindi ko napigilan ang sarili na lingunin si Axel. His eyes bore into me. Nag-aalala ko siyang tiningnan.
Ang mga mata niya ay parang nakikiusap na sumama na ako sakanila Daddy. Na parang mapapanatag rin siya kapag nakaalis na kami ng ligtas dito ngayon.
My mother's bodyguard opened the door for us. Ngunit sa halip na pumasok ay nanatili parin ang nag-aalala kong tingin kay Axel. My mother slightly pushed me to get inside but I hesitated. Kuryoso niya akong tiningnan.
"Anong problema, Aria?"
Hindi ko siya sinagot. Hindi rin naman inilubay ni Axel ang tingin sa akin kahit na may kung anong sinasabi si Damon sakanya. His jaw clenched.
Hindi ko kayang umalis nalang nang hindi ko siya napapasalamatan sa pagligtas niya sa akin. It wasn't his job to protect me anymore but he still went to protect and risk his life for me. Nang dahil sa ginawa niyang iyon ay pakiramdam ko mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sakanya.
I can feel how sincere and serious he is about me. Parang handang-handa siya na gumawa ng kahit ano para lang maprotektahan ako. Kaya naman kahit mahirap, sinusubukan ko parin siyang protektahan... lalo na sa mga magulang ko.
"Kailangan na nating umalis, Aria. Sumakay ka na." pagtuloy ni Mommy sa sinabi niya.
Wala sa sarili akong napabaling ng tingin kay Daddy na nananahimik ngayon. Maaari na siyang sumakay sa sarili niyang convoy pero nanatili siya rito para siguraduhin ang seguridad namin.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin na para bang alam na niya ang tinatakbo ng isip ko.
"I'm sorry, Dad..." I whispered before I rush towards Axel.
Nang nakita ni Axel ang ginawa ko ay hindi na niya pinatapos pa si Damon dahil agad niyang nilagpasan ito para salubungin ako. Kuryoso siyang sinundan nito ng tingin.
My eyes immediately watered as I crash Axel into a hug. I shut my eyes when I finally felt his warmth against mine after a long while. I missed this.
"Thank you... thank you..." paulit-ulit kong sinasabi habang humihikbi.
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Axel sa akin, halos buhatin na niya ako. His other gently caressed my head. Mas ibinaon ko ang mukha sakanya. Hindi na napigilan pa ang sarili na mas lalong umiyak.
His arms are already enough to cast all my fears away. It's like a reminder that I'm always protected and no one's going to lay a finger on me as long as he's here. This man doesn't just makes me feel complete, he completes me.
Hindi ko maintindihan kung bakit pilit kaming pinagbubuklod ng magulang ko. They've witnessed how Axel has been so good to me. I don't understand why he didn't want him for me. Is it because he's my bodyguard?
"Bumalik ka na, please..." paki-usap ko.
"Kung pwede ko lang gawin 'yan, ginawa ko na."
I bit my lip to stop my hiccups. Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya upang tingnan siya sa kanyang mga mata. He automatically wiped my tears away.
"Stop crying. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Don't worry, I'll always make sure you're protected."
"But it's still better if you're with me everyday. Ikaw lang ang may kayang magpagaan ng loob ko."
A ghost smile appeared on his lips. He continued wiping my tears away because it keeps on falling non-stop.
"It will all get better soon, Aria... I promise."
Niyakap ko siyang muli. I closed my eyes when he pressed a kiss on my temple. For a moment, I'm thankful that my parents didn't thought about ruining this moment even if they're really good at it. Siguro kahit sila ay nagagalak rin sa ginawa ni Axel kaya hinayaan nila ako.
Kung hindi pa ako sinabihan ni Axel na kailangan ko nang umalis ay baka hindi na talaga ako umalis sa pagkakayakap sakanya. He told me that it is much safer if I went back to the palace now. He promised to look for ways where we can talk again.
Hindi ko lang naisatinig na hindi na niya kailangan pang humanap ng paraan dahil mayroon na ako no'n.
Isang ngiti ang iginawad niya sa akin bago ako tuluyang nagpaalam sakanya. Ang mga magulang ko naman ay nanatiling nakaabang sa akin. Nakapasok na si Mommy sa sasakyan habang si Daddy naman ay nanatiling nahihintay para sa akin.
Yumuko ako at hindi na sila tiningnan pa sa mata. Dire-diretso lang akong sumakay ng sasakyan at nanatiling tahimik. Inangat ko lang muli ang tingin ko nang mapansing hindi parin sinasara ni Daddy ang pinto ng sasakyan.
I waited for him to say something but nothing came out of his mouth so I sighed.
"Kailangan na daw natin umalis, Dad..." bulong ko.
He gulped and nod his head. He checked on us again before he went to his own convoy. Nagawi ang tingin ko labas kung nasaan sila Axel. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin sa sasakyan namin, hinihintay na makaalis na ito.
Nawala lang ang tingin ko sakanya nang hawakan ni Mommy ang aking kamay. I turned to her and was surprised when she gave me a reassuring smile. The car started moving.
"I can see now how he really cares for you."
Nag-iwas ako ng tingin at nagpakawala ng hininga. Kahit ano pa ang sabihin niya hindi parin naman niya matatanggap si Axel para sa akin dahil para sakanya, mas importante parin ang iisipin ng ibang tao kaysa sa sarili kong kaligayahan.
"Stop trying. I know you don't want him for me." Hindi ko na napigilan pa ang sarili.
"Iniisip lang kita ng oras na 'yon. I don't want you involved with someone whose going to leave you eventually because of his work. Ayoko lang na masaktan ka kapag... may nangyaring masama sakanya... dahil sa trabaho niya."
I pursed my lips. I know, I am aware of Axel's job. I know its consequences. Alam ko rin kung gaano kahirap magmahal ng isang tulad niya na walang kasiguraduhan na makakabalik pa ba siya pagkatapos niyang i-deploy sa Syria.
"Nakita ko kung gaano siya kahandang isakripisyo ang buhay niya para sa'yo. Hindi na niya trabaho pang protektahan ka pero nagpunta parin siya dito para masiguradong ligtas ka. Gusto kong magpasalamat sakanya sa ginawa niya. Kaso nahihiya ako dahil sa mga nasabi ko sakanya noon. Naging mababa ang tingin ko sakanya. I guess it was my emotion that did all the talking that it made me forget that words can be very powerful to destroy someone."
Hindi parin ako nagsalita.
"I'm sorry, Aria. Gustohin ko mang pabalikin na rin siya para sa ikasasaya mo pero alam kong may plano ang Daddy mo. Hindi ko siya kayang pigilan sa gusto niyang gawin. I hope you'll learn how to trust him, too."
Buong magdamag kong inisip ang sinabi ni Mommy. Ano naman kaya ang plano ni Daddy? Plano niya bang mas paglayuin kami lalo?
Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano siya nagdadalawang isip tungkol sa amin ni Axel. Hindi ko sigurado kung sadya bang iniisip niya lang ang kapakanan ko o talagang iniingatan niya lang sa reputasyon niya?
But I also remember him saying that Axel just wants to prove that he deserves me. I don't know how it went that night so I have no idea on what he meant by that.
Ngunit kahit na gulo-gulo ang isipan, iisa parin ang sigurado sa akin. Sigurado akong ipaglalaban ko siya kahit na anong mangyari.
That thought made me stay late up night. Sa dami ng iniisip tungkol sa relasyon namin ni Axel, saglit na nawala sa isip ko ang tungkol sa mga pagbabanta sa akin.
Agad na kumalat sa buong bansa ang nangyari sa SONA. It was all over the news and everyone's asking for my father to speak up about the issue kaya naman naging sobrang abala siya.
The investigation about the bombing incident quickly started. Nakipagtulungan ang NBI sa militar para resolbahin ang nangyari. Sinubukan nilang humanap ng ebidensya at ng mga trace ng maaaring magturo sa amin kung sino ang salarin no'n.
Maaga naman silang pinatawag ni Daddy para alamin ang mga nalakap nilang impormasyon. Our security team also tried to help with the investigation. Nabigla nalang ako nang ipinaalam sa amin ni Damon na may nahuli silang kahina-hinalang tao sa loob mismo ng congress!
"We interrogated him and we found out that he's involved with the drug syndicate that's after Aria."
Bumuka ang bibig ko. Napaayos ako ng upo at binigay ang buong atensyon sakanila.
"Napagalaman rin namin na siya ang nautusan na gawin iyon. Kahit paulit-ulit namin siyang tanungin tungkol sa rason kung bakit nila ginagawa 'to, pero hindi niya sinasabi."
"Where is the man now? Siya lang ba ang nahuli o may iba pa?" tanong ni Mommy.
"Ipinaubaya na po namin siya sa ibang myembro ng militar. They'll try to investigate further," Damon answered. "Hindi lang po namin sigurado kung siya lang ba ang may gawa noon pero nasisiguro kong hindi."
"Of course there has to be someone helping him!" galit na sinabi ni Daddy.
"But Joseph only managed to catch one person. Hindi lang naging sigurado kung may iba pang kasama ang taong 'yon sa loob ng kongreso dahil nagkakagulo na ang mga tao."
I gasp at the information Damon gave us. While my father's state of the nation address is on-going we didn't have any idea that the suspect was inside with us the whole time! Pero paano nangyari 'yon? How is he able to get inside? I'm sure he has to have an invitation! At isa pa, sigurado akong mahigpit ang seguridad ng mga oras na iyon kaya paano siya nakapasok?
"You mean the suspect is inside with us the whole time? Pero paano siya nakapasok? Sigurado akong ang mga kagaya niya ay hindi basta-basta nakakapasok sa mga ganitong klase ng event kaya nakakapagtaka kung paano niya nagawa iyon." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na makisali.
My father's gaze turned to me. Mukhang hindi mawari kung sino ang posibleng tumulong sa taong iyon na makapasok.
"We figured that someone from the inside helped him to get in. Everything is also well-planned kaya ang hirap maghanap ng butas." Si Ricardo.
Sandaling natahimik ang paligid. Mukhang malaking sindikato itong nabangga namin. They have the means to inflict harm whenever they want to! Someone powerful must be backing them up!
Hero must be that important to them na kaya nilang gumawa ng ganitong klaseng kademonyohan. Marami ang napahamak nang dahil sa ginawa nila. The commotion that they caused, caused a lot of injured people! May iilan pang namatay dahil napuruhan sa pag-sabog.
"Nakita rin namin ang mensaheng ito malapit sa pinangyarihan ng pagsabog." Ani ng isang NBI Investigator habang may kinukuha sa folder na hawak niya.
Ipinatong niya ang papel sa gitna ng lamesa at agad kaming lumapit para mabasa iyon.
This is just a warning. Marami pa kaming kayang gawin.
VC.
My breathing hitched as I read the message. Parang nanumbalik ang pakiramdam ko noong may natanggap rin akong mensahe noong nakaraan. Hindi man nakalagay kung kanino galing iyon, may pakiramdam ako na sila rin ang may gawa nito.
"They gave us enough clue by giving out the initials of their cartel. It must be the Vencetti Cartel that's behind this. Inaalam pa namin ang maaaring dahilan kung bakit nila ginawa ito."
"I'm sure they're doing this because we have Hero. He must be an important part of their group for them to be willing to take revenge for him." Sabi ko.
"They think that I'm the reason why Hero was caught. They thought that I framed them up by telling the police. Truth is, I have no idea that we were going in that place! I have no idea that Apple's boyfriend is involved in that kind of syndicate!"
Kahit na paulit-ulit ko siguro itong sabihin, hindi parin maniniwala ang mga taong nakasama ko ng gabing iyon. They all thought that it was because of me why they are in jail right now. Hanggang ngayon wala parin akong ideya kung paano nalaman nila Daddy na nandoon ako!
Wala akong alam kaya bakit ako ang sinisisi nila? Dahil anak ako ng presidente? Dahil ba makapangyarihan ang pamilya ko?
Mabigat ang bawat paglabas ng hininga ko. Hindi ko akalain na sa pag-nanais na magkaroon ng kaibigan, ganito ang kinahantungan.
Hot and angry tears quickly streamed down my face. How will I prove my innocence now that everyone thinks that I'm the root cause of everything? My father is trying so hard to keep this issue from the public eye pero nang dahil sa ginagawa ng sindikatong iyon, mas nagiging kuryoso ang mga tao.
At kahit ano mang oras, maaaring lumabas ang balita na naging "sangkot" ako sa grupong iyon. Marami agad ang pupwedeng maniwala lalo na sa panahon ngayon na ang dali nalang paniwalaan ng mga hindi totoong balita. Masisira si Daddy kapag nangyari 'yon. People will turn against him.
I know I've been reckless and rebellious for the past years, but I didn't want my Dad's people to turn against him! I didn't want him ruined!
Agad akong dinaluhan ni Mommy upang patahanin ako. She enveloped her arms around me as I continue to cry. I remember that night. I remember how I was harassed by those people just because I'm the president's daughter. Naalala ko kung paano sila sumusubok na lumapit at hawakan ako. No one even dared to protect me from those nasty people!
Wala akong kaagapay ng mga oras na iyon. I feel so out of place. I was alone and innocent in that room and now they're blaming me for Hero's unfortunate experience in jail.
"You are innocent, Aria, we all know that." my father sounds so sure.
Sana nga ganyan din kadaling paniwalaan ng mga tao 'yan sa oras na lumabas ang tungkol dito. A lot has happened in my life already; I've been through hell, I already memorized what pain feels like and I'm tired. I just want this to end.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top