Chapter Twenty-Nine
Song: Endless Love- Luther Vandross & Mariah Carey
In love
Paglabas ko ng kusina ay agad kong hinanap si Lola Guada. Kasama niyang mga apong maliliit habang kausap si Damon at Andy sa sofa.
I cleared my throat to get their attention. Sabay silang napaangat ng tingin sa akin. I tried to smile at them.
"Uh, Lola... mauna na po kami. U-Uh... magagabi na rin po kasi a-at baka hinahanap na po ako sa p-palasyo."
It was hard not letting my voice break. Kanina pa gustong lumandas ng luha ko ngunit pinipigilan ko lang dahil ayokong isipin nila na may nangyari sa kusina habang naiwan kami ni Patty doon.
Patty's got a point though. Naiintindihan ko kung bakit siya nag-aalala sa pamilya ni Axel. But I don't understand why she has to think ill of me. Akala niya ba hindi ko rin naisip ang pamilya ni Axel? Akala niya ba basta-basta nalang ako pupunta dito nang hindi sinisiguro ang seguridad namin?
No wonder why she looks at me like that. That's probably what's going through her mind all these time. Maliban sa selos na nararamdaman niya, nagagalit pa siya dahil akala niya, inilalagay ko sa peligro ang buhay ng pamilya ni Axel.
"Aalis ka na, Ate Ganda?" nakasimangot na tanong ni Christian.
From my peripheral vision, I saw Axel and Patty come out of the kitchen. Hindi ko sila nilingon at nanatili lang akong nakatitig sakanila Lola Guada.
"Oo. Babalik nalang ako kung pwede pa."
Lola Guad laughs. She thinks I'm bluffing. Mas mabuti nalang rin na hindi niya malaman ang nangyari sa kusina. Ayokong magalit pa sila kay Patty nang dahil lang may nasabi ito sa akin.
"Ano ka ba, hija! Pwedeng-pwede kang bumalik ano mang oras mo gusto! Masaya ang mga apo ko kapag nandito ka kaya welcome na welcome ka sa amin."
Humugot ako ng malalim na hininga. Ramdam ko na ano mang oras ay maaari nang tumulo ang luha ko.
Oh, the pitiful Ariadne. Kahit kailan talaga hindi marunong magkontrol ng emosyon!
"G-Ganoon po b-ba?" suminghap ako at sinubukan paring ngumiti. "Si... Sige po... susubukan ko."
Ngunit hindi ko parin masisiguro iyon lalo na't paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Patty.
Tumango ako at agad na sinenyasan sila Damon. Tumayo sila at nagpaalam na kay Lola Guada. Nanatiling diretso ang tingin ko at hindi ko na tinangka pang lingunin si Axel kahit na ramdam kong palapit na siya sa akin.
Habang palabas sila Damon ay nilapitan ko naman si Lola Guada at niyakap siya. Mas mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin habang nakangiti.
"Maraming salamat po ulit sa pagtanggap sa akin dito, Lola." sabi ko.
"Walang anuman, hija. Hihintayin ka ulit namin bumalik! Gustong-gusto ka ng mga apo ko, e. Lalo na si Axel."
I chuckled lightly. Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at tiningnan ang mga bata niyang apo na busy sa paglalaro ng mga pasalubong ko sakanila.
"Oh, magpaalam na kayo sa ate niyo at uuwi na siya."
Mabilis na inangat ng tatlo ang kanilang mga mata sa akin. Sabay-sabay ring tumayo at nagtungo sa akin. I noticed the sad look on their faces. I brushed their hair and hugged them.
"Balik ka, Ate Ganda, please..." bulong ni Atticus.
"Susubukan ko."
Pagkatapos ko silang yakapin ay ibinaling ko naman ang tingin kay Landon na mukhang umaasa ring magpapaalam ako sakanya. I smiled at him. Agad namang namula ang kanyang pisngi at leeg.
Saglit lang kaming nagyakap. Nanatili naman siyang nakahawak sa palapulsuan ko.
"Maraming salamat po ulit sa pagbisita, Ma'am Aria! Pwede po next time magsabi ka po na pupunta ka para makapaghanda ako? Nakakahiya na lagi nalang akong dugyutin kapag nandito ka, e."
Tumawa ako. Sinuway pa siya ni Lola Guada dahil kung anu-ano pa daw anh sinasabi niya.
"O sige..." sabi ko habang natatawa-tawa pa. "Tatandaan ko 'yan."
He squeezed my forearm excitedly and hugged me again. Kumalas lang kami mula sa pagkakayakap sa isa't isa nang pinaghiwalay kami ni Axel.
Agad na sinimangutan ni Landon ang kapatid at sinamaan ito ng tingin. Hindi iyon pinansin ni Axel at hinawakan nalang ako sa braso.
"Ihahatid kita." aniya. Tumango ako.
I glanced at Patty who remained looking at the floor. I gulped and bid my goodbye to her.
"Bye, Patty. Maraming salamat sa masarap na luto." sabi ko at tumalikod na.
Buong akala ko ay hanggang sa sasakyan lang namin ako ihahatid ni Axel. Nagulat ako nang bigla siyang nagpatunog ng sasakyan at agad na binuksan ang shotgun para sa akin.
Nagugulohan ko siyang tiningnan.
"P-Pero..."
"Nasabihan ko na."
My mouth parted. Alright, he's quick. Mukhang napagisipan na niya ito kanina pa ah?
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at wala nang nagawa. Pumasok ako sa loob ng sasakyan niya.
His car isn't as fancy as ours. Mukhang luma na ito pero maganda parin at ayos at mukhang alagang-alaga ito. It's also heavily tinted, very private just like its owner. I quietly put my seatbelts on while Axel closes the door for me.
Kanina ko pa ramdam ang paninitig niya at alam kong marami na naman siyang gustong itanong sa akin. Pinanood ko siyang habang umikot siya patungo ng driver's seat. Nang makapasok ay agad niyang inistart ang sasakyan.
From his side mirror, I saw our car waiting. Mukhang susunod nalang ito kapag umandar na ang sasakyan ni Axel.
"What happened in the kitchen?" He asked.
Nanatili akong tahimik at hindi sinagot ang tanong niya. I focused my gaze outside. Mag-gagabi na at baka inaasahan na sa palasyo ako kakain. Hindi ko pa naman din sila binigyan ng eksaktong oras kung anong oras ako uuwi.
"Aria," Axel called. Sinulyapan ko siya. "What happened?"
"Wala 'yun. Nag-usap lang kami."
"Bakit parang hindi lang basta pag-uusap ang nangyari. Patty keeps on saying sorry to me. I don't understand why."
I bit my lip. Bumuntong hininga ako at hinarap siya.
"Wag kang magalit sakanya. Naiintindihan ko naman kung bakit niya nasabi iyon. Wala kang dapat ikabahala."
"What did she say?"
Umiling ako at tumingin sa labas ng bintana. I was startled when his hand moved to my left thigh. Napabaling ako ng tingin doon sabay angat ng tingin sakanya. I raised a brow.
Sa halip na tanggalin iyon ay nanatili iyon doon habang seryoso siyang nagmamaneho.
"Tell me."
I pursed my lips and sighed heavily.
"She's just worried about your family, Axel. Alam niyang nasa peligro ang buhay ko at nag-aalala lang siya na baka madamay ang pamilya mo. Naiintindihan ko naman, Axel. May punto naman siya."
"Tss." siya naman ang nagpakawala ng malalim na hininga ngayon.
"Importante kayo sakanya kaya niya nasabi ang mga iyon. Hindi ko lang nagustohan na pinaparatangan niya ako na gusto ko kayong ipahamak at idamay. P-Pero wala lang 'yun. Gaya nga ng sabi ko, naiintindihan ko siya."
"I'm sorry about that."
"Hindi mo naman kasalanan kaya ayos lang."
Nilingon ko siya at nakitang kinuyom niya ang kanyang bagang. He reached for my hand and hold it tight.
"Wag kang magalit sakanya. Baka hindi niya lang sinasadya na masabi niya iyon." paki-usap ko.
"Kahit na," mariin niyang sinabi. "Hindi ka niya kilala kaya wala siyang karapatang sabihin iyon."
"She likes you," tipid akong ngumiti at itinuon ang mata sa magkahawak naming kamay. "Maybe that's what pushed her to say those things."
"Let's not talk about that."
Bahagya akong tumawa. So, he's aware of Patty's feelings for him huh?
Hindi na ako nagsalita at tumingin nalang sa dinadaanan namin. Napansin ko namang hindi ito ang daan pabalik ng palasyo kaya ko siya nilingon.
"Hindi dito ang daan ah?"
Tiningnan niya ako at nginisian.
"I'm going to take you somewhere. Naipaalam ko na rin ito sa mga magulang mo kaya wala kang dapat ikabahala."
Pinangliitan ko siya ng mata.
"You talk to them?" mangha kong tanong.
"Not all the time though."
Tumawa ako. Oh... the ever sneaky, Mr. Ocampo.
"Where are you taking me then?"
"Somewhere I know you'll love."
Kumunot ang noo ko at nag-isip. Saan naman kaya? Mukhang papunta pa siya paakyat ng Antipolo. Halos paakyat na itong dinadaanan namin at sa isang banda, natatanaw ko na ang kabuuan ng syudad.
May mga restaurant din sa gilid. I suddenly wonder how nice it is to dine in there while overlooking the city. Maganda siguro iyan lalo na sa gabi.
"Paano pala sila Damon?"
"They'll wait for us."
I nod my head again. Hinintay ko naman na makarating kami sa kung saan niya talaga ako gustong dalhin.
It took us a while to travel. Napansin kong lumiko siya papasok sa isang mas matarik na daan. I turn to him curiously.
"Saan 'to?"
"Just wait and see, Aria." he smirked.
Ngumuso ako at binalik ang tingin sa labas. Medyo madilim na ngayon at kaunti lang ang ilaw sa daanan. Napapansin ko rin na may mga taong naglalakad paakyat. Inilibot ko ang tingin para malaman kung nasaan ba kami hanggang sa mapansin ko ang ilaw kung saan nakaukit ang pangalan ng lugar na ito.
Cloud 9
I never heard of this place before. Ano kaya ang meron dito. At nakasunod din ba sila Damon?
Lumingon ako sa likod at napansin na wala namang nakasunod na sasakyan sa amin. Baka nag-park na 'yun sa ibang lugar at hinayaan na muna kaming dalawa ni Axel.
Nang makarating kami sa tuktok ay doon na naging maaliwalas ang lahat. May iilang sasakyan ang nakaparada sa loob at may mga tao ring nag-lalakad lakad. Tourist attraction kaya ito sakanila?
Nang naiparada na niya ang sasakyan ay sabay kaming lumabas doon. I roamed my eyes around as I close the shotgun's door.
"What is this place?" kuryoso kong tanong.
Pinatunog naman ni Axel ang sasakyan niya para i-lock ito. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko.
"You like good views and all that stuff, right?" tumango ako. "Then this is the right place for that."
Hindi ko naiwasang mapangiti dahil sa tingin na ibinibigay niya sa akin. He looks excited. Mukhang may gustong ipagmayabang sa akin.
Well, then... surprise me, Axel.
Napansin kong may mataas pang building bukod sa kung nasaan kami ngayon. Ang tanging daan lang patungo doon ay isang hanging bridge.
I also noticed that there's a restaurant here. May mga kumakain na doon at mukhang sarap na sarap sila.
Did Axel just brought me on a date or... am I only hallucinating things?
Bago kami magtungo sa restaurant ay dinala niya muna ako sa garden. May ibang tao na nagagawi ang tingin sa amin dahil na rin siguro sa laki ni Axel. The man is huge and he's also very noticeable.
Kahit na simple lang ang suot ay agaw pansin parin siya.
May iilang nagpipicture nang nagpunta kami sa garden. Kung hindi magkakaibigan ang nandito, puro magkakasintahan naman.
"Madalas ka dito?" tanong ko.
Gumilid siya para padaanin ang grupo ng magkakaibigan na kanina ko pa napapansin na kanina pa siya pinagtitinginan. Some of them even squealed as they walked pass him.
I smirked.
"Dati." he answered simply.
"Sinong kasama mo?"
Napansin niya sigurong makahulogang tanong iyon kaya siya lumingon sa akin. Ibinaling ko ang tingin sa iba para umarte na parang inosente.
Baka kasi mamaya ay dito niya rin pala dinadala ang mga naging kasintahan niya noon. O hindi kaya... nagpunta na sila ni Patty dito! I'm no special anymore if that's the case.
"Madalas kami ni Landon at Mama dito nung nabubuhay pa siya."
Bumuka ang bibig ko at nilingon ko siya. So... no girlfriends that he brought here then?
"Really? This must be her favorite place!"
"It is."
Napangiti ako. How thoughtful of him to bring me to his mother's favorite place. Parang may pumiga sa puso ko nang dahil doon.
Kung naghahanap ako ng rason para mas lalong mahulog sakanya, ito na 'yun.
I know it wasn't love at first sight. My love for him just formed gradually because of his thoughtfulness, honesty, and the way he makes me feel. It's the connection that I can't explain. Like I always want to cling to him and never let go.
Sa isang banda naman ay napansin ko ang isang magkasintahan na nagpipicture kaya nainggit ako. Wala pa kaming picture dalawa at hindi rin naman ako papayag na umalis kami dito nang wala akong remembrance.
"Let's take a picture!" aya ko.
I rummaged through my bag to look for my phone. Nang makuha ko ito ay agad ko itong binuksan at dinala sa camera. Hinarap ko itong dalawa sa amin.
Mabuti nalang at may flash ang front cam nito kaya kahit madilim ay magiging malinaw parin ito.
"Smile, Axel." I said as I place my phone in front of us to take a good picture.
He crouched a bit behind me. Halos ipatong na niya ang mukha sa balikat ko. Magkalapit rin ang pisngi namin kaya ngumiti ako.
Hindi ko napansin kung ngumiti rin ba siya kaya tiningnan ko ang picture namin. Maliit lang ang ngiti niya dito pero kahit na gano'n ang gwapo niya paring tingnan sa litrato namin na ito.
I just wish I could remove the cap that I'm wearing right now. Mas maganda kung wala iyon. Kaso ayoko rin naman ikompromiso ang seguridad ko.
"Let's take another!"
Inabot ko sakanya ang cellphone ko. Mas matangkad siya kaysa sa akin kaya mas maganda kung siya ang kukuha ng picture naming dalawa para mas kita rin ang tanawin.
He snaked his arms around me to move me closer to him. Kahit nakakatawa na makita siyang kumukuha ng litrato ay wala akong nagawa dahil sa kagustohan na may remembrance kaming dalawa.
I smiled as I checked out our picture. Ang gwapo talaga kahit tipid lang ngumiti!
Sunod niya naman kaming dinala sa restaurant. I let him order for us. Mas maalam siya rito kaya hinayaan ko na siya.
Nang maiserve iyon sa amin ay agad kaming nagsimula kumain. Masarap ang mga binili niyang pagkain at nabusog ako. I offered to pay for it he insisted.
Sa restaurant tanaw rin ang kabuuan ng syudad. I gasp because of its beautiful scenery. Like this is where you'll truly achieve tranquility.
I wonder how this view will look like up in the other building. Kanina ko pa iyon tinititigan at napapansin ko rin na halos nagsisigawan ang lahat habang paakyat sa hanging bridge na iyon. Doon naman ako sunod na dinala ni Axel.
"Are you afraid of heights?" Axel asked.
Inalis ko ang tingin sa hanging bridge at ibinaling sakanya.
"No."
He nods his head and smiled. He gave his payment to the personnel. Mura lang ang bayad paakyat doon. Nang matapos siya ay kinuha niyang muli ang kamay ko at dinala na patungo sa bridge na iyon.
He was the first one to step in. Bumitaw ako sa kamay niya nang mapansin kung gaano pala kataas ito. I'm not afraid of heights but what if this bridge suddenly breaks while we're crossing?
"Wait," sabi ko. Tiningnan ko ang punong babagsakan namin kung sakaling bumigay nga ito. "Is this safe?"
He chuckled. "Of course."
I nod my head. Humugot naman ako ng malalim na hininga at tumungtong na rin sa bridge na iyon. Bahagya iyong umuga nang umapak ako. I squealed.
Axel turns to me again. This time, with a playful smirk on his lips.
"We won't fall. Trust me." aniya, sabay abot ng kamay sa akin.
Tiningnan ko siya at ang kamay niya. Sa huli ay wala akong nagawa at hinawakan nalang rin ang kamay niya habang paakyat kami sa bridge na iyon.
I looked back to see how far we've come. Madilim rin ang daan kaya mas lalong nakakatakot.
Kaya laking pasasalamat ko nalang nang maakyat kami doon ng ligtas. Kaunti lang ang nandidito nang makarating kami at halos lahat ay puro nagpipicture.
Hindi ko maiwasang mamangha lalo nang marating na namin ang tuktok. Mas maganda nga dito at mas nakakabighani.
Lumabas kami para mas makita ng mabuti iyon. I smiled to myself. Humawak ako sa barandilya at pumikit.
I let the cold wind hit my face. Iba ang dala ng lugar na ito sa akin. This place tells me that I can still find peace even if my life has been chaotic lately. I feel free in this place. Axel made me feel free.
Napadilat lang ako nang maramdaman ko siyang yumakap sa akin. He wrapped his arms around me. Napangiti ako at sinandal ang sarili sakanya. He rests his head against mine.
And this... inside his arms... is where I also find peace. I find my place. I find my home. Whenever I'm inside his arms, all my worries went away and it felt like th safest place ever.
He saw the best in me. He believes in me so much. Mas nagtitiwala na ako sa sarili ko ngayon nang dahil sakanya.
Axel may not be the most perfect guy for others, but he is for me. He made me feel so many things. I would follow him to the ends of time just to have another moment with him.
Kahit na magkaiba ang mundo namin, pinipilit niya paring pagtagpuin ito. If that isn't love, then I don't know what it is.
"Patty is in love with you." sabi ko.
Hindi ko maiwasang isipin na hindi lang ako ang nagiisang umaasa na makuha ang puso niya. There's Patty who... knows him well more than me. Si Patty na simula palang ay nandiyan na.
Hindi kagaya ko na bagong saltak lang na wala pang masyadong alam tungkol sakanya.
"I know what you're doing..." he said as he tightened his hold on me.
Bakit? Akala niya ba ipagpipilitan ko siya kay Patty? Hindi ko gagawin iyon. If I have to fight for this love, then I will.
I don't want to lose the person who made me feel too much. I can't deny what I feel for him. Kung maaari, handang-handa ko rin ibigay ang buong-buo ko sakanya.
He's my first love. And if fate decided to be on our side where no one will ever stop us from being together, I will love him endlessly.
"I'm not pushing you away. I'm just saying in case you didn't know. I see the way she looks at you. Tuwing nakikita niya tayong dalawa, iba ang tingin na ibinibigay niya sa akin. Kaya siguro nasabi niya rin iyon kanina dahil galit siya sa akin."
I sigh heavily as I realize how I tried to be friends with her. Ipinagsisiksikan ko na naman muli ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin.
"She loves you, Axel." I continued.
Nanatili siyang tahimik na para bang hindi na bago ito sakanya. All I hear is his heavy breathing. Nanatili siya sa ganoong ayos kahit na yumuko ako.
"Too bad. I can't love her the way she wants me to."
My forehead creased. "And why is that?"
"Because I love someone else."
My mouth parted. Dahan-dahan akong lumingon sakanya. His eyes are focused on the scenery in front of us. Nang maramdamang nakatitig ako sakanya ay nilingon niya na rin ako.
Seryoso at mukhang nakikiusap ang kanyang mga mata.
"I'm in love with the person who seems to have no idea what I truly feel for her. I love how she tries to fit herself inside my world. I love her more for it. I love that she has no idea what she does to me. She has no idea that I stay late up at night just thinking of her. I wonder if she feels the same."
I tried to hide my smile.
"Sino ba 'yang tinutukoy mo?"
"Ikaw." he answered right away.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. He sounds so genuine. Hindi ako nakaramdam ng kahit ano mang pagdududa sa lahat ng sinabi niya. I turn to face him.
Napasandal ako sa barandilya at kinulong niya ako doon. He placed his hands on either side of me to make sure that I won't escape.
"I'm in love with you, Aria. Kaya kahit ipagtulakan mo ako kay Patty, hindi ako papayag. Dahil ikaw ang gusto ko."
Agad na nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Posible pala talaga ito 'no? Ang mahalin mo ng sobrang ang taong hindi mo inakala na dadating sa buhay mo.
I want him. And there is no one else in this world that I would want but him.
I will fight for him and I promise to do anything for us to make it work.
Wala akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao. Let them judge me because I've fallen in love with my bodyguard. I will do nothing but feel bad for them because they won't experience a love as true as this.
"Now I wonder if she feels the-"
Hindi ko na siya pinatapos pa dahil agad ko na siyang inatake ng halik. Bahagyang umangat ang suot kong cap. Wala na akong pakealam kung mamukhaan man ako ng mga tao dito. Wala na talaga akong pakealam pa.
His right hand automatically wrapped around the nape of my neck. His tongue asked for an entrance and I let him. Mas lalong lumalim ang halik niya sa akin.
Ang unang halik naming dalawa ay walang-wala dito. Parang ito ang klase ng halik na hahanap hanapin ko maya't maya. Parang ayaw ko nang tumigil.
Our lips touched like they know they belong together ever since. Napadaing ako sa paraan niya ng paghalik sa akin. Nakakalasing at nakakaadik.
Tumigil lang kami sa paghahalikan para humugot nang hininga. Pagkatapos ay inilapat muli namin ang aming mga labi sa isa't isa. Siguro kung nasa mas pribado lang kaming lugar, baka hindi lang ito ang ginawa namin.
I've never been exposed in that kind of world. But if that world feels like this, hinding-hindi na ako aalis doon. Mananatili ako doon hangga't gusto ko.
Axel bit my lower lip. Mas humigpit rin ang pagkakahawak niya sa baywang ko. I pulled his shirt. Isa pang mas malalim na halik bago kami tuluyang tumigil.
Akala ko ba manliligaw palang siya? Bakit parang sobra-sobra na itong ginagawa namin para sa isang manliligaw?
Dumilat ako at nakita ang pamumugay ng mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin. His lips are so red like it's asking me to kiss it again.
I still feel lost because of that kiss pero kahit na gano'n, hindi nakatakas sa pansin ko na wala nang natitira dito sa taas kung hindi kami.
I chuckled. Nahiya na siguro ang mga iyon nang dahil sa nakita.
Hinawakan ko ang pisngi niya. I caressed his cheek using my thumb. Kung maaari ko lang ipagsigawan ang nararamdaman ko para sakanya gamit ang aking mga mata ay talagang ginawa ko na.
Hinawakan niya ang palapulsuan ko at pinatakan ng halik ang palad kong nakahawak sa pisngi niya habang seryoso paring nakatitig sa akin. I smiled at him.
"I'm in love with you, too, Axel." I whispered.
Napangiti siya sa sinabi ko. Pinatakan niyang muli ng halik ang labi ko. He shut his eyes and pressed his forehead on mine. Marahan lang ang halik na iyon pero parang ipinagsigawan niya ang nararamdaman niya para sa akin doon.
Mahigpit ko siyang niyakap. I rest my head on his beating heart.
This belongs to me now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top