Chapter Twenty-Five
Song: I'll Be There- Julie Anne San Jose
Safe
Agad kong nabitawan ang natanggap kong sulat. My chest kept on heaving up and down as I stare at the message in horror.
Always be careful, Princess. We're just watching. We know your every move.
Nabigla si Damon sa ginawa ko kaya napabaling siya ng tingin sa akin sabay kumunot ang noo. He picked up the message and read it.
"Damn it." He cursed under his breath.
Agad siyang tumayo upang lapitan ang mga kasama niyang bodyguard. Habang ako naman ay nanatiling nakatayo, hindi parin makapaniwala sa mensaheng natanggap.
How were they able to know my every move? Hindi isnasapubliko ang bawat agenda ko kaya paano nila nalalaman? We are all trying to be careful because of the threat that Jennica and Francine gave me a few weeks back. And I don't even plan on doing something stupid anymore now that my life is in danger!
"Check the perimeters and look for a suspicious person. Dalhin niyo agad sa headquarters kapag may nahanap kayo. That person needs to be punished immediately. This is serious." Narinig kong sinabi ni Damon sa mga kasama.
Pagkatapos niyang iutos iyon sa mga kasamahan ay bumalik siya sa akin. He made me turn to him. The terrified look on my face is still there.
I don't know what to do... Paano kung ano mang oras ay mapagdesisyonan nilang gumawa ng masama sa akin? They know where my office is located and they can just shoot me anytime they want to!
I can't believe that my life is suddenly in danger because of that fucking night. Gabing wala naman akong ideya na doon pala ang tungo namin.
They wanted to get even because their leader is in jail because of me. Now, I feel like the drug syndicate that Hero is under is now on the lookout for me. Sakanila siguro nanghingi ng tulong itong si Jake.
My mind is in a haywire. Kung hindi man ako ang punteryahin nila, malaki ang tsansa na idamay rin nila ang mga taong malapit sa akin! Why are they doing this? Ano bang makukuha nila sa akin kapag nakaganti sila sa akin?
Iniisip ko palang ang mga taong maaaring madamay ay hindi ko na kaya.
"Let's get you home. This is not safe anymore."
Wala akong nagawa nang iginiya na niya ako palabas ng atelier ko. Tulala ako habang nasa byahe kami. Hindi ko labis mawari kung paano nila nalalaman ang bawat galaw ko. Kung nasaan ako, nandoon rin sila. It feels like I am not safe to go out of the palace anymore!
Kung kailan nawala pa si Axel tsaka naman nagkaganito. He's the only one who can calm me down and make me believe that everything will be alright. Ganoon rin naman ang sinabi ni Damon sa akin kanina habang nasa byahe pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang paniwalaan.
Wala ang mga magulang ko nang bumalik akong muli sa palasyo. They are out somewhere and I wonder if they heard about the news already. Natatakot na baka pati sakanila ay may mga nakasunod na rin.
I know that my father's job is a risky job. Malamang sa malamang, may mga sumusunod talaga sakanya at may mga gustong magpabagsak sakanya. Pero para sa akin... iba 'to. Pakiramdam ko, kahit ano mang oras, may maaari silang magawang masama sa amin.
They seem serious. Mukhang hindi basta basta titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto.
Sa dami ng bumabagabag sa aking isipan ay hindi ko na napigilan pa ang sarili na kausapin si Damon tungkol sa nangyari kanina. Kasama ang ibang bodyguards ay sumama ako sa pag-titipon nila. Given that Axel is no longer in picture, Damon was assigned to lead my security team.
"Hindi natin pwedeng hayaan na magpatuloy ito. Dapat ngayon palang gumagawa na tayo ng paraan para malaman kung sino ang salarin." Seryosong sinabi niya.
Nanatili ang tingin ko sa basong nasa harap ko. Malalim ang iniisip at hindi mapanatag. They know my every move... hindi kaya posibleng... may lead sila dito?
"What if someone from this palace tells them about my whereabouts? Hindi ko isinasapubliko ang mga pinupuntahan ko kaya nakakabigla na pati ang mga pribado kong meetings ay alam nila."
Natahimik ang iba. Kahit si Damon ay napaisip sa sinabi ko. Kung sino man iyon sana makonsensya siya sa ginagawa niya. Pinagkakatiwalaan siyang magtrabaho dito tapos ito ang ipapalit niya?
"That's impossible, Aria, we've all had a background check at wala ni isa sa amin ang may kinalaman sa sindikatong iyon." Ani Joseph.
"But what if they offered that person a big amount of money just so they could continue with their plan?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Maraming maaaring magawa ang pera. Maraming kayang mabili ito kahit na ang dignidad ng isang tao.
"Hindi kami ganoon."
Tinikom ko ang bibig at hindi na nagsalita. Nagpakawala ako ng malalim na hininga matapos sabihin ni Joseph iyon. So now I feel bad. Hindi ko naman intensyon na pag-isipan sila ng masama. Sadyang marami lang talagang pumapasok sa isip ko at hindi ko mapigilan na isipin ang bagay na ito.
It's not my intention to think ill of them. It's just that I was thinking of other possibilities.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa magiging plano nila. Ang sabi ay kailangan daw na mas paigtingin ang seguridad ko lalo na't nalalapit na ang SONA. Isa iyon sa mga high risk events ng first family kaya hindi nila pupwedeng ikompromiso ang seguridad namin.
Pagkatapos ng meeting na iyon ay nilapitan agad ako ni Damon habang ang iba naman ay dumiretso na sa kanilang headquarters upang gawin na ang nakatokang trabaho.
I turn to him.
"Naiintindihan ko ang sinabi mo kanina-"
Hindi ko siya hinayaang magpatuloy. Alam ko na ang tinutukoy niya. Maybe he also got offended like Joseph. Mali na nasabi ko iyon. Of course, hindi naman sila hahayaang magtrabaho dito kung may kinalaman pala sila sa mga ganoong uri ng tao.
"I know, Damon. I'm sorry. Hindi ko naman intensyon na pag-isipan kayo ng masama." Nag-iwas ako ng tingin nang dahil sa hiya.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Aria."
I raise my gaze back at him. Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay siyang ipagpatuloy iyon.
"Maaaring posible nga ang iniisip mo na may isa sa amin ang nagsasabi sakanila kung nasaan ka."
Umayos ako ng tayo at humalukipkip. I creased my forehead.
"Aria, we are the only one's who has an access to your schedules. Ang ibang nagtatrabaho dito sa palasyo ay walang ideya tungkol doon, tanging kami lang. Kaya naiintindihan ko na naisip mo iyon."
"P-Pero... paano nangyari 'yon? Gaya ng sabi ni Joseph, napag alaman naman na walang sangkot sainyo sa sindikatong iyon. Kaya paanong..."
"'Yun pa ang hindi ko alam. We still have to investigate about this. I'll also tell Sir Ocampo about what happened. I'm sure he'll also think of ways to solve this problem."
Tumango ako. How I wish he's still here. I wonder what he's doing now? Ano kayang pinapasok niyang trabaho ngayon? Kung hindi man nag-iba ng trabaho, nadeport na ba siya patungong Syria?
Pagbalik ng mga magulang ko kinagabihan ay agad nila akong pinatawag sa opisina ni Daddy. Nasa pinto palang ako ay nag-aalala na akong sinalubong ni Mommy.
"We were notified about what happened. Ayos ka lang ba, Aria? May nangyari bang masama sa'yo?"
Umiling ako. "Naaksyonan naman po agad nila Damon kaya ligtas po akong nakaalis kanina."
Ibinaling ko naman ang tingin kay Daddy na seryoso lang na nakatingin sa amin. Mukhang malalim ang iniisip. I walked towards his desk and sat on the chair in front of it. His jaw clenched.
"Do you have a prospect on whoever did this?" walang paligoy-ligoy niyang tanong.
"Jake." Sagot ko.
Kumunot ang noo niya. Mukhang walang ideya sa kung sino ang tinutukoy ko o baka hindi ito nasama sa mga pinaimbestigahan niya.
"Isa siya sa mga kasama namin ng gabing iyon. Francine and Jennica also told me that he's on the loose. Kaya wala akong ibang maisip na maaaring gumawa nito."
He sighed. Sabagay, nakakapagod nga naman ito sa part niya. Nag-iisip ka na ng solusyon para sa problema ng bansa tapos dadagdag pa ito sa mga iintindihin niya?
"And I also think that someone's backing him up. Gaya nga ng sabi niya sa mensahe niya, alam niya ang bawat kilos ko."
Lumapit naman si Mommy sa akin at hinawakan ang balikat ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. I pursed my lips.
"Nakakabahala na kung kailan nalalapit na ang SONA tsaka may nangyayaring ganito."
Hindi ako nagsalita. Nanatili naman ang tingin ni Daddy sa akin.
"Now that you received this kind of threat, you should always be careful. Be vigilant, Aria. You tend not to care about your surroundings-"
"I am trying to be careful now, Dad. Kita niyo naman na wala na kayong naging reklamo tungkol sa akin simula noong si Ax..."
Umirap ako at bahagyang sinamaan ng tingin si Daddy na para bang siya ang sinisisi ko kung bakit hindi na kabilang si Axel sa security team ko ngayon.
"I don't plan on doing some reckless or rebellious act if that's what you're trying to imply."
"But still, Ariadne, we can't guarantee anything. Hindi sa lahat ng oras kaya kang maipagtanggol ng mga bodyguards mo. That's the reason why I wanted you to learn some basic self-defense para sa oras na nasa piligro ka, alam mo ang gagawin."
I rolled my eyes again. Kung hindi niya lang sana inalis si Axel sa trabaho niya, hindi sana siya namomoblema ng ganito. It's obvious that out of all my bodyguards, Axel is definitely the best. Kahit siya ay mukhang aminado din sa katotohanang iyon.
"I know... I know..." tamad kong bulong.
"Iniisip ko lang ang kapakanan mo. Anak kita at ayokong may mangyaring masama sa'yo."
Hindi ko na siya tiningnan pa at tumango nalang.
Sa sumunod na araw ay hindi nila ako hinayaang lumabas ng palasyo I tried working through laptop to finish some of my designs. Sinabi ko na rin sa mga dressmakers ko na tapusin na ang naalintala nilang trabaho noong nakaraan.
Pagkaalis kasi namin nang matanggap ko ang mensaheng iyon ay inutos ko na sa sekretarya ko na isara na muna ang atelier. I don't care if they finished their work or not. I just didn't want to compromise their safety. Ayoko na pati sila ay madamay sa gulong pinasok ko.
Ginamit naman nila Damon at ng iba ko pang bodyguards ang oras na ito para pagplanuhan ng mabuti ang gagawin nila sa nalalapit na SONA. Damon also told me that he already informed Axel of what happened.
"Give me his number." Utos ko kay Damon.
Kumunot ang noo niya at muling umiling. I rolled my eyes for the nth time. Paano ba naman kasi... kanina ko pa siya kinukumbinsi na ibigay ang numero ni Axel sa akin para matawagan ko siya. Wala naman akong number niya dahil madalas ko siyang makasama dito sa palasyo noon.
Now that he's not here anymore, and given that I already miss him so much, I asked Damon to give me his number. Pero ang lokong 'to, ayaw ibigay! Utos daw ni Sir Axel niya!
Utos your face!
"Please, Damon, just give me his number." Pagmamakaawa ko ulit. I gave him a puppy eye.
Umiling siyang muli. "No."
"Bakit ba ayaw mo?"
"Hindi sa ayaw ko, Aria, pero utos nga ni Sir! Ayaw ata ng Daddy mo na malaman na may komunikasyon pa kayo."
Halos umusok ang ilong ko sa nalaman. My father really didn't want me to happy huh? He'll really block everyone who tries to make my life better.
"Kung ayaw mong ibigay, ikaw nalang tumawag sakanya at ipakausap mo ako."
His eyes widened with my suggestion. He tsked and shakes his head again.
"Isang beses lang, please. After nito, hindi na ako hihingi pa ng pabor na makitawag ulit sa'yo."
Sinamaan niya ako ng tingin. Hinila niya naman ako palayo at dinala sa mas pribadong lugar, iyong wala masyadong mang-gagawa na nag-iikot.
"Suportado ko kayo kaya... isang beses lang, Aria!"
"Yes, I promise. Isang beses lang talaga." I raised my hand as a sign that I'm keeping a promise.
He gave me a warning look before he dialed Axel's number. Nginitian ko siya at tsaka kinuha ang telepono niya nang iniabot niya ito sa akin.
Habang hinihintay kong sagutin niya ang tawag, si Damon naman ang bahala mag-look out. Nakabantay siya sa mga maaaring magsumbong kay Daddy sa kung ano man ang ginagawa ko ngayon.
After its fourth ring, Axel finally answered the call. Halos maluha ako nang marinig kong muli ang boses niya.
"Damon," aniya sa kabilang linya.
"Axel..." tawag ko.
Natagalan bago siya sumagot muli. I figured that maybe he realized that it wasn't Damon who's on the other line. Sinulyapan naman akong muli ni Damon at binigyan ng warning look.
"Aria..." he said breathlessly. "What made you call?"
"Why didn't you tell me that you were leaving?"
"I didn't want to upset you."
"You think this didn't upset me more? Maiintindihan ko naman kung sasabihin mo ang rason. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi mo man lang nagawang magpaalam!"
Bahagyang tumaas ang boses ko kaya napalingon muli si Damon sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Shh!" he said.
Ngumuso ako at hinintay na sumagot ni Axel.
"It's better that way."
"How come it's better? You're just-"
"Dahil alam kong magbabago pa ang isip ko sa oras na pigilan mo akong umalis."
I sigh. At talagang pipigilan ko siya kung sakaling aalis siya! Wala siyang ginagawang masama kaya dapat lang na manatili siya rito!
But what did he just say? Magbabago ang isip niya sa oras na pigilan ko siyang umalis?
Agad na sumagi sa isip ko ang tungkol sa deployment niya sa Syria. Ibig bang sabihin nun, kung pipigilan ko siyang huwag tumuloy sa Syria at makiusap na manatili siya rito, hindi talaga siya tutuloy? But on the second thought, I didn't want to be selfish with him.
It's his life and probably his... dream. I have no right to stop him from doing what he wants. I don't want to be burden in reaching his dreams.
"I heard what happened." Aniya.
Bumaba ang tingin ko at nagpakawala ng malalim na hininga.
"Of course. Damon told you."
"Aria, just because I'm not there doesn't mean you're not safe anymore. Damon and your other bodyguards are doing their best to keep you safe. Please trust them."
"Of course I trust them! Alam ko namang gagawin parin nila ang trabaho nila."
"Everything's going to be alright soon. Don't worry, I'll still protect you."
My forehead creased a little. Sinulyapan ko si Damon na masugid lang na nagbabantay.
"Paano? Hindi ka na naman dito nagtatrabaho."
He scoffs. "I have my ways."
Nang nagpaalam si Axel ay hindi ko muna binalik ang telepono kay Damon. Nagkunwari akong nag-uusap pa kami upang makuha ko ang numero ni Axel sa cellphone niya. Mabuti nalang at dala ko ang cellphone ko.
"Uh... ayos naman ako, Axel..." sabi ko habang paulit-ulit na sinusulyapan si Damon.
Nakabantay parin siya at walang ideya sa ginagawa ko. I run through his contacts and searched for Axel's name.
"Wag kang mag-alala, nandito naman si Damon at alam kong di ako pababayaan nun." I heard Damon's shoulders moved. Mukhang natawa sa sinabi ko.
Sigurado akong natuwa 'yan sa sinabi ko dahil pinuri ko siya. I bit my lip to stop myself from chuckling. Ang kawawang Damon. Walang kaide-ideya na naiisahan ko na siya.
Dali-dali kong kinuhanan ng litrato ang number ni Axel sa telepono niya. Nang matapos ako ay nagkunwari akong nagpapaalam na kay Axel kahit na kanina pa naman talaga kami tapos mag-usap.
"Sige... mag-iingat ka rin, Axel... okay... bye..." I pretended to hang up the call.
Nagpakawala naman si Damon ng hininga at tsaka ako nilingon. Mukhang napanatag na hindi na siya kakabahan kung mahuhuli man kami. I smiled at him and handed him his phone.
"Thank you so much, Damon. It means a lot to me."
"Tss. Huli na talaga 'yan ha?"
"Oo. Huli na talaga," ngumiti ulit ako sakanya. "Sige, mauna na ako. Thank you ulit."
Napangisi ako habang naglalakad palayo sakanya. If Axel has his ways, I have mine, too.
Naging alerto ang lahat nang dumating ang araw ng SONA. Halos hindi na makausap si Damon dahil masyado siyang abala sa pag-papaalala sa iba niyang kasamahan tungkol sa kanilang gagawin.
We picked up wardrobe yesterday. Hindi naman kami nagtagal at agad ring umalis. Matagal ko nang pinatapos ang mga susuotin namin at mabuti nalang talaga walang naging problema sa naging sukat kaya wala nang kailangang i-adjust pa.
I designed a silky white terno jumpsuit for my Mom. While I designed a baby pink filipiniana dress for me. Magandang klase naman ng tela ang ginamit ko para sa barong na susuotin ni Daddy.
When we arrived at the Batasan congress, media immediately started to cover their news. Sunod-sunod ang pagkuha nila ng litrato. Ang aming security naman ay sinisikap na walang makakalapit sa amin. Ang iba sakanila ay panay pasada ang tingin sa paligid.
Marami ang bumati nang oras na makapasok kami sa loob. I tried to smile everyone even if I'm feeling a little uneasy. Hindi maalis sa isip ko na may posibilidad na may masamang pinaplano ang ang kung sino man ang tumutulong kay Jake.
I mean, they can target us easily here! We're out in the open. Kung talagang magaling sila, maaari din nilang mautakan ang mga security.
My mother and I sat on our respective seats. Binati ko naman ang iilang katabi. I settled down on my seat and watch as my father grace towards the podium. Sumandal ako sa aking kinauupuan. I crossed my legs and placed my clutch over my thigh.
Habang hindi pa nag-sisimula, nagmasid ako sa paligid. While settling down on their respective seats, nakita ko ang ibang politiko na mukhang binobola pa ang isa't isa. I raised a brow. Nagbobolahan sila ngayon pero sigurado naman ako na sa susunod na eleksyon, magsisiraan na naman ang mga 'yan para mas iangat ang sarili.
Umiling ako at hinintay nalang ang pag-uumpisa ng SONA.
While my father is having his welcoming remarks, I couldn't help but think again. I saw some of my bodyguards around the corner. Lahat sila ay alerto at mukhang nagaantisipa rin na may maaaring mangyari ngayon.
What if something happened in the middle of my father's speech? Maaring magkagulo dito at marami rin ang posibleng madamay! This is freaking the hell out of me. Halos di ako mapakali sa kinauupuan. Kung hindi nakikinig sa sinasabi ni Daddy, nag-iisip naman ako ng iba't ibang maaring mangyari ngayon.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang umabot na si Daddy sa kalagitnaan ng speech niya nang wala paring masamang nangyayari. He keeps on telling all his accomplishments for the past years. Marami iyon dahil alam ko namang pinagpaguran niya iyon.
Nabigla naman ako nang biglang lumapit si Mommy sa akin upang may ibulong.
"You could at least try to look interested in your father's speech, Aria. Hindi iyang busangot ka diyan at mukhang walang kainteres-interes." She whispered.
"Huh?"
Kumunot ang noo ko at nilingon siya. I am listening! And it's not my fault that this is how I normally look! Hindi ko maintindihan ang biglaan niyang pamumuna sa akin.
Kasabay ng paglingon ko sakanya ay ang pagpasada niya ng tingin sa mga dumalo. Ah... I know why! Nag-aalala siya na may media na makakita kung gaano ako "walang kainteres" sa sinasabi ni Daddy. She's afraid that if someone notices it, I'll be the talk of the town.
Ilang beses na iyang nangyari sa mga nakaraang SONA ni Daddy. Ilang beses na akong pinaparatangan ng mga media na mukha raw akong bored sa speech ng aking ama. Kaya naman ginagamit itong dahilan ng mga nambabatikos kay Daddy. Kesyo daw kahit ang anak ay hindi na natutuwa sa kung ano pa ang sinasabi niya.
Umirap nalang ako at nakinig nalang muli sa sinasabi ni Daddy. I tried to make my normal attentive face look more interested. Kulang nalang ngumiti na ako habang nagsasalita si Daddy para lang mapanatag 'tong si Mommy na kanina pa nagmamasid sa akin. Siguro kanina pa ako nahahagip sa video kaya nababahala na siya.
Tss... don't think about those people! Mga wala lang magawa sa buhay iyan.
Habang tinatapos ni Daddy ang kanyang speech ay nabigla ang lahat nang may narinig kaming pagsabog. Hindi na pinatapos si Daddy dahil agad na siyang nilapitan ng kanyang mga PSG at pinapaba ng entablado upang makaalis na siya ng ligtas dito.
Nagsigawan ang mga tao at agad na nagkagulo sa banda namin. I knew it! They really are planning something. Hindi ko alam kung balak na ba nilang gumawa ng masama o gusto lang nila kaming takutin.
Agad na nawala sa paningin ko si Mommy. I roamed my eyes around and saw her being escorted by one of her bodyguards. Sa ibang banda naman ay nakita ko ang mga tao na nag-uunahan nang lumabas ng congress para hindi na madamay pa kung sakali mang lumala pa ito.
"Aria!" narinig kong sigaw ni Mommy. "Somebody has to get my daughter!"
I ducked my head when I heard another explosion. This time, it was from the inside. Mas lalong nagkagulo ang mga tao. Nabalot ng sigawan ang buong kongreso. Everyone's rushing, some are running. It was chaos!
Suminghap ako nang unti-unti nang nababalot ng usok ang loob. I tried to stand up even if my legs are feels wobbly. Nakita ko ang unti-unting paglapit ni Joseph sa akin para mailigtas ako. Lalapit na sana ako sakanya nang may bigla namang humigit sa braso ko.
I almost screamed if only I didn't realize that it was someone I know. Wearing a black cap and a gray jacket, Axel looked dark while trying to save me from this commotion.
"Axel?!"
"I need to get you out of here." he whispered as he guided me towards a safer place.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top