Chapter Twenty-Eight
Song: Dynasty- Miia
Danger
Seeing how Joseph reacted a while ago, I couldn't help but think suspicious of him. I know he's probably just worried that Kuya Glen might take me somewhere but the way he reacted... it was just out of hand.
Ang iba niyang kasamahan ay nanatiling tahimik kahit na walang ideya kung saan ang tungo namin. Siya lang talaga itong natatangging naglakas ng loob na humugot ng baril at itutok ito kay Kuya Glen.
He acted like he couldn't handle the fact that he didn't know where we were going so he decided to resort to violence. Hindi kaya gano'n ang naging reaksyon niya ay dahil maaaring siya ang source ng sindikatong iyon sa loob ng palasyo?
Maybe he's mad that he wasn't able to inform his leader about where I'm going today; kaya maaaring hindi nila ako sundan ngayon.
Well, 'yun naman ang gusto kong mangyari. That's the reason why I only informed Damon about this visit. I don't want to get Axel's family into trouble. That was the last thing I want to happen this day.
Pagbaba ko ng sasakyan ay agad kong tiningnan si Damon. He reached my baseball cap for me. Seryoso ko siyang tiningnan at tsaka sinuot na ang sombrero.
"Guard him." I whispered as I walk pass him. I felt him nod his head.
Our car is parked away from Axel's house. Ayaw ko rin kasing pagkaguluhan sila at baka madami pa ang maging kuryoso. Doon nanatili ang driver at iba kong bodyguards. Si Andy ang sumama sa akin patungo sa bahay ni Axel. I could still vividly remember how it looked like so I didn't have a hard time looking for it.
Kahit na ramdam kong pinagtitinginan kami ni Andy ay hindi ko tinangkang i-angat ang tingin ko. Nanatili lang akong nakayuko. Marami na ang kuryoso tungkol sa akin nang unang magpunta ako dito kaya importante na maging maingat ako ngayon.
It was a busy day for Axel's grandmother's canteen. Marami ang bumibili ng ulam sakanila dahil oras na ng tanghalian. And before anything else, I already made my bodyguards eat before we left my atelier a while ago. Kaya panatag ako na hindi sila magugutom doon habang naghihintay para sa akin. At isa pa, mukhang magtatagal rin ako dito.
Nanatili kaming nakatayo ni Andy sa labas habang hawak ang mga prutas na ipinabili ko. Kahit na abala sa mga customer ay mabilis na nagawi ang tingin sa akin ni Lola Guada. Siguro dahil kapansin-pansin rin itong laki ni Andy.
I smiled at her. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang makita ako. She wiped her hands before walking towards us. I just hope that my work clothes aren't too flashy for them.
"Magandang hapon po, Lola Guada." Bati ko at tsaka siya nginitian.
Mahanga niya naman akong tiningnan at tsaka ako niyakap.
"Naku, hija! Halika at pumasok ka. Alam ba ni Axel na mapaparito ka ngayon?"
Iginiya niya naman ako papasok ng kanilang tahanan. Nilingon ko si Andy at kinuha sakanya ang prutas na dala. Isang tango ko lang sakanya ay nakuha niya agad ang sinabi ko. Nabigla si Lola Guada sa pag-alis ni Andy.
"Nandito po ang iba kong bodyguards at balak ko po sanang sorpresahin si Axel. Nandito po ba siya ngayon?"
Lola Guada made me sit on their sofa. Tiningala ko siya at inabot ang dala kong prutas sakanya. Nagpasalamat sya.
"Naku! Lumabas si Axel at may pinabili ako. Pero pabalik na rin siguro 'yon."
"Ganun po ba? Sige po hihintayin ko nalang po siya."
Umayos ako ng upo. I pursed my lips. I was about to ask how is she when I saw Patty came out of the kitchen.
"La, eto po bang ginata ay-" napahinto siya sa kanyang sasabihin nang nakita ako.
I stood up and smiled at her.
"M-Ma'am Aria..."
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin. Inayos niya ang kanyang buhok at pinunasan ang kanyang mga kamay. Sa tingin ko ay tinutulungan niya si Lola Guada sa pagluluto. Nahihiya siyang ngumiti sa akin.
"Hi, Patty! Kumusta?"
Ambang yayakap na sana ako sakanya nang bahagya siyang lumayo sa akin.
"Naku, Ma'am! Nakakahiya! Medyo pawisan po ako." aniya sabay nag-iwas ng tingin.
I chuckled a little. "It's fine, Patty! It's nice to see you again!"
Wala na siyang nagawa nang yakapin ko siya. She laughed a bit with me. Malaking ngiti ang iginawad ko sakanya nang matapos.
"Hmm. Ano pong ginagawa niyo?" tanong ko.
"Ah. Nag-hahanda kami para sa meryenda na ibebenta mamaya," sagot ni Lola Guada. "Oh, hija? Kumain ka na ba? May gusto ka ba? Inumin?"
Naupo akong muli sa kanilang sofa. Nanatili namang nakatayo si Patty sa gilid habang si Lola Guada ay naupo na sa tabi ko.
"Ayos lang po ako, Lola. Kumain na po kami bago umalis kanina."
"Pasensya ka na kung hindi na naman kami nakapaghanda. Hindi ulit namin inaasahan na mabibisita ka ulit dito, e."
"Naku! Ayos lang po! At tsaka gusto ko lang po kayong sorpresahin. Kumusta po kayo?"
"Ay. Ayos lang naman kami rito, Aria. Ikaw? Kumusta ka? Nabalitaan namin iyong nangyari sa SONA."
I pursed my lips. Sinulyapan ko si Patty na naghihintay lang rin ng sagot ko.
"Okay lang po ako. Dumating po si Axel kaya..."
Narinig ko ang pagsinghap ni Patty habang si Lola Guada naman ay napangiti sa sinabi ko. Halos tumili na siya at hinawakan ako sa kamay.
"Oo, hija. Nagpaalam pa sa akin iyon dahil alam kong hindi na siya nagttrabaho sainyo. Akala ko naman ay may gagawin lang, 'yun pala ay pumunta doon para protektahan ka parin."
My heart fluttered. Hindi ko naiwasang mapangiti rin sa sinabi niya.
"Pasensya na nga po pala kung natanggal si Axel sa trabaho niya."
Bahagyang tumawa si Lola Guada. Hinawakan niya ng mas mabuti ang kamay ko.
"Naku, hija. Wala iyon. Nagpaliwanag naman si Axel at naintindihan ko. Hindi mo naman kasalanan."
Hindi ako nakasagot kaya nanatili nalang akong tahimik. Habang may palakaibigan na ngiti si Lola Guada sa akin ay nanatiling nakayuko si Patty habang seryoso ang tingin sa sahig. Nang mapansin na nasa kanya ang atensyon ko ay inangat niya ang tingin sa akin at tsaka ngumiti.
Kinuha niyang oportunidad ang katahimikan namin para mag-paalam.
"Uh... La, Ma'am Aria, balik lang ho ako sa kusina at itutuloy ko lang ang ginagawa ko."
Tumango si Lola Guada sakanya. Nginitian ko naman siyang muli bago siya pumasok ng kusina.
"Kumusta pala ang magulang mo? Si Mr. President? May nangyari bang masama sakanila?"
"Wala po dahil mabilis pong kumilos ang PSG niya."
"Narinig ko nga rin sa balita na mukhang may banta sa buhay niyo. Totoo ba iyon?"
I sigh heavily. Sana lang talaga hindi totoo iyon. Kung mababawi ko lang talaga ang ginawa ko ng gabing iyon ay talagang ginawa ko na.
"Uh, opo. Totoo po iyon. But don't worry, Lola. I'm being careful at kung nag-aalala po kayo sa seguridad ninyo ay-"
"Wag mo kaming alalahanin, hija. Napansin ko lang kasi na sobra kung mag-alala si Axel para sa'yo," tumawa siya ng bahagya. "Gustong-gusto ka talaga ng apo kong iyon, hija."
I almost choked on my own saliva. I didn't expect for her to know though. I shyly tore my eyes away.
"Buong akala ko nga si Patty ang gusto non," bulong niya. "Pero maling akala lang pala. Ibang-iba siya kapag kasama ka niya, e."
Tumawa ako nang pabiro niya akong kinurot sa aking tagiliran.
"Sa tinagal-tagal ko nang inaalagaan 'yang si Axel, ngayon ko lang nakitang magkagusto 'yan. At sa anak pa nga ng presidente nagkagusto!"
Hindi ko magawang magsalita dahil masyado akong nalulunod sa compliments ni Lola Guada. Ibig bang sabihin nito ay boto na siya sa akin para sa apo niya?
Well, I guess... welcome to the Ocampo family, Aria!
Napangisi ako sa naisip. Tiningnan ko ang lola ni Axel na tumatawa parin ngayon. Siguro nito lang nasabi sakanya ni Axel ang tungkol dito kaya parang tuwangtuwa parin siya hanggang ngayon.
Naputol lamang ang kwentuhan namin ni Lola Guada nang biglang pumasok ang mga apo niyang bata. Lahat sila may mga dalang plastic at mukhang galing pang palengke.
"Ate Ganda!" sigaw ni Atticus.
Nang dahil doon ay agad silang nagtungo sa akin. Masaya ko silang sinalubong at niyakap.
"Ay! Jusko, hija, nakakahiya at puro sila pawisan!"
Hindi ko na pinansin pa iyon. Pakiramdam ko talaga ay welcome na welcome na ako sa pamilya nila. Wow, Aria! Achievement?!
"Kumusta?"
Saktong pagkatanong kong iyon ay ang pagpasok rin ni Axel at Landon sa loob ng bahay. Parehas silang natigilan nang makita ako. Axel's mouth is parted in surprise while his brother is smiling so wide with joy.
Tumayo ako upang salubungin sila. Wala sa sarili akong napangiti nang makita ang mga dala ni Axel. Hindi naman ako nainform na mas nakakadagdag attraction pala ang lalaking marunong mamalengke.
Hindi parin nawawala ang pagkabigla sa itsura niya. Kaya naman para mawala ang reaksyon niyang 'yan ay sasalubungin ko nalang siya ng yakap para maniwala na siyang totoo ngang nandito ako. Kaso biglang sumulpot sa harap ko si Landon at siya itong nayakap ko.
"Welcome back po, Ms. Aria! Masaya po ako na nabisita po kayo ulit."
I smiled at him. "Salamat. Nagagalak rin ako na makita ka ulit."
Mabilis na namula ang pisngi at leeg ni Landon nang dahil sa sinabi ko. Kung hindi pa siya hinawi ng kapatid ay baka hindi na iyon umalis sa harap ko.
Tinulak ni Axel ang pinamili sa dibdib ng kapatid. Pabirong sinamaan siya ng tingin ni Landon. Ngumiti itong muli sa akin.
"O, dalhin mo na sa kusina at umalis ka na dito." Axel said in a dismissing tone. I chuckled.
"Aw. Damot."
Agad rin namang sumunod sa utos ang kanyang kapatid at iniwan na rin kami doon. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya ng kusina kung nasaan si Patty. Nakita kong nakatingin na rin ito sa amin na siyang mabilis rin namang nag-iwas ng tingin.
Napabaling lang ulit ako ng tingin nang hinigit ako ni Axel palapit sakanya gamit ang aking baywang. I squealed lightly.
"What are you doing here? Are you alone?" a ghost smile is now plastered on his lips.
"Of course not! Nasa labas sila Damon. Pinapark ko sa malayo para naman hindi maging kuryoso ang mga tao. And I came here because... I told you I miss you!"
Naningkit ang mga mata niya, mukhang ayaw paniwalaan ang sinabi ko. I gave him a sweet smile. Habang nagtititigan ay narinig ko naman ang kuryosong tanong ng isa sa mga pamangkin niya.
"Lola, si Ate Ganda po ba 'yung tinutukoy na girlfriend ni Tito Axel?"
Narinig ko ang pagsinghap ni Lola Guada. Napalingon ako sakanila at nakita kong tinakpan niya ang bibig ni Atticus.
"Ay jusmiyo kang bata ka! Halika dito at magsiligo na kayo ng pinsan niyo at ang mababaho niyo na!"
They excuse theirselves to us. Nilingon ko naman muli si Axel at mapangasar siyang nginitian ngayon.
"Girlfriend pala ah?"
Wala nang ligawang naganap ah? Girlfriend agad? Bilis din ng isang 'to, e.
"Walang ligaw-ligaw, Axel?"
He rolled his eyes because of that. His hold loosen a bit. Iginiya niya naman ako paupo sa sofa.
"Manliligaw ako." seryoso niyang sinabi.
Pilit ko mang itago ang ngiti, mukhang imposible ata. He scoffed, probably because he noticed how red I was!
"Why didn't you tell me you were coming over?" he asked.
"I wanted to surprise you! And don't worry because I made sure I was being careful before I came here."
He nods his head. He brushed some hair away from my face. Nanatili ang seryosong titig niya sa akin.
"I missed you."
Fuck! Parang nung isang araw lang iniisip ko kung anong magiging reaksyon ko kapag sinabi niya 'to ng harap-harapan! Mukhang magkakatotoo nga iyon ah? Mukhang mahihimatay nga ata ako!
Ano, Aria? Okay pa tayo diyan? Nakakahinga pa?
Nag-iwas ako ng tingin. Kung ano ang kinalakas ng loob kong sabihin sakanya ang salitang 'yan sa telepono ay 'yun naman ang kinaduwag kong sabihin iyan ngayon ng harap-harapan!
Hindi naman naging alintala sakanya ang pananahimik ko dahil siguro napansin niya rin na nahihiya at namumula na ako ng husto! Pansin ko pa ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi kaya mas namumula talaga ako! Hindi naman gaano mainit kanina kaya bakit pinagpapawisan ako?
I feel like he's expecting for me to say it back. I mentally told myself to freaking grab this opportunity dahil hindi pwede na telepono lang tayo matapang! I inhaled and exhaled deeply.
Handa na sana akong sabihin iyon pabalik sakanya dahil nakakuha na ako ng sapat na lakas ng loob nang bigla namang sumulpot si Patty sa harap namin upang ilapag ang juice na tinimpla niya.
"Juice, M-Ma'am Aria."
Ngumiti ako. "Thank you, Patty. At tsaka, Aria nalang. Masyadong pormal kapag may Ma'am pa."
She chuckled lightly. Sumulyap naman siya kay Axel.
"Kumusta pala ang pamamalengke?"
"Ayos lang." sagot ni Axel na galing pa sa akin ang tingin bago sinulyapan si Patty na nanatiling nakatayo sa harap namin.
Akala ko ay doon na nagtatapos ang pagtatanong niya. Nang naupo siya sa sofa sa tabi ni Axel ay napagtanto kong may balak pa ata siyang sumali sa usapan namin.
I don't mind though. Mukhang kanina pa siya sa kusina at gusto rin siguro mamahinga ng kaunti.
Agad rin namang nakihalo sa amin si Landon. Napansin niya ang pwesto naming dalawa ni Axel. His right hand is resting near my right thigh. Makahulugang ngisi ang ibinigay niya sa amin.
"Kaya naman pala kanina pa ako kinakati kasi may nilalanggam na pala dito!"
Umiling si Axel sa sinabi ng kapatid. Parang hindi pa sapat para sakanya ang espasyo namin kaya mas hinila niya ako palapit sakanya.
Mukhang miss nga ako ng isang 'to ah?
Napansin ko naman ang mapanuring tingin ni Patty sa aming dalawa. Tipid siyang ngumiti sa akin nang magkatinginan kami.
"Axel..." I whispered, slightly trying to give a little space between us.
I thought that maybe it made Patty uncomfortable so out of respect, lalayo na ako ng bahagya.
"Hmm?"
"Masyado mo ata akong miss kaya gusto mong sobrang lapit ko sa'yo."
Humalakhak siya. Sinubukan ko namang hinaan iyon, e. Pero dahil nga natawa siya sa sinabi ko, naging kuryoso ang dalawa at nagpatuloy na sa pang-aasar si Landon sa amin.
"Ang tamis talaga! Di pa naman tapos lutuin 'yung ginataang bilo-bilo pero ang tamis agad dito!"
I snorted. He's so weird! He's totally different from his brother who is always so cold, stiff, and serious! Ngayon lang talaga 'to ganito!
Habang nagpapatuloy sa pang-aasar sa amin si Landon ay napapansin ko ang patuloy na pagkunot ng noo ni Patty. I can see the irritated look on her face. Paminsan minsan rin siyang napapairap kaya medyo nakakabahala ang reaksyon na ibinibigay niya.
Hindi ko naman alam kung may gusto ba siya kay Axel. Pero base sa ipinapakita niya, mukhang meron nga? Galit kaya siya sa akin? Siguro hindi dapat kami ganito sa harap niya dahil baka mas lalo niya aking kagalitan.
Patty seems nice. I want to get to know her better. Pero kung ngayon palang naiinis na siya sa akin nang dahil dito, mukhang magiging imposible iyon.
Pagkatapos maligo ng mga pamangkin ni Axel ay mabilis silang nagtungo sa akin. They all seem to be happy to see me again. Bumalik naman si Patty sa kusina upang ipagpatuloy ang niluluto.
"Ate Ganda, buti at nakabisita ka po ulit dito!" ani Christian.
"Syempre naman! Namiss ko kayo, e!"
"Weh? Kami ba talaga miss mo, Ate Ganda?" kumunot ang noo ko sa makahulugang tanong ni Atticus.
"Si Tito Axel ata miss mo, e!" si Asher.
"Ayyyiiieee!" sabay-sabay na sinabi ng tatlo.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumawa. Niyakap ko sila.
"Syempre miss ko kayong lahat kaya bumalik ako!"
Pagkatapos ng munting kamustahan sakanila ay binigay ko na ang mga pasalubong ko sakanila. I remember the last time I visited here, nangako akong magdadala ako ng pasalubong sakanila pagbalik ko. Kaya naman nang inabot ko iyon sakanila ay walang humpay silang nagpapasalamat sa akin.
"Baka masanay 'yan." bulong ni Axel.
"It's okay..." sabi ko.
I rest my left hand on his right thigh as I watch his nephews open their gifts happily.
Dahil ako ang bunso sa pamilya, madalas na ako nag iniispoil ng dalawa kong pinsan. Kaya ngayon, alam ko na ang pakiramdam na ikaw naman ang magbibigay ng regalo sa mas bata sa'yo. Nakakatuwa pala.
Nang matapos si Patty sa pagluluto ay agad niyang inihain ito para sa amin. Mamaya-maya nalang ay mag-uumpisa na rin silang magbenta ng pang meryenda.
Naupo ako sa tabi ni Axel. Mamaya maya ay ipapatawag ko na rin ang iba kong bodyguards para sila naman ang kumain. I'll pay for them and it's going to be my treat.
Tsaka ko nalang rin sasabihan si Axel tungkol sa hinala ko kay Joseph kapag nagkaroon ako ng tyempo. Right now, I'm still not sure if it's really him. Pero mas mabuti nang maging maingat kaysa sa malagay na naman sa peligro ang buhay ko.
Wala akong ideya kung ano ang lasa nitong niluto ni Patty. It's my first time tasting it. I don't even know what it's called!
Paulit-ulit na sumusulyap si Patty sa amin habang hinihipan ko iyong pagkain na niluto niya. I figured that maybe she's anticipating for my reaction.
Nang hindi na iyon gaanong mainit ay sinubo ko na iyon. My eyes widened when I finally got to taste it.
"Wow! Patty, this is amazing! Ang sarap mo palang magluto!"
Tipid siyang ngumiti at yumuko habang tahimik na inuubos ang kanyang pagkain.
"Salamat."
Nilingon ko naman si Axel. I wonder if he also knows how to cook? Ibang klase na talaga siya kung marunong rin siya! Bukod sa marunong nang mamalengke, marunong pang magluto! Baka mahiya na sila Kuya Sven at Kuya Isias sakanya dahil mas marami pa siyang alam sa gawaing bahay kaysa sakanila!
Pagkatapos naming kumain ay inutusan niya naman sila Landon na ihanda na ang ibebenta nilang meryenda. Napansin ko na nagbebenta rin pala sila ng mga fishballs at kung ano-ano pa. Iyon ata ang mga binili nila sa palengke kanina.
Nilingon ko si Axel na kinukuha ang mga dadalhin niyang gamit palabas.
"Can I help?"
"Here," sabay abot sa akin ng malaking plastic ng fishball.
He checked the cap that I'm wearing first before we head out.
"Can I also help in cooking these?"
Axel scoff. "Do you even know how?"
"I can try!" I answered confidently.
Maangas ko siyang nginitian para naman maniwala siya na kaya ko kahit hindi ako sanay na magluto. He smirked before turning the gas range for me. Pinanood ko siya habang hinihinaan ang apoy at habang nilalagyan ng cooking oil ang aking paglulutuan.
Lalapit na sana si Ate Irma nang pinigilan siya ni Axel. He told her that we'll be the one to do it. Ngumiti naman ako sakanya. I grab the kitchen tongs because I think this one is the right utensil to use in cooking those fishball.
Kumuha ako ng gunting at binuksan na ang malaking plastic ng fishball na dala ko kanina. Lumapit ako kay Axel.
"Can I put these now?"
Kukuha na sana ako isa-isa gamit ang tongs nang hinawakan ni Axel ang kamay ko. Tiningala ko siya at kuryosong tiningnan.
"Oh no, baby, not yet." he said. There's a playful smirk on his lips.
"Why?"
"The oil is not hot yet. You have to wait."
Tumango ako. Unti-unti ko nang nakukuha. Kailangan pala munang hintayin na uminit muna ang mantika bago isalang ang lulutuin. Ohh... I get it now! I learned something new today!
After waiting for a while, Axel placed his hand over the pan to check if we can cook already. Binalingan niya ako ng tingin at tinanguan.
I smiled and grabbed the tongs again. Nakakuha na ako ng isa at handa na sanang isalang iyon nang marinig ko ang pag-tawa ni Axel. I creased my forehead.
"What?"
"It'll take time if you put these in the oil one by one. You can do this," aniya sabay kuha sa akin ng plastic at dahan dahang isinalin ang mga fishball nang walang kahirap-hirap.
I squealed and hid behind his back when I heard the popping of the oil. Nakakatakot na baka talsikan ako niyan! Hindi ba't masakit iyon?
Axel didn't stop laughing even if he put the right amount of fishball into the pan. Nanatili akong nakatago sa likod niya, natatakot parin na matalsikan ng mantika.
He offered me the spatula that he's holding. I raised a brow.
"Try it."
"W-What s-should I do? Paano kapag tumalsik 'yan?"
"They won't. They'll eventually calm down."
"Paano ko malalaman kung luto na siya?" kinuha ko na ang spatula sakanya at dahan-dahang nagtungo sa harap ng niluluto.
"Wait until they float in the oil and they turn golden-brown."
I nod my head. Madalas ko ngang marinig iyang golden-brown na 'yan sa tuwing nanonood ako ng cooking show.
Nang nakakuha na ng lakas ng loob ay sinubukan ko nang galawin ang fishball para daw hindi dumikit sa kawali. Medyo napaatras pa ako noong una dahil akala ko ay tatalsik ito pero wala namang nangyari. I calmed down a bit.
Sandali namang umalis si Axel sa aking tabi upang may kunin. Pinagpatuloy ko ang ginagawa. Maya't maya ko tinitingnan ang niluluto dahil baka golden-brown na pala iyon, hindi ko pa namamalayan.
Bumalik si Axel nang may dala nang maraming plastic na may iba't ibang uri ng pagkain. I think they also belong to the fishball family. Ang pinagkaiba lang ng isa ay kulay brown ito at mas mahaba habang ang isa naman ay mas bilog kaysa sa fishball na niluluto ko. Nakita ko rin na may fries siyang dala!
Sa lahat ata nang lulutuin ko ngayon, dalawa lang ang alam ko.
Binalik ko ang tingin sa niluluto. Hindi ko naman namalayan na nakapagbukas na pala si Axel ng isang plastic noong kulay brown na fishball at agad-agad na sinama ito sa niluluto ko. Tumili ako dahil lumakas ang tunog ng mantika na kanina ay kalmado na.
Axel laughs again. I glared at him.
"What are you doing?!"
"It's quicker this way." dinagdagan niyang muli ang niluluto. Sinalang niya ngayon iyong mas bilugan na fishball.
Nakangiti parin siya habang pinagpapatuloy ang ginagawa. Lumayo ako ng kaunti dahil narinig ko na naman ang pagputok ng mantika. Hindi ko napansin nandito na rin pala si Patty na tahimik lang kaming pinapanood habang nilalapag ang mga sauce. Agad rin naman siyang umalis nang matapos sa ginagawa.
Sa tingin ko ay nakuha ng tili ko ang atensyon sa ibang bumibili. Ang iba ay inasar pa kami ni Axel.
"Naku po! Si Axel mukhang in lababo na talaga!" ani ng isang lalaki na bungi ang isang ngipin at nakasuot ng cap.
Ang lalaki na kasama na mas malaki sakanya at di hamak na mas malaman sakanya ay tumango upang sangayunan ang sinabi ng kaibigan.
"Oonga, brad! Mukhang kanina pa siya tuwang-tuwa habang pinapanood si Miss na nagluluto. Di ko siya nakitang ganyan kapag si Patty ang kasama."
My mouth parted. So, they cook together huh? How sweet.
I'm not the jealous type but this time I couldn't help it. Hindi ko alam kung bakit bigla kong pinagseselosan si Patty gayong wala naman akong nakikitang dapat kong ikaselos sa pagitan nilang dalawa.
Siguro ay dahil marami silang alaala noong bata sila na maaaring magtulak kay Axel na gustohin rin siya pabalik.
Ugh! I need to stop thinking. Baka sunog na itong niluluto ko at wala pa akong kamalay-malay!
"Sige nga, Axel, pabili kami niyang niluluto niyo. Mukhang puno iyan ng pagmamahal, e."
Bahagyang tumawa si Axel at tsaka kumuha ng cup.
"Magkano ba?"
"Bente, pre."
Tumango si Axel at tsaka bumaling tingin sa akin.
"Pwede na ba 'to?" tanong ko.
He checked the pan. He told me to wait for a little while. Mamaya-maya siguro ay maluluto na 'to. Pinagpatuloy ko lang ang pag-galaw nito.
Hindi parin tapos ang dalawa sa pang-aasar sa amin kahit na naibigay na ang kanilang binibili sakanila.
"Pakilala mo naman kami diyan sa girldfriend mo, Axel." ani matabang lalaki.
"Hindi pwede." Axel said simply.
I tried to hide my smile. Nagpatuloy kami sa ginagawa. Siya ang naglalagay ng lulutuin sa kawali habang ako naman ang nagccheck at nag-aalis nito kapag luto na ito. I tried to cook fries as well. Mas nakakatakot palang lutuin iyon kasi kakaiba iyong tunong niya. Parang mas galit.
When I finished, I immediately called Damon to ask them to come and eat here. Wala naman naging problema para kay Axel. Aniya iisipin lang daw ng mga tao rito na katrabaho niya lang daw iyon at nandidito lang upang bumisita.
Agad na napabaling ng tingin ang mga tao sakanila nang naglalakad na ito palapit sa bahay nila Axel. Mukha silang nasa isang scene sa pelikula kung saan maangas silang naglalakad ng kanilang grupo.
Mabuti nalang din at naisipan kong huwag silang pasuotin ng kanilang uniporme ngayon. Mas mukhang kapani-paniwala na bibisita nga lang sila ngayon.
Natuwa si Lola Guada nang makita niya ang mga kasamahan ni Axel sa trabaho. Hinainan din sila ni Patty ng niluto niyang ginataang bilo-bilo. Kahit sila ay namangha rin sa sarap ng luto niya.
Because of that, I suddenly wonder if Axel likes women who knows how to cook. Syempre malaking turn on rin sakanila iyong mga babaeng marunong sa gawaing bahay. Isa 'yun sa sinabi sa akin ni Kuya Sven noon na ibang klase daw ang mga babae kapag marunong ito sa gawaing bahay.
Hmm... maybe I should learn how to cook? Marunong naman ako sa gawaing bahay dahil noong bata ako ay tumutulong ako sa mga katulong namin lalo na't sila lang naman ang lagi kong kasama noon. I couldn't just sit there like a princess while they clean the house for me. They are not my slaves.
Isang bagay lang talaga ang hindi ko natutunan at iyon ay ang pagluluto. Simula nang lumipat na rin kasi kami sa Malacanang, hindi na ako masyadong nakakakilos. Laging may gumagawa para sa amin kaya medyo nakasanayan ko na rin.
I offered my bodyguards the fishballs and fries that I cooked. Pinagmayabang ko pa sakanila na ako ang nagluto no'n.
"Wow! Mukhang nagpapasikat ka ata Aria ah?" pang-aasar ni Damon.
Umirap ako sakanya.
"Hindi 'no!" pagmamaangmaangan ko.
Saglit akong sumulyap kay Joseph na mukhang masaya sa nagiging usapan. For a while, he doesn't look suspicious anymore. Siguro namali lang ako ng iniisip. Baka nag-alala lang siya dahil akala niya ay dadalhin kami ni Kuya Glen sa kung saan.
Mukha rin namang hinahayaan na siya ni Damon at hindi na binabantayan masyado dahil siguro namali nga lang talaga kami ng iniisip.
Kahit papano ay naging mabait rin naman si Joseph sa akin kaya nakakakonsensya na naisipan ko siya agad ng masama. Pero kahit na gano'n, kailangan ko paring maging maingat dahil maaring isa sakanila ang lead ng sindikatong iyon.
Nang matapos sila ay nagvolunteer ako na maghugas ng mga pinagkainan nila. Halos lahat sila ay nagulat sa ginawa ko ay hindi inaasahan na gagawin ko iyon.
"Please?" nakangiti kong tanong kay Patty na handa na sanang hugasan ang mga iyon.
Sinulyapan niya si Axel na nasa likod ko. Pakiramdam ko ay tumango iyon kaya wala na rin siyang ginawa at binigay na sa akin ang mga huhugasan. Dumiretso ako sa loob ng kusina upang mag-umpisa nang maghugas.
"Uh, Patty, nasaan ang sabon dito?" tanong ko.
"Nandito." simple niyang sagot at inabot sa akin ang dishwashing liquid na gagamitin.
"Salamat!"
Habang naghuhugas ako ay nagliligpit naman si Patty at inaayos ang mga pinaggamitan niya kanina. Napasulyap ako sakanya.
Siguro ay wala lang siya sa mood kanina kaya ganon siya kung makatingin sa akin. I know that she's not a bad person. Magaan agad ang loob ko sakanya nang una ko siyang nakilala. Also, I want to be her friend.
Pagkakataon ko na rin ito na magkaroon ng maayos na kaibigan at gusto kong maging si Patty iyon. Axel trusts her. So, maybe it is okay to trust her as well.
"Ang galing mo palang magluto, Patty." I said to start a conversation.
She chuckled a bit. "Salamat."
"Kanino ka natuto?"
"May canteen din kasi ang lola ko noon bago siya mamatay at madalas akong tumutulong doon kaya natuto na rin ako."
I nod my head. I glanced at her. Nanatili ang titig niya sa hawak na basahan.
"Masarap siguro magluto ang lola mo 'no?"
She nods her head.
"Madalas ka ring tumutulong dito kay Lola Guada?"
"Oo, kapag may oras."
"Ahh..."
Ano pa ba ang pupwede kong itanong? Laging simple at maikli lang ang mga sagot niya sa akin na para bang ayaw niya akong kausapin.
"May boyfriend-"
"Aria, huwag mo sanang mamasamain ito pero..."
Mabilis akong napabaling ng tingin sakanya. Bumuka ang bibig ko nang bigla siyang maging seryoso. Nanatili ang tingin niya sa sahig. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ako tingnan sa mga mata. Tinapos ko na rin ang ginagawa ko.
"Ano 'yon, Patty?"
She cleared her throat and pursed her lips before she continued.
"Hindi ba't nasa peligro na ang buhay mo?" tinaasan ko siya ng kilay.
Okay? What does she mean by that?
"Nababalita rin na may nagtatangka sainyo ng pamilya mo."
I suddenly became uneasy. Pinangliitan ko siya ng mata at pilit na iniisip kung ano ang nais niyang iparating.
"Patty, I don't-"
"Ano pang ginagawa mo dito? Bakit ka pa pumunta dito kahit na alam mong nasa peligro na ang buhay mo?" she clenched her jaw. "Tahimik na namumuhay ang pamilya ni Axel dito, Aria. Baka nang dahil sa'yo, kung ano pa ang mangyari sakanila. Gusto mo rin ba silang idamay sa nangyayari sa'yo? Hindi pa ba sapat na handang isakripisyo ni Axel ang buhay niya para lang mailigtas ka at gusto mo pati pamilya niya ay madamay?"
"Patty, hindi ko magagawa 'yan. Wala akong intensyon-"
"Kung talaga ngang totoo 'yang sinasabi mo, ano pa ba ang ginagawa mo dito? Maaaring mamaya, sumugod 'yang nagbabanta sa buhay mo dahil nalaman nandito ka! Gusto mo bang mangyari 'yon? Ang daming madadamay sa amin, Aria, oh! Kaya pwede ba? Lumayo ka nalang at wag mo nang ipahamak sila Lola Guada!"
"Siniguro kong naging maingat ako bago ko napagdesisyonan na bumisita dito. Kung nababahala ka sa seguridad niyo habang nandito ako, don't worry. Hindi lang ang mga bodyguards ko ang kasama ko dito. There are others who are probably on the lookout for my security. If there's someone suspicious, I'm sure they already handled it by now. Hindi rin ako hinayaan ni Daddy na umalis nang hindi niya nasisiguro ang seguridad ko," diretso ko siyang tinititigan.
"I know you're just worried about your security and that you only wanted Axel's family away from danger. Wag kang mag-alala, Patty, hindi ko hahayaang malagay sila sa peligro. Hinding-hindi ko magagawa 'yan dahil hindi ako ganoong klaseng tao."
Sabay kaming napabaling ng tingin nang pumasok si Axel sa loob nang kusina. He looked at the both of us curiously.
"Everything okay?" he asked.
Agad naman akong tumango at pinunasan ang basa kong kamay. Kinalma ko ang sarili bago ko nginitian si Patty. I respectfully bowed my head to her.
"Sige, Patty, salamat. Mauna na ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top