Chapter Twelve

Song: Take It One Day At A Time- Jennifer Chung

Admire

Nang sumapit ang oras para sa hapunan ay lumabas ako ng kwarto. Nakasalubong ko ang assistant ni Mommy at tinanong kung nasaan siya.

"Naku po, Ma'am. May importanteng tawag mula dun sa publisher ng libro niya, e. Ano po ba ang kailangan niyo?"

Umiling ako. "Wala naman... Sige. Salamat."

Hindi na ako nabigla pa sa sinabi niya. I already have this feeling na hindi rin naman matutuloy iyong pagkain ng dinner namin ng sabay. Nakasalubong ko rin iyong butler kanina at may dalang pagkain. Wari ko, pinapadala iyon ni Daddy sa opisina niya.

My parents just couldn't keep their promises. Hindi naman ako gaanong umasa but I still hoped that maybe I'll get the chance to eat dinner with them again. Minsan nalang rin naman kasing mangyari iyon, e.

Nang pumasok ako ng dining area ay nakita ko ang sunod-sunod na pagpasok ng mga pagkain na ipinaluto ni Mommy. Naupo ako sa aking pwesto. Tahimik ko silang pinapanood habang hinahain sa harap ko ang mga pagkain.

As usual, my parents' place is unoccupied. Ngunit napaisip rin ako. Kung tawag lang pala iyon ay may posibilidad na matapos rin iyon kaagad. Alam naman ni Mommy na may plinano siyang dinner ngayon. Hindi na ako aasa pa na makakasama si Daddy dahil alam kong abala talaga siya.

Hindi ko muna ginalaw ang mga pagkain. Sumandal ako sa aking kinauupuan at hinintay ang pagdating ni Mommy. Baka bumaba rin iyon mamaya.

Ngunit ilang minuto na ang lumilipas at unti-unti na ring lumalamig ang mga pagkain, ay wala pa ring dumadating. I keep on looking at the entrance, slightly hoping that someone will enter anytime soon to join me for dinner. But that never happen.

Tama na nga ang pag-aakala na  makakapag dinner pa ako nang may kasabay. Alam ko namang isa na 'yun sa pinakaimposibleng mangyari. Nagkakaroon lang rin naman sila ng oras para sa akin kapag may bisita o kaya nandito si Kuya Sven.

"Ma'am, may kailangan po ba kayo?" nahihiyang tinanong ng isa sa nagdala ng pagkain kanina.

Umiling ako nang hindi ko siya tinitingnan.

"Wala na po." Tipid kong sinagot.

Fine. If they can't make time for this then I'm going to eat my dinner alone! Like I always do! What do I expect? My parents has no time for me.

Sana hindi nalang nagtanong si Mommy kanina kung hindi rin naman siya makakasabay sa akin ngayon!

I let out a deep sigh. Nagawi naman ang tingin ko kay Axel na tahimik lang na nakatayo sa gilid. Hindi na dapat siya nagbabantay pa sa akin lalo na't gabi na. Sana ginagamit nalang nila ang oras na 'to para makapagpahinga.

I still don't know the point of putting a guard outside my room. It's not like someone's gonna abduct me anytime!

Masyadong praning, e.

"You know you can stop looking out for me now. I don't know why you keep on following these rules. I don't even get the point. I'm safe inside the palace."

Hindi ko na hinintay pa ang magiging reaksyon niya. Inabala ko nalang ang sarili sa pagsandok ng makakain.

"It's a protocol, Ma'am." Simple niyang sagot.

Tumaas ang kilay ko. I pressed my lips into a grim line.

"Okay, then..." tiningnan ko siya. He coldly stares back at me.

Kung ayaw niyang umalis edi... sabayan niya nalang ako! I don't think he already ate his dinner. Halos kakaumpisa palang ng oras para sa hapunan kaya sigurado akong wala pang laman ang tiyan ng isang 'to.

At isa pa, hindi pa siya napapalitan ng kung sino. Mula nang nandito si Kuya Sven siya na ang nakabantay sa akin.

"Have dinner with me." Aya ko.

"I can't-"

"Oh, right. Never mind." Bulong ko.

Mabilis kong inalis ang tingin sakanya upang isalba ang sarili mula sa pagkapahiya sa sinabi ko.

Why would I even ask that? Alam ko namang may limitasyon sila pagdating sa amin. Naaya ko na rin sila noon pero tinanggihan nila ako.

Ganon na ba ako kadesperado na magkaroon ng kasabay kumain ng hapunan? I feel like I'm such a hopeless person.

Nanahimik ako. Pinagpatuloy ko ang pagkain. Maraming pinahanda si Mommy ngayon. Masasayang lang 'to lalo na't ako lang naman ang kakain.

Mamaya-maya pa ay nakita ko si Axel na lumabas ng dining area. Sinundan ko siya ng tingin. He didn't look back at me at nagpatuloy lang sa paglabas ng dining area.

Kumunot ang noo ko. Saan naman kaya pupunta 'yon? Baka naman naawkwardan dahil inaya ko siyang kumain kasabay ko. I scoff.

'Yun lang pala makakapagpaalis sakanya, e. No one really wants to eat dinner with me huh?

Dapat pala talaga tinanggap ko nalang ang imbetasyon ni Kuya Sven na sakanila na muna ako, e. At least doon may makakasabay akong kumain at marararamdaman ko rin na may pamilya ako.

Dito kasi, wala. This place never fails to make me feel that I'm always alone.

Masyadong tahimik ang paligid kaya bahagya naman akong nagulat nang makita kong pumasok muli si Axel. Sinundan ko siya ng tingin at mas lalo pang nagulat nang pumwesto siya sa katapat kong upuan, sa pwesto ni Mommy. Inilapag niya ang dala sa lamesa. Nagugulohan ko siyang tiningnan.

"What are you doing?" I asked.

Hindi siya lumingon sa akin. Abala siya sa pag-aayos ng dala niya. My brows rose in surprise when I saw that what he brought with him was his own food.

Mangha ko siyang tiningnan. He glanced at me before he sat down on the chair.

"Eating dinner with you..."

Wow! I couldn't believe him. I rolled my eyes. Sa tingin niya ba hindi ko napapansin 'yon? What does he think of me? A dumb person?

"I know! I can see that," I said. "But aren't you allowed-"

Hindi niya na ako pinatuloy sa nais kong sabihin.

"Just eat dinner... Ma'am." tiningnan niya ako. Napasandal naman ako sa aking kinauupuan.

Hindi ko tuloy maiwasan na magtaka. What's with the sudden change of his mind? Akala ko ba mahigpit niyang sinusunod ang lahat ng utos sakanya? Kaya ano 'to?

Hindi na ako nagsalita pa. Baka mainis ko pa siya kung magtatanong ako ng magtatanong. Mamaya tumayo 'to at iwan ako mag-isa dito, e. Ngayon na nga lang ako magkakaroon ng kasabay kumain ulit.

Tahimik lang ang paligid habang kumakain kami. Him―joining me for dinner―somehow made me feel light. It's been a while since I last eaten dinner with someone. Nakakagaan ng pakiramdam.

Paminsan-minsan ko siyang tinitingnan. Kitang-kita ko sakanya ang pagnamnam niya sa bawat subo niya sa kanyang pagkain. My forehead creased when I saw that his food is a canned sardine. Buti at may kanin siya.

"Bakit ka pa nagdala ng pagkain? Meron naman dito."

Hindi naman siya sumagot. Nahihiya siguro siyang makikuha ng pagkain. But to be honest, I don't mind. Wala rin naman kasing ibang kakain niyan. Masasayang lang kung walang gagalaw.

Tinuro ko sakanya ang mga prutas na nakahain sa harap namin. Nilingon niya iyon.

"Ayan, oh! Fruits. Kumuha ka. Wala rin namang ibang kakain niyan."

Ibinaling niya ang tingin sa akin at sandali akong tiningnan.

"Sige..."

I nod my head and smiled a little. I went back to eat my dinner.

Nauna siyang matapos kaysa akin. Binilisan ko naman ang pagkain ko. I need to reward him for this. Nagmagandang loob siya kaya kailangan lang na may kapalit ito. Tahimik niyang inaayos ang kanyang pinagkainan. Naghahanda na rin ata siya sa pag-alis niya.

"Thank you," I said while he's cleaning up his food. Natigilan siya at tumingin sa akin. "For joining me. I really appreciate it."

This dinner somehow made me feel like I wasn't alone. Kahit hindi naman kami gaanong nag-uusap, his company alone is enough to make me feel that someone still care for me.

"Hindi ako aalis bukas. Dito lang ako sa palasyo. Kung gusto mong umuwi sa pamilya mo, okay lang." I informed him.

"But it isn't my day off yet."

"I know."

Eto naman! Siya na nga itong maagang makakapag day off ayaw pa!

I smiled a little at him.

"'Yun nalang ang kapalit sa pag-sama mong kumain ng hapunan sa akin ngayon. I know you miss your family so much."

His mouth parted a little. Hindi siya makapagsalita at mukhang nangangapa pa ng sasabihin. Hindi siguro inaasahan na pauuwiin ko siya ng maaga.

Tumayo ako at nginitian siyang muli.

"Babalik na ko sa kwarto ko."

Tumalikod ako sakanya at humakbang na patungo sa pinto. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng dining area ay dumating na si Mommy. Tumigil ako. She smiled apologetically at me.

"Oh, sweetie! I'm sorry! May importante kasing tawag kaya hindi rin agad ako nakapunta dito-"

"It's okay, Mom. Kumain na rin naman po ako."

Bumuka ang bibig niya. Napunta naman ang tingin niya sa likod ko. Lumingon rin ako at nakitang tahimik na inaayos muli ni Axel ang kanyang pinagkainan. Binalik ko ang tingin kay Mommy.

"Sinabayan niya po ako kaya ayos lang. Balik na po ako sa kwarto ko."

Hindi ko pa naihahakbang ang paa ko ay pinigilan na niya agad ako. Kuryoso ko siyang tiningnan at bahagyang nagulat nang makita kong nangingilid na ang mga luha sa mata niya.

Oh... wait. What did I do? Why is she crying?

"Am I a bad mother to you?" mangiyak-ngiyak niyang tinanong. Hindi agad ako sumagot. "These past few days... I keep on noticing that you've been drifting away from us. Ano ba ang ginawa naming mali para maging malayo ka sa amin?"

I scoff. How come they didn't notice that? Ganon ba sila kamanhid? Masyado ba nilang iniisip ang sarili nila para hindi nila mapansin ang nararamdaman ko?

Hindi ako makapaniwala na kung sino pa ang dapat na makapansin na mayroong mali ay sila pa 'tong hindi. Home is a place where you're supposed to feel loved and taken care of. Pero sa buong talambuhay ko, hindi ko naramdaman iyon. Lalong lalo na sa mga magulang ko.

"I'm just not used to... spending time with you. I don't know. I rather be alone than do something that I'm not used to."

Tumulo ang luha ni Mommy. It hurts seeing her cry. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. But her tears are nothing compared to the tears that I've shed because of them.

"Anong gusto mong gawin ko, anak? Gagawin ko! Gagawin ko ang lahat para lang hindi mo maramdaman na nag-iisa ka." her voice trembled.

I scoff again. Tumingala ako upang pigilan na lumandas ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. Umiling ako at matapang siyang tiningnan.

"Trying to change everything now won't fix anything, Mom. I'm already used to this. I've been alone my whole life so there is nothing to worry about."

"No, Aria... no... tell me. Is there anything I can do? Is there anything you want your father to do? Sasabihin ko sakanya! Pupunan namin ang lahat ng pagkukulang namin sa'yo."

Kinagat ko ang pangibabang labi ko at hindi na napigilan pa ang sarili na maiyak. My mother looks softly at me. She used the back of her hand to caress my face but I flinched. Nagulat si Mommy sa ginawa ko.

I bravely look at her even though my eyes are full of tears.

"Do you... even... l-love me?" I asked the question I've been meaning to ask them for a long time.

"Of course! Of course, sweetheart! How can you say that?"

Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit niyang hinawakan ito. Napatingin ako doon. Suminghap ako ang pumikit. I couldn't stop my lips from shaking.

"B-Because... ever since I was a child... araw-araw kong iniisip na... walang may pakealam sa akin... na walang may gusto sa akin. Na... walang n-nagmamahal sa a-akin," I wipe my tears away before my mother could even do it for me. "Wasn't I good enough?"

"Aria..."

"All these time... I keep on trying to be the person you want me to be. But now, I'm done trying. Dahil alam ko... na kahit ilang beses ko pang subukan, wala parin namang magbabago. Mas uunahin niyo parin ang ibang tao kaysa sa akin."

Napahawak si Mommy sa kanyang bibig. She clearly wasn't expecting these words to come out of my mouth. Patuloy sa pag-agos ang luha naming dalawa.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Ayos naman ako kanina ah? Nagawa ko ngang tanggapin na hindi na talaga ako masasamahan ni Mommy na kumain ng hapunan, e. Kaya bakit ganito?

Bakit ba napakabilis kong maging emosyonal?

"Aria... I'm so sorry. I'm so sorry, anak..."

I pressed my lips into a thin line. I gulped the lump in my throat.

"Why wait for years before asking me how I'm feeling? You should have done that a long time ago. And maybe... that could have changed everything."

'Yun ang huli kong sinabi bago ko tuluyang alisin ang kamay niyang nakahawak sa akin. Lumayo ako sakanya at dali-daling naglakad pabalik sa aking kwarto.

Hindi ko na napigilan pa na mapahagulhol habang papunta sa aking kwarto. Pilit kong pinapalis ang mga luha sa aking mata pero walang saysay iyon dahil patuloy sa pagrasa ang luha ko.

Binuksan ko ang pinto at handa na sanang ikulong ang sarili sa loob ng kwarto nang maramdaman kong may pumigil sa akin.

Nilingon ko kung sino iyon kahit na namumugto ang mga mata ko at nagulat nang makita kong si Axel iyon.

His palm rested on the door. Isasara ko na sana ulit iyon pero pinigilan niya ulit ako.

"Aria, no... talk to me." nakikiusap ang kanyang mga mata. Kumunot ang noo ko. I tried to mask my emotions.

"I don't think there's something to talk about, Axel. Go back to your headquarters and rest. You deserve that after this exhausting day-"

Napaatras ako nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng kwarto ko. He towered over me. I suddenly felt small in front of him.

Matangkad naman ako pero hindi ko alam kung bakit nanliliit ako sa harap niya ngayon.

"What are you doing here? I'm fine, Axel. You should go back and rest-"

"You're not fine, Aria. Stop lying."

'Yun naman pala, e. Alam niya naman pala! Sana alam niya rin na ayaw ko siyang nandito at mas gusto kong mag-isa.

I can deal with this stupid emotion on my own! I've been doing that my whole life! I'm already an expert to this!

"And so?" mataray kong sinabi. "As if making me fine is still part of your job! Let me handle this on my own! Get out of my room! You're invading my personal space too much." I almost shouted.

"Damn!" pabulong kong sinabi nang tumalikod ako.

Inaasahan kong lalabas na siya ng kwarto ko pero nabigo lang nang makita ko siyang nakatayo parin sa kung saan ko siya iniwan.

"Ano?! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I said get out!"

Hindi siya gumalaw. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. It almost felt like he's staring right into my soul, trying to figure out what I really feel.

I clenched my jaw. Sa sobrang inis ko ay binato ko siya ng unan.

Napakatigas talaga ng ulo ng isang 'to! Kahit kailan hindi niya ako sinunod. I don't understand why my father hired him! He's a pain in the ass!

"Let it out, Aria. Kung ang pagbato mo ng unan sa akin ang magiging daan para mailabas mo kung ano ang nandyan sa loob mo, sige lang. Kahit sa akin mo ibuhos ang galit mo, ayos lang."

My forehead creased. Tears started to stream down my face again because of so much anger and frustration. Dinaan ko nalang sa tawa iyon.

"Oh my god!" I said and laughed so hard despite the tears that's running down my face. "Akala ko ba you don't meddle with things that doesn't concern your work? Well this isn't part of your work so why the hell are you still here?"

Matagal bago siya nakasagot. Patuloy lang sa pakikipagusap ang mga mata niya sa akin. Sinasabi nito na gibain ko na ang pader na binuo ko.

Nanginig ang labi ko nang dahil sa takot. Takot hindi dahil sakanya. Kung hindi takot dahil nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala niya.

I'm scared that he'll be the first person to see me behind these walls.

I broke down in tears because I couldn't hold it anymore. I covered my face using my palm. Hindi ko na namalayan pa na nakalapit na pala siya sa akin.

Naupo siya sa tabi ko dahilan kung bakit bumigat ang kama. Hindi ko talaga alam kung bakit nandidito pa siya. He should have left and chose to spend this time to rest!

Ano ba ang gusto niya? Bakit niya pa ba ako pinakekealaman?

I flinched a little when I felt his hand on my head. He's slowly making my head lean on his shoulder.

"Shh... it's okay. I'm here... I'll listen." alu niya.

Hindi ko na talaga alam kung ang dahilan pa ba ng pag-iyak ko ay ang nangyari kanina o dahil na sa mga ipinapakita at sinasabi niya sa akin ngayon?

"What are you still doing here?" I asked, trying to sound clear despite my hiccups. "Pupwede mo naman akong hayaan at iwan dito. W-What are you doing?"

Narinig kong nagpakawala siya ng malalim na hininga bago siya sumagot.

"I don't know... I really... don't know, Aria. All I know is that I care for you," he paused. Sandali akong natigilan doon.

He what?!

"I want to help you so please let me."

Umiling ako. I already got used to dealing things on my own, so now that someone is here and is offering sone help, everything feels so foreign to me.

I don't know if I should believe him or not.

"I understand everything you feel, Aria. I understand it because I've been there. I dealt with it my whole life but look at me now. Stronger than ever."

Inangat ko ang ulo ko at nilingon siya. Hindi niya ako tiningnan pabalik at nanatili lang ang mga mata niya sa mga picture frames na nasa side table ko.

Those were my baby pictures and my graduation photo!

Gusto kong ibaba iyon para hindi niya na tingnan pa pero hindi ko magawang iangat ang paa ko. It's like I'm glued to my position.

I gasp when he finally turns to me.

"Someday you'll also feel this. The feeling where you finally found peace in your heart and mind. Don't let your emotions get the best of you. You are stronger than you know."

Bumuka ang bibig ko, manghang mangha sakanya at sa lahat ng sinasabi niya. Who would've thought that someone as dull as him knows what to say in situations like this?

"That was the first time I ever heard someone tell that to me." hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sabihin iyon.

A ghost smile appeared on his lips. Habang ano ay nanatiling manghang nakatingin sakanya.

Now I get to see him behind the persona that he tried to built for people who's trying to get close to him. He's making me see it. He's making me see... him.

Behind this cold and dull guy, is a man who has dealt with a lot of issues but is still here, fighting for himself.

I don't know what's not to admire with that.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top