Chapter Three
Song: Pagtingin- Ben&Ben
Last Day
Nang dumating ang araw para doon sa inorganize na celebration para sa akin ni Kuya Sven ay si Damon agad ang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto ko. Tumayo siya ng maayos at tsaka ako binati.
"Good morning po."
"Good morning." Bati ko pabalik. "Samahan mo ako sa headquarters niyo."
Agad na namilog ang kanyang mga mata nang dahil sa sinabi ko. Nagugulohan niya akong tiningnan. Halatang hindi inaasahan ang gusto kong mangyari.
"B-Bakit po?"
"May ipapaalam lang ako dun sa First Lieutenant niyo. Nandoon ba siya?"
"U-Uh... O-Opo, Ma'am."
Mabilis ko siyang nilingon nang marinig ko kung ano 'yung tinawag niya sa akin. Akala ko ba naman madali 'tong kausap!
"Ma'am?"
He was taken a back when he realized what was happening. Naalala siguro iyong bilin ko sakanya kahapon.
"I mean... Aria." Nginitian ko siya. Mukha siyang constipated sa naging reaksyon niya matapos ko siyang ngitian. I chuckled a little.
"Good. Samahan mo na ako sa headquarters niyo."
Hindi na siya nagalinlangan pa matapos iyon. I was casually walking towards their headquarters when I stopped in my tracks when I saw what's going to welcome me.
"U-Uh... pupwede naman po siguro tayong bumalik mamaya." nahihiyang sinabi ni Damon.
Hindi ko agad naalis ang tingin ko sa nasa harap ko. So, mga ganitong oras pala sila nagwoworkout ha?
Samu't saring workout routines ang kanilang ginagawa. Ang iba ay nag-pupush up. Ang iba naman ay nagbubuhat. Habang ang iba ay nagjujumping rope.
"Hindi," agap ko at pinigilan siya sa gusto niyang mangyari. "Nandito na tayo. Sayang lang ang nilakad natin kung babalik pa ulit."
I roamed my eyes around. Mukhang wala pang nakakapansin sa prisensya ko ah? Lahat sila busy sa pagpapaganda ng katawan nila.
My eyes automatically glued to Ocampo, who's now lifting some weights up. May earphones na nakakabit sa kanyang mga tainga.
Wow! Feeling nasa gym lang?
I saw him grit his teeth while he lifts the dumbbell that he's holding. His muscles immediately flexed. I tried not to look amused. Humalukipkip ako at umaktong hindi ako apektado sa nakikita ko ngayon nang tawagin ni Damon ang atensyon nila.
Ang iba ay agad na nag-angat ng tingin at mabilis na tumayo upang kumuha ng tshirt upang takpan ang kanilang katawan. Habang ang isa naman (itago nalang natin siya sa apelyido niyang Ocampo) na tamad pang nag-alis ng kanyang earphones habang ibinabaling ang tingin sa amin.
Walang bakas ng pagkabigla sa kanyang mukha nang makita niya kami. It looks like he doesn't give a damn. Hindi siya katulad ng iba na nagmadali pang tumayo upang kumuha ng damit at magmukhang presentable sa harap ko.
Tumayo siya ng maayos at tamad na tumalikod sa amin. I scoff amusedly. This man is really different from the rest! I have never encountered a bodyguard like him. Hindi lang pala siya annoying. Super annoying siya!
"Tara na, Aria." Aya ni Damon sa akin. Sumama naman ako sakanya.
Lumapit kami sa kanilang pwesto. Hindi agad ako nagsalita hangga't hindi pa tapos magbihis iyong lider nila na mabagal kumilos. I crossed my arms over my chest and waited for him patiently.
Some of the soldiers are hissing at him to hurry up. Buti pa itong mga kasamahan niya hindi insensitive! Siguro mas kailangan na siya ang matuto sa mga kasamahan niya.
Nang matapos siya ay hindi man lang siya nagmadaling lumabas. Sa halip, maangas pa siyang naglakad patungo sa kinatatayuan namin. He ran his fingers through his hair which quickly made his hair look disheveled.
Bahagya akong natawa. I bit my lip to stop myself from attacking him. Kairita! Akala mo kung sino!
Okay. I get that he probably doesn't like me as a person or anything. But at least... a little respect? I went here nicely at ito ang isasalubong niyang ugali sa akin?! I think my father needs to hire a new head for my bodyguards.
I'll tell my father to make this day to be Ocampo's last day.
"What do you want?" tanong niya.
Sasabog na sana ako sa galit kung hindi ko lang talaga nakita na kay Damon pala nakadirekta iyong tanong na iyon. Naku! Sigurado akong masasampal ko 'tong lalaking 'to kapag ako ang tinanong niya ng ganyan!
Hindi sumagot si Damon at tinuro lang ako. Ibinaling ni Ocampo ang tingin sa akin at mataray ko naman siyang tiningnan pabalik.
"I'm going out tonight." Tamad ko siyang ininform. Hindi naman nag-iba ang reaksyon sa mukha ni Ocampo.
"I'm sure you're all going to come with me because that's basically your... job. I just want to tell you to ditch those formal clothes or your uniform or whatever the hell they're called! Dress normally."
Now this Ocampo is giving me a judgemental look. I creased my forehead at him.
"I'm leaving at eight o'clock." I added. Wala namang pagbabago sa itsura niya.
"Copy, Ma'am." He answered while staring directly into my eye.
Buong akala ko ay kakayanin ko pang makipagtitigan ng mas matagal sakanya, pero nabigo ako nang ako pa mismo ang unang nag-alis ng tingin. I saw him smirked.
Weird guy.
Tumalikod ako at hinila na si Damon paalis doon. Itong isang 'to nalang ang kakaibiganin ko. Mas mukha pa siyang maayos kausap kaysa doon kay Ocampo!
"You should also enjoy later ha? Wag puro trabaho." Paalala ko sakanya.
"Libre mo, Aria?"
Tumawa ako. I'm really going to befriend this guy.
"Libre ng pinsan ko kaya sulitin niyo ha?"
"Ayos!" tumawa ako dahil mukhang nasiyahan pa siya dahil nalaman na libre.
"Damon, can I ask you a question?" I walked slowly this time.
I want to have a little chit-chat with my bodyguard. Nakakainip kasi kung magkukulong na naman ako sa kwarto. Might as well spend my remaining hours before I get ready to get to know my bodyguard more.
"Ano iyon?"
"Ilang taon ka na?"
"Twenty-Seven." ngumuso ako at tumango. He's four years older than me.
Ilang taon na rin kaya 'yung Ocampo na 'yon? He rarely speaks to me kaya hindi ko rin siya machika gaya ng pagchika ko kay Damon ngayon.
"Ilang taon ka ng sundalo?"
"Three years palang."
"Matagal-tagal na rin pala."
"Mas matagal si Sir Ocampo, Aria."
Umangat naman ang kilay ko nang bigla siyang mapasok sa usapan.
"Ilang taon na ba 'yun?" tamad kong tinanong.
"Twenty-Nine na ata o Thirty. Hindi ko sure, e. He's not really that open about his personal life to us. He keeps everything professional."
"Seryoso talaga siya sa buhay noh?"
Humalakhak siya. "Tingin mo?"
"Oo. Mukhang ayaw niya pa sakin. Pero wala naman akong pakialam. Kung ayaw niya sa akin, edi ayaw ko rin sakanya."
"Ganoon lang talaga 'yun si Sir, Aria. Seryoso kasi talaga kung magtrabaho. Paborito nga iyan ng Captain namin, e."
Wow! Akalain mo 'yon! Paborito pa siya sa aura niyang 'yan!
"How long he's been in the military, though?"
"Eight years na ata. Kasabay niya ata iyong Captain namin at matalik niya ring kaibigan."
"E, kaya naman pala favorite!" Sabi ko sabay umirap. Tumawa naman muli si Damon.
"Kakakasal nga lang nun, e."
Tingnan mo nga naman 'tong si Damon. Sa sobrang machika pati buhay ng ibang tao naidaldal na rin sa akin. Nakakatuwa.
At least I have a friend now.
Tinaasan ko siya ng kilay. Parang alam ko na kung kanino iyong tinutukoy niyang kasal. Sa pagkakatanda ko, umattend sila Daddy at ang pamilya ni Kuya Sven noon. Kasal ata iyon nung anak nung General. Hindi ako nakasama dahil abala ako sa school.
"Si Ocampo ba? Kasal na 'yun?" Kuryoso kong tinanong. Napangisi naman siya ng dahil doon.
"Wala nga atang girlfriend 'yun, e." sabi niya na parang tingin niya pa kay Ocampo ay mahina kumuha ng babae.
I chuckled lightly. "Baka walang nagkakagusto kasi ganyan siya."
"Hahaha! Hater ka, Aria, ah?"
Pabiro ko siyang tinulak. Nagtawanan naman kami. Nagkakatuwaan pa kami ni Damon nang may bigla namang umepal dahilan kung bakit kami natigil sa usapan.
"Del Rosario!"
Sabay kaming napalingon ni Damon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Agad akong nawalan ng gana nang makita ko si Ocampo lang pala ito.
Tumayo ng mas maayos si Damon at tsaka sumaludo sakanya.
"Yes, Sir?"
"Your shift is over. Go back to the headquarters and tell the team to get ready for later. I'll escort her to her room."
Ay sus! Kung kailan nagkakatuwaan na kami ni Damon tsaka naman eepal ang isang 'to!
Agad na tumango si Damon at nagpaalam sa akin. I waved at him and he waved back. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ocampo nang makita ang ginawa namin.
Ano? Inggit siya kasi friends kami ni Damon?
Kung hindi lang kasi siya ganyan ka-annoying baka friends na rin kami ngayon!
Tumalikod na ako at nagsimula ng pumasok ng palasyo. May mga tagapamahalang bumati sa akin pagpasok ko. Tinanguan ko naman sila at nagpatuloy nalang sa pagpunta sa kwarto ko.
Hindi ko na nilingon pa si Ocampo bago ako tuluyang pumasok sa aking silid.
Nang malapit na ang oras para sa pag-alis naming ay agad akong nag-ayos ng sarili. I wore a white deep v-neck cami top and I partnered it with a black skinny jeans. I tucked in my cami top and I used my Gucci belt to complete the style. Humanap rin ako ng accessories na babagay sa suot kong damit. I grab my layered necklace.
I check myself out in the mirror and I immediately felt satisfied with my look. Umupo naman ako sa harap ng vanity mirror upang ayusan na ang sarili. I applied a little make up and I curled my hair.
Nang lumabas ako ng kwarto ay nakita ko ang aking mga bodyguard na naghihintay na para sa akin. Ang iba ay inaayos pa ang kanilang suot na damit.
My eyes went to the very judgemental Ocampo. Walang emosyon niya akong pinasadahan ng tingin. Of course, there's that judgemental look in his eyes again!
I didn't let his look bother or affect me. He's irrelevant. Hindi niya naman ako kilala para husgahan niya agad. At sino ba siya para tingnan ako ng ganyan?
He's nothing but my bodyguard!
At isa pa, baka last day niya na rin ito kaya hindi na ako papaapekto pa sa tingin niya.
Nginitian ako sila maliban kay Ocampo. Sinabihan ko sila na handa na ako. Agad naman nilang sinuot ang kanikanilang earpiece at tsaka ako iginiya palabas ng palasyo.
Tumambad sa harap namin ang sasakyan. Pinagbuksan naman ako ni Ocampo ng pinto at pinauna akong pumasok ng sasakyan. Hindi na ako nagpasalamat pa at pumasok nalang sa loob ng kotse.
Pumwesto na ang aking mga bodyguards sa harap, likod at gilid ko. This is how heavily guarded a president's daughter is. OA na kung OA pero eto ang gusto ni Daddy!
Tingnan nalang natin kung makatakas ka pa kung ganito kakikisig ang nagbabantay sa'yo araw-araw!
Tumabi sa akin si Ocampo at tsaka niya sinira ang pinto ng sasakyan. He immediately instructed the driver to go on his way now.
While we were on our way, they keep on looking outside like a paranoid group of men. Tahimik lang kami buong byahe. Hindi ko rin naman sila ganoong kinakausap. Kahit si Damon ay tahimik.
Nang papalapit na kami sa pupuntahan, agad akong nagtipa ng text para kay Kuya Sven.
Me:
Nasaan na kayo?
Kuya Sven:
Malapit na. We'll meet you at the parking lot.
Nang mabasa ko ang reply ng pinsan ko ay napansin kong nakikibasa rin itong katabi ko. Nang nilingon ko siya at supladong tinaasan niya lang ako ng kilay at tsaka nag-iwas ng tingin.
Hindi lang pala annoying at judgemental ang isang 'to! Chismoso rin pala!
"Gusto mo basahin mo na lahat." Sabi ko sakanya at inilahad ang aking telepono sakanya.
Ramdam ko naman ang pagbaling ng tingin sa amin ng ibang kasama. Lahat sila ay mukha kuryoso sa nangyayari.
Walang emosyong ibinaling muli ni Ocampo ang tingin sa akin. There's no sign of embarrassment on his face. Hindi man lang siya affected sa paratang ko.
"I'm just making sure that you're not meeting someone that will get you in trouble, Ma'am." Paliwanag niya.
I rolled my eyes at him. I still didn't believe him.
"Ang sabihin mo... chismoso ka lang talaga."
Sa tingin ko nagulat rin ang iba nang dahil sa sinabi ko. Bakit? Hindi ba totoo? Nakikichismis siya sa katext ko!
Kabago-bago niya lang, kung makaasta akala mo kung sino na!
Hindi nalang siya nagsalita pa at kinuyom nalang ang bagang. Natahimik naman muli ang byahe.
When Kuya Glen informed us that we've already reached our destination, Ocampo placed his hand in front of me to stop me from going out of the car. Nagugulohan ko siyang tiningnan.
Nakakagigil na ha?! Pati ba naman pagbaba ko ng sasakyan ay kailangan may timing pa? Seriously! Why did my father assigned me a group of paranoid bodyguards?
"Ichecheck lang po namin ang buong area, Aria." Paliwanag ni Andy, isa sa mga natira kong lumang bodyguard.
"You've never done this before!" reklamo ko.
"New head. New rules, Aria."
Napaka-OA naman talaga ni Ocampo!
"Tss..."
Hinintay ko silang matapos sa ginagawa nilang pag-"check" sa paligid. I already informed my cousin that we've already arrived.
Kuya Sven:
Kami na ang pupunta dyan.
Me:
Okay.
Later on, I saw them marching towards our car. I sigh heavily. Busangot ang kanyang mukha habang nakasunod naman sa kanya ang mga bago ring inassign na bodyguard para sakanya.
It's their fifteenth time changing his bodyguards! Lagi niya kasing natatakasan ang mga ito kaya palit sila ng palit.
Pero ngayon... mukhang hindi na niya magagawa pa iyon dahil mukhang mas mahihigpit na ang mga ito.
My brows rose when I saw a lady bodyguard following him from behind. Did Tito Isaiah purposely hire a lady bodyguard for my cousin? Is she the answer to my uncle's problem?
"What are you still doing there? Why aren't you going out of the car?" Kuya Sven asked.
I pointed at my bodyguard who's still busy checking the area.
"Ask them."
Kunot noong binalingan ng tingin ni Kuya Sven ang mga ito. He pointed at them.
"You've got a new bodyguard?"
"Yeah, and a paranoid one."
Pagkasabi ko noon ay tsaka naman sumulpot si Ocampo. I still don't know his name since he doesn't want to tell me! As if ikamamatay niya naman kapag sinabi niya sa akin!
Tumama ang tingin namin sa isa't isa. Inilahad niya naman ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko ito at tsaka niya naman ako inalalayan pababa ng sasakyan.
Maarte kong hinawi ang aking buhok nang tuluyan na akong makababa ng sasakyan. Ahh! At last!
"I should've been inside the club ten minutes ago kung hindi lang talaga..."
I glared at Ocampo. And look what they're doing! They're still busy scanning the whole area! Umiling ako at inaya na ang pinsan ko na pumasok na ng club. I'm sure his friends are already waiting for us.
Ang sabi niya sa akin ay nagpareserve siya ng isang private room para sa amin. It is much safer for us. As much as we want to hang out with other people, it's such a big risk. Mahirap na.
"So, you've got a new set of bodyguards huh?" tanong ko kay Kuya Sven.
"Yeah. The previous ones got fired."
"Bakit? Dahil natatakasan mo sila?"
Mayabang siyang ngumisi sa akin, parang proud pa sa ginagawa niyang kalokohan. Tiningnan ko naman iyong katabi niyang lady bodyguard. She looks so serious and scary. Parang anytime kaya niyang humugot ng baril at paputokan kami dito. I wonder how my cousin handles his life now.
"And they assigned a lady bodyguard to you..." Mapangasar ko naman siyang nginisian.
"Tss... she's a pain in the ass. Di ako makaalis ng bahay nang dahil sa kanya. Twenty-four seven na nakabantay sa akin!" he said loud enough for his bodyguard to hear.
My mouth formed into a big "O". Hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa. Tiningnan ko naman ang kanyang bodyguard pero mukhang wala siyang pakialam sa sinabi ng pinsan ko. Her expression didn't change at all!
"Now you're heavily guarded just like me."
Umirap naman siya ng dahil sa sinabi ko.
"I hate being a member of a political family." He said, he sounds a little bit disappointed.
I nod my head and agreed. It really sucks to be in a political family. You always have to watch out for everything you do because you're afraid of what people will think.
It sucks to be a Castellaño.
Nakabantay lang sa paligid ko ang aking mga bodyguards habang papaakyat kami doon sa private room na ipinareserba ni Kuya Sven. I look down on the dancefloor. Everyone's having fun.
Buti pa sila at malayang nagagawa ang mga 'yan. Hindi nila kailangan umalis ng may bantay sakanila. Pupwede nilang gawin ang kahit anong gusto nila. Naiinggit ako dahil mayroon silang kalayaan na hindi ko makuha.
I wish I can enjoy life just like they do.
I sigh heavily and removed my gaze on the dancefloor. Napaangat naman ako ng tingin nang maramdaman ko ang paninitig sa akin ng isang pares ng mga mata. Walang emosyon kong tinitigan pabalik si Ocampo na naghihintay na sa amin sa taas.
He must've examined the room already. Sana lang talaga hindi natakot ang mga kaibigan ng pinsan ko sa biglaan niyang pagpasok.
Bago ko tuluyang sundan papasok ang pinsan ko doon sa private room ay hinarap ko si Ocampo upang may sabihin sakanya.
"You're not going to sit with us, right?"
"No, Ma'am."
Diretsa lang siyang nakatingin sa akin. I don't know why his stare suddenly made me uncomfortable. His eyes feel like he has a lot of things to say. Nakakatakot iyong bawat titig niya. Tumayo ako ng maayos at umaktong hindi naapektohan.
"Good. Then find yourself a comfortable place."
Kumunot ang noo niya, mukhang ayaw sundin iyong inuutos ko. Bumagsak naman ang balikat ko at inirapan siya.
"I won't be comfortable hanging out with my cousin's friends if I know you're just going to tail me behind. Wala akong gagawing masama. I'll just sit there and be a good girl."
His jaw clenched. Tiningnan niya ang loob ng private room at tsaka binalik muli ang tingin sa akin. I raised a brow.
"Okay, Ma'am."
I smiled a little. Sakto at tinawag na rin ako ng aking pinsan na sumunod na sakanya. I turned my back on him. Wala na akong pakialam pa kung saan sila pupwesto. I just want to enjoy this night! I don't want to worry about them!
"Ariadne! Come on!"
Agad akong napangiti nang tawagin ako ng mga kaibigan ni Kuya Sven. Nang pumasok ako ay ramdam kong may nakasunod sa akin. Nilingon kung sino man iyon.
I grit my teeth when I saw that Ocampo also followed me inside. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Ang iba niyang kasamahan ay nasa labas lang ng private room at tahimik na nagbabantay tapos siya... sumunod pa sa loob!
Ugh! I can't believe him!
"Didn't I tell you to..."
"Find a comfortable place. Well, this is where I'm comfortable at, Ma'am."
My mouth parted in surprise. He's so annoying!!!
"Ugh! Fine! Whatever!"
Tinalikuran ko siyang muli at pumwesto na sa tabi ng pinsan ko. Wala na akong pakialam pa sa Ocampo na 'yon. Nakakainis siya!
Binati naman ako ng mga taong ngayon ko lang nakita. I tried to smile at them kahit na naiinis parin ako kay Ocampo! Simpleng utos nalang hindi pa masunod!
"Congratulations, Aria!" bati nila.
Nagpasalamat naman ako sakanila. Nagpakilala sila sa akin at pagkatapos ay naupo na ako sa tabi ng pinsan ko.
"Let me guess... a bodyguard followed you inside?" nakangising tinanong ni Kuya Sven. He must've noticed the irritated look on my face.
"Yeah," I said frustratingly.
"Same!" sabi niya ng may halong inis sa kanyang boses.
Nanlaki ang mga mata ko at agad na inilibot ang aking tingin sa buong paligid. Nakita kong tahimik lang na nakapwesto iyong kanyang lady bodyguard sa gilid. Kasama niya rin doon iyong nakakabwisit kong bodyguard. Umirap ko.
Bahala sila dyan!
They're the least of my concern now. Ayoko nang masira pa ang gabi ko nang dahil kay Ocampo. Sulitin na niya talaga ang pang-iinis sa akin because I'll really make sure that today is going to be his last day.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top