Chapter Thirty-Three
Song: Warriors- Imagine Dragon
Brother
Naging abala ako sa mga sumunod na buwan. Kabi-kabilang meetings ang dinadaluhan. May mga interviews rin na kailangan paunlakan para sa nalalapit na fashion show na gaganapin na sa susunod na linggo.
It was pure chaos the first month we were trying to make everything possible. Nahirapan kaming humanap ng tela na gusto naming gamitin para sa mga gagawin naming damit. At may mga pagkakataon rin na hindi kami nag kakaintindihan ng mga supplier kaya mas nagiging matagal ang proseso.
I checked out the finished dresses. Nandito rin si Lee para tulungan ako sa pagsisiguro na lahat ay naaayon sa plano.
"We'll meet up with the hair and make-up artist in an hour. Got anything in mind that would help them get the look?" tanong ni Lee sa akin.
Hinarap ko siya at iniwan ang dress na inaayos ko kanina. Pinaubaya ko ito sa isa sa mga dressmakers.
"Just as long as it goes with our theme then I have no problem with it."
"Okay."
We've been preparing for months now. This is my first ever fashion show so I really want this to be perfect. Sobrang hands-on namin ni Lee sa proyektong ito na wala kaming oras na sinayang para magplano.
Malaking tulong rin si Kuya Sven sa amin. Given that he knows a lot that works in fashion industry, he helped us in looking for the right models that would be in our fashion show.
"Ayoko niyan." aniya habang pinapanood namin ang isang modelong naglalakad sa harap namin ngayon.
My forehead creased. Ngumuso ako at tiningnan iyong modelo. Hindi ko makuha kung bakit ayaw niya dito gayong maganda naman at mukhang babagay rin sakanya iyong isa sa mga gawa naming dress.
"She's stiff."
Nakangisi ko siyang nilingon. Akala mo naman talaga batikan ang isang 'to pagdating sa ganitong trabaho! Nakahukipkip siya ngayon at tamad lang pinapanood ang ibang modelong nagpunta sa open casting call namin.
Nakakailang sabi na rin siya ayaw niya sa ilang modelo at so far, dalawa palang ata ang pumapasa sa taste niya!
This will take us a while if he will keep on acting like this.
"Ano ba kasing type mo?" tanong ko.
Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakasimangot. The next model came in now and nothing has changed with his opinion. Ayaw parin!
"Ang dami na nating nasasayang na models oh!" tinuro ko sakanya ang mga portfolio ng mga modelong nireject niya.
"Well they need to do better next time. If you really want your show to be perfect, then you better cooperate with me."
I snorted. Feeling! Akala mo naman talaga ang dami nang casting call na napuntahan!
"Hmm... maybe I already know your type."
Nilingon niya ako. I smirked at him before glancing at Zia. Bahagya rin itong napalingon sa amin pero mabilis ring iniwas ang tingin. Kuya Sven rolled his eyes.
"Too bad. She's not a model. Sayang at mukhang pasok pa naman siya sa taste mo."
He glared at me. Umiling siya at umayos ng upo at nagkunwaring tinitingnan ang portfolio ng ibang modelo. Nahuli ko siyang sinulyapan saglit si Zia.
"Stop talking non-sense, Aria. Hindi 'yan bagay mag-modelo. She's too serious and stiff."
"Pero gano'n naman ang mga type mo hindi ba?"
"Hindi ko siya type!" he said in his defense.
Humalakhak ako. Now I feel bad that I wasn't really focused on the model in front of us now. I'm pretty sure that Lee's got his eyes on her so he'll do the deciding for now. Nakita ko naman iyong modelo kahit saglit at mukhang okay naman.
I just hope she'll get in para matapos na 'to.
"She's good." Lee commended.
I nod my head in agreement. Si Kuya Sven naman ay nanatiling nakasimangot at walang emosyong nakatingin sa modelong naghihintay ng sagot namin.
"What about you, Kuya Sven?"
"Okay na 'yan." Simple niyang sagot.
Nanatili akong nakatitig sakanya, hindi na napigilan na matawa. Ang hirap talagang i-please ng isang 'to. Hindi ko malaman kung ano ba talaga hinahanap niya, e.
Nagpasalamat ang modelo sa amin at binigay namin sakanya ang petsa ng fittings at rehearsals. Makikipagcoordinate nalang rin kami sa agency niya kung sakaling may pagbabago man sa plano.
Sunod na pumasok ay isang lalaking modelo. Napaayos ng upo si Kuya Sven nang makita niyang binati nito si Zia. Agad na kumunot ang noo niya.
"Ano ayaw mo na agad diyan? Next na ba?" pang-aasar ko.
Gwapo ito at matangkad. Maganda rin ang pangangatawan kaya naiintindihan ko kung bakit biglang naging alerto si Kuya Sven. Ngumisi ako habang tinitingnan ang modelo.
Nahagip rin naman agad ng tingin ko si Axel na nanliliit na ang mga mata sa akin. I acted like it was nothing. I shifted on my seat and cleared my throat.
"You may now proceed, Mr. Miller." Sabi ko.
Nagsimula na itong maglakad sa harap namin. I checked out some of his photos and they are all good! Kahit sa pictures ay gwapo parin. Pero syempre mas gwapo parin iyong boyfriend kong nagmamatyag sa akin.
"He's undeniably good!" ani Lee.
Tipid akong tumango sabay ibinaling muli ang tingin kay Axel. Seryoso lang siya at nanatiling walang kibo. I smiled at him.
Eto naman! Parang hindi obvious na mas gwapo naman siya kaysa dito sa modelong nasa harap ko.
Nag-usap kaming tatlo tungkol sa magiging kapalaran ng modelong ito. I agreed with Lee. Matagal bago sumangayon si Kuya Sven sa amin. Nang matapos kami sa modelong iyon ay sinundan niya ito ng tingin.
The model greeted Zia again. I saw Kuya Sven's jaw clenched.
"Seloso naman." I whispered under my breath.
He quickly faced me. Nanlalaki ang mga mata na para bang may nakita siyang krimen kanina.
"Did you see that?! He likes her!" he exclaimed exaggeratedly.
"So? She's beautiful. Natural lang na magkagusto sakanya ang isang 'yon!"
"She should've stayed in the dark like I told her."
Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Stayed in the dark so no one will see her? Is Zia only for his eyes? Damot naman nito.
"'Yan ba rason kung bakit di ka makapag-focus? Tuwing nakikita mo siya, di ka makapili ng maayos dahil tingin mo mas maayos siya sa lahat ng modelong nandito?" paratang ko.
His eyes widened a bit more.
"What?! No! I can work even if she's there."
"Paano kung siya ang parampahin ko dito? Magiging choosy ka pa ba?"
"You can't do that, she won't agree."
Ngumisi lang ako at nagkibit ng balikat. Binitawan ko ang ballpen na hawak at tsaka ibinaling ang tingin kay Zia na diretso lang ang tingin sa amin.
"Zia, is it okay if I'm going to be asking you to walk towards us? Baka sakaling makapagfocus si Kuya-"
Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko dahil mabilis na tinakpan ni Kuya Sven ang bibig ko. Tinampal siya ang hita ko.
"Don't mind her, Zia. Just... just stay beside Axel. I don't want you to stay behind that door it's..."
"Distracting him." I continued for him. Tinakpan niyang muli ang bibig ko.
"No!" agap niya. "Just follow me and stay beside him!"
Zia nods her head. She shrugged her shoulders before walking beside Axel. Nagngitian ang dalawa. Mukhang may sinabi si Axel dito na naging dahilan para ngumisi at umiling si Zia.
Tumawa ako ng malakas nang inalis muli ni Kuya Sven ang palad niya sa bibig ko.
"Shut the fuck up, Aria. Pinapahiya mo ako masyado."
"You need to stop being choosy."
"Fine! Fine! I'm okay now."
Okay na siya dahil di na muli mapapabaling ang tingin niya sa pinto kung saan nakapwesto si Zia kanina. Hindi niya magawang makapili ng maayos dahil sa tuwing nagagawi ang tingin niya doon, parang napapagkumpara niya ang modelo kay Zia.
Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho. We met up with a lot of people that would help us in making this show possible. Malaki at maganda rin ang nakuha naming venue at tiyak na kakasya doon ang mga taong nais namin imbitahan.
Lee and I are both hands on with this. Kung hindi nakikipag-meeting sa kung kani-kanino, pinapapatuloy naman ang nasimulan nang design.
It's also been months since I last received a threat. Naging payapa ang buhay ko simula noon kaya malaya akong gawin ang gusto ko. Ngunit kahit na gano'n ay hindi parin nagpapakasiguro ang security team ko at patuloy parin akong mahigpit na binabantayan.
I sigh heavily as I ran my fingers through my hair. Nagkalat ang papel sa harap ko sa loob ng study. Nirereview ko ang mga terms and conditions na ibinigay sa amin ng mga napili naming tutulong sa amin para sa show.
Ako lang ang mag-isa dito kaya nagulat ako nang may biglang humaplos sa balikat ko. I gasp. Kumalma rin naman agad ako nang mapagtantong si Axel lamang ito.
Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Masyado siguro akong focused sa ginagawa na hindi ko na namalayan na nakapasok na pala siya.
"You alright?" he asked.
I nod my head.
Axel pulled a seat and he placed it behind me. He rests his chin on my shoulder at tsaka kinuha ang isang papel ang binasa ito. Pinagpatuloy niya ang ginagawa.
"It really takes a village huh?" nakangisi siyang lumingon sa akin.
I smiled a little. "Yeah, the process was exhausting so I hope it will be worth it once it's finished."
"It will be. I've seen how hard you've been working these past few months. I know everything will come out as you planned it."
"I hope so. This will be my first ever fashion show so I'm kind of nervous."
"Don't be," he said sweetly.
Umayos ako ng upo at nilingon ko naman siya. I smiled at him. Kinuha ko ang pisngi niya at marahan itong hinaplos.
"Thank you for always being there for me."
A small smile appeared on his lips. Tinitigan niya ako sa mata hanggang sa bumaba ito sa aking labi. Inangat niya lang muli ang mga mata sa akin upang bigyan ako ng makahulugang tingin.
"Always, Aria. I'll always be here. I'll wait for our one day."
I smiled to remember the day he said that to me. Our one day means the promise that we made for each other. After all of this is over, if the threats for me will be gone, we promised to have our eternity with each other. That's how endless our love will be.
Inilapit niya ang mukha siya sa akin at mamaya-maya pa ay siniil na niya ang labi ko ng halik. I smiled in between our kiss. I'll never get tired of this moment.
Being with him makes me realize that he was my definition of my desire. He brought me back to life. I was feeling lost and he brought me back to where I used to be. It's because of him why I view life differently now.
Nagpatuloy ang pagpaplano. Meetings after meetings. Designs after designs. Maraming kailangan tapusin na hindi ko na namalayan na masyado ko na palang pinapagod ang sarili ko.
I passed out in the middle of the dress rehearsals. Ang huling alaala ko nalang ng araw na iyon ay ang pagpunta ni Axel sa akin. He tried to wake me up but my body's too exhausted to do so.
Nagising nalang ako nang nasa kwarto ko na ako at may doktor na sa harap ko. He told me that I passed out because of too much stress and pressure. Nalalapit na kasi ang fashion show kaya kailangan magdoble kayod.
He asked me to rests for a while because my body needs it. Sa mga oras naman na iyon ay hindi umalis si Axel sa tabi ko. He was always there. Whether to keep me entertained or to bring me food.
Minsan ay makakatulog ako sa tabi niya at magigising ako nang nandoon parin siya. I've already been used to everyone leaving me behind. But Axel is a different case. He stayed whether or not I need him. He stayed because he wants to be there for me.
He's staying because he hopes for our one day to happen.
Hinaplos ko ang pisngi niya habang tinititigan siya habang natutulog. I never thought he would look this good while sleeping. His arm is around me at sa pagkakatanda ko, ganito rin ang ayos ko bago ako makatulog kagabi. He didn't even move just so he can make sure I'm comfortable.
"Morning." He greeted huskily.
Pinatakan ko siya ng halik sa pisngi. Pagkatapos noon ay inaya ko na siyang bumaba para kumain ng umagahan kasama ang mga magulang ko.
I followed my doctor's advice and I rested for days. Nag-volunteer naman si Lee na siya na ang bahala sa lahat habang nandiyan rin naman si Kuya Sven para siguraduhin na maayos parin ang lahat.
Pagkatapos ng ilang buwang paghahanda, dumating na rin ang araw na pinakahihintay namin.
We arrived early at the venue. Dumiretso agad kami sa backstage ni Lee para siguraduhin na magiging maayos ang lahat. I checked the time. In just four hours, one of my dreams will come true.
It was total chaos backstage. May mga media doon na gustong i-cover ang buong pangyayari at kabi-kabila rin ang pag-iinterview sa amin ni Lee.
Halos thirty minutes nalang ang natitira nang hinanap ko si Axel. My parents and Kuya Sven's family just arrived. Kakatapos ko lang rin batiin ang ibang sponsors nang bumalik akong muli sa backstage.
The last time I saw Axel, he was waiting at the door. Hindi ko na malapitan kanina dahil sobrang abala.
I roamed my eyes around. Doble kayod na ang hair and make-up dahil kaunting oras nalang ay magsisimula na ang show. Marami na ring modelo ang nakasuot ng mga inassign naming piece para sakanila. The organizers started to get them in line.
Pinagpatuloy ko ang paghahanap sakanya. Ang tanging nakikita ko lang sa loob ay sila Damon at Joseph. Halos mapatalon ako nang may biglang humawak sa braso ko.
Agad akong napayakap kay Axel nang tumambad siya sa harap ko.
"Hey, are you okay?" he asked worriedly.
I let out a deep sigh. "I'm just really nervous. I was looking for you everywhere."
"I'm outside. Making sure everything's heavily guarded."
I nod my head. Tiningnan ko namang muli ang oras. Hindi na ako mapakali dahil kaunti nalang ang nalalabing oras bago magsimula itong show.
"Hey..." he called and made me look into his eyes. "You're going to be fine, okay? Ito na ang pinakahihintay mong araw. I'm proud of you."
"Thank you."
He kissed my temple before Lee called me. Bumitaw siya sa akin at pinaubaya na kay Lee.
"I'll be in front. I'll be watching." He said before we finally let go of each other.
Tumango ako at sumama na kay Lee. Nanatili kami sa gilid. Sumilip ako sa labas at nakita kung gaano karaming tao ang nanadidito para panoorin ang show. My heart started to beat loud.
"This is it, Aria. The moment that we've been waiting for." Ani Lee sabay hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
Ngumiti ako sa kanya.
"You did well." Dagdag niya.
"Thank you for believing in me. Wouldn't have done it without you."
Agad na nagsimula ang show. The first model walked in and everyone started taking pictures of her dress. Nanatili akong nakasilip sa labas habang pinapanood ang reaksyon ng mga guests.
Hindi pa ako nakakakita ng kahit anong disappointment sa kanilang mukha. Most of them are in awe and I felt relieved because of that.
Models after models after models, we've finally reached the end. Pagkatapos pumasok ng huling modelo ay sabay kaming lumabas ni Lee. Tumayo ang mga tao at nagpalakpakan para sa amin.
We walked towards the end of the runway. I bowed my head and kept thanking the guests. Nahagip ng tingin ko ang mga magulang ko na masayang pumapalakpak ngayon. I waved at them. Kumaway pabalik si Daddy at tsaka muling pumalakpak.
Hinanap ng mga mata ko si Axel sa harap, kung saan siya pupwesto. I smiled widely at him habang siya naman ay may proud na ngiti sa kanyang labi habang pumapalakpak.
"I love you." I mouthed.
His smile grew wider. Nagpatuloy kami ni Lee sa pagpapasalamat hanggang sa oras na para bumalik kami backstage. We were in the middle of the runway already when he heard continuous gunshots across the venue.
I ducked down. Everyone started panicking. Nang dahil sa mga putok na iyon ay nagkagulo ang mga tao at nasisigawan na. I looked back to see my parents but they were gone now before I could find them.
It was total chaos inside. Tumakbo ako patungo pabalik ng backstage. Kahit dito ay nagkakagulo na. Lahat ng modelo ay naguunahan para makalabas na.
Someone grabbed me by the shoulders. Nilingon ko ito at nakitang hindi ito myembro ng security team ko. My eyes widened.
Dadalhin na niya sana ako sa kung saan nang siniko ko ang mukha niya. I kicked him on his groin. Agad siyang napangiwi sa sakit.
Mabilis akong nagtungo sa secret door kung saan ako kukunin kung sakaling may ganitong mangyari. Damon was already there.
"Aria, let's go!"
Sumama ako sakanya. Once he opened the door, we didn't expect who's going to be welcoming us.
Three men are all pointing their guns at us. Sa likod nila ay may nakaabang na van at may mga armadong lalaki rin ang nandoon.
My eyes widened when it was Jake who's in front of me. The one beside him is Joseph who now has a devilish smirk on his lips.
"The time has come, princess." Ani Jake.
Nilingon ko si Damon na nakahawak na sa baril niyang nakaipit sa baywang niya. His fingers slowly wrapped around it. Akma na niya sanang hahablutin ito nang biglang nagsalita si Joseph.
"I wouldn't do that if I were you."
Damon's jaw clenched. Masamang tingin ang iginawad niya dito. We were right all this time. It was him! He was the one giving them information about my whereabouts!
"What the hell are you doing, Joseph?! We trusted you! How can you do this to her!"
Umirap lang ito sakanya at tsaka ako hinila palapit. His pull was harsh so I winced. Lumapit si Jake sa akin upang itali ang mga kamay ko. Mapaglaro niya akong nginisian. Nagpumiglas ako.
"Stop moving or this will be your last day on earth!"
I glared at him. "How could you?!"
"We've got no time for this. We only need her. Let's go." Ani Joseph at tsaka ako tinulak patungo sa van.
Pagkatalikod namin ay agad na nagpaputok si Damon at natamaan ang lalaking naghihintay sa van. Tumama pa ulit ang isa sa kasama ni Joseph at Jake.
Babaril na sana si Joseph nang sinipa ko siya at siniko. He seemed surprised with my sudden action kaya hindi agad siya nakabawi. I ran towards Damon. Babarilin na sana niya si Jake nang maunahan siya nito. He was shot on his abdomen.
"Damon!" I screamed.
Bumagsak siya sa sahig habang hawsk ang parte kung saan siya nabaril. I was about to kneel down beside him when somebody harshly grabbed me by the hair.
"Come here, you bitch! We're still not done with you." It was Joseph.
May iba pang dumating na tumulog para dalhin ako sa loob ng van. I continued screaming out Damon's name. He was unconscious now. Hinihila na rin siya ng ibang kasamahan nila Jake at mukhang dadalhin rin ito sa kung saan nila ako dadalhin.
They pushed me inside the van.
"Where the fuck are you taking me?" I shouted. "Why are you doing this?!"
Sa tingin ko ay naubusan ng pasensya itong si Joseph kaya niya naihampas ang baril sa akin. I winced in pain.
"Shut your mouth, bitch! It's because of you why my brother is on the run!"
My mouth parted. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na magsalita dahil pinasakan na nila ng duct tape ang bibig ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top