Chapter Thirty-Five
Song: Quite Miss Home- James Arthur
Final
I gasp for air the moment Jake pulled my head out of the water. I choked out some water.
"Please... stop..." I begged.
Jake smirked and moved his face closer to mine. He ran his index finger over my jaw. Umilag ako.
"I have to admit. Kidnapping you is harder than we thought. Palagi kasing nakabantay sa'yo 'yung boyfriend mo. I wonder what happens if we get rid of him."
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Don't you dare do something to him!" I spat angrily at him.
He pouted and shrugged his shoulders. A ghost smile appeared on his lips. Mukhang natutuwa pa siya dahil nakuha niya ang gusto niyang reaksyon sa akin.
"Kung ayaw mong mangyari 'yan, matuto kang sundin ang sasabihin ko. O hindi kaya... pilitin mo ang pinakamamahal mong tatay na sabihin sa'yo kung nasaan si Hero?"
"Why do you still want to set him free? Akala ko ba galit ka sakanya? Hindi ba't ikaw naman ang nagpakulong sakanya? Aren't you satisfied yet, Jake?"
"You think I will just end it there? Isa lang ang pagkakakulong niya sa gusto kong mangyari. Mas mabuti parin na makita kong pinaglalamayan siya." May halong pagbabanta sa kanyang boses.
"Sa tingin mo ba makukuha niyo ang gusto niyo nang dahil sa ginawa niyong 'to? You will face more charges because of this! You're only giving them more reasons to go after you."
Ngumiti siya. Hindi ko siya nakitaan man lang ng takot sa mukha.
"They will kill you," I said like it's enough for him to get scared of his life.
Pinantayan ko ang tingin niya sa akin. Hindi naman nagbago ang ekspresyon niya.
"Not until I kill you first." He pulled my hair tighter. Mas inilapit na niya ang kanyang mukha sa akin.
"You're the one that should be killed! You fucking set me up. Pinagbabayaran ko ang kasalanan na hindi ko naman ginawa nang dahil sa'yo! You should be the one they're running after, not me! I can't believe that you can stand here and look at Hero's father knowing that you were the one who handed his son to the authorities!"
Jake smirked even more. Binitawan niya ang buhok ako at bumaba naman ang daliri niya sa hita ko. He ran his fingers on it. I flinched.
"You don't know how to play this game, don't you, princess? To set yourself free, one must pay for your sin."
"Is that how you view justice huh? What a piece of crap just like you."
He scoffs. He scratches his nose as he continued laughing. I moved my thigh to remove his hand off of me. Kung hindi lang talaga nakatali ang paa at kamay ko ay kanina ko pa siya sinipa at sinuntok dito.
This man should rot in hell! Isama niya na rin ang kapatid niyang traydor at walang utang na loob!
"Kahit ilang beses pala kitang lunurin, wala rin akong mapapala. Maybe I should let Vicente handle you. He would love to torture you more."
"Sasabihin ko sakanya ang totoo. Ikaw ang dapat maparusahan dito at hindi ako."
His laughter filled the room. Mas nag-init ang dugo ko sa pagkainsulto. Anong nakakatuwa sa ginawa niya? My life is at risk because of him! Ni hindi ako naging kampante ng ilang buwan sa buhay ko nang dahil sa mga pagtatangka nila.
Here I am, paying for his sins and he finds this funny?
"You're undeniably brave, Aria. Tingnan natin kung ganyan ka parin katapang kapag si Vicente na ang humawak sa'yo. Tayo!" aniya sabay higit sa akin patayo.
He removed the rope around my leg. He dragged me out of that bathroom using the collar of my dress. Nang hihina parin ang tuhod ko nang dahil sa nangyari kanina. Even if I tried to act brave, I still cannot deny the fact that I'm scared for my life.
Sigurado akong sasaktan parin nila ako kahit na ibigay namin ang gusto nila. Hindi ko maiwasang isipin iyon. This syndicate knows how to inflict pain on their enemy.
Halos kaladkarin na ako ni Jake pabalik ng seldang iyon. I gasp in surprise when I saw torturing Damon.
"Let go of him!" I shouted.
Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak ni Jake pero mas ipinirmi niya lang ako sa aking pwesto. I continued to scream at them, begging to stop torturing him. Wala naman siyang kinalaman dito kaya bakit pati siya dinadamay nila?
His head is down and there's blood spilling out of his mouth. Both of his hands were tied up where his feet could merely touch the groud. Bakas sa mukha niya na kanina pa siya pinahihirapan ng mga ito. Hindi rin nakatulong na nakita ko si Joseph dito na pinapanood lang ang kaibigan na mahirapan. I glared at him.
"How can you let this happen, Joseph?! Paano mo nasisikmura na makita mo siyang pinapahirapan ng ganito?"
"Ar... ia. W-What did... they... do to you?" Damon called with a broken tone.
Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko. Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya at nakitang dumudugo na naman ang sugat niya. I tried getting out of Jake's hold again.
"Parang awa niyo na. 'Wag niyo na siyang idamay dito!" pagmamakaawa ko.
Lumayo ang dalawang nambugbog kay Damon kanina sakanya. Ang isa'y hindi pa nakuntento at tinulak pa siya. Wala na ngang kalaban-laban iyong tao, e.
"Enough of your dramas, princess. I'm so tired of hearing you whine about everything!" frustrated na sinabi ni Jake at tsaka ako tinulak palayo sakanya.
Napatinaod ako sa paraan ng pagkakatulak niya sa akin. Nang pinakawalan niya ako ay agad naman akong lumapit sa pwesto ni Damon.
"Oh my god..." my voice started shaking. Kung hindi lang talaga nakagapos ang mga kamay ko ay inabot ko na ang pisngi niya. "I'm so sorry, Damon..."
Bahagya niyang idinilat ang kanyang mga mata. A small smile appeared on his lips. How can this man still manage to smile after being tortured?
Mas lalo akong naiiyak nang dahil sa ginagawa niya. Yumuko ako at hindi na napigilan pa ang pag-hikbi. I feel bad that he has to go through this just to protect me and my family.
Damon slightly moved. My lips trembled as I continue to cry.
"Shh... Aria, it's okay."
I shake my head. How can this be okay? Unang-una hinayaan na niya ang sarili na mabaril para maprotektahan ako. Ngayon naman hinahayaan niya ang sarili na maparusahan para sa akin.
Kahit na alam kong trabaho lang nila na protektahan ako, mahirap parin tanggapin na kailangan itong mangyari sa kagaya niyang napalapit na sa akin.
"I'm so sorry, Damon..." bulong ko.
Hindi ko inangat ang tingin sakanya. Nanatili lang akong nakayuko habang nanlalabo na ang mga mata nang dahil sa aking mga luha. Mamaya-maya pa ay naramdaman kong isinandal niya ang kanyang noo sa aking ulo. He sighed.
"I'm doing this for you. Save yourself, Aria."
"No, Damon!" inangat ko ang tingin sakanya at tiningnan siya ng mabuti. "Don't ever say that again. The both of us will be saved, I promise you that! We're both going to get out of here alive."
This is not the Damon I know. I hate to see him lose hope. I don't want him to become vulnerable. Ayokong hayaan siya na ipagpatuloy ang ganyang kaisipan. Maliligtas din kami dito. Sigurado akong gumagawa na sila Axel ng paraan.
"They probably received the video by now, Damon. If my father agreed with their negotiation, both of us will be saved. Don't lose hope, please... we're still going to get out of here."
He shakes his head slowly. Inangat ko naman ang aking mga mata sa kamay niyang nakagapos. Bakas sa mukha niya ang paghihirap na dinanas niya kanina. There are bruises all over his body. The gauze that I put around him yesterday is stained with blood now.
It pains me to see him this hurt. I already considered him as one of my closest friends. Andiyan siya palagi kapag kailangan ko siya. Kaya hindi ko rin hahayaan na basta nalang siya mawawala sa akin nang dahil dito.
"You don't know how... t-these men negotiate, Aria," Damon coughed out some blood. I gasp. "Kahit na makuha na nila ang gusto nila, hindi parin sila ti-"
Hindi na naipagpatuloy pa ni Damon ang sinasabi dahil hinigit na ako ni Jake palayo sakanya. I screamed in pain. Sinubukan naman ni Damon na kumawala.
"I swear, lay a finger on her again and I will not hesitate to kill you once I get out of here!"
Jake mocked him. May kung ano siyang kinuha sa kanyang bulsa. Mas hinigpitan niya naman ang pagkakahawak sa akin dahilan kung bakit ako mas napasigaw. He placed the knife on my neck.
"That's very sweet of you, lover boy. Now I'd like to see how will you react if I try to spill some of her blood eh?"
He was about to slice the knife on my neck when Joseph spoke.
"Tama na 'yan, Jake."
Mabilis na napabaling sakanya ng tingin ang kanyang kapatid. He cocked his head to the side like he cannot believe with what his brother said.
"Did you change your mind now huh, Kuya? Ayaw mo na ba?" may kung anong pait sa kanyang boses.
"This is not helping. Wala kang mapapala kung ipagpapatuloy mo 'yan."
Natigilan siya sa sinabi ng kapatid. He was silent for a moment. Jake scoffed to hide his disappointment. Mukhang hindi talaga niya inakala na masasabi iyon ng kapatid niya. He thought that his brother would just let him do whatever he pleases.
Ilang sandali pa ang ibinaba na niya ang kutsilyo at nilayo ito sa akin. Lumuwag na rin ang pagkakahawak niya. Tinignan ko si Joseph. For a moment, I saw the guilt on his face.
Why feel guilty now? The damage has been done. Hindi na niya mababawi pa ang kasalanan na ginawa niya, hindi lang sa akin at sa pamilya ko, kung hindi pati na rin sa matalik niyang kaibigan.
Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. My father entrusted him with the job, thinking that he's going to take full responsibility for me. We didn't even treat him badly. Kaya bakit niya nakayanan na gawin sa amin ito?
If he's really a soldier that lives by his oath, he should've turned in his brother. Kung talagang naniniwala siya sa hustiya, hindi sana siya nakipagsabwatan sa kapatid niya.
Nagpakawala ng malalim na hininga si Jake.
"Fine..." seryoso niyang tiningnan ang kapatid.
Tinanguan niya naman ang dalawa pang kasama. Umayos ito ng tayo at dahan-dahang lumapit kay Damon. Ang isa ay may nakakatakot pang ngisi sa labi habang papalapit dito. He's rubbing his palm against each other.
"Ituloy niyo nalang ang ginagawa niyo sakanya." Utos ni Jake.
Agad akong naalerto. I look at Joseph again to ask for him but he only turned his gaze away from me.
"No!" I shouted just before the man torture Damon again. Natigilan ang dalawa at tumingin sa akin.
Damon raised his gaze at me. His mouth parted. Nanatili ang titig ko sakanya. I shake my head at him as if I'm sending him a message that I will not let them hurt him again.
"Ako nalang." I volunteered. "Ako nalang ang parusahan niyo. 'Wag na siya."
The lump in my throat made it harder for me to speak but I'm glad that I was able to convey my message.
"Aria..." si Damon. Nagkasalubong ang kanyang kilay. "No..."
Nang dahil sa sinabi ko ay mabilis na napalingon si Jake sa akin. May kung anong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.
"Well, well... may mas itatapang pa pala ang prinsesa." Aniya.
Mas lalo pang lumaki ang ngiti niya nang pumasok na rin si Vicente sa loob. Looks like he's well aware of what's happening.
"Saving your friend from a lot of trouble huh? Kung hindi lang kasi nanlaban kanina, hindi sana 'to mangyayari sakanya. But... how can I say no to that? A lot of us will be glad to torture the president's daughter." Sabi ni Vicente.
Tinawag niya ang atensyon ng kanyang tauhan.
"Make sure to record everything while you torture her. I want her father to see what we are capable of doing if they don't hand Hero back to us."
Tumango ang mga ito at agad na nakuha ang gusto niyang mangyari.
"Take him out." He ordered.
I saw the brothers, Jake and Joseph, walk towards Damon to grab his arm. Inalis nila ang pagkakagapos nito. Halos bumigay na ang katawan niya nang pakawalan siya ng mga ito. He looked so weak.
"Aria... please don't do this."
I gulped. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang pintig ng aking puso. I feared for what they are going to do to me. I have no choice. I can't stand seeing Damon take another blow for me. He's had enough.
Lumapit sila sa akin at ako naman ang ipinalit sa pwesto ni Damon kanina. Damon continued on screaming out my name. He continued begging. Nagmamakaawa siya na wag nang ituloy ang gagawin.
"You made a really bad decision, princess," Jake whispered in my ear.
I curled my first and clenched my jaw. Nanatiling diretso ang tingin ko habang hinihintay sila sa susunod na gagawin. My back is facing them so I don't know what they are planning of doing to me.
"Now."
Hindi na sila naghintay pa at sinunod agad ang utos ni Vicente. I screamed as I felt excruciating pain as the whip slashed deep on my back.
My scream filled the room. I bit my lip hard to fight the pain but it was just too impossible knowing that the whip cuts deep on my skin.
Nagpatuloy sila sa ginagawa. Hindi ko na rin alam kung gaano ako katagal sumisigaw habang pinipigilan ang sakit na nararamdaman. Damon also continued to scream out my name. Pakiramdam ko ay sinusubukan niyang kumawala sakanila para lang tulungan ako.
The pain was just unbearable. I could now feel the blood dripping down my back. I whimpered as they whip my back for the last time. Napayuko nalang ako at napapikit.
"Oh, god." Si Damon. "Aria!"
Halos ipaubaya ko na ang sarili sa kung sino man ang nagtatanggal ng mga gapos sa aking kamay nang dahil sa sobrang kahinaan. Jake caught me in his arms.
"I told you. Wrong decision, princess."
That was the last thing I heard before I passed out. Nagising nalang ako nang maramdaman kong nakasakay ako sa isang umaandar na sasakyan.
I waited for my eyes to adjust to the light. I have no idea how long I passed out. I hissed in pain as I felt the sting on my back. My throat ran dry and I could feel my lips chapped because of dehydration.
Bumaba ang tingin ko sa kamay na naglahad ng tubig sa akin. Kahit nanghihina pa ay nilingon ko ito. It was Damon. Nanatili paring nakagapos ang kanyang mga kamay. He looked better now. Mukhang ginamot rin ang mga sugat niya.
"I'm glad you're awake now." Aniya.
"Where are we going?" I asked before gulping the water he gave me.
"The bargain is happening tonight."
I was taken aback by that. Looks like I passed out for a long time. I stared out the window. Iniisip ko kung ano ang naging desisyon ni Daddy. Will he let go of Hero in exchange for our freedom?
I hope there's still another way. Sana mailigtas nila kami nang hindi nila pinapakawalan si Hero sa kulungan.
"You lost a lot of blood," Damon informed me. "You shouldn't have done that, Aria. Sana hinayaan mo nalang na ako ang parusahan."
Hindi ako sumagot. He sighed heavily.
Hindi ko alam kung saan nila kami dadalhin ngayon. Pero wari ko ay sa malayong parte ito ng Tagaytay. I even think were going to the mountainous part of the city.
"You look better now." Puna ko sa kalagayan niya.
He pursed his lips. Bumagsak ang mga balikat niya nang mapagtantong iniwasan kong pag-usapan ang nangyari kahapon.
"Joseph came in last night to clean up our wounds."
I rolled my eyes. Dapat na ba akong magpasalamat sa ginawa niya? Sa tingin niya ba mapapawi niya ang mga kasalanang ginawa niya sa pag-gagamot ng sugat namin?
"Our wounds needs to be stitched up. Did he also do that?" tanong ko habang kinakapa ang sugat sa likod. They were all covered with gauze.
"Yeah. He also did it."
"But that doesn't change anything. The damage has already been done. It was too late for him to change his mind."
"Trust me, Aria. He's the last person I want to deal with."
Ako naman ang nagpakawala ng malalim na hininga ngayon. Binalik kong muli ang tingin sa labas ng sasakyan. Nawala lang iyon nang tumigil na ang sasakyan sa isang malabunduking lugar. My forehead creased.
Bumukas ang van at pumasok ang magkapatid doon. Nagkatinginan kami ni Joseph. Siya ang unang nag-iwas ng tingin at tsaka tinulungan nalang ang kapatid sa pagpasak ng duct tape sa aming bibig.
I wonder if my father arrived already. Malinaw kay Vicente na dapat siya lang ang dumating. I just hope he followed them so no one will get hurt.
Una nilang pinababa sa van si Damon habang maingat naman si Joseph na hawakan ang aking likod gawa nang may sugat ako doon. Dumampi ang kanyang kamay sa aking balikat at mabilis ko namang pinalis iyon.
Naghihintay si Vicente malapit sa bangin na tila ba isa itong napakagandang tanawin para sakanya.
"Ito na po sila, Boss." Ani Jake.
Humarap si Vicente sa amin at tsaka tumango. Lumapit siya sa pwesto namin at tsaka hinugot ang kanyang baril.
"Subukan lang ng ama mo na wag sumunod sa usapan, walang pag-aalinlangan kong ipuputok 'to sa ulo mo." Banta niya.
Seryoso ko siyang tinitigan. Mariin ang paraan ng pagkakatitig niya sa akin at halatang wala siyang oras para makipaglokohan. He really wants his son back.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakita namin ang pagdating ng isang sasakyan. Sa itsura palang nito, alam kong si Daddy na ito. Pinatayo kaming dalawa ni Damon. Agad na may lumapit sa amin at pumwesto sa likod. They placed the gun's muzzle behind our head.
Tumigil ang sasakyan ni Daddy at agad siyang bumaba. His mouth parted as he looks at me. Kitang-kita sa mukha niya ang takot. Lalapit sana siya sa akin nang tutukan naman siya ng baril ng isa sa mga tauhan ni Vicente.
Mabilis na tumulo ang luha ko. Hindi nawala sa akin ang tingin ni Daddy. Sa ilang araw ng pagkakabihag nila sa akin, ngayon lang ako labis na nakaramdam ng takot. I'm afraid of what might happen next after this.
"Aria... anak..." tawag niya. "Are you alright? Are you hurt?"
Kung maaari lang siyang lumapit sa akin ay talagang ginawa na niya. I called out to him despite the duct tape that's covering my mouth. Mas idiniin ng isang tauhan ang baril sa aking ulo.
Natigilan si Daddy at tsaka tiningnan si Vicente.
"Dala mo ba ang anak ko?" tanong nito.
Tumango siya. "H-He's inside the car. Can I... can I have my daughter back now, please?"
Mukhang sumunod nga si Daddy sa usapan nila at siya lang ang nagpunta dito kasama si Hero. I can see his silhouette inside the car. He really gave this up to save me.
"Not so fast, Mr. President. I want to see my son first." Tinanguan ni Vicente ang isa sa mga tauhan niya para lumapit sa sasakyan ni Daddy at kunin na si Hero.
Sinundan lang ito ng tingin ni Daddy habang bakas parin ang takot sa kanyang mukha. He gulped. Nagpatuloy naman sa pagragasa ang mga luha ko.
Nakita kong binuksan na ng tauhan niya ang pinto ng sasakyan. We were all taken aback when we heard a gunshot. The next thing that we know is that the man—who was tasked to fetch Hero from the car—is now lying on the ground.
Nagugulohan pa ako noong una. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Kahit si Vicente ay nabigla rin sa pangyayari.
"What the fuck is happening?" Vicente shouted.
Gumalaw ang tao na nasa loob ng sasakyan at mamaya-maya pa ay nabigla nalang ako nang makita kong si Axel pala iyon. His eyes automatically went to mine and he looked angry when he saw my current condition. Galit niya ring ibinaling ang tingin kay Joseph habang nakatutok ang kanyang baril sa mga ito.
Vicente laughed hysterically.
"Hindi ka talaga marunong sumunod sa napagkasunduan, Napoleon!"
"Ibalik mo ang anak ko!" sigaw ni Daddy. Humugot na rin siya ng baril ngayon at itinutok ito kay Vicente.
"Gusto mo talagang mapahamak ang anak mo ha? Pwes..."
Akmang lalapit na sana siya sa akin at kukunin akong bihag nang maunahan siya ni Axel. Pinaputukan niya ang lupa dahilan kung bakit napatigil ito sa paglalakad.
"You son of a-" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil binaril na siya ni Axel sa binti.
Vicente's men immediately came in to his rescue. Kinuha nila ito at agad na sinakay sa saksakyan upang hindi na madamay pa sa putukan. Nagpaulan na rin ang panig nila ng bala sa panig ni Daddy.
Vicente's van quickly left the scene. Kahit na gano'n ay may iilan paring tauhan na natira doon kabilang na si Jake at Joseph. I ducked down. My father and Axel hid behind the car as they continue to shoot.
Meanwhile, Damon is also on the move now. Siniko niya ang lalaking may hawak sakanya. At kahit na nakagapos ay nagawa niya paring patumbahin ito. Sunod niyang pinatumba ang lalaking may hawak sa akin.
Tinulungan niya ako patayo para makalapit na sa banda nila Daddy. Malapit na kami sa kanila nang bigla akong mahablot ni Jake. Pinaputukan niya ng dalawang beses si Damon at agad itong humandusay sa sahig.
I screamed. Axel watches in horror as his friend helplessly lying on the ground. His eyes widened. Nilapitan niya ang kaibigan at agad na inalis ang duct tape sa bibig nito. Damon spit out some blood.
Si Daddy naman ay pinapatuloy ang pamamaril sa ibang tauhan ni Vicente. Nang matapos ay agad niyang itinutok ang baril kay Jake.
"Sige! Subukan niyong lumapit kung hindi ang susunod na bala ay ipuputok ko sa utak niya!" banta ni Jake habang hinihila ako palayo sakanila Daddy at palapit sa bangin.
"Everything just gets harder when your boyfriend's around. Maybe he's the next one I need to get rid of." Jake hissed in my ear.
Inalis niya na rin ang duct tape sa aking bibig. I screamed in fear as Jake stopped near the cliff.
"Daddy!"
"Aria! Let go of her, you son of a bitch!" he tried to move closer to us.
"Stop right there or I'll put a hole on her head. You choose!"
Natigilan rin si Daddy nang dahil sa banta niya at dahil na rin pinigilan siya ni Axel. He shakes his head at my father. He looked hopeless but he still followed him in the end.
Nakipagpalit si Axel kay Daddy na siya nang tumutulong ngayon kay Damon. Umiyak akong muli nang makita kong bumulwak na naman ang panibagong dugo sa bibig ni Damon.
"No, Damon!"
Dahan-dahang lumapit si Axel sa amin. Hinigpitan naman ni Jake ang pagkakahawak sa akin at mas idiniin ang baril sa aking ulo. I shut my eyes.
"Wag kang lalapit o itutulak ko siya sa bangin!"
I opened my eyes again to see that Axel stopped. Tumama ang mga mata niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang nais iparating ng mga mata niya. Pinaghalo ito ng galit at sakit. Kinuyom niya ang kanyang panga.
"Ibaba mo 'yang baril mo!" si Jake.
Agad iyong sinunod ni Axel dahil nagpagtanto niya kung gaano kaseryoso ang sitwasyon ngayon. Walang halong biro o takot sa boses ni Jake.
Dahan-dahang lumuhod si Axel upang ibaba ang baril. Inangat niya ang magkabila niyang kamay nang makatayo siyang muli.
"We can talk about this. Just let go of her, man. I promise I won't shoot once I have her." Sabi ni Axel.
Tumawa si Jake. "What makes you think that I'll believe that? You're a soldier. Mabilis ka at magaling. Hindi ako maniniwala sa sinasabi mo."
Axel tried to move closer again. Nang dahil sa ginawa niyang iyon ay kinasa ni Jake ang baril na hawak.
"Sa tingin mo nagloloko ako? Ipuputok ko talaga 'to sa utak niya kapag lumapit ka pa!"
Walang nagawa si Axel kung hindi ang tumigil. Tumingin siyang muli sa akin. Mukhang naubosan na siya ng ideya sa kung ano ang kanyang gagawin.
For a moment, I saw fear in his eyes. As someone who knows him, I know it was rare to see him fear something. He was always brave and serious.
"You have no idea how long I've waited for this, princess. I wonder how it feels to kill someone from the first family. I might be famous by tomorrow huh?"
"You're sick!" I spat at him. Ngumisi lamang siya. "After you set me up, may balak ka pang patayin ako? How fucking dare you?!"
Nang dahil sa sinabi ko ay mariin niyang hinawakan ang mga sugat ko sa likod. Napasigaw ako sa sakit.
"No! Stop!" sigaw ni Axel. "Aria, please..." He shakes his head.
"But everything will still end here, princess. Vicente will still kill you after the stunt your father pulled tonight. Inuunahan ko lang siya at mas pinapadali ang trabaho niya."
I clenched my jaw. Nagawi naman muli ang tingin ko sa pwesto nila Damon at nakitang kinakausap siya ni Daddy, mukhang nakikiusap na wag niyang ipikit ang mata.
Parang may pumipiga sa puso ko habang tinitingnan si Damon na labanan ang sakit. My lips started to shake again. New tears started to stream down my face.
I can't let Damon die because of me. I really can't...
"I'm tired of all the drama, to be honest. Let's all just end it and call it a night!" Jake exclaimed. He moved his face closer to mine. His breath touched my jaw. "Now, say goodbye to your boyfriend because this will be the last time you'll see him."
His words are so scary that it made me believe that he's really going to pull the trigger so can kill me. A shot was fired and I thought it came from his gun. Ngunit nagulat nalang ako nang unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.
I opened my eyes to see Jake shot by his brother. Nanginginig ang mga kamay ni Joseph habang nanatiling nakatutok ang baril sa kanyang kapatid. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa nagawa.
Nanghina si Jake at napaatras. Napahawak siya sa kanyang dibdib kung saan siya binaril ng kapatid.
Given that we are on the edge of the cliff, his feet slipped and fell. Muntikan niya pa akong madala kasama niya sa paghulog sa bangin pero buti nalang ay mabilis na dumating si Axel upang hilahin ako pabalik.
Jake fell from the cliff. Hindi ko na nakita pa ang pagbagsak niya dahil sinalubong na ako ni Axel ng mahigpit na yakap. I hugged him back like my life depended on it.
Axel sighed heavily. Hinawakan niya ang ulo ko at hindi bumitiw sa yakap.
Nakita ko namang napaluhod nalang si Joseph nang dahil sa nangyari sa kapatid. He stared at nothing. Mukhang hindi makapaniwala sa nagawa.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Axel upang lapitan sila Daddy. My father quickly stood up to hug me. I cried on his shoulders. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang damit.
"You're safe now... you're safe now..." alu niya. He gently caresses my head.
Bumaba naman ang tingin ko kay Damon na mukhang hirap na hirap na ngayon.
"Let's bring him to the hospital now." Hindi mapakali kong sinabi.
Despite the blood that's coming out of his mouth, Damon still managed to flash me a smile.
"Hindi na rin naman ako aabot kaya 'wag na."
"No, Damon! Don't say that! Dadalhin ka namin sa ospital. Magiging maayos ulit ang lagay mo."
Fear reigns over me as he choked out some blood. Lumuhod ako sa tabi niya. Habang nanginginig ang mga kamay ay hinawakan ko ang tama ng baril niya upang patigilin ito sa pagdurugo.
"I told you we're going to get out of here alive. So, don't leave us now, Damon! Please!"
Sinubukan niyang hawakan ang pisngi ko. Mas lalo akong naiyak. I held onto his hand. Hindi naman nakatakas sa mata ko ang luhang lumandas sa kanyang mata. He caressed my face using his thumb.
"Masaya ako na nakilala kita. Salamat... sa pagiging mabait mo sa akin. Salamat sa mga alaalang iniwan mo sa akin. Habang-buhay ko 'yong tatanawin b-bilang utang na loob,"
Suminghap ako. My mouth suddenly became incapable of saying anything. There's a lump in my throat that also made it harder for me to say something. Wala akong magawa kung hindi ang umiling, hawakan ng mahigpit ang kanyang kamay, at umiyak.
"'Wag... kang aalis sa tabi ni Axel. Proprotektahan ka niya da... dahil mahal ka niya. Mahal... na... mahal ka niya at kitang-kita ko iyon."
"Damon... no..." my voice cracked. 'Yun lang ang natatanggi kong nasabi.
Bakas na sa mukha niya ang panghihina. Ilang beses niya na rin nilalabanan ang pagpikit ng mata. Nilalabanan niya lang dahil sa mga gustong sabihin.
Damon flashed me his kilowatt smile he said his final words.
"Mahal kita... Aria."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top