Chapter Thirteen

Song: Who We Are- Tristan Prettyman

Design

I did my usual morning routine the next day. I jogged... I exercised... I almost did anything I could just so I could keep my mind off to something else.

Hindi ko na alam kung anong oras kami natapos mag-usap ni Axel kagabi. Last night was really something. Hindi siya umalis ng kwarto ko hangga't hindi niya nasisigurado na maayos na ang pakiramdam ko.

He was the last person I expected to do something to help me feel better. I was also not expecting him to open things up about his personal life. I did not even ask him to tell me those! He just did it... willingly.

"I was only fifteen years old when my mother passed away," agad akong napabaling ng tingin sakanya nang dahil sa sinabi niyang iyon. "She died because of a heart disease. Wala kaming magawa dahil... wala rin naman kaming pera pampagamot sakanya. She needed a new heart. I am so willing to giver her mine. But she told me that she will fail as a mother if she lets that happen. She wanted me to live longer.

"It's so hard to watch your mother suffer and not do anything about it. Kung siguro, mayaman lang kami... baka buhay pa siya hanggang ngayon. Baka... nakakasama pa namin siya ngayon. I wanted to take her pain away... but I don't know how."

"A-Axel... you don't have to tell these things to me-"

"No... I'm not telling you this to make you pity me. I'm telling you this because amidst the pain that her death has caused me, I learned how to look at the beauty that our life gives. Natutunan ko na tanggapin na kung nasasaktan ka man ngayon, darating din naman ang panahon kung saan magiging maayos rin ang lahat."

I pursed my lips and look away. He's such a brave and strong man... maybe this is the reason why he's always so cold, a bit distant, and dull.

Takot rin siya kagaya ko. He's afraid to show himself to someone behind his walls. I don't know what I did to make him open himself up to me.

Akalain mo 'yun... ang isang Axel Ocampo pala ay may kinatatakutan rin.

Naalala ko iyong sinabi ni Damon sa akin noon. Hindi daw bukas sakanila si Axel tungkol sa personal nitong buhay.

Kaya ano ba ang meron sa akin para sabihin niya sa akin ang mga bagay na ganito?

"Aria, what you're feeling is just temporary. There will be a day where all the pain will be gone." He looks at me gently.

"Gaano kahaba pa ba ang kailangan kong hintayin para mawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko?" my voice broke.

"Trust me, Aria... I know what pain feels like. You just have to be strong... more and more... every day," bahagya naman akong nagulat nang kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito. "I'm here to help you."

Hindi ko magawang titigan siya pabalik. Nanatili lang ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Kaya naman nang mapansin niya iyon ay agad niya rin itong binitawan.

Sandali kaming natahimik. The only thing I could hear between us is our breathing. This was the kind of silence that makes you comfortable. The silence that you would always wish for because you're tired of hearing the world's noise.

"You really have to take a day off tomorrow. You have to go and see your family. Sino ba ang kasama mo sa bahay niyo?"

"My grandmother and some nephews." He answered simply.

"What about your father? Where is he?"

He scoffs a little. "He left."

"O-Oh! I'm s-sorry... I shouldn't have asked that."

"It's fine. I'll tell you about him on some other time."

Tinupad niya nga ang hiling kong wag magtrabaho ngayon upang makauwi siya sa kaniyang pamilya. Maaga akong nagising at maaga ko rin sinimulan ang routine ko at sa mga oras na iyon ay hindi ko na siya nakita pa.

I wonder what time did he left?

Masyado naman atang maaga kung alas cinco palang ay umalis na siya. Hindi naman siguro siya ganoon kaexcited para umuwi no?

Kaya naman nang mapagtanong hindi ko na nga siya naabutan na umalis ay tinapos ko rin naman ang ginagawa.

I cool off and rest to catch my breath. Humawak ako sa puno habang hinahabol ang hininga.

"Malayo at matagal rin ang itinakbo mo ngayon ah?"

Agad na nagawi ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Nakita ko si Damon na may hawak na water bottle. Lumapit siya sa akin upang iabot ito sa akin. Kinuha ko iyon sakanya.

"Thank you."

Binuksan ko ang dala niyang tubig at agad na ininuman ito. Wala pang ilang segundo ay nangalahati na agad ito.

"Mukhang wala siya ngayon, e. Maaga atang umalis. Hindi ka pa gising, umalis na siya."

Muntikan ko nang maibuga ang iniinom na tubig nang dahil sa sinabi ni Damon. Am I too obvious? Bakas ba sa mukha ko ang pagtataka kung anong oras ba umalis si Axel kanina?

Natawa naman si Damon nang dahil sa naging reaksyon ko. I wiped my mouth and look at him ridiculously.

"What are you talking about?" I asked to save face.

"Sus! Kunwari pa siya oh! Alam ko namang nagtataka ka kung nasaan ba si Sir Ocampo. Don't worry, Aria, he'll come back soon. We just don't know when."

Ngumuso ako nang makita ang mapangasar na ngiti na iginagawad ni Damon sa akin.

"I'm not wondering where he is. In fact, I was the one who told him to take a day off. Kaya inaasahan ko na rin na wala talaga siya dito."

Nabigla siya nang dahil doon. Binigyan niya ako ng tingin na para bang tinatansya niya ako. I creased my forehead at him.

"Hmm... ikaw ha?! Parang may special treatment ka kay Sir Ocampo. Hindi pa naman niya day-off pero pinauwi mo na. Hay, Aria! Akala ko ba tayo pinakaclose sa lahat?"

He pouted like a child. Mukha tuloy siyang batang nagtatampo. Tinawanan ko siya pero hindi parin siya tumitigil sa kakanguso. He even crossed his arms over his chest to make it look like he's really disappointed.

"Asus! Nagtatampo ka pa. Gusto mo na rin ba umuwi?" tumango siya. "O sige. Papayagan kita. Pero sa isang kundisyon."

I smirked. Nag-taas naman siya ng kilay.

"Ano 'yon?"

"Hindi ka na babalik dito kung uuwi ka ngayon."

His jaw dropped because of that. Humalakhak naman ako nang dahil sa naging reaksyon niya. Gusto mo palang umuwi ha?

"Sus! Ano ba namang kundisyon 'yan, Aria. Di nalang ako uuwi kung ganoon."

Umirap siya at tumalikod sa akin. Nagpatuloy naman ako sa pagtawa. He's so silly! Akala mo talaga kung sinong bata na mahilig magtampo!

Inilagay ko naman ang kamay ko sa balikat niya at sinubukan siyang paharapin muli sa akin. Pero dahil nagtatampo nga siya, inalis niya ang kamay ko sa balikat niya.

I swear! If Damon will continue to act like this, hindi ko na talaga mapipigilan ang sarili na humalakhak ng malakas. Kanina pa sumasakit ang panga ko sa sobrang pagngiti.

"Okay lang 'yan, Damon. Dalawang tulog nalang at uuwi ka na rin sainyo." pang-aasar ko.

"Dalawang tulog pa! Bakit di pa bukas?"

"Wow! Ikaw talaga pinakademanding sa lahat ha?" I chuckled. "At isa pa, reward lang 'yun para kay Axel. Sinamahan niya kasi akong magdinner kagabi kaya ayun."

Mabilis siyang napalingon sa akin. He turns to me with a surprise look on his face.

"Dahil sa pagsabay niyang kumain sa'yo, kaya mo siya pinayagan umuwi ng maaga?"

I nod my head. His jaw dropped. He almost clapped his hands because of amusement.

"Kung ganoon lang pala... edi, sasabayan na rin kita kumain palagi!"

Tinaasan ko siya ng kilay. Sigurado ka bang pwede niyong gawin 'yan? Inaya ko na siya noon pero tumanggi siya dahil niya may mga limitasyon silang kailangang sundin.

"Sigurado ka bang pwede mong gawin 'yan?" tanong ko.

"Ay! Hala! Oonga no!"

Umiling ako at ngumisi na lamang.

"E-E... pero bakit si S-Sir Ocampo sinabayan ka? Siya pa naman laging nagpapaalala sa amin nung mga limitasyon na 'yon."

Tumaas ang kilay ko. Hindi ko naman inaasahan na sasabihin iyon ni Damon. Axel is very aware of that limitations and yet, he's the first one to cross that line.

"Ewan ko." I answered innocently.

Niliitan ako ng mata ni Damon. Unti-unti siyang ngumisi at mamaya maya pa ang binunggo niya ako gamit ang siko niya. Napatinaod ako ng bahagya.

"Kayo ha? May special treatment talaga kayo sa isa't isa! Hindi ka nagsasabi. Kwento ako ng kwento sa'yo pero ikaw wala ka man lang maikwento! Hindi ganyan ang bffs, Aria."

"E, wala naman din kasi akong maikukwento! At isa pa, tigilan mo na kung ano man 'yang naiisip mo. Walang namamagitan samin okay?"

"Masyadong defensive. Wala naman akong sinasabi na may namamagitan sainyong dalawa ah? Tsk. Tsk. Tinatamaan na ata ang anak ng presidente."

I hit him playfully on his arm. Umiling ako at pabiro siyang inirapan.

Nagpatuloy naman siya sa pang-aasar sa akin. Tinatanong niya pa ako kung ano daw ba ang nagustohan ko kay Axel. 'Yung malaki niya daw bang braso o 'yung matulis niyang panga.

Hindi ko nalang sinagot kahit nagpupumilit. Gumagawa pa ng issue ang makulit na 'to, e.

Habang nagtatawanan ay napansin ko namang may nanonood sa amin sa di kalayuan. Nagawi ang tingin ko sa bandang iyon.

Axel is standing a few meters away from us. May dala siyang isang bag at mataman lang na nakatingin sa amin.

Nabigla ako kaya mas ibinaling ko ang atensyon sakanya.

"Napaaga ata ang uwi mo." Sabi ko.

Damon turned to him. He's got the same expression as me.

Masyado pang maaga para umuwi siya. Ayaw niya bang magstay ng mas matagal dun para makasama ang lola at ang mga pamangkin niya?

"Just went to check if they're okay. Babalik nalang ako sa mismong day-off ko." Aniya habang naglalakad patungo sa amin.

I pouted. Sayang naman 'yung binigay kong day-off sakanya. Saglit lang niyang ginamit.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah?" sabi ni Axel sabay baling ng tingin kay Damon.

Napaayos naman ng tayo ang katabi ko. He smiled innocently at Axel.

"Ah... eh... Sir, binibiro ko lang 'tong si Aria." He said like he's reporting to his boss.

Axel nods his head then he glanced at me. I sigh.

"Naiinggit kasi itong si Damon dahil pinaaga ko ang day off mo. Gusto din ata-" naputol ang sinasabi ko dahil sa pagharap nya sa akin. Nilakihan niya ako ng mata.

"Uy, Aria. Wag ka namang ganyan. Walang laglagan ng sikreto." He hissed at me.

Nagpigil naman ako ng tawa at di nalang tinuloy pa ang sasabihin. Hinayaan ko nalang na ipagtanggol ni Damon ang sarili niya.

"Ah... hindi po, Sir. Binibiro ko lang po si Aria."

Axel scoff. "Aria forced me to take a day off today. Hindi naman ako aalis kung hindi niya ako pinilit. At isa pa, may trabaho pa ako dito kaya maaga rin akong bumalik."

Ay? Nag-explain?

Bumuka ang bibig ni Damon. Tumango upang iparating na naiintindihan niya ang rason ni Axel.

"Ahh... okay, Sir. You need help with that?" tanong niya sabay turo sa bag na hawak ni Axel.

"No, it's fine. I can handle it. Baka gusto nang pumasok ni Aria. Samahan mo na."

Nagaatubili naman siyang lumingon sa akin. Mukha tuloy nataranta siya sa simpleng utos ni Axel.

I smirked.

Nang inaya ako ni Damon pumasok ay sumunod na ako sakanya. Nagpakawala naman siya ng malalim na hininga nang makalayo kami. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib habang patuloy sa pagbuga ng malalim na hininga.

Ganoon na ba sila katakot kay Axel?

"Takot ka pala, e." pang-aasar ko sakanya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin at tsaka ngumiwi.

"Ikaw naman, e. Ilalaglag mo pa ko kay Sir Ocampo. Nagbibiro lang naman ako. Nagpapalakas pa man din ako kay Sir. Lagi kasi akong pinag-iinitan non tuwing training. Kaya ngayon nagpapakabait na ako."

Kumunot ang noo ko. At bakit naman siya pinag-iinitan ni Axel?

"Pinag-iinitan ka niya?"

"Oo. Kunwari limang push up lang papagawin niys sa iba. Sakin sampu! Akalain mo 'yun!"

I chuckled. "Maybe he's ony training you to be stronger."

"Stronger? E, torture ginagawa niya sakin." Umirap siya sa akin.

Mukhang marami pa siyang gustong ireklamo. Pero dahil niya nagpapalakas daw siya, hindi na niya sinabi sa akin 'yung iba at baka daw isumbong ko pa daw siya kay Axel.

"Ayaw mo nun? Batak ka pagkatapos ng training niyo?"

He looks at me in surprise. Mamaya maya pa ay natawa siya.

"Batak? Saan mo nakuha 'yang salitang 'yan? Hindi ko akalain na sasabihin mo 'yan."

E, kanino pa ba ko matututo? Siya lang naman madalas kong kausap dahil marami siyang kwento. Pati way ng pananalita niya, minsan nakukuha ko na rin.

Even the most inappropriate words! Sometimes Kuya Sven will get surprise whenever I use the words I learned from Damon. He even told me that I'm becoming a squammy now.

But what the hell is a squammy? Is that a food?

Nang pumanhik kami sa aking kwarto ay nanatili siya sa labas. It took me a while before I get out of my bedroom again. Paglabas ko iba na ang nakabantay.

Si Axel.

Umayos siya ng tayo. I smiled a little at him.

"Kumusta ang pagbisita mo sa lola mo?" tanong ko.

Agad naman siyang sumunod sa akin nang maglakad ako patungo sa music room. I now spend most of my time here just sketching some designs.

Talagang gumagawa na ako ng marami para marami rin ako maipapakita sa oras na simulan na namin ang pagasikaso sa atelier.

Kuya Sven is doing his job now. He's appointing someone to be this and that. Siya na rin ang nag-aayos ng meeting para sa mga tutulong sa amin sa pagtayo ng atelier.

I couldn't ask for more, right? I offered to help but Kuya Sven told me to just stay calm and trust him.

Kahit na gustong gusto kong tumulong ay hindi ko magawa dahil pinipilit ni Kuya Sven na siya nalang daw muna.

"Glad to see that they're fine. Thank you for letting me have my day off today, Ma'am."

Tiningnan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Nagtaas ako ng kilay. Day off ba ang matatawag dun? Parang di naman niya sinagad 'yung araw na binigay ko sakanya, e.

"Tss. That's not even a day off. Parang nag grocery ka nga lang sa bilis mong bumalik, e. You could've stayed longer. I'm sure your family missed you so much."

"I just didn't want to pass my responsibilities to someone especially when it isn't my day off yet. Gusto ko ako mismo ang gagawa ng trabaho na nakatakda para sa akin."

Ngumuso ako at tumango na lamang. Can't do anything to stop a hardworking man from doing his job.

We walk quietly towards the music room. Pumwesto naman ako agad sa upuan at siya naman ay pumwesto sa sulok, sa bandang likuran ko.

I put my sketch pad on my lap and started to finish the sketch that I did a few nights ago. Habang tinatapos naman iyon ay napaisip ako. Most of my designs are quite similar.

Don't you think it'a time for me to try something new? Hmm... I need to ask someone.

"Hey..." I called out his attention. Humarap ako sakanya. He raised his brows.

"Come here."

Kumunot ang noo niya nang dahil doon. Nilakihan ko siya ng mata, pinapahiwatig kung ano pa ba ang hinihintay niya. Hindi na naman siya nagsalita pa at lumapit nalang.

He rests his hand on the back of the sofa that I'm sitting in. He kept a safe space between us.

Ipinakita ko naman sakanya ang patapos ko nang design. I know he doesn't have any idea abour fashion or anything that is related to it. Pero sigurado naman ako na marunong siyang tumingin ng maganda o hindi diba?

"Do you think I should add more? Or was it very simple?"

He leaned in a little to check out my design. Hindi ko naman naiwasang mapatitig sakanya habang tinitingnan niya ang gawa ko.

"Hmm... why don't you try and make the ruffled design that you were talking about before?"

My eyes widened a little at that. Naalala niya pa 'yun? Sa dami na ng nasabi ko sakanya noon, naalala niya pa 'to?

Nilingon niya naman ako. Parang may kung anong sumapi sa akin para mapaayos ako ng upo. I cleared my throat. Umayos siya ng tayo.

"Oh... you still remember that," I said. "But right! I like your idea. Instead of doing an asymmetrical skirt, I'll turn it into a ruffled skirt."

Agad kong binura ang pang-ibabang bahagi ng design ko upang palitan ito sa ideyang binigay ni Axel.

"Thank you for that. Ang galing mo dun."

I heard him scoff. Nagpatuloy naman ako sa paggawa. Nang matapos ay agad ko itong ipinakita sakanya. He smiled. He looks pleased.

I smiled in return, feeling proud of myself.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top