Chapter Ten

Song: Put Down Your Phone- Travis Garland

Jealous

A month has passed and I'm slowly learning to appreciate just by being here in Malacañang. Yes, it may be boring to just stay here and do nothing... but I'm glad that I have my bodyguards to keep me in the company. 

So far ang pinaka close ko sa lahat ay si Damon. Ang dami na ngang naging kwento noon sa akin, e. Kahit mga ex-girlfriends niya naikwento na niya! He told me that there was one time where he found his ex-girlfriend cheating on him with his comrade. 

"Hayop nga 'yun, e! Alam namang girlfriend ng kasamahan niya pero pinatos pa rin! Malingat ka lang ng sandali, magugulat ka lang may iba na!" frustrated siyang nagbuga ng malalim na hininga. Umiling pa siya nang dahil sa sobrang pagkadismaya. "Pero past na 'yun! Kalimutan na natin. Sabi nga nila, you won't be able to move forward if you're still going to hold on to the past." 

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Saan mo naman nakuha 'yan?" 

"Wala. Based from experience," aniya sabay kumuha sa chips na hawak ko. Ngumuya siya at tsaka ako tiningnan. "Ikaw ba, Aria? Baka naman may gusto kang ikwento. Puro ako nalang ata 'tong kwento ng kwento, e." 

"Anong ikukwento ko, e... wala pa naman akong experience!" napanguso ako nang dahil doon. 

Muntikan pang mabilaukan si Damon nang dahil sa sinabi ko. Hindi makapaniwala siyang tumingin sa akin. Nilunok niya ang kinakain habang ako naman ay casual lang na inuubos ang chips na kinuha ko sa kusina kanina. 

"Bakit ganyan itsura mo?" nagtataka kong tinanong. 

"Hindi kasi ako naniniwala sa'yo, Ma'am, e... este Aria. Sa ganda mong 'yan! Wala ka pang nagiging boyfriend?! Wala kang maloloko dito..." tumawa-tawa siya habang sinasabi niya iyon, mukhang hirap paniwalaan iyon kahit na totoo naman. 

"I'm serious, Damon. Wala pa nga." 

Ngumuso siya at kumunot ang noo. Kinuha niya sa kamay ko ang balat ng chips na kinain namin at nagpresenta na siya na ang magtatapon nito. 

"Kahit... isa?" 

Ngumisi ako. Hindi talaga 'to naniniwala sa akin na NBSB ako. Bakit hindi pa ako kapani-paniwala ha? 

"Promise. Alam mo, bata palang ako, limitado na agad ang mga galaw ko. I was only eight years old when I started to be surrounded by bodyguards. Kaya sa tingin mo ba may oras pa akong humanap ng love life kung bata palang ako, bantay sarado na ako?" 

Well, come to think of it... I was only six years old when my father won a seat at the congress. Simula ng taon na 'yon, marami nang kumakalaban sakanya dahil isa rin siya sa pinakamagaling at pinakahahangaan na congressman noon. 

Maraming inggit sakanya kaya marami rin ang gustong pabagsakin siya. So, since my parents are overprotective of me, they hired some bodyguards! Naalala ko kung paano ako layuan ng mga kaklase ko sa tuwing nakikita nila akong kasama ang mga bodyguards ko. 

Kahit sa paglalaro lang sa playground, nakabantay parin sila sa akin. Naalala ko kung paano ako nahihiya sa sarili sa tuwing pinagtitinginan ako ng ibang estudyante. Mag-isa lang sa playground at nakaupo sa swing, pero pinalilibutan parin ng mga bodyguards. 

Nagkaroon naman ako ng kaibigan pero kalaunan, iniwan rin ako dahil natakot sa mga kasama ko. Their parents are even afraid na baka madamay sila sa gulo na mayroon sa pamilya ko. 

At such a young age, I have never tasted my freedom. I never had a normal childhood. I spent my entire life just following the orders that were given to me. Until... I got tired of it. 

Sa kagustuhan kong magkaroon ng normal na buhay, natuto akong sumuway sa mga magulang ko. I tried riding along with the waves. I thought that by doing it, people will finally learn to accept me and I'll find the friendship that I've always dreamed of having. 

Pero hindi parin pala... People will always see me as a political daughter whose family is always involved in a political rivalry.

Marami ang nagtatangka sa pamilya namin kaya marami ring tao ang mas pinipili na lumayo nalang sa amin kaysa madamay pa sila sa gulo na dala ng pamilya ko.

Swerte nga si Kuya Sven at tanggap siya ng mga kaibigan niya kahit na alam ng mga ito ang buhay na pinapasok nila.

"Kaya pala nakikinig ka lang sa akin at hindi nagkukwento." malungkot na sambit ni Damon.

I scoff. Pabiro kong siyang binunggo gamit ang aking balikat. 

"Ano ka ba! Okay lang naman. I'm glad that you're open to tell me about your previous relationships. Feeling ko ramdam ko rin ang hininakit at pagmamahal na naramdaman mo noon." 

"Kaya kung ako sa'yo, Aria... Hahanap talaga ako ng lalaki na mamahalin ako ng buong buo."

Natawa naman akong muli nang dahil sa sinabi niya. Wow! So Damon is a love guru now huh?

"The person that is meant for us will come at the right place and at the right time," I said.

Umiling siya, mukhang hindi sangayon sa sinabi ko. "Alam mo, hindi pupwedeng maghintay ka lang dyan. You also have to do something. Hindi naman basta babagsak 'yan sa harap mo."

"Paano ko naman magagawa 'yan kung hindi naman ako gaanong lumalabas dito sa palasyo?"

"Hmm... malay mo naman kasi nandito lang rin pala sa palasyo?" mapaglaro siyang ngumisi sa akin at tinaasan niya ako ng kilay na para bang may gustong ipahiwatig.

"Osige. Sino nga?" hamon ko sakanya. Humalukipkip ako at hinintay na magbigay siya ng pangalan.

"Ako, Aria, alam kong magandang lalaki ako... pero hindi ko talaga ramdam na para tayo sa isa't isa, e."

He pouted like he feels bad for me. I laughed so hard that I almost ran out of breath because of that. Si Damon naman ay confident lang na nakaupo sa tabi ko na para bang sobrang sigurado siya sa sinabi niya.

"Malay mo... sa letrang A din nagsisimula ang pangalan?" dagdag niya.

Damon smirked again. Palowkey pa siyang gusto akong asarin, e.

"Sino? Si Axel? You must be dreaming."

"Ay hala! Wala akong sinabing Axel! Ikaw, Aria, ha? Si Sir Axel agad 'yang pumasok sa isip mo! Hindi ba pwedeng si Andy muna?"

My jaw dropped because of that. Oh, right! How can I forget about Andy? Isa siya sa pinakatumagal na bodyguard ko.

But... isn't he already married? Sa pagkakaalam ko, may tatlo na siyang anak?

"Are you crazy? Andy is already married!"

Tumawa ng tumawa si Damon. Tuwang-tuwa ang isang 'to ha? Tuwang tuwa!

Natigil lang siya sa pagtawa nang may biglang umagaw ng atensyon namin. Sa boses palang, alam na namin kung sino iyon. Damon turns to me and smirked. He bumped me on my side using his shoulder to tease me. 

"Del Rosario!"

"Uy! Speaking of," bulong niya sabay tumalikod sa akin at hinarap naman si Axel. "Yes, sir?"

Nagsensayahan ata ang dalawa dahil ang sumunod na nangyari ay nagpaalam na sa akin si Damon dala dala ang mga balat ng chips na kinain namin kanina. Tumayo na rin ako at hinarap na ang magbabantay sa akin ngayon. 

Hindi pa nakakalayo si Damon ay nakita kong lumingon siyang muli sa amin. He gave me a meaningful look. Tinuro niya naman si Axel gamit ang kanyang nguso. Nang sinamaan ko siya ng tingin ay tsaka siya tumawa. 

Napansin siguro iyon ni Axel kaya napalingon rin siya sa gawi ni Damon. Damon looks taken a back kaya mabilis niyang inalis ang tingin sa amin at tsaka nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang nangyari.

"So..." Axel started. Inangat ko ang tingin sakanya at tsaka siya tinaasan ng kilay. 

Did I ever mention how tall he is? Damon and I are almost on the same height, but with Axel... kailangan ko pang tumingala ng kaunti para lang magtama ang mga mata namin. 

"You enjoy his company huh?" 

"Of course! He's a funny guy. You jealous?" taas noo kong tinanong. I gave him a teasing smirk. 

Nagsimula naman akong maglakad pabalik ng palasyo. I heard Axel chuckling lightly. Ilang oras rin kaming nanatili ni Damon dito sa garden. Sobrang dami niya kasing kwento, e.

Axel and I walked slowly side by side. Nakakakwentuhan ko na rin naman siya kahit papano. The only difference is... Damon talks a lot while Axel is more of a listener.

Well, I get that. Axel is a quiet man. Kahit si Damon ay sang-ayon rin doon kaya hindi ko na pinipilit pa itong si Axel na magkwento. 

I put both of my hands behind my back as we casually walk back inside the palace. Tuwing nakakasalubong naman kami ng ilang hardinero ay tumitigil sila sa kanilang ginagawa upang bumati sa akin. 

"Jealous? What makes you say that?" 

I shrugged my shoulders and pouted my lips. "I don't know. You sound like it." 

Bahagya siyang natawa. He massaged the bridge of his nose using his thumb then he shakes his head. Nilingon niya naman ako na para bang may nakakatawa akong sinabi. 

"I don't even have time to be jealous. You're not my type, Ma'am." nakangisi niyang sinabi sa akin.

My mouth gaped open in surprise. I laughed insultingly. Kahit siya ay natuwa rin sa naging reaksyon ko.

"As if type rin kita!?" mataray ko siyang tinaasan ng kilay.

"You sound butthurt, Ma'am."

"What?! I am not!" I said too defensively. "And excuse me? A lot of people find me pretty! Kaya 'yang opinyon mong hindi mo ako type? Ano naman? As if I'm bothered?"

Humalakhak ako para naman mahiya siya sa sinabi niya. Di porque gwapo siya ha! And also, he's just an ordinary good-looking guy! I'm sure mas marami pang gwapo sakanya!

Hindi ko pa nga lang nakikita pero hintayin niya lang talaga ako makalabas ng palasyong 'to! Makikita niya na hindi lang siya ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko.

"So defensive..." he whispered under his breath.

Marahas kong ibinaling ang tingin sakanya at galit siyang tiningnan.

"What did you say?!"

Sa halip na sagutin ako ay nanatili lang nakatuon ang mga mata niya sa harap. Mukhang may pumukaw ng atensyon niya. Agad siyang lumapit sa akin.

Sa sobrang kuryosidad ay napabaling rin ako ng tingin doon. A black BMW car is parked in front of the main palace. Agad na kumunot ang noo ko.

Did my parents invited a visitor for today? Parang wala naman akong naririnig. At isa pa, kung mayroon man, sigurado akong abala ang mga tao sa palasyo. But as I've seen a while ago, everything's pretty much normal. 

Naglakad ako patungo doon. Agad namang sumunod sa akin si Axel. Just as I was about to get near the unknown vehicle, biglang lumabas ang isang pigura at agad naman siyang humarap sa gawi namin.

He smiled cheekily at me while removing the sunglasses that he's wearing from his eyes. Namilog ang mga mata ko sa nakita.

"What the hell?"

"What's up, little Cuzzo?!" Maligaya niyang binati sa akin.

Mabilis akong naglakad patungo sakanya. May mga dala siyang pagkain at mukhang pinaghandaan niya talaga ang pagbisita niya rito. Nagugulohan ko siyang tiningnan.

"Why didn't you tell me you were coming over? A-And who allowed you..."

"Wow! I'm hurt by your tone, Aria. Aren't you happy to see me? Sayang at naghanda pa naman ako-"

"No! I'm happy that you're here. But did my parents know that you're coming over?" nilingon ko naman si Axel. At tinuro si Kuya Sven. "Did you know about this?"

Umiling siya. "No, Ma'am."

Whenever someone's coming over, the PSGs are always notified. I'm surprised that my cousin planned to visit all of a sudden, and even without our knowledge! Crazy!

"Oh... this guy is still here?" tinuro ni Kuya Sven si Axel. Kumunot naman ang noo ko. "Akala ko ba last day na niya nung huling pagkikita natin? Did you change your mind?"

My eyes widened at Kuya Sven's revelation. Oh, shit! I forgot that I mentioned firing Axel to Kuya Sven the last time we saw each other. Pero ang tagal na nun! Hindi ako makapaniwala na natatandaan pa ni Kuya Sven 'yon!

"What?! Kuya Sven!" pag-saway ko. Kinuha ko naman ang braso niya at hinila siya palayo sakanila.

"Can you please keep your mouth shut?" I hissed at him.

"Why? I thought you're going to have him fired? What's with the sudden change of mind? You like him now?"

"No!" agap ko.

Nilingon ko sila Axel at nakitang inutos na niyang ipasok ang mga dalang pagkain ni Kuya Sven sa loob ng palasyo. Nang magtama ang mga mata namin ay mabilis kong iniwas ang akin at tsaka binalik itong muli kay Kuya Sven.

"He saved me from the group of men who tried to take advantage of me when I went to look for you at the dancefloor!" sabi ko na para bang siya ang sinisisi ko kung bakit ako napunta sa sitwasyon na 'yon.

He jokingly widened his eyes at me. Hinampas ko naman siya dahil masyadong exaggerated ang ginawa niya.

"I'm sorry! I didn't know you decided to keep him since you didn't mention anything to me."

Ngumuso ako at hinanap naman si Zia sa paligid. I raised a brow at him when I couldn't find her.

"Where's Zia?"

He let out a sigh. He rolled his eyes and wrapped his arm around my shoulder. Hinarap niya kami sa palasyo at nagsimula nang maglakad papasok.

"Don't worry about her. I'm sure she's just there somewhere."

I creased my forehead. I just hope that my cousin is treating her well. Sana hindi manaig ang galit na meron siya para lang hindi niya tratuhin ng maganda si Zia. He's her childhood friend! I'm sure he still cares about her.

Sakto at nang makapasok kami sa loob ng palasyo ay nakasalubong namin si Mommy sa reception hall. Mukhang patungo siya sa kung saan. Nilingon niya kami at nagulat nang makita kung sino ang kasama ko. 

"Oh, Sven! I didn't know you were coming over." aniya sabay sinalubong ang pinsan ko. Niyakap niya ito at tsaka hinalikan sa pisngi. 

"Well, Tita, I wanted to surprise Aria since we haven't seen each other in a while." 

Mommy glanced at me for a second before she turns her gaze back to Kuya Sven. Ngumiti ito. 

"She rarely goes out," tumikhim naman ako sa sinabi ni Mommy. 

Paano makakaalis, e... hindi naman ako palaging pinapayagan? 

"I'm really glad you could make time to visit her! I'm happy that someone can keep her in company. Sana at sinabi mo para nakapagpahanda naman kami kahit papano." 

"No, Tita. It's fine! I brought some food. Handa po talaga ako para pagbisita kong ito." mayabang na ngumisi si Kuya Sven sakanya. I almost rolled my eyes. 

"O siya! May aasikasuhin lang ako saglit at sasamahan ko kayo sa dining area. Aria, make sure that your Kuya Sven feels comfortable, okay? I'll join you guys in a minute." 

It's funny how she has the time to keep us in company just because Kuya Sven is here. Pero ang oras para samahan ako ay hindi niya mahanap-hanap.

Hilaw akong ngumiti at tumango. Nagpaalam naman siya bago magtungo sa kung saan man siya papunta. I turn to Kuya Sven who's now smiling apologetically at me. 

"Please don't be jealous." he pouted. 

Ngumiwi ako at umirap. "I'm not! Come on. We have a lot of catching up to do." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top