Chapter Six

Song: NASA x Good Things Fall Apart- Travis Garland (cover)

Scared

Nang makarating kami ng basement ay nakita ko agad ang pagkamangha ni Joseph sa paligid.

"Your first time here?" I asked. I touched one of the first ladies' dresses.

Nabigla naman siya nang magtanong ako. Galing sa pagpasada ng tingin sa paligid ay ibinaling niya ang tingin sa akin.

"Yes, Ma'am." sagot niya.

"You know what? You can stop calling me Ma'am. Aria will do. Damon addresses me with my name."

Umangat naman ang kilay niya. "Lahat ba ay tinatawag kang ganoon?"

Tumango ako.

"How about Sir Ocampo?"

Napairap ako sa kawalan nang dahil doon. Oh, that man!

"Tss. Let's not talk about him. Kahit kailan yata ay hindi ako susundin non."

Ngumuso siya. Tinulikuran ko siya at naghanap na ng tyempo upang simulan na ang plano. I walked towards the collection of dresses.

"Oh, look at this!" tinuro ko ang damit na namataan ko. Napatingin naman si Joseph sa akin. "Isn't pretty?"

He nods his head.

"Oh my gosh! I need to get my sketchpad. This will be a very good inspiration to one of my designs." I said too excitedly.

Damn! Good acting skill equals a good convincing skill! Do more, Aria! Do more!

"Want me to get it for you?" he offered. 

"Oh, no!" sabi ko at itinaas ang kamay upang pigilan siya. "Ako na. Baka kung ano pa ang makita mo sa kwarto ko." I chuckled a little.

Naglakad naman ako patungo sa may hagdan. Agad naman siyang sumunod sa akin.

"Wait. Stay here. You don't have to follow me. Babalik rin naman agad ako."

"Pero-"

"Mabilis lang! Eto naman! As if someone's gonna abduct me inside! Papanik lang ako sa kwarto ko. Mabilis lang talaga! Promise!" I raised my hand, showing him that I'm keeping a promise.

Bumuka ang kanyang bibig, mukhang gusto pang kumontra. Bumagsak ang balikat ko at umirap.

"Count one to ten then I'm back inside." hamon ko. Bahagya naman siyang natawa.

"Are you serious?"

"Yes! Ayaw mo kasing maniwala na mabilis lang ako, kaya ayan! Magbilang ka na!" I encouraged him to start counting.

Medyo nagulohan pa siya noong una ngunit nang nilakihan ko siya ng mata ay agad naman siyang sumunod. He started counting.

"One... Two..."

"Oh my god! Can you slow it down? Hindi pa nga ako nakakaapak sa hagdan oh!"

I pointed at the stairs to make it look exaggerated. He shrugged his shoulders then he started counting again.

"One..."

Mabilis akong umakyat ng hagdan. I can still hear him counting when I reached the top. I giggled.

Uto-uto!!!

Agad akong nagtungo sa pinto palabas ng palasyo. Sa tuwing may nakikita akong naglalakad ay mabilis akong nagtatago. It's better to be safe than sorry.

Feeling ko napagtagumpayan ko na ang plano ko nang magawa kong makaalis ng main palace nang walang nakakapansin. The next thing I have to do mow is to deal with the bushes.

Hindi naman kalayuan ang Presidential Museum and Library sa mismong palasyo. But going there would be a risk since there are a lot of guards that's roaming around the area. 

But with proper determination and mindset, I know I can do it. Agad akong nagtago nang makita ko si Damon na patungo sa loob palasyo. I peaked and tried to see who he's with. Kasama niya ang ibang mga bodyguards ko. Axel is not with them. Baka wala iyon dito at day-off. 

Maybe Joseph already alerted everyone. Baka tapos na 'yong magbilang hanggang sampu. I bit my lip to stop myself from chuckling.

Kung hindi ba naman kasi uto-uto... I can't even imagine the look on his face when he finds out that I'm nowhere to be seen. Nakakatawa siguro.

Nang mawala na sila sa aking paningin ay nagsimula na ako muling gumalaw. Ramdam ko na ang pananakit ng aking likod nang dahil sa sobrang pagyuko. Tumigil muna ako ng sandali upang maghabol ng hininga. 

Malapit-lapit na rin ako sa museum. Konting push nalang. May nakikita na rin akong mga tao na lumalabas. 

Yes, keep going out. I need you so I can blend in. 

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago ako tuluyang tumayo upang maglakad na papunta sa museum na parang wala lang. I tried to act normal.

I shake off all the dirt that I got from the bushes. Inayos ko rin ang suot na damit. Taas noo akong nagsimulang maglakad. 

Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang isang pamilyar na boses sa di kalayuan. Napaayos ako ng tayo at agad na kinabahan.

"Where do you think you're going?" 

Fucking hell! I thought he's gone!? 

Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Agad akong nadisappoint nang makita ko si Axel na nakasandal sa puno habang nakahalukipkip. Tinaasan niya ako ng kilay nang magkatinginan kami. 

Ngumuso ako at nagkunwaring walang ginagawang masama. I tried to look innocent. Sa tingin ko ay gusto niyang tumawa nang dahil sa pag-arte ko ngunit hindi niya lang magawa dahil kailangan niyang maging seryoso. 

"Uh... nowhere. I'm just... trying to... get some fresh air." ngumiti ako. 

Ngumuso naman siya sabay tumango. Sa itsura niya ay mukhang hindi niya ako pinaniniwalaan. 

"Hmm... fresh air huh?" aniya ng may halong pangungutya. I glared at him. 

Panira naman ng plano ang isang 'to, e! Bakit ba hindi nalang nila ako hayaan! 

Binalik kong muli ang tingin sa museum. Damn, I did not work this hard just to give up easily just because I was caught by my annoying bodyguard. Ilang beses kong tiniis ang sakit ng likod tapos hahayaan ko lang sirain ng isang 'to ang plano ko? 

"Hmm... yeah." sagot ko sabay humakbang ng isang beses. 

Nakita ko namang naalerto agad siya sa ginawa ko. Inalis niya ang sarili sa pagkakasandal sa puno at pinanood ang bawat kilos ko. 

Oh, for fuck's sake! It's now or never! 

I started running towards the museum. Akala ko noong una ay mabilis na ako pero nagulat nalang ako nang bigla akong mahabol nitong si Axel. Hindi na siya nagdalawang isip pa na buhatin ako upang pigilan ako sa gusto kong gawin. I screamed. 

"Put me down!" I said while hitting his chest. 

Inilayo niya muna kami sa may Presidential Museum and Library para hindi makakuha ng pansin. Binaba niya ako nang nasa harap na kami ng mismong palasyo.

"You're trying to sneak out again huh?" he said with a smirk. "Well, too bad, Madame. I won't let you do that. Not on my watch."

I scoff insultingly. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"So what if I'm trying to sneak out? That's none of your business!"

"So what?!" sabi niya na parang hindi pa siya makapaniwala sa naging sagot ko. "I hope you're aware that you're gonna get yourself in a big trouble in case your parents heard about this."

"And so? Sanay na naman akong mapagalitan. Why the hell do you care? Ako naman ang mapapagalitan at hindi ikaw!"

"And what? You're gonna cry yourself to sleep again and pretend that everything's okay the next day?" agad namang kumunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya.

I can't believe we're having a confrontation here! And who the hell does he think he is?!

"Stop trying to taste your freedom, Aria. It's not gonna happen. As long as your father is ruling the whole country, you're confined here and you have to accept that!"

"Who do you think you are huh? Hoy, Axel Ocampo, wala kang alam sa buhay ko! Kaya wag kang magsalita dyan na parang kilalang-kilala mo na ako! Peste!"

Umiling siya.

"Aria, pasalamat ka nalang na nakukuha mo ang lahat ng gusto mo. Maginhawa ang buhay mo dito at-"

"Wow!" I laughed mockingly. "Nakukuha ang lahat ng gusto? Akala mo lang! You don't know how I feel, Axel. You don't know how it feels to be in this shoes! And don't you dare invalidate my feelings!"

"You won't feel those if you're just responsible enough to follow rules, Aria. You have to accept that this is your life. You have-"

"Well, that's the thing," I chuckled to cover up the pain that I'm feeling inside. Pero kahit ang sakit na nararamdaman ko ay trinaydor rin ako dahil mabilis na tumulo ang luha sa aking mata.

"I didn't choose this life, Axel. Paano ko magagawang tanggapin ang buhay na 'to kung sa umpisa palang hindi ko naman ginusto 'to!?"

Bahagya siyang napaatras at kumunot ang noo. Bumuka ang kanyang bibig pero wala ni isang salita ang lumabas. Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking mata.

"Sabagay... hindi mo rin naman trabaho na kilalanin ako kaya mo nasasabi 'yang mga bagay na 'yan. Subukan mo ring intindihin ako... at malalaman mo kung bakit." sabi ko at tuluyan nang lumakad palayo sakanya.

I went back inside the palace. What's the point of continuing with my plan if I already got caught?

I just have to accept that my mission... failed.

I slammed the door to my room once I entered. I don't care how much noice it caused. Wala akong pakialam kung may nasira ba o wala. I am just so mad!

I went to my bed and screamed at my pillow. Gustong-gusto kong sumigaw ng malakas nang dahil sa sobrang inis. Gusto kong maiyak pero hindi ko alam kung bakit walang lumalabas na luha.

Umayos ako ng upo. I let out a deep sigh and stared at my window. I needed a good release. I just can't let this heavy feeling stay. I need to let it out.

Bumangon ako mula sa kama at nagpunta sa aking drawer. I grab the box inside and opened it. This is where I hide my pack of cigarettes.

Buti nga at walang nakakakita nito sa tuwing may naglilinis sa loob, e. At isa pa, ayoko rin naman ng may pumapasok sa loob ng kwarto ko.

There's still some under my bed. Binili ko ito noong pangalawa kong pagtakas. I'm happy that they didn't notice that I bought something. Maybe I'm just really good at hiding something.

And for your information, I don't smoke all the time okay? Ayoko ngang sirain ang katawan ko! And also, if I'm going to use this every day, maaamoy ako ng magulang ko.

No one knows what will happen to me if they find out. Baka magulat nalang ang mga tao at pinatapon na ako sa Bermuda Triangle.

I only smoke cigarette when I needed a release from all the emotions that's been trapped inside. I somehow feel relieved whenever I smoke. Ewan ko ba.

A part of me wants to stop using this. But there's also a part of me that doesn't want to, especially when it's helping me cool down.

Kumuha ako ng isa at agad itong sinindihan. Hinigop ko iyong usok at tsaka ito binuga. I went to my window and stared outside.

I sometimes wonder what happened to Apple, Jennica, and Francine. I never hear anything from them anymore. I tried calling but none of them answered.

Are we still friends? Itinakwil na ba nila ako gaya ng inaasahan ko?

I don't know why I keep on holding on to them gayong alam ko naman na pilit nila akong binibitawan. Siguro kailangan ko rin turuan ang sarili ko na tanggapin na kapag hindi ako gusto ng isang tao, hayaan ko nalang. Wag ko nalang ipagsiksikan ang sarili ko. Kasi sa huli, ako lang 'yung masasaktan at hindi sila.

Nang dahil sa naiisip ay nag-sunod sunod ang pagbuga ko ng usok hanggang sa hindi ko na napansin na may kumakatok na pala sa kwarto ko.

Kaya laking gulat ko nalang nang bigla itong bumukas. Mabilis na pumasok si Axel at naglakad patungo sa akin.

"What the hell?!" I shouted.

Did he seriously just barged in? At baka nasira niya pa 'yang pinto ko ah? Bahala siya dyan! I'm not liable on that one!

Huli na ang lahat bago ko pa maitago ang hawak na sigarilyo. Marahas niyang hinablot ito sa akin at pinatay ang apoy nito sa marmol na sahig. Nagulat ako sa ginawa niya.

"What the fuck do you think you're doing?" naiinis kong tinanong.

Hindi niya naman ako pinansin. Tumalikod siya at tsaka nagtungo sa drawer ko. My eyes widened.

"Hey, hey, hey! What are you doing?!"

But still, I got no response from him.

He started rummaging through my things. When he got the box, I tried grabbing it away from him but I did not succeed.

Binuksan niya ang box at bumungad sakanya ang ilang kaha ng sigarilyo. Seryoso niya akong tiningnan bago niya kinuha ang mga ito sa loob ng kahon.

"Are you kidding me, Aria? You smoke?"

Mataray akong umirap at humalukipkip. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano naman sa'yo? And so what? It's not like I use this everyday. I smoke when I'm mad. And you're the reason why I'm mad so, it's your fault why I'm smoking right now."

Umiling siya. Idinaan niya nalang sa tawa ang pagkadismaya sa akin. Sa halip na sumagot ay nagpatuloy pa siya sa paghahanap sa buong kwarto ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Don't you know the word privacy? At tingnan mo, sinira mo pa ata ang pinto ko!"

Hindi niya parin ako pinansin. Feeling ko tuloy hangin lang ako para sakanya. He squatted in front of my bed. My jaw dropped.

Mabilis ko siyang hinarangan. Taas kilay niya namang inangat ang tingin sa akin. Tinagilid niya ang kanyang ulo.

"Hey!!! This is too much-"

"Move, Aria." seryoso niyang sinabi.

I was taken a back with that. I've never seen him this serious. Oo, seryoso siya madalas pero hindi 'yung ganito. He looks deadly.

Para akong naestatwa sa sobrang takot. Axel took advantage of that that's why he pushed aside my comforter. Napapikit nalang ako ng aking mga mata nang makita niya agad ang mga tinatago ko doon.

Hinila niya iyon mula sa ilalim. I sigh. Hmm... mukhang madami-dami siyang maisusumbong sa magulang ko ah?

"Don't you dare," Banta ko sakanya nang makita kong kinuha na niya ang lahat ng sigarilyo na meron ako, kasama 'yong nasa cabinet ko.

"This is the last time I'm going to see you use these. You understand?"

Sandali akong natigilan. Kumunot ang noo ko. Ilang beses na akong pinapagalitan ng magulang ko pero hindi ako natakot ng ganito. Axel makes me want to follow him because I'm afraid of what he's capable of doing in case I disobey him.

He stared into my eyes, waiting for my answer. Pero nang dahil sa takot ay mukhang naputulan na ako ng dila. 

"You understand? Aria?" ulit niya. Napakurap ako.

"Y-Yes..." I whispered.

He pursed his lips. Nilubay niya naman ang tingin sa akin at ibinaling sa mga hawak niyang mga sigarilyo. Wala na siyang sinabi pa bago tuluyang tumalikod at lumabas na ng kwarto ko.

I'm pretty sure he's going to throw everything away. And I'm also sure... that I'm also going to receive a handful of words once my parents are back.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top