Chapter Seventeen

Song: One Good Reason- Hunter Hayes

Mobbed

I woke up to a light tap on my cheek. Para akong naalimpungatan at agad na inangat ang ulo ko at unti-unting sinusubukan na dumilat.

"We're here." someone beside me said.

My vision is still slightly blurry but I can manage. Nakikita ko pa naman ng bahagya ang paligid ko. Bumaba ng sasakyan iyong katabi ko. Agad naman siyang lumingon sa akin upang mag-alok ng tulong. He offered his hand to me.

Tamad kong kinuha iyon at pinilit ang sarili na bumaba na ng sasakyan. I stumbled a bit but thankfully, this guy who's holding me caught me in his arms.

I giggled. "Oops."

Bumitaw ako sakanya at sinubukang lumakad na papasok ng palasyo. I keep on stumbling because of so much tipsiness but this guy keeps on catching me to prevent me from falling on the floor.

I pushed him off a bit.

"I can manage." I said.

"Oh, I bet you do." He mocked.

Sinamaan ko naman siya ng tingin matapos iyon. Magsasalita na sana ako nang may tumawag ng pangalan ko.

"Aria?"

Agad kong ibinaling ang tingin doon at nakita ang nanay ko na nag-aabang na para sa akin sa may entrada. Though I cannot see clearly, I know she's already wearing her usual night gown. Mukhang handa na siya sa kanyang pagtulog.

"Oh! Mom! Hey!" bati ko. tumawa ako ng malakas pagkatapos kong sabihin iyon.

"What happened to you? At bakit ngayon lang kayo? Kanina pa tapos ang event ah?" lumapit sa akin at may kung anong hinahanap sa mukha ko.

I scoff. "The event you didn't dare to attend, you mean? Yes, of course. Kanina pa tapos iyon. But I didn't want to go home yet so I celebrated my achievement with people who truly cares for me."

"Aria... your Dad and I really tried to get to the event but-"

"Ohh... don't try to explain anymore, Mom. I understand! Like I always do! At tsaka, sino ba naman ako para paglaanan niyo ng oras di ba? Di hamak naman na mas importante pa iyon kaysa sa akin. Kaya okay lang! Nandon naman si Tito Isiah!"

Tamad ko siyang nilagpasan. Gusto ko nalang talaga magpahinga. Feeling ko bukas sobrang sakit ng ulo ko. Gusto ko pa naman na sa shop nalang muna para may pagkaabalahan ako kahit paano.

Pero kung masakit naman ang ulo ko... mukhang imposibleng mangyari iyon.

"Aria, did you drink too much?" concern is very evident on my Mom's voice.

"Yeah? And so what? I'm celebrating and that obviously involves drinking alcoholic drinks."

Amoy na amoy siguro sa akin ang alak. But I don't care! Gusto ko nalang talaga magpahinga. I'm very, very tired! I hope that's obvious.

"Amelia, dumating na ba si-" hindi na naituloy pa ni Daddy ang kanyang sinasabi nang makasalubong niya ako. His forehead creased. "Goodness! What happened to you?"

"I partied. That's what happened." I answered lazily.

Disappointment was immediately plastered on my father's face. He's looking at me like I was the biggest disappointment that happened in his life.

"I can't believe you can still party when we are here inside the palace worried sick about you!" he almost shouted.

"Edi sana nagpunta kayo sa opening para alam niyo kung saan ang diretso ko pagtapos..." sabi ko. "But what's the sense, right? The opening is not an important agenda."

Umiling siya at lumapit sa akin. "Look, Aria, I already expected this. Alam naming magtatampo ka. We promised to be there but the conference took almost all our time! Hindi rin naging maganda ang pakiramdam ng Mommy mo kaya napagdesisyonan namin na umuwi nalang muna."

"It's not a big deal for me anymore. So stop explaining, Dad. Can I go upstairs now? Because I badly need to rest." Tamad kong sinagot. Hahakbang na sana ako patungo nang hagdan nang magsalita naman siyang muli.

"Come on, Ariadne, we know you're upset. And we're very sorry that we were not there to support you. We tried, I promise. But-"

"Kahit naman ilang beses akong madisappoint sainyo, ilang beses ko parin kayong susubukang intindihin. And as I have said, you don't need to explain. Now, can I go and rest?" I raised a brow at him.

"Can you just hear us out? Sinusubukan naming ipaintindi sa'yo kung bakit pero ayaw mo. And then you're going to blame us for your sadness? Stop acting like a child, Ariadne! Goddamn it!"

My mouth parted in surprise. Hindi ko inaasahan 'yon. Well, I should technically blame them for my sadness because they are the reason why I am like this! They are the reason why I feel so worthless and I always feel like I wasn't good enough!

I creased my forehead at him. I can't believe him! Parang ipinamumukha niya pa sa akin na kasalanan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Na ako rin ang may kagagawan kung bakit ako ganito.

Ngumisi ako at mapaginsultong tumawa.

"I'm acting like a child? You don't even know what you're saying. You weren't even around when I was a child so you have no idea what you are talking about, Dad."

Pumagitna na sa amin si Mommy ngayon. My father looked at me in surprise. His forehead creased a little.

"That's enough, Aria..." my mom whispered. "You can go upstairs and rest. We'll talk tomorrow, okay?"

Umiling ako at nanatiling nakatingin kay Daddy na mukhang hindi parin makapaniwala sa narinig niya sa akin.

"That's the truth, right? You don't even have the time to take care of me because you were always busy. Lagi niyong ipinapasa sa iba ang responsibilidad na dapat kayo ang gumagawa! You messed up, Dad! The both of you!" tinuro ko silang dalawa. My mother gasp.

A tear quickly fell on my cheek. Mabilis ko namang pinalis iyon.

"You messed up because you don't know me. I am your daughter but you don't know me at all. Ano pa bang alam niyo tungkol sa akin bukod sa pangalan, edad, at kaarawan ko? Wala na diba? Because you don't even spend time with me. You almost forced me to take Political Science in college because you have no idea that my interests are very far from that! How could you hate who I am when you're the reason why I became like this?"

"You don't know what you are talking about! I'm doing this for your future, Aria! I didn't know that my efforts in giving you a good life would make you feel like this!"

"What's the sense of having a good life if in return I couldn't feel my parents' love and affection? Kahit isang beses lang, Dad... ako naman muna. C-Care about me more."

Hindi siya sumagot at tumitig lang sa akin. He shakes his head.

"You don't understand-"

"How will I understand, Dad? Buti pa ang problema ng ibang tao, nagagawan niyong solusyonan. Pero sariling problema ng anak niyo, hindi niyo magawan," I paused. "Maybe I'm just a burden."

"Aria... no..." si Mommy.

I sigh. I'm done for this day. So much has happened and I'm done. Tinalikuran ko sila at nagtungo na ng hagdan gaya ng kanina ko pa pinaplano.

And wow... I am so proud of myself. Akalain mo 'yun? Nasabi ko 'yon nang hindi ako ngumangawa hindi kagaya noong nakausap ko si Mommy ilang linggo na ang nakalipas? I must be different when tipsy. Maybe I should drink more often.

Kapag hindi lasing, akala mo kung sinong aping-api kung umiyak. Pero kapag nakainom, akala mo kung sinong matapang.

Natawa nalang ako nang dahil sa naisip. Nahiga ako sa kama at agad na dinalaw ng antok.

Tomorrow will be such a long day again...

I couldn't sleep that day. Well, I managed to sleep for an hour or two, but that isn't enough! I know I am exhausted, but I can't bring myself to close my eyes and sleep. The scene a while ago was enough to keep me awake the whole day!

I don't know how will I face them tomorrow. I'm very sure I blurted out so many unnecessary things. Hindi na naman siguro natuwa si Daddy sa inasal ko kanina.

My head is aching and I badly need a medicine to help me relieve the pain and also help me get to sleep!

Kanina ko pa hinihiling na matulog pero ngayong nakahiga na ako, hindi ko naman magawang ipikit ang mata ko.

I only keep on staring at the ceiling. Nagbabaka sakali lang naman ako na sa pagtitig ko dito ay dalawin na ako ng antok, pero hindi parin.

I checked the time. It's already 5:00 in the morning and here I am still wide awake! Ang ibang tao ay gumigising na galing sa mahabang tulog, ako eto at hindi parin makatulog!

Pupunta pa ako sa atelier mamayang 9:00 at hindi ko kayang humarap sa kliyente ng wala akong tulog at may hangover pa! That would be so unprofessional!

Bumangon ako sa kama at nagpalit ng damit. Still feeling a little tipsy, an evil plan crossed my mind. That made me smirk.

Minsan na akong nakatakas dito at ngayong oras na 'to ang pinakamagandang oras para gawin ulit iyon. Wala pang masyadong tao sa palasyo at ang mga bodyguards ko ay tulog pa.

Unti-unti akong napangiti sa pinaplano. Well, minsan lang naman. Ngayon ko nalang gagawin ulit 'to. At isa pa, ayokong abutan ako nila Daddy dahil tiyak na papagalitan lang ako non.

For once, gusto ko naman na maganda ang bungad ng umaga ko.

I quickly took a shower and changed my clothes. I grab a pair of jeans and a simple white shirt. Kinuha ko rin navy blue kong jacket at sinuot ito.

I fucking applauded myself for this outfit. Mukhang disguised na disguised ako kaya wala hindi rin ako mamumukhaan kung sakaling mamasyal muna ako mamaya bago magpunta ng atelier.

Kumuha ako ng sapat na pera at nilagay ito sa bag ko. I inserted my phone inside my bag as well.

I started moving. I peeked outside my door and saw no one. So, sa mga ganitong oras pala, walang nagbabantay sa akin sa labas ng kwarto ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ko at tsaka maingat na naglakad patungo ng hagdan. I tried so hard not to make a sound. The palace looks hella scary during this hour.

Halos dimmed ang lahat ng ilaw at wala masyadong ingay hindi katulad kapag sumapit na ang tanghali. I managed to reach the ground without making any sound.

Bago ako lumabas ng palasyo ay kumuha muna ako ng gamot sa medicine cabinet. I'm pretty sure I won't have the time to buy me some meds later since I'll be very preoccupied so might as well get one now.

Hanggang sa pagbukas ng pinto ng palasyo ang dahan-dahan ko ring ginawa. Madami 'tong locks at talaga pinilit ko na wag itong gumawa ng ingay kahit na medyo natagalan ako nang dahil doon.

When I finally made my way out of the main palace, that's where the real challenge begins. May mga taong gising na at nagsisimula na sa kanilang trabaho gaya ng ilang hardinero. Ang ibang bodyguards rin ay gising na at mukhang naghahanda na para sa kanilang morning exercise.

I moved fast to hide in the bushes. Hindi rin naman kapansin-pansin ang ginawa ko dahil medyo madilim pa ang paligid. Buti nalang madilim rin tingnan 'tong jacket na suot ko kaya hindi talaga ako kapansin-pansin. Sinuot ko ang hood nito para mas hindi ako kapansin-pansin.

When I reached the same wall and I climbed up to when I sneaked out before, my heart started beating so loud. Ngayon ko nalang ulit ito gagawin. Ginawa ko iyong tinuro sa akin ni Kuya Sven. Mabilis ko lang nagawa iyon at walang masyadong nakapansin.

I smiled in relief. Damn, that fall hurts but I need to keep moving.

Inayos ko ang suot na jacket at tsaka naglakad palayo ng palasyo. Ang layo ng nilakad ko hanggang sa makarating na ako sa simbahan ng St. Jude. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. There are so many ways on how will I get to my atelier.

Gaya nalang nagpagbobook ng Grab! Ibang pangalan ang gamit ko dito kaya para hindi rin malaman na ako 'to. Magulat nalang sila pag nakita nila ako.

Ilang minuto akong naghintay bago dumating ang binook kong grab.

"Good morning. Arianne Dimagiba po?"

Yumuko ako habang pumapasok ng sasakyan. "Opo, Kuya."

Tumango siya at tsaka nagmaneho na. Hindi ako nagpadiretso sa atelier. I booked the Grab to bring me to BGC. I'll go get some breakfast there. I'm sure may mga bukas na naman na restaurant doon ng ganitong oras.

At isa pa... traffic! Kaya malamang mamaya pa ako makakarating nyan.

I fixed my hoodie and stared outside the window. Papagalitan rin naman ako kahit anong mangyari kaya sasagarin ko na. Malamang iniisip nila na mamaya pa ako gigising dahil nga lasing ako kagabi, pero hindi nila alam...

My eyes went to the rearview mirror. Nagkatinginan kami ng driver. Kanina ko pa napapansin na pabalik-balik ang tingin niya sa akin. I raised a brow at him.

"Sorry, Ma'am. Kamukha niyo po kasi 'yung anak ng presidente."

My mouth parted. Agad naman akong nag-isip ng rason para siraan ang sarili sakanya.

"Naku, Kuya! Di hamak na mas maganda naman ako dun. Tsaka maarte 'yun."

He chuckled because of my response. "Tsaka sigurado naman ako na hindi 'yun magsusuot ng ganyan. Puro designer clothes ata ang suot nun."

Nabigla ako doon. Ganoon ba ang tingin nila sa akin? Baka ang tingin na ng mga tao sa akin ay spoiled brat! The hell no! I am not like that!

"Di naman siguro, Kuya. Baka natyetyempohan niyo lang dahil laging nasa event."

"Sus! Baka nga sa mga desinger clothes niya napupunta mga tax na ibinabayad namin, e!"

My eyes widened. What the hell?

"Kuya, hindi noh!" muntik ko na siyang taasan ng boses. Plano ko pa namang ibash ang sarili sakanya pero it turns out na siya ang mambabash sa akin kaya hindi ko mapigilan na ipagtanggol ang sarili. "Galing ho siguro 'yun sa pinaghirapan ng magulang niya. Nagtatrabaho naman ho ng maayos ang presidente at maganda rin ang mga ipinapublish na libro ng first lady. Kaya malamang 'yung kita nila, napupunta sa anak nila."

"E, hija, gaya nga ng sabi mo... maarte 'yung anak ng presidente-"

"Ay, Kuya, binabawi ko na pala. Hindi naman pala maarte 'yun. Akala ko lang."

Umiling siya at natawa ng bahagya. Nang dumaan kami sa Taft ay doon na traffic. Oras na rin kasi ng pasok ng mga estudyante kaya hindi na rin nakakabigla.

Nagulat naman ako nang biglang nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Mabilis kong kinuha iyon at nakitang tumatawag si Kuya Sven.

I forgot to turn it off a while ago since I booked a grab. I just hope that they were not able to trace my location yet.

"Hey," Kuya Sven with a raspy voice spoke on the other line. Mukhang kagigising niya lang.

"Yes? Hi." Sumandal ako at bahagyang inangat ang cap.

"Are you going to your atelier today?"

"Yup. I'm on my way now."

"What?! Sa ganitong oras? It's too early for work, Aria! Hindi ba masakit ang ulo mo? Because mine hurts a lot that it makes me want to chop my head off!"

"That's because you drank a lot last night!" I chuckled. Naalala ko na naman kung paano siya uminom kagabi. Akala mo wala ng bukas.

"You also drank a lot last night! Wala ka bang hangover at may gana ka pang magtrabaho ngayon?"

"I can't sleep so I decided to go early for work. May plano ka bang pumunta mamaya?"

"Uh-hmm. But with my head aching like this, I don't think I'll be able to."

Hay naku! Inom pa kasi ng marami. Napapaghalataan masyado ang pagiging party animal. At in fairness rin sakanya. Maaga siyang nagising at mukhang may binabalak na gawin ngayong araw.

"Just let me know. Para makapaghanda rin ako."

"Okay..."

Then our conversation ended. Pinatay ko na ang aking phone para hindi na 'to matrack nila Daddy kung sakaling malaman nila na nawawala ako.

Napalingon naman ako kay Kuyang driver na mabilis na binaba ang kanyang cellphone. I smirked. Mukhang nahiya dahil muntikan ko na siyang mahuli na nagseselfie.

"Ikaw naman, Ma'am, kunwari ka pa. E, ikaw naman pala talaga 'tong anak ng presidente."

Agad na kumunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. Pagtatakpan ko pa sana ang sarili pero...

"Nagbukas iyon ng atelier kahapon diba? E, base sa pinaguusapan niyo kanina papunta ka doon. At sakto! Kamukhang kamukha mo pa iyong Aria na 'yon. Kaya hindi talaga mapagkakaila na ikaw talaga 'yan,"

"Naku, Ma'am! Pasensya nga rin po pala sa mga nasabi ko kanina. Namisinterpret ko lang po siguro iyong mga article sa internet," dagdag niya. Malungkot siyang sumulyap sa akin sa rearview mirror. Tipid ko siyang nginitian.

Nang dahil doon ay inalis ko na sa ulo ko ang hood ng aking jacket. Bistado na rin naman ako, e. There's no sense in disguising myself. Simula rin noon ay hindi na siya gaanong nagsalita buong byahe. Nahiya na siguro.

When we arrived at our destination, doon nalang uli siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

"Pasensya nga po pala ulit sa mga nasabi ko kanina, Ma'am. Wag niyo ho sana ako isumbong kay Mr. President." Bakas sa mukha niya ang takot.

Tumawa ako at inabot na sa kanya ang bayad.

"Wala 'yun, Kuya. Thank you for dropping me off safely."

He smiled at me. "Last request, Ma'am. Pwede po paselfie? Minsan lang po kasi 'to mangyari kaya lulubosin ko na."

Pinagbigyan ko siya sa kanyang hiling at ngumiti na sa camera nang itinapat niya ito sa amin.

I went out of his car. I walked around first to look for a restaurant. I decided to eat at Wildflour Café + Bakery. Marami na rin ang kumakain pero hindi pa ganoon kaabala ang restaurant. I immediately got a table. Pumwesto ako malapit sa bintana.

The waitress handed me the menu. She recommended that I should get the wildflour breakfast because it's one of their best sellers here in this restaurant. 'Yun nalang ang kinuha ko dahil ngayon palang naman ako kakain dito at wala pang ideya sa kung ano ba ang masasarap na pagkain dito.

While waiting for my order, may iilang tao sa labas na nagagawi ang tingin sa akin. They won't just glance at me once, but they will glance at me twice!

I turned my head sideways to hide my face. Baka nahahalata na ako ng mga ito.

When my order arrived, I tried eating it as fast as I could before anyone could notice me. Halos di ko na nga naenjoy ito dahil sa pagmamadali kong kumain.

Hindi na nga ako pumwesto sa tabi ng bintana pero napapansin parin ako!

Bago umalis ay ininom ko muna ang gamot na dala ko. This will be such a long, long day. Kung hindi parin talaga ako makakatulog ngayong araw ay hindi ko na talaga alam.

I stood up and placed my payment on the table. Hindi pa ako nakakalakad patungo sa pinto ng restaurant ay may sumalubong na agad sa akin na grupo ng magkakaibigan.

"Hi, Miss Ariadne! Pwede po bang magpapicture? We really love your style and we love you so much!" malakas at excited na sinabi ng isang babae.

Because of that, other customers of this restaurant turns their head towards us. Narinig ko ang bulungan.

"Nandito pala ang anak ng presidente, e."

"Anak pala ng presidente iyong katabi nating kumain?"

"Anong ginagawa nyan dito at bakit wala siyang kasamang bodyguards?"

"Tara. Papicture rin tayo."

Hindi pa ako nakaka-oo sa hiling ng mga kaibigan ay nagsunod sunod na ang pagkuha nila ng litrato sa akin. Hindi ko na alam ang uunahin. Nagpaikot-ikot ang tingin ko sa restaurant at napaatras.

Paano ako makakatakas dito kung pinagkakagulohan na ako?

"Please, Ms. Ariadne! Smile ka naman po."

"Papicture rin po kami!"

Ang ibang waiters at waitresses ay sinusubukan nang pigilan ang mga tao na kuyugin ako. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na makakaalis pa ako dito dahil marami na silang nakabilog sa akin.

Pero nagulat nalang ako ng may humawak sa baywang ko at hinila ako palayo sa mga taong iyon. I squealed.

Hinarap niya ako sakanya at mabilis na ipinatong sa ulo ko ang isang baseball cap. Mabilis kong inangat ang tingin sa kanya.

My jaw dropped when I saw that it was Axel. Kinuha niya ang kamay ko para tuluyan nang ilayo sa restaurant na 'yon.

"Let's get you out of here."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top