Chapter One

Song: Hurricane- Fleurie

Normal

"Wait. Who are you?" I asked when the car started to move.

Wala ni isa sakanila ang naglakas loob na sumagot. Nanatili lang silang tahimik. Kahit si Kuya Glen ay nananahimik rin.

"You're not my bodyguards. I've never seen you around the palace."

Hinarap ko ang mga guards na nasa likod. Hindi sila nakatingin sa akin at nakafocus lang ang kanilang atensyon sa labas ng sasakyan.

"Hello?! Is anyone here willing to answer my questions?" medyo irritable ko nang tinanong.

Mga pipi ata itong mga bagong bodyguards na ito, e. Wala man lang ang gustong magsalita!

"I know I'm in a big trouble. Pero sagutin niyo lang ang tanong ko. Tauhan ba kayo ni Daddy?"

Nagkatiningnan kami ni Kuya Glen sa rearview mirror. He only pressed his lips into a thin line instead of answering my question.

"Mas mabuti na ang Daddy moa ng mag-sabi sa'yo."

I sigh heavily. Nilingon ko naman iyong sumagip sa akin kanina. Walang emosyon lang siyang nakasilip sa labas.

Ngayon ko lang tuluyan napansin ang suot niya. He's wearing a moss green shirt and a bulletproof vest. It looks like he's ready to fight a battle anytime.

Natigil lang ako sa paninitig sakanya nang agawin ng sunod sunod na sirena ang atensyon ko. I look out of the window and saw a group of police cars heading towards the place that I was in a few minutes ago. My eyes widened.

Oh, no...

"Who told the police?!" nagpapanic kong tinanong.

Sinundan ko ng tingin iyong mga sasakyan ng pulis. Sobrang dami nila at mukhang kukuyugin nila iyong bahay ng boyfriend ni Apple! Bigla akong kinabahan.

"Sino ang nagsumbong ha? Sino ang nagsabi?!" pasigaw kong tinanong.

Ano nalang ang iisipin ng mga kaibigan ko sa akin? Na inilaglag ko sila sa kapulisan? Na hindi ko tinupad ang pangako kong hindi ko sila isusumbong?!

My friends will neglect me. I'm very sure of that.

Simula ngayon wala na akong natitirang kaibigan. Thanks to these guys who put the only friends that I have in trouble. Ayan! At lone wolf na ulit ako.

Nakakaawa ka naman, Aria...

Frustrated akong sumandal. I shut my eyes then I ran my fingers through my hair out of frustration.

"Why are you so worried about them?" napamulat ako ng aking mga mata nang marinig kong nagsalita iyong lalaking sumagip sa akin kanina.

Kunot noo ko siyang binalingan ng tingin.

"Because my friends are there! They will get in trouble because of me!"

"Dapat lang 'yon dahil labag sa batas ang ginagawa nila. They even put you in danger. Kaya bakit ka pa nag-aalala sakanila?"

Umayos ako ng pagkakaupo at tuluyan nang hinarap itong pakielamerong lalaki. Kahit ang ibang kasama naming dito sa sasakyan ay mukhang naalerto rin simula nang magsagutan kami.

"Dahil kaibigan ko sila," I reasoned out. "Dapat lang na protektahan ko sila."

"Protektahan kahit mali? Ganoon ba ang tunay na kaibigan para sa'yo?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Are you saying that I'm not a real friend to them?" naiinsulto akong tumawa.

"No. What I'm saying is that they're not a real friend to you. Ang tunay na kaibigan, hindi ka ilalagay sa kapahamakan. And look what they did to you! Forcing you to sneak out even though they know it's a bad thing to do?"

"You don't know a thing about me. You don't know anything about my friends." Mariin kong sinabi.

"I've been briefed. So, it's safe to say that I know things about you."

Hindi ako nakasagot. I clenched my jaw and glared at him. At sino naman itong kinuha ni Daddy? Saan niya napulot 'to at bakit masyadong pakelamero?!

"Now if you'll just seat there and stop worrying about those fake friends of yours, then-"

"You wanna know why I'm so worried?"

Nagtaas lang siya ng kilay sa akin. Hinihintay na ipagpatuloy ko iyong sasabihin ko.

"I'm worried that I might lose friends after this night. Nagaalala ako sa sasabihin nila tungkol sa akin. I tried so hard to fit in with them. And now that I did, ayun at nawala. Napahamak nang dahil sa akin," my voice almost broke. "They're the only friends that I've got. And I can't afford to lose them."

Nag-iwas lang ako ng tingin sakanya nang maramdaman kong pabagsak na ang luha ko. Goodness, Aria! Why would you cry in front of a bodyguard? Nakakahiya ka!

I breathed hard and continued.

"Kaya ngayon... I'm friendless. And thanks to you, guys. I really appreciate it."

Hindi na nasundan pa ang usapan na iyon. Hanggang sa bumalik kami ng palasyo, wala na ni isa sa mga tao sa loob ng kotse ang nagsalita. Not even the man who saved me from those disgusting men.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng main hall sa palasyo. Bumukas ang pinto at naunang lumabas iyong mga bodyguard. Iyong lalaking sumagip sa akin kanina ay tumayo muna sa gilid upang bigyan ako ng daan para makababa. I saw him offered his hand to me pero tiningnan ko lang iyon at hindi tinanggap.

I smiled bitterly to myself once I was faced towards the door. Ano, Aria? Handa ka na bang mapagalitan ulit? Handa ka na naman bang umiyak bago matulog?

The guards opened the door for me. When I entered, I saw my father walking back and forth inside the hall. Ang kaliwa niyang kamay ay nakahawak sa kanyang ulo at para bang stressed na stressed. My mother is beside him and she's trying to calm him down.

Nang marinig ang pagpasok namin ay agad nilang ibinaling ang tingin sa akin. My father's mouth parted. Napatayo siya ng maayos.

"Where the hell have you been?!" my father was about to storm towards me when my mother stopped him.

"Leon... Leon... Calm down. I'll handle this." she calmed Daddy down.

Daddy's breathing is heavy. Para siyang nag-aapoy sa galit. Kaunti nalang at sasabog na. He removed his gaze at me to look at my mother.

I can sense his anger from where I'm standing. I think the bodyguards feel it, too. Sino pa nga naman ang hindi magagalit kapag nalaman mo na galing ang anak mo sa lugar kung saan maraming gumagamit ng illegal na droga?

Isipin mo nga naman, isa ka sa lumulutas ng problema na iyon dito sa Pilipinas, tapos mababalitaan mo na 'yung mga kaibigan ng anak mo ay gumagamit noon?

Buti nalang rin at iexpect ko nang magagalit siya ng ganito. Kanina ko pa iniisip 'yon.

Nanggigigil sa galit si Daddy pero napakalma naman siya ni Mommy. My mom gently brushed her hand on his arm. Ngumiti siya rito.

"I'll handle this, okay?"

Tumango si Daddy at hinayaan na siyang magtungo sa akin. She smiled apologetically at me once she reaches me.

For the record, this is the chillest Napoleon Castellaño that I get home to. Normally, he would storm towards me and say hurtful words. Kapag hindi mapigilan ang sarili, nasasampal ako. I'm surprised that my mother was able to stop him from his rage.

"Sweetie..." malambing na tawag ni Mommy. Ibinaling ko ang tingin sa sahig at mas pinili na wag nalang siyang tingnan pa sa mata.

"Sweetie, where have you been? We were so worried about you!"

I pursed my lips. "I'm... sorry... Mom."

I don't know what's making it hard for me to apologize. I only did what I want and that is to taste my freedom. Pero sa tuwing ginagawa ko iyon, ganito ang nangyayari.

Kung kailan unting-unti ko nang naaabot, tsaka pa mawawala sa akin.

My mother put her hand under my chin to make me raise my gaze to her. She smiled a little.

"Bakit kailangan mo pang tumakas? Hindi ka namin pinayagan dahil para iyon sa kaligtasan mo. Ayaw ka naming mapahamak!"

I know... I know...

"I just wanted to celebrate with my friends, Mom. Hindi ko naman po alam na-"

"So, your form of celebration now is to take illegal drugs huh, Aria?" my father butt in.

"Leon..." alu ni Mommy.

I opened my mouth to defend myself. Bahagya akong lumayo kay Mommy upang harapin si Daddy at ipagtanggol ang sarili.

"Dad, I swear. I didn't know-"

"How am I supposed to believe you? You sneaked out of this palace just to be with those rascals! Tama bang gawin 'yon? Hindi lang isang beses itong nangyari, Aria! Nakakailang beses ka na!"

"Dad, I know it wasn't the right thing to do. But believe me that I don't really know that we're going to a frat house! Ang sabi lang nila sa akin ay magcecelebrate kami pero hindi nila sinabi kung saan! Nagulat nalang ako nung nandoon na kami! I thought we're just going to party in Taguig ot somewhere else, but I didn't know that we're going to end up in that place!"

"Alam mo bang gumagamit ng illegal na droga ang mga kaibigan mo?"

"No." agad kong sinagot. "I didn't know until now. Nagulat nalang ako nang maglabas sila nung nasa loob palang kami ng van."

Nanlaki ang mga mata ng magulang ko. Pinaharap ako ni Mommy sakanya.

"Oh, no... Sweetie, don't tell me you used-"

"What? No! I will never! They offered me but I quickly refused! Hindi ko kailanman inasam na gumamit noon!"

Malamig lang na nakatingin sa akin si Daddy, mukhang nahihirapan na paniwalaan ako. I sigh heavily. Why is it so hard for him to believe me? Nagsasabi naman ako ng totoo!

Bumuka ang bibig ko para magpaliwanag pa pero nagulat nalang ako nang biglang nagsalita iyong lalaki na sumagip sa akin kanina.

"Sir, she wasn't seen taking anything illegal. I'm sure that your daughter won't get involved."

Mabilis kong ibinaling ang tingin sakanya, hindi inaasahan na kakampihan niya ako. My mouth parted. He glanced at me for a second before he returned his gaze to my father.

"Dapat lang na hindi siya madawit dito. My daughter is innocent. Siguraduhin niyo lang na hindi siya idadamay ng mga kaibigan niyang 'yon. Sila ang may pakana dahil sila ang nag-dala sa anak ko doon. They even brainwashed her to sneak out!" frustrated na sinabi ni Daddy.

Tumango iyong lalaki at agad na may inihabilin sa kanyang mga kasama. His troop started to move. Naiwan naman siya.

"Is that what you call friends, Aria?!" pagalit na tinanong sa akin ni Daddy.

"Dad..."

Umiling siya. He pressed the bridge of his nose. He sigh heavily.

"Office. Now." aniya sabay tinuro ang daan patungo doon.

Bumagsak ang balikat ko. Alam kong hindi pa siya tapos sa panenermon sa akin. He's still at it. Sa tingin ko, pinipigilan niya lang ang sarili na wag magalit sa harap ng mga security. He wants to scold me privately.

This isn't the chillest Napoleon Castellaño that I get home to after all. Sigurado akong may kasunod pa 'yan!

Hinawakan naman ako ni Mommy at tsaka kami sabay na sumunod kay Daddy. She gently rubs my arm.

"It's okay, Aria..."

Hindi ako sumagot at hinintay nalang ang sunod na panenermon ni Daddy sa akin.

"What the hell were you thinking, Ariadne?! You rebel! Hindi na talaga namin alam ang gagawin sa'yo!" sigaw niya.

"'Yan ba ang nakukuha mo sa pag-sama kay Sven?! Eh isa rin 'yun, e! Kung anu-ano na ang tinuturo sa'yo pero pumapayag ka naman! I thought you're smarter than this, Ariadne!? Pero napakatigas parin ng ulo mo! Ilang beses mo nang nilalagay ang sarili mo sa kapahamakan! Ilang beses mo na rin sinusubukang sirain ang pangalan ko!"

I laughed bitterly. Umiling ako at isinantabi ang iba niyang sinabi at mas pinagtuunan ng pansin ang huli niyang sinabi.

"So, your number one concern is your name huh?"

"Aria..." tawag ni Mommy.

"'Yun... 'yun ang problema. Pangalan mo lang lagi ang importante para sa'yo! Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na, ayos lang ba ako? May nanakit ba sa akin? Ni hindi niyo nga magawang icheck kung may mga sugat ba ako dahil sa ginawa kong pagtakas, e! All you care about is what people will think! All you care about is your name! Your reputation!"

Tears started to stream down my face. Agad kong pinalis ito. Lumapit si Mommy pero agad naman akong lumayo, quickly rejecting her comfort.

"Siguro kapag may nangyaring masama sa akin... 'yan parin ang iisipin mo. Ano nalang ang sasabihin ng tao... ganito... ganyan..."

"Aria, shut your mouth!"

"Bakit, Dad? Totoo diba? Hindi naman talaga kayo concern sa akin, e. Mas importante parin 'yang reputasyon mo kaysa sa akin."

"Aria... Sweetie..."

"Gusto ko lang naman maging masaya kahit sa isang gabi lang, Dad. Binabalot na ako ng lungkot sa loob ng palasyo na 'to. Dad, you don't know the struggle that I've been through just to fit in with them. Wala kayong alam kasi wala kayong pakialam! Sila na nga lang ang mga kaibigan na mayroon ako tapos sisirain niyo pa-"

"Pero hindi parin tama ang pinagawa nila sa'yo! Sila pa mismo ang naglalagay sa'yo sa kapahamakan! Do they even know what they're putting themselves into? They're still going to pay for this."

"Dad, you don't understand! Kapag napahamak sila, hindi na nila ako ituturing na kaibigan. Iiwan nila ako-"
"And that's your concern? Kahit na alam mong mali ang ginagawa nila ipinagtatanggol mo parin? Aria, marami ka pang makikilala na pupwede mong maging kaibigan!"

"Paano mangyayari 'yun kung lagi niyo naman akong ikinukulong dito? I want my freedom, Dad! Nagawa ko lang naman 'yun dahil... b-baka sa ganoong paraan magawa nila akong tanggapin," my voice broke. "Magawa nilang... ituring rin akong kaibigan. I just wanted to be happy for once. They're the only friends that I've got. Everybody else already left me behind. Hindi ko kakayanin kung pati sila iiwan rin ako..."

Suminghap ako at pinalis ang aking mga luha. My dad says nothing. Malamig lang siyang nakatingin sa akin.

"Pero kahit ilang beses akong magpaawa, wala parin naman kayong pakialam, e. Lagi nalang 'yung mali ang nakikita niyo sa akin."

"Dahil puro mali naman ang ginagawa mo!"

"Dahil 'yun lang naman ang lagi niyong pinupuna! Pag may nagawa naman akong mabuti, wala lang naman sainyo 'yun, e! Mas nakatuon parin ang atensyon niyo sa mga bagay na ginagawa kong mali kaysa sa mga bagay na ginagawa kong tama!"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay nakatanggap ako ng malakas na sampal galing kay Mommy. Kahit si Daddy ay nagulat sa ginawa niya. Hinawakan ko ang aking pisngi at nilingon si Mommy na mangiyak-ngiyak na ngayon.

"S-Sumosobra ka na, Aria! Hindi na maganda 'yang lumalabas sa bibig mo. Ganoon na ba kami kasamang magulang para sa'yo? G-Ginagawa naman namin ang lahat para mapasaya ka!"

"You think that's enough? If it's enough why do I feel so lonely? Why am I unhappy? Why do I always question myself? Kung ginagawa niyo naman pala ang lahat bakit ganito ako?"

Hindi sumagot si Mommy at umiyak nalang. I tried to catch my breathing. Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking mata at tsaka nilingon si Daddy na malamig lang na nakatingin sa akin.

I pursed my lips before I started speaking.

"I'm sorry that this has to happen. I'm... r-really sorry."

Tumalikod agad ako. He tried calling out for me but I already went out of his office before he can even approach me again.

Unang sumalubong sa akin iyong lalaki na sumagip sa akin. Nakatingin lang siya sa akin. His mouth parted a little when he saw me crying.

Agad akong yumuko upang itago ang mukha. Nilagpasan ko siya upang magtungo na sa aking kwarto. I heard him following me.

So, kahit sa labas ng kwarto ko, may nakabantay parin sa akin? Wow. This life is amazing.

I whimpered silently on my way to my room. Sinubukan kong wag iparinig sa nakasunod sa akin ang paghikbi ko.

Nang makarating na ako sa aking kwarto ay agad akong pumasok at agad ring isinara ang pinto. Hindi ko na kaya pang ikimkim 'tong lungkot ko. Sobrang bigat na sa pakiramdam.

I ran towards my bed and broke down in tears.

Kailan ba ako magiging masaya? Kailan ba ako hindi iiwan ng mga taong importante sa akin? Kailan naman 'yung oras na ako naman 'yung pipiliin?

Sana hindi nalang ako anak ng presidente para hindi ganito ang buhay ko.

I wish to have a life wherein you can go to class properly without those bodyguards who keeps on tailing behind you. Iyong malaya kang nakakapunta sa kahit saan mo gustong magpunta.

Iyong buhay na hindi mo iisipin kung ano ang sasabihin ng tao. 'Yung hindi mo kailangang punan iyong expectations nila para sa'yo.

I wish to have a life wherein you have these awesome friends who accepts you for who you are. Iyong mga kaibigan na itinuturing kang parang kapatid... hindi ko pa kasi nararamdaman 'yun, e.

Oonga pala. Wala nga pala akong kaibigan na nananatili sa tabi ko.

I wish I had a normal family. No spotlights. No issues. No politics. Iyong masaya lang. Iyong may oras parin para sa isa't isa.

Sometimes I ask myself... What if... I wasn't the president's daugther? What if we live together in a tiny house pero sobrang saya naman?

My life must be really, really fun. No pain. No tears. No heartaches.

I just wish to have a normal life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top