Chapter Four

Song: Close- Nick Jonas & Tove Lo

Name

"So, what are your plans, now that you're done with college? I'm sure you also want to pursue something." Nakangiting tinanong ni Lucy, kaibigan ni Kuya Sven.

So far, the night's been fun! Mababait ang mga kaibigan ni Kuya Sven. Lahat sila ay sinusubukan akong mas kilalanin pa. I appreciate that they treat me like a normal person. No wonder why Kuya Sven chose this group of friends.

"Wala pa nga, e." I pouted. "I think I'll be stuck inside the palace until my father's term is over. Baka after nalang din nun tsaka ko ipursue ang pagiging designer."

Kunot noo naman akong nilingon ni Kuya Sven.

"You're seriously going to wait for three years before you pursue your dream? That's non-sense, Aria!" umiling siya matapos niyang sabihin iyon.

"I have no choice. I'm sure my parents would prefer to keep me in jail than to see me out in public."

Ngumuso ang ibang kaibigan ni Kuya Sven. Mukhang nalulungkot para sa akin. See? My life sucks, right?

Ngumiti nalang ako, pinapakita sakanila na ayos lang naman para sa akin. Pero ang totoo talaga... hindi. As much as I want to pursue my dreams right after college, I'm pretty sure my parents have other plans for me.

"Tss. Kung ako sa'yo, hindi ako papayag sa gusto nilang manyari. This is your life, Aria. You also have to follow what you want."

"Yeah, this is my life and it basically revolves around following my parents' orders."

Umirap si Kuya Sven at umiling.

"Oh, please, Aria. Stop being their pet. Lahat ng mga magulang gusto na makitang nagsusucceed ang kanilang anak. I'm sure Tito and Tita also wants to see that."

Hindi ako sumagot dahil hindi rin naman ako sigurado kung gusto ba nila Mommy at Daddy para sa akin 'yun. All they care about is my safety.

"You know what? Why don't you start your own shop? Sigurado naman ako na may designs ka na. That's your past time, right?" tumango ako. "Then we'll just look for someone who can tailor your designs! I'm sure you're an excellent fashion designer, Aria. Alam kong maraming magkakagusto sa mga designs mo."

Dismayado kong tiningnan pabalik si Kuya Sven. He's always been this supportive of me. Lahat talaga ipupush niya para sa akin para lang masiguro na masaya ako sa ginagawa ko.

"I know someone that can help us with that!" Yuria offered. "And... we have Fallon here! She can model your designs!"

Nilingon naman namin si Fallon na nakangiti na sa amin ngayon, mukhang gusto rin ang ideya ng kaibigan.

"Yes! That's a great idea! I'll even promote your designs if you want to?"

Namilog ang mga mata ko. I can't believe that they're all helping me now. This is the kind of friendship that I always aspire to have.

"O-Oh... I..."

I couldn't find the right words to say. It feels so surreal to finally have the support that I needed. I did not even ask them to help me. They just volunteered.

"I'll answer for her," pag-singit ni Kuya Sven. "We're in. Lahat ng tulong na i-ooffer niyo, tatanggapin ko bilang manager niya."

Humalakhak ang kanyang mga kaibigan. Habang ako naman ay tulala parin at hindi makapaniwala. I've always had self-doubts because I've grown not to believe in myself which is very wrong.

People leaving me behind made me feel like I'm not good enough. Ever since I started losing friends that's where I also lost my confidence. Snce then, it was hard for me to believe in mysel again.

Lagi akong may tanong sa sarili ko na: Kaya ko ba? Kakayanin ko ba?

Kaya ngayon hindi ako makapaniwala na may mga tao parin pala na susuportahan ako kahit papano. Just when I was about to give up on my dreams, these people came into my life. They made me believe that behind my self-doubts, I can still do it.

"You can do it, Aria. We're here to support you." Ani Ricky.

"He's right. Nothing will work out if you don't believe in yourself. When you feel like there's no one here for you... remember that I'm still here. I'll always be the Kuya that will rescue you in times of trouble." Si Kuya Sven.

Ngumuso ako at lumapit kay Kuya Sven upang yakapin siya. He enveloped me in his arms and made my head rest on his chest.

"You're making me cry..." sabi ko.

"Nah. You're just emotional."

Pabiro ko naman siyang hinampas. He chuckled a little and hugged me tighter.

"I believe in you so much, Aria. Always remember that."

Tumango ako at pumikit.

Masaya parin ako na kahit hindi man ako nabiyayaan ng kapatid, binigyan naman nila ako ng isang Kuya Sven na lagi kong maaasahan sa kahit ano mang oras.

He's not just my cousin. He's my best friend. My brother from another mother.

We talked about our plans. Syempre, ipinagmayabang na naman ni Kuya Sven ang pagiging malakas niya kay Mommy kaya tutulungan niya raw ako na kumbinsihin siya na magbukas ng sarili kong atelier.

At kapag nakumbinsi niya raw, sabay nalang namin proproblemahin kung paano namin mapapapayag si Daddy.

"It will be a rough start, Aria. But I know you can do it." aniya.

Marami pa kaming napag-usapan matapos noon. Mas nakilala ko pa ang iba niyang kaibigan. They're really fun to be around.

I almost forgot that my bodyguard followed me inside because I was just having so much fun!

Kung hindi ko lang talaga napansin na nakatingin si Kuya Sven sa lady bodyguard niya, baka tuluyan ko na talagang nakalimutan na bantay sarado nga pala ako.

Kasama parin ni Ocampo iyong lady bodyguard ni Kuya Sven. Ngumisi ako.

"Bagay sila." pang-aasar ko.

Mabilis na napalingon si Kuya Sven sa akin. His eyes are wide and he looked like he's about to puke anytime. Kumunot ang noo niya.

"Them?" sabay turo niya sakanila. "No way!"

Tumawa siya at sabay umiling. Binalik niya naman muli ang tingin sa mga bodyguard namin. Ngayon, mukhang minamanmanan na niya ang bawat kilos nila.

"You sound so disgusted." Kumuha ako ng isang shot.

"Because it's disgusting to see them together!" he said irritatingly.

I smirked.

"Don't tell me you're attracted to your bodyguard."

"What?! I am not!" he said too defensively which makes it hard for me to believe him.

Sa tono palang ng pananalita niya, hindi na kapanipaniwala, e. Hay naku! My Kuya Sven is attracted to that lady! I wonder what Tito Isiah has to say about this once he finds out.

"What's her name?" I asked.

"Huh?"

"Your bodyguard. What's her name?"

Inirapan niya ako. Kumuha siya ng isang bote ng beer at tsaka sumandal sa couch. Tamad naman niyang ininom iyon habang pinagmamasdan ang dalawa.

I waited for him to answer.

"Zia." he said.

Ngumuso ako. Wait... that name sounds familiar.

"Zia... Verano?"

"Yeah," tamad niyang sinabi.

My eyes widened. What?! That's her now?

"Isn't she your childhood friend?!" tamad siyang tumango. "Wow! I didn't even notice that's her! She's changed."

Kung dati, sobrang inosente ng mukha ni Zia. Ngayon, mukha na siyang matapang at nakakatakot. But the angelic look on her face is still there. Maybe military does changes people.

"I didn't even know she entered the military."

"Hindi na ba kayo nagkausap nun after niyang umalis?" nagtataka kong tinanong.

"Hindi ko naman alam kung san siya nagpunta, e. She left all of a sudden."

I let out a deep sigh. It must be hard for him to get left behind by his closest friend. They were inseparable before.

"Galit ka sakanya?"

Hindi agad siya nakasagot. Pairap niyang inilubay ang tingin sakanila Ocampo at tsaka ibinaling sa akin. I can see the pain in his eyes.

"She didn't even say goodbye."

Nalungkot ako para sa pinsan ko. Zia is one of the people he treasured the most. Sabay silang lumaki dahil nagtatrabaho iyong nanay ni Zia sakanila Kuya Sven. I don't know what happened why they suddenly parted ways.

I absolutely have no idea.

"Anyways, I don't care. Gawin niya kung ano ang gusto niya."

But the tone of his voice doesn't sound a bit convincing. Hindi ako naniniwala na wala na siyang pakialam para kay Zia.

Yes, they've been apart for years. But that doesn't mean he'll suddenly forget all the memories they have together.

Sabay naman naming ibinaling muli ang tingin sa aming mga bodyguard. Nagtatawanan na silang dalawa ngayon. Ngayon ko lang rin nakitang ngumiti si Ocampo.

Bagay pala sakanya ang nakangiti. Sayang lang at laging busangot pag nasa amin.

I heard Kuya Sven groan. And before I could even stop him, he already stood up from his seat and went towards Zia.

Nagulat nalang si Zia nang bigla siyang hilahin ni Kuya Sven palayo. Kahit si Ocampo ay mukhang nabigla rin.

Napatayo ako sa aking kinauupuan at pinanood si Kuya Sven na lumabas ng private room habang hila si Zia. Kahit iyong mga kaibigan niya ay mukhang nabigla rin sa pangyayari.

"Excuse me," sabi ko at sabay humakbang na upang sundan sila Kuya Sven.

Ngunit hindi pa ako nakakalapit ay mabilis na akong pinigilan ni Ocampo. He placed his arm below my chest to stop me from what I'm about to do.

"Where are you going?" seryoso niyang tinanong.

"To them!"

"No, stay here."

Nilakihan ko siya ng mata. Who is he to tell me that? Hindi ko pupwedeng hayaan na basta nalang umalis si Kuya Sven nang hindi ko alam kung saan siya nagpunta!

Mamaya kung ano pang mangyari dun, e. Mukha pa namang galit na galit dahil sa nasilayan niya kanina. 'Yun pa naman kapag nagagalit, hindi masyadong iniisip ang ginagawa!

Tinapik ko ang brasong ginamit niya upang harangan ako. Mataray ko siyang tiningnan at tinaasan ng kilay. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Oh, fuck off, Ocampo! Pumirmi ka dyan at mag-enjoy!" sabi ko sabay nilagpasan siya.

Dali-dali akong lumabas ng private room. Nakita ko namang napapagiling pa si Damon sa tugtog sa loob ng club at nang makita ako ay agad siyang napatigil.

"Uy, Aria!"

Tinawanan ko siya. "Enjoy na enjoy ka ha?"

Nahihiya naman siyang nag-iwas ng tingin. Agad siyang napaatras nang biglang sumulpot sa likod namin si Ocampo. Napairap ako sa kawalan. I sigh heavily.

I marched towards the stairs. Hindi pa ako nakakalimang hakbang ay mayroon na agad na humawak sa aking braso upang pigilan ako.

"Aria." tawag ni Ocampo sabay pinaharap ako sakanya.

Muntikan na akong tumama sa dibdib niya kung hindi ko lang talaga napigilan ang sarili na masubsob sakanya ng tuluyan. Kunot noo kong inangat ang tingin sakanya.

Madilim siyang nakatingin sa akin na para bang binabantaan ako na wag akong gumawa ng bagay na hindi niya magugustohan.

"I told you not to go anywhere." he hissed angrily at me.

"And I told you to stay there and enjoy." I fired back. Binawi ko ang braso ko sakanya.

Baba na sana ako ng hagdan nang pigilan niya na naman akong muli.

"Ano ba!" sigaw ko.

Nakita ko ang pagbaling ng tingin ng iba kong bodyguard sa amin. Paano ba naman kasi bwisit 'tong isang 'to! Wala naman akong masamang gagawin! Aalamin ko lang kung saan nagpunta sila Kuya Sven!

"Why are you so hard headed, Aria?" naiirita niya namang tinanong.

Tumawa ako. Oh, so now he's addressing me by my name!

"Nasaan na 'yung pagtawag mo sakin ng Ma'am? Sinabi na ba sa'yo ng General na i-address ako sa pangalan ko?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Asar talo pala 'tong isang 'to, e.

Hindi siya nagsalita at malamig lang akong tiningnan.

"Alam mo... ang kulit mo! Sumama ka na nga lang! Kainis 'to!" sabi ko nang dahil sa sobrang frustration.

Kung ayaw niyang mawawala ako sa paningin niya edi sumama siya sa kung saan ako pupunta! Problem solved!

Liit-liit na bagay pinapalaki nitong si Ocampo!

Tumalikod ako at bumaba na ng hagdan ngunit ramdam ko namang walang nakasunod sa akin. I turn to look at him again, he's just standing there at the stairway.

"Ano? Kung kailan pinapasunod ka na tsaka ka tutunganga dyan! Labo mo rin, e, noh?"

I saw him clenched his jaw first before he started going down the stairs. Susunod rin naman pala, e.

Tumigil siya sa tabi ko. Inirapan ko siya at tsaka tinuloy na ang pagbaba ko ng hagdan. When I finally reached the ground, I heard him whisper something behind my ear.

"Kulit mo!"

My jaw dropped. Tumigil ako sa paglalakad at mangha siyang binalingan ng tingin.

"Wow naman!" I mock. "Excuse you? Ako pa talaga makulit ha?!"

I laughed insultingly. Sinundan ko naman siya ng tingin. Pumwesto siya sa harap ko na para bang prinoprotektahan ako sa kung sino man ang may balak na sumugod. Sinimulan na niyang ilibot ang kanyang mga mata sa buong paligid.

"Nakukulitan ka pala sa akin, e. Edi umalis ka nalang sa trabaho mong 'to. Humanap ka ng babantayan na gustong sumunod sa'yo!"

I was kind of surprised that he didn't have any rebuttal. Akala ko may baon pang pambara, e. Buti at nanahimik na siya.

I pushed him off of my way. Laking harang, e.

Pumunta ako sa lugar kung saan pumwesto ang mga bodyguards ni Kuya Sven kanina. I stopped in front of Mike.

"Where is he?"

"We can't see him anywhere, Ma'am."

Agad na namilog ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Don't tell me natakasan na naman sila!

"What?!" I shouted. "Natakasan na naman kayo?"

Hindi nagsalita si Mike. Napahawak nalang ako sa aking sentido sabay hinilot ito.

He's already heavily guarded! I can't believe Kuya Sven can still manage to sneak out of them! Beterano na nga talaga siya pagdating sa mga ganito.

"Saan siya nagpunta kanina?" Tanong ko.

"Dito namin siya huling nakita kasama si Zia, Ma'am. Kita pa namin siya kanina pero ngayon hindi na-" ani Mike sabay tinuro ang dancefloor.

Nilingon ko ang dancefloor at nakitang napakaraming tao dito. Imposibleng mahanap mo si Kuya Sven dito kung papasadahan mo lang ng tingin ang buong dance floor!

I let out an exaggerated sigh. Hindi ko na pinatapos si Mike sa sinasabi niya. Hindi na ako nagdalawang isip na magtungo sa dance floor.

Ako na mismo ang maghahanap sakanya!

"Aria!" Narinig kong sinigaw ni Ocampo ang pangalan ko. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagpunta sa dancefloor.

Nakipagsiksikan ako sa mga taong sumasayaw. Some of them are sweaty now. Mukhang kanina pa dito at hindi pa napapagod sa kakasayaw.

"Excuse me," sabi ko sabay isiniksik ang sarili sa gilid ng dalawang magkasintahan na naghahalikan. I disgustingly look at them.

Jusko! Sa lahat pa naman ng lugar kung saan sila maghahalikan, dito pa?! Get a room!

I roamed my eyes around. Pilit kong inilalayo ang aking sarili sa tuwing may pawisang tao na nadidikit sa akin. Saan naman kasi nagpunta iyon si Kuya Sven?!

Or maybe he tricked his bodyguards again! Pumunta siya dito sa dance floor upang iwala ang sarili niya sa dagat ng tao! Ah, damn! I should've known! He taught me that move!

Kung hindi lang kasi talaga ako hinarangan ni Ocampo kanina edi sana nasundan ko pa sila! Epal talaga, e!

"Damn it!" I said.

I groaned and started to move. Baka nandito lang sila sa kung saan! Hindi sila pupwedeng mawala nalang ng parang bula! His bodyguards can't go home without him! Tito Isaiah will get mad!

Lalakad na sana ako paalis ng dance floor nang may biglang humablot sa baywang ko.

"Ano ba, Ocampo! Aalis na nga ako, e!" sigaw ko sa pag-aakalang si Ocampo ang humablot sa akin ngunit nang lingunin ko ang taong ito ay nadismaya ako sa nakita.

An unknown guy is holding my waist tightly. There's that devilish smirk on his lips and it's scary.

"Who the hell are you? Get off of me!" nandidiri ko siyang tinulak palayo sa akin ngunit sobrang higpit lang talaga ng pagkakahawak niya sa akin kaya hindi iyon naging madali.

"Look who's here! The president's daughter! Maganda ka pala sa personal."

I cringed at the sound of his voice. Hindi sa panghuhusga ha? Pero ramdam na ramdam ko ang kamanyakan sa boses niya palang! Kadiri!

Masyadong malakas ang music at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang mga tao dito kaya wala rin nakakapansin sa kung ano mang nangyayari sa akin ngayon.

They're having the time of their lives and they couldn't care less about a girl who's being assulted by this disgusting man!

Tinulak ko siya ng mas malakas ngayon. Nagawa ko namang makawala sa pagkakahawak niya sa akin pero may mga kasama pala siya at sila ngayon ang may hawak sakin. I can still clearly hear their voices even though the music is blasting so loud.

"Uy, pre! Anak 'to ng presidente! Big time 'to!" ani ng isa niyang kasama.

"Oonga, e! Hawakan niyong mabuti. Huwag niyong hayaang pumalag."

My eyes quickly widened when I sensed what he's planning to do. Agad akong naalerto kaya hinarap ko iyong lalaki sa aking kanan at tsaka kinagat ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.

Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ako. Nagulat siya nang makawala ako. Ginamit ko iyong pagkakataon upang bigyan siya ng isang mabigat na suntok sa kanyang mukha.

Ngayon nakuha namin ang atensyon ng ibang nandito sa dance floor. Thank goodness my bodyguards taught me some self-defense techniques!

I asked help from some of the people on this dancefloor pero mukhang wala lang silang pakialam!

I rolled my eyes. Sige manood lang kayo! Okay 'yan! Hayaan niyo akong pagtulungan ha!?

At dahil libre na ang isa kong kamay, ineexpect kong magagawa ko ulit iyong ginawa ko sa kanilang kasamahan pero nagulat nalang ako nang makailag siya sa suntok ko.

He quickly captured my other arm and pinned it on my back. Sinubukan kong kumawala pero hindi ko magawa.

Lumapit naman iyong kaninang may hawak sa akin. He smirked.

"Not so strong now huh?" pang-aasar niya.

He ran his fingers through my jaw and smelled the nape of my neck. Nilayo ko naman ang sarili ko sakanya.

"Ano ba! Tulungan niyo ako!" sigaw ko sa mga nakakakita.

Ngunit sa halip na tulungan ako ay kinukuhanan lang nila ng video ang nangyayari! Oh my god! I can't believe these people! Paniguradong gusto lang nitong mag-trending, e!

Sige ha! Video muna bago tumulong. Ayos yan!

He moved closer to me to get a good spot to kiss me. Pumikit ako at mas inilayo ang sarili sakanya pero itong may bihag sa akin ay pilit akong inilalapit sa manyak na 'to!

I can smell alcohol in his breath. Nakailang bote na 'to ha? Lakas na ng tama, e!

Akala ko makakaisa na siya pero nagulat nalang ako nang bigla siyang tumilapon sa sahig. The people on the dance floor gasp at the sight.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang knocked-out agad iyong lalaki nang dahil sa natamo nitong suntok.

"Let go of her." seryosong sinabi ng isang pamilyar na boses.

Agad kong ibinaling ang aking tingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. Ocampo is staring dangerously at the guy who's holding me.

"And who the hell are you?" sabat naman nitong isa.

Pwede ba! Bitawan niya nalang ako at wag na siyang magtanong pa dyan kung ayaw niyang sa kabaong ang diretso niya bukas!

"I said... let go of her." Ocampo's voice now sounds really dangerous. Kahit ako ay natakot.

Tumawa iyong lalaki. "Nauna kami dito kaya-"

He was cut off when someone grabbed him by his collar. Mabilis akong kinuha ni Ocampo sakanya nang mabitawan niya ako.

Ocampo placed me behind his back. Tiningnan ko naman si Damon na binigyan na ng malakas na suntok iyong lalaki.

Hinila na nila ako paalis ng dance floor at mas dinala ako sa mas tahimik at mas safe na lugar.

Ocampo turns to face me. "You okay?"

Tumango ako. "Y-Yeah."

Tumango rin siya at tiningnan kung may natamo ba akong sugat. Pinanood ko lang siya habang ginagawa iyon.

Hindi ko naman inaasahan na ililigtas niya ako. If it wasn't for him, baka kanina na ako pinagpyestahan dito lalo na't wala pa namang pakialam ang mga tao dito!

May silbi naman pala siya kahit papano.

"Thank you...?"

I can't keep on addressing him by his surname! I need to know his name!

Natigil siya sa ginagawa at napabaling ng tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumitifg muna siya sa akin, mukhang pinagiisipan mabuti ang sasabihin. His jaw clenched before he let out a deep sigh.

"Axel... Ma'am."

I tried to hide my smile. So, he's back to addressing me "Ma'am"? Buti naman at sinabi na niya ang pangalan niya sa akin. Madali rin naman palang kausap ang isang 'to.

"Thank you... Axel."

Walang emosyon siyang tumango at nag-iwas ng tingin.

"No problem, Ma'am."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top