Chapter Five

Song: September Song- JP Cooper

Plan

Matapos ang nangyari ay agad akong dinala ni Axel patungo sa parking lot. Ang ibang mga bodyguards ay nandodoon na at hinihintay kami. Nakapagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ni Kuya Sven.

Meanwhile, Kuya Sven is still missing! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko para mahanap ang isang 'yon! I just hope that he's not hurt or else I'll blame myself because he went missing!

I tried calling him a lot of times already pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. His friends even tried contacting him but he still won't answer!

Iba pala si Kuya Sven kapag nagseselos! Bakit ko pa kasi sinabi na bagay si Axel at Zia?! 'Yan tuloy ang nangyari!

Pinagbuksan naman ako ni Axel ng pinto ng kotse. Ngunit bago ako sumakay ay hinarap ko siya. He gave me a questioning look.

"Pwede bang wag muna tayong umalis? Susubukan ko lang ulit tawagan si Kuya Sven. We will not leave unless I know where he is."

Hindi agad siya nagsalita. Nag-iisip pa siguro ng isasagot. Some PSG at the palace already ordered us to go home since the news that Kuya Sven went missing already reached them. Nag-aalala siguro na pati ako ay madamay.

Maiintindihan ko naman kung hindi niya ako papayagan sa gusto kong mangyari. Kanina pa kami hinihintay makauwi sa palasyo. Hindi ko lang rin alam kung nabalitaan na ba ng mga magulang ko ang nangyari. At isa pa, hindi nga pala ako ang General para sundin niya diba?

"It's okay. Baka hinahanap na rin ako-" he cut me off when I was about to accept that he won't let me.

"You can call him. We'll just wait here until he tells you where he is."

Labis akong nabigla sa sinabi niya. I can't believe he just gave me permission! At akalain mo 'yun... hindi naman ako ang General pero sinunod niya ako! Wow! First time!

Nilingon ko sila Damon na mukhang nabigla rin sa pagpayag ni Axel. Inaasahan na siguro nilang aalis na kami dahil nga iyon na ang utos sa palasyo.

"O-Okay..." sabi ko sabay kinuha na ang aking telepono sa aking bag. Lumayo ako sakanila.

"Sir, hinahanap na po siya. Kailangan na nating-"

"Don't worry, Damon. Ako na ang magpapaliwanag sakanila." Narinig kong usapan nila habang palayo ako.

Hindi ako nagpahalata na narinig ko sila. Umakto na ako na naghihintay lang sa pag-sagot ng tawag ni Kuya Sven. I actually can't believe that Axel is taking my side all of a sudden. Akala ko talaga lagi nalang niya akong kokontrahin.

At dahil mabait siya sa akin ngayon... I changed my mind. Today won't be his last day. I decided to keep him for quite some time.

After its seventh ring, Kuya Sven finally answered my call.

"What took you so long?!" salubong ko matapos niyang sagutin ang tawag.

"I'm sorry, Aria..."

"Where the hell are you? Kanina ko pa kayo hinahanap! Kahit 'yung mga bodyguards mo ay nag-aalala na dahil hindi ka mahanap!"

"I'm sorry. I didn't mean to make you worry. I'm fine, Aria. I'm safe."

Umirap ako. Sasagot rin naman pala sa tawag pinatagal pa! He's making me so stressed out!

"Nasaan ka na ba ngayon? Pupuntahan ka namin."

Matagal bago siya sumagot. At first, I thought he doesn't want me to know. But from the moment he told me where he is, I suddenly felt so annoyed! Kaya pala matagal sumagot dahil alam niyang maiinis lang ako kapag nalaman ko kung nasaan siya.

"I'm... I'm home, Aria. Hehe. Sorry."

"WHAT?! YOU'RE HOME?! ARE YOU KIDDING ME?!" I shouted on the other line.

"I'm sorry! I was just so fucking frustrated! I didn't want to come back in that place so I decided to go home already!"

"Without telling me?! Oh, come on! I spent hours looking for you! I almost got in trouble because I went to the dance floor thinking that you were there! I was so freaking worried! Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo tapos ngayon nasa bahay ka lang pala! I hate you, Kuya Sven. I hate you."

Umiling ako. If I can only throw tantrums right now, I would. He's never been this frustrating! Ngayon lang! At dahil sa ano? Sa selos? My gosh!

"I'm sorry that it took me a while before I answer your calls. May inaayos lang."

I rolled my eyes. Edi sana pala kanina pa ako umuwi! Kung sana lang talaga sinabi niya kaagad na uuwi na siya, hindi na sana ako nahawakan ng mga kadiring lalaking iyon!

"Ugh! Never mind. Uuwi na kami! Kanina pa kami hinahanap sa palasyo!"

Hindi ko na siya pinasagot pa dahil binaba ko na agad iyong tawag. Kung hindi ko lang talaga mahal itong si Kuya Sven ay malamang sinapak ko na 'to! He should've told me! Maiintindihan ko naman!

Kinabukasan ay agad naman akong tinanong ng mga magulang ko tungkol sa nangyari. Axel must've told them already.

"Is everything okay? Are you hurt?" nag-aalalang tinanong ni Mommy.

I took a step back before she tries to check if I have some bruises. Nabigla naman siya sa ginawa ko.

"I'm fine, Mom. Dumating rin naman po agad 'yung mga bodyguards ko kaya ayos lang po ako." paliwanag ko.

"Mabuti naman kung ganoon..." aniya sabay baling ng tingin kay Axel at nagpasalamat.

"Good thing that you know some basic self-defense techniques. Mas mabuti siguro kung mas maitrain ka ng mga bodyguards mo dahil hindi sa lahat ng oras ay sila ang laging sasagip sa'yo." ani Daddy.

Hindi na ako nagsalita pa. Ganito naman lagi ang sinasabi niya. He's also the one who pushed me to learn some basic self-defense techniques! At ngayon, mas gusto niya pa atang mahasa ako doon!

Agad naman siyang humarap kay Axel. Axel suddenly became alerted. Lumapit siya sa amin nang tawagin siya ni Daddy.

"I want you to teach her more about self-defense. 'Yun ang pagkakaabalahan niya sa mga panahong wala kami dito."

Kumunot ang noo ko ng dahil sa sinabi niya. Aalis sila? Saan naman sila pupunta? At bakit hindi nila ako isama para sa ganon ay mas nababantayan nila ako! Tutal... 'yun naman ang gusto nila, e.

"Saan po kayo pupunta?" kuryoso kong tanong.

"We're going to Japan to meet their President. We'll be there for three days." aniya.

"So, I'm the only one who's going to be left here? Am I allowed to go out?"

"No," agaran niyang sinagot. Bumagsak naman ang balikat ko. "You'll be busy with your self-defense training. Sasabihan ko rin ang mga tao dito na wag kang hayaan na lumabas."

Napairap ako sa kawalan. Sa tingin ko nakita rin ni Daddy ang naging reaksyon ko pero wala naman siyang ginawa. Maybe he's already expecting this reaction from me.

"Dad, I can't just train for three straight days! I also need to-"

"That's my final decision, Aria. Sumunod ka nalang."

"Oh, come on." I whispered under my breath.

Hindi na ako naghintay pang dagdagan ang paalala nila dahil tumalikod na ako upang mag-tungo nang muli sa aking kwarto.

"Make sure to keep an eye on her. Report everything that she's doing here. I'll deal with her when we get back." narinig kong utos ni Daddy kay Axel.

"Yes, sir."

I stomped my feet on the ground, purposely making them feel that I was annoyed. Nakakainis! Three days silang wala at nagbabakasyon grande sa ibang bansa habang ako, nandito lang sa palasyo at nakakulong!

Well, I know they're going there for a business trip but leave me alone here with a lot of orders?! Akala ko ba naman magagawa ko kung ano ang gusto ko habang wala sila!

And gosh! Do they actually expect me train for three straight days?! Who the hell in their right mind would do that? Papagurin ko lang ang sarili ko!

So, what are we going to do now, Aria? Ano ang mga pinaplano mong gawin sa loob ng tatlong araw na mag-isa ka?

I can't help but think about sneaking out again. It's worth the try though! Tingnan natin kung magaling talagang magbantay ang mga bagong kuhang bodyguards.

Pero kung aalis ako, sino kaya ang pwedeng ayain? I haven't heard anythinf from my friends ever since the incident happened. Wala nga rin akong balita kung may nakulong ba sakanila o wala.

Ewan ko ba kung bakit ayaw nilang ipaalam sa akin kung anong nangyari.
Inabala ko nalang ang sarili sa pag-gawa ng bagong designs. I'm still going to try to push my own atelier. Kaya ngayon palang, kailangan ko nang gumawa ng maraming designs. Para kung pumayag man sila Daddy sa gusto kong mangyari, marami agad akong maipapakitang designs.

And also, there are a lot of people behind my back who's willing to help me. That's why I really need to make a move now.

Hahanap lang talaga ako ng tyempo na i-open sakanila ang topic. Maybe I'll wait until they're back. I really hope that they'll agree! I just can't wait and sit here until my father's term is over! Kailangan ko rin ng may mapagkakaabalahan!

Pero syempre ang kapalit ng pag-payag nila ay ang magpakabait ako... but how am I supposed to do that if I always have plans on sneaking out!?

But oh well, we'll take one step at a time. Kung magaling talagang magbantay itong mga bagong saltak na bodyguards, sigurado akong hindi ako makakatakas. Pero kung hindi naman, then... Bye! Hahanap na naman ng panibagong bodyguards itong si Daddy.

Gabi nang umalis ang mga magulang ko patungo sa Japan. Kaya nang gumising ako, hindi gaanong abala ang palasyo. Mag-isa akong kumain at agad akong naglibot sa garden.

My bodyguards are probably thinking that I'm here at the garden to casually walk around. But the truth is, I'm creating my game plan in mind. Hinahanap ko ang lugar kung saan ako pupwedeng magtago at ang lugar kung saan ako mas mabilis na makakalabas.

"Aria, baka gusto mo na daw mag-training ngayon. Pinapatanong ni Sir Ocampo."

Agad akong napalingon kay Andy nang kinuha niya ang atensyon ko. Hindi na talaga nag-asaya pa ng oras ang isang 'yon para sundin ang utos ni Daddy ha?

"Tell him that I'm not in the mood. Sa susunod na araw nalang kamo." I said and went back to looking for a good spot to hide later.

"Pero wala ka naman daw ginagawa kaya ngayon nalang daw-"

"Sabihin mo, wag niya akong pangunahan. Tinatamad ako at wala siyang magagawa tungkol don!" mataray kong sinabi.

Istorbo naman ang isang 'yon!

Nang makahanap na ng pupwedeng pagtaguan mamaya ay pumasok na akong muli sa loob ng palasyo.

Plano kong magtungo sa basement at dalhin doon ang kung sino man ang nakatakdang magbantay sa akin. Marami kasing makikita sa basement. That's where the former first ladies' collections are placed.

I bet they haven't been there. I'm sure they'll get amazed. Maraming mga gamit ang nandoon. Some are even very luxurious!

I cannot bring them to the Presidential Museum and Library since it is the only place here in Malacañang that's open to the public. At hindi rin naman ako kadalasang nagpupunta doon habang may tao.

Well, sometimes I do. Nagugulat na nga lang ang iba tuwing nagagawi ako doon. I greet some people and ask for their experience inside the museum.

Pero kung 'yun ang gagawin ko ngayon, malamang at nakabantay sarado sa akin itong mga bodyguards ko at hindi ko magagawa ang aking plano. It's better if I'll do my plan inside the main palace.

So, here's what I'm planning to do... I'll bring whoever is in charge to guard me to the basement. I'll try and make him get impressed by everything he sees inside. Then... I'll pretend that I found something to get my inspiration from.

I'll tell him that I forgot my sketchpad inside my room. Kapag pinayagan niya akong bumalik ay doon ko na sisimulan ang pagtakas. If I manage to go outside, I'll hide myself in the bushes.

I'll try and bring myself to the Presidential Museum and Library. If no one notices me, I'll blend myself in with the people.

And viola... succeeding this incredible plan is just a bonus.

Tsaka ko na iisipin kung saan ako pupunta. I need to bring money with me. I can't help but smile while thinking about my genius plan.

Nang makahanap ng tyempo ay lumabas na ako ng aking kwarto. Hindi ko pa nakikilala ang bodyguard na nakaassign sa akin ngayon. Tumayo siya ng maayos nang makita akong lumabas ng aking kwarto.

"Aria," I said and offered my hand to him.

"Joseph, Ma'am." he introduced himself then he accepted my hand. We shake each other's hands formally. Tumango ako.

"I'm going to the basement. You wanna come?" aya ko.

"What are you going to do there, Ma'am?" kuryoso niyang tinanong.

"I'm bored. May titingnan lang rin ako." ngumiti ako sabay tumalikod na. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin.

Joseph doesn't seem like he's skeptical about me. Akala niya may gagawin lang talaga ako doon out of boredom. I smiled.

This will be very easy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top