Chapter Fifteen
Song: Your Love- Michael Pangilinan
Breathtaking
Naging abala ako sa pagaasikaso ng pagbubukas ng atelier. Madalas rin na nandito si Kuya Sven upang pag-usapan ang plano. Minsan nga at dito na rin siya natutulog dahil ginagabi na sa dami ng pinaguusapan namin.
"Saan matutulog 'yan? Kasama niyo? Pwes! Hindi pwede." Pinandilatan niya ng mata ang kanyang bodyguard.
Napairap nalang ako sa kawalan. Imbis na natutulog na kami dahil gabing gabi na eto at nandidito kami sa headquarters ng mga PSG dahil ayaw ni Kuya Sven na kasama nila matulog si Zia. Sumugod pa talaga siya dito nang malaman niya!
"Pero, Sir, dito po ang kwarto ng mga-"
"Sinabi ko ngang hindi, e! Bakit ba ayaw niyong sumunod?" tumaas na ang boses ni Kuya Sven ngayon.
I immediately went to him before he lose control. Hinawakan ko siya sa kanyang braso at pinakiusapan na huminahon na muna siya.
"But, Aria, she's going to sleep in a room full of men! Siya lang ang babae doon! Baka kung ano pa ang gawin-"
"They won't harm me, Sir. I've been working with them for a long time now and no one-" Zia was just about to explain her side when Kuya Sven already thought of a rebuttal.
"Shut up. I don't need your reason. I want you to get out of here and find yourself a place to sleep!"
"But there isn't any room avail-"
"Fine!" pag-singit ko. "Zia will sleep with me inside my room."
"But, Ma'am-" nag-aalangang tumingin sa akin si Zia.
I raise my hand to stop her from speaking. I smiled to assure her.
"Don't worry, Zia, it's fine. Hindi titigil 'tong si Kuya Sven hangga't hindi niya nakukuha ang gusto. We all want him to shut up so we can all sleep now, right?"
"Aria, you!" I glared at Kuya Sven before he could say a word.
Kunwari pa siya! Alam ko namang gustong-gusto niya 'tong suggestion ko.
"Pero, Ma'am, nakakahiya-"
"Aba! Ikaw na nga 'tong-"
"Kuya Sven, please shut the hell up! Eto na nga diba? Ginagawan na ng paraan ang gusto mong mangyari? Kaya, please lang... manahimik ka muna pwede ba?" hindi ko na napigilan pa ang sarili.
Gosh! I'm exhausted from all the meetings that we did! Nagpunta pa kami ng shop kanina para tingnan ang progress ng design na ginagawa. Tapos tiningnan ko rin iyong mga design kong sinisimulan na nilang gawin!
Imagine all the things that I did today. I went home wishing that I could get a good and nice sleep on time pero sinira ni Kuya Sven ang plano kong iyon nang malaman niya na kasama si Zia sa mga matutulog sa headquarters!
"Come on, Zia. Just follow her. Get your things now and accompany them back inside the palace." Axel ordered.
Walang nagawa si Zia kung hindi ang tumango. Agad siyang tumalikod sa amin upang kunin ang kanyang mga gamit.
"Finally!" Kuya Sven exclaimed. Nagpakawala siya ng malalim na hininga.
"Masyado kang napapahalataan alam mo ba 'yon?" I hissed at him.
"What? I'm just trying to protect her?"
"Oh, come on! We all know that you're not only protecting her. Ayaw mong dito siya matutulog dahil puro lalaki ang kasama niya at nagseselos ka. Bakit? Hindi rin ba sa iisang kwarto sila natutulog sa bahay niyo?"
"No! Zia sleeps in a different room!"
My eyes widened a little at that. "Oh wow! Special treatment! Masyado ngang nahahalata."
"Tss." He rolled his eyes at me.
Naging suplado naman muli ang mukha niya nang lumabas na si Zia habang dala ang mga gamit niya. I sigh heavily. Nagkatiningnan naman kami ni Axel.
"Pasensya na sa abala. It's not our intention to disturb you all from resting. It's just that my cousin didn't like the idea that his first love-" hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko dahil mabilis na tinakpan ni Kuya Sven ang bibig ko.
"What she wanted to say was you can all go back to sleep now." Ngumiti siya na para bang normal na muli ang lahat.
Patuloy ako sa pagsasalita kahit na nakatakip ang palad ni Kuya Sven sa aking bibig. Tingnan mo ang isang 'to! He's obviously still into Zia but he's acting like she's out of his league! Akala mo talaga kinagwapo niya 'yang pag-acting niya ng ganyan, e.
I let out a deep sigh when Kuya Sven finally removed his palm out of my mouth. He wiped his palm off using his short. Ngumiwi siya at inasar ako.
"I hate you." I said. I turn my gaze towards Zia and asked her to come with us now.
Agad siyang tumango at nagtungo sa pwesto namin upang masabayan kami sa paglalakad pabalik ng palasyo. I glanced at Axel who seemed to be waiting for me to say something. I smiled a little.
"Good night."
It was obviously for everyone else! But why do I sound like I'm only saying it to only one person?
"Come now, Aria. Lumalalim na ang gabi hindi na 'to oras para makipagharutan-"
I hit him on his stomach. Napangiwi naman siya sa sakit. Kanina ka pa, Sven Isaac ah?!
Tumalikod na ako at hindi na siya hinintay pang makarecover sa pagsiko ko sakanya. Hindi naman ganon kalakas ang paniniko ko sakanya. Baka nagpapapansin lang 'to kay Zia kaya kunwari sakit na sakit talaga siya sa ginawa ko.
Nagulat na lang ako nang masabayan na niya kaming muli sa paglalakad.
"At kayo... wag kayong masyadong halata." bulong niya sa akin.
"Huh?" Kunot noo ko siyang nilingon.
"Masyadong halata na gusto niyo ang isa't isa, e."
I rolled my eyes. "Bullshit."
Kung ano-ano nalang talaga ang naiisip ni Kuya Sven! Gabi na oh! Di pa ba pagod ang utak niya sa kakaisip ng kung ano ano?
Hindi ko na hinintay pang makapagsalita si Kuya Sven dahil dali-dali ko nang hinila papasok ng kwarto ko si Zia nang makabalik na kami ng palasyo.
"Ah! Finally!" I said and immediately went towards my bed.
Nanatili namang nakatayo si Zia sa may pinto. Mukhang nahihiyang pumasok. I smiled at her.
"Come on, Zia. Mayroon ka nang higaan dito."
Lumunok siya at nahihiyang tumango. "I'm sorry for barging in, Ma'am."
"Don't worry about it. It's fine with me. Kuya Sven won't shut up unless you're out of that place."
Hindi naman siya nagsalita. Nilapag niya ang kanyang gamit sa sahig at tsaka naupo sa kutson na pinakuha kanina. Napansin ko naman ang pag-ikot ng tingin niya sa buong kwarto ko.
"Seems lonely, right?" Her eyes went towards me. "I'm sorry for the stacks of paper in the corner. I usually do all my works here kaya medyo... makalat."
Hindi ko rin naman kasi napaghandaan na may makakasama akong matulog sa kwarto ko ngayon! Sana at nakapagligpit muna ako kahit papano.
"Okay lang po, Ma'am."
Nahiga na ako sa kama at tinabunan na ang sarili ng kumot. I lay on my side, facing Zia.
"Wag kang mahihiyang magsabi kung may kailangan ka. You want another set of pillows?"
"No, no. It's fine. Nakakahiya lang kasi na makikitulog ako sa kwarto ng first daughter."
I chuckled. "Ano ka ba! It's not like you're a stranger to me! I've known you since we were little. You were my cousin's childhood friend. Ilang beses na rin tayong nagkikita noon kaya hindi ka na dapat pang nahihiya sa akin."
"Matagal na rin ang panahon na 'yon. Iba na ang estado mo ngayon."
"But that doesn't make me a different person, Zia. If I were to choose, mas pipiliin ko pa nga iyong buhay ko dati, e. The life that I have now sucks."
Nagpakawala lang siya ng malalim na hininga imbes na sagutin ako. Pinanood ko naman siya habang unti-unti nang nahihiya sa kutson.
Now that she's here... why don't I get this opportunity to ask her the questions that's been bugging me? Tinanong ko si Kuya Sven noon pero ang sabi niya si Zia nalang daw ang tanungin ko. Pero hindi naman din kasi kami madalas makapagusap kaya hindi ko rin natatanong.
Now is the best time!
"Zia, can I ask you a question?"
Nilingon niya ako at tsaka tumango.
"Sure, Ma'am."
"What made you decide to join the military?"
Mukhang hindi niya inaasahan na itatanong ko iyon. She looks taken a back. Ilang segundo na ang lumipas pero hindi parin siya nagsasalita. Maybe she doesn't want to talk about it.
"It's okay if you don't want to answer that. I'm just really curious. I mean, as far as I am concerned... joining the military wasn't your... dream."
Sa pagkakaalala ko gusto niyang maging abogado. Hinahangaan niya kasi si Tita Astrid, iyong nanay nila Kuya Sven. She's one of the best prosecutors in the country!
But unfortunately, her profession is the reason why she's gone now. Sa galing niya at sa dami ng kinalaban niya, marami ang nagtangka sa buhay niya. She was shot in front of their house. Kuya Sven was only eighteen years old when she died.
"I have no choice. May nag-offer sa akin na pumasok ng PMA. I took the opportunity because of the benefits that I could get once I graduate. Tulong na rin para sakanila Tita."
"Oh... pero buti nalang at nakaya mo doon! You must be that brave and strong to finish and graduate from PMA!" nakangiti kong sinabi. A ghost smile appeared on her lips.
"It's the only chance I got to get an education. I couldn't afford to get that chance to slip away."
I know how important education is for everyone. Ito ang kamayaman na hinding-hindi kayang nakawin ng kung sino sa atin. Marami ang nangangarap na makapasok sa eskwelahan kaya dapat hindi rin natin inaaksaya ang oportunidad na ipinagkaloob satin para makapagaral.
"I'm proud of you." Sabi ko.
"Hmm?"
"I'm proud that you still choose to pursue military even though it wasn't your dream. Sana kaya ko ring gawin 'yan. Sana kaya ko ring tanggapin na minsan, sa buhay natin, hindi lahat ng pinapangarap natin ay matutupad."
"Ano pa ho ba ang pangarap mo, Ma'am? You seem to have everything now. You're also going to open your own atelier now. Isn't that what you want?"
"I know. But my dream doesn't stop there. I still dream of tasting my own freedom. I still dream of doing things on my own. I dreamed of... being happy."
"We all dream of being happy. I dream of that, too." she smiled sadly.
I scoff. Oh, the fragile girls that we are!
"Axel seems to be fond of you, by the way." She said, changing the topic.
"He should be. I'm his boss."
"I mean he's fond of you in a different way."
I couldn't help but laugh this time. Parehas sila ni Kuya Sven! Gumagawa ng issue!
"Issue naman 'to." Sabi ko habang natatawa.
"Totoo! I've known him as someone who strictly follow the rules. Utos samin na matulog sa headquarters. He has the right to stop Sven from getting what he wants pero hindi niya ginawa dahil sa utos mo."
"Well... he should follow me?"
"I believe that he mentioned to you that he only follows rules from the General and from the President."
How can I forget about that? Inis na inis ako sakanya dahil hindi niya magawang sumunod sa utos ko! It's like I need to be a General or the President first before he decides to follow me!
"Of course he did! Kahit ngayon naman hindi niya parin ako sinusunod."
"Akala mo lang..." natatawa niyang sinabi. "Ang bilis mo nga siyang napapayag na sundin nalang ang gustong mangyari ni Sven, e. I have no choice but to follow him, too."
"Siguro kasi alam niyang hindi talaga titigil si Kuya Sven-"
"Whatever you say, Ma'am. Axel just don't follow rules from anyone easily. Except... again from the General and the President or anyone who has a higher position than him."
Umiling ako. Hay nako! Magsama sila ni Kuya Sven. Parehas nila kaming ginagawan ng issue ni Axel. Ngumuso ako. I rolled my eyes at her playfully.
She smirked. Umiling siya at inayos ang pagkakahiga.
"Whatever you say rin, Zia." Sabi ko at nagkunwaring nagtatampo. "You should sleep na nga! Gising ka pa pero nananaginip ka na. Delikado 'yan."
Zia chuckled lightly. After we exchanged good nights, that's where I finally drifted off to sleep.
Months after planning and checking for the progress of my own atelier, the day that I've been waiting for has finally arrived. Today, my childhood dream will turn into a reality. I finally have my own atelier. I can finally run a business of my own.
None of this would be possible without the help of my very, very supportive cousin. He was really hands on with everything. Kahit iyong photoshoot kay Fallon ay siya rin ang nagasikaso.
I'm really, really happy that my designs turned out really well. I handpicked all the fabrics that we've used. Kahit ang ibang pangdisenyo ay ako rin ang pumili. Some of them are even from abroad! Ayoko rin kasing masabi lang na puchu-puchu lang ang gawa ko.
I want my brand to be known for its quality and not because I'm the daughter of the President of the Philippines.
I personally designed the dress that I'm wearing for today's opening. Kahit iyong suit ni Kuya Sven ay ako rin ang may gawa. I saw him a while ago and he looks dashingly handsome in it.
May mga tao rin na nagpunta dito upang ayusan ako. I told my mother that I can do it, but she refused. May styling team nga rin siyang kinuha. Akala mo talaga napakalaki ng event na ito.
My parents promised me that they'll come. They have a scheduled meeting and conference for today but they promised me that they'll make it on time.
"Makakaabot kami, Aria. Baka nga hindi pa nagsisimula ang event mo, nandoon na kami." Natatawang sinabi ni Mommy. I smiled a little.
I don't usually believe them when they make a promise. Madalas kasi hindi naman nila natutupad iyon. But this one's different, I feel like they're really keeping this promise. At tsaka matagal na naman nilang alam kung kailan ang magiging opening ng atelier ko.
Kakatapos ko lang ayusan nang pumasok si Mommy sa kwarto ko upang tingnan ang nangyayari. The make-up artist and hair stylist did a simple look on me. Hindi naman masyadong over ang make-up sa akin. They only did a glittered eye make up and they put my hair up in a pony tail. May iilang tikwas rin silang kinuha at kinulot ito.
"Oh my! You look so pretty, my dear!" she squealed out of excitement.
Nilingon siya nung make-up artist na kinuha niya. "Syempre naman, Madame! Kamukhang kamukha niyo nga po siya, e."
Pabiro siyang hinampas ni Mommy sa kanyang balikat. "Eto naman... nambola pa."
Hindi umalis si Mommy ng aking kwarto hangga't hindi ako natatapos ayusan. Matagal pa naman bago ang opening pero nag-ayos na ako dahil may interview ako para sa isang magazine. Mahaba haba pa ang oras kaya panatag ako na makakapunta talaga sila Mommy.
"Hindi po ba kayo kailangan sa meeting ni Daddy?" tanong ko.
Nakakapagtaka kasi na ang tagal na rin nananatili ni Mommy dito. I'm sure she also has a lot of things to do!
Umiling siya at ngumiti sa akin. "Sa conference lang ako kailangan. I'll be there to accompany him."
Tumango ako at ngumuso. Pinatayo naman ako ng stylist upang simulan na niya ang kanyang trabaho. May mga nakahilarang alahas sa harap namin. Tinitingnan niya kung anong alahas ang babagay sa ayos ko ngayon.
I'm still wearing my bathrobe though. I'm sure iisa lang naman ang inaabangan ni Mommy. 'Yun ay ang makita na suot ko ang sarili kong disenyo.
I went inside mg bathroom to wear the dress. Kasama ko ang isa sa mga stylist sa loob at tinulungan niya akong suotin ang damit. Lahat sila ay nasa pinto at naghihintay sa paglabas ko. My mother immediately stood up from my bed once she sees me.
"You are so beautiful! This dress perfectly fits you well!" aniya sabay pinasadahan ng kamay ang suot kong dress. She smiled widely at me. "I'm sure everyone will be so amazed with all your designs! Kung ito pa nga lang dress na suot mo ay kamangha-mangha na, ano pa kaya ang iba?"
Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Bakas sa mukha niya ang labis na kasiyahan para sa akin. I know she's trying hard to compensate the time that we lost. Ramdam kong gusto niyang makabawi sa akin.
"Thank you, Mom..." sabi ko.
She quickly raise her gaze at me, mukhang nabigla sa sinabi ko. Unti-unti naman siyang napangiti. She brushes my cheek using the back of her hand.
"You're welcome, sweetheart."
Pagkatapos noon ay nagpatuloy na sila sa pag-aayos sa akin. Mommy left my room when it's time for them to go. Sumilip rin si Daddy kanina upang magpaalam.
Pansin ko naman na sinusubukan ni Damon na sumulyap sa loob ng kwarto ko habang nakasilip si Daddy. He even tip-toed just so he could catch a glimpse of what I look today. I smirked.
Nang makita niya ako ay nanlaki ang kanyang mga mata. Malawak na ngiti ang ibinigay niya sa akin at tsaka nagthumbs up. I chuckled lightly. Akala tuloy nila Daddy kung ano na 'yung tinatawanan ko.
"Oh well, I just came here to check on you. You look so beautiful, hija. I'll let your bodyguards know if we're already at the venue," ani Daddy. "Take care and good luck on your event today."
I smiled a little at him. Nang umayos siya ng pagkakatayo ay napaayos rin si Damon sa kanyang pwesto. My father's PSG opened the door widely for him. I saw Damon greeted him. Bahagya namang yumuko si Daddy upang batiin siya pabalik.
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil sinara na muli ang pinto.
The baby pink dress that I'm wearing shows a little skin but it still looks conservative. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Ano kaya ang sasabihin niya sa ayos ko ngayon? Will he find me pretty?
Oh shut the hell up, Aria! Bakit mo ba iniisip kung ano ang magiging tingin niya sa ayos ko ngayon? Ano naman diba? It's not like I'm dressing up for him naman?
"I look okay, right?" hindi ko maiwasang itanong sa mga stylist dahil sa naiisip ko.
They chuckled lightly because of my question. I pouted.
"Don't worry, Ma'am, you look very beautiful!"
"Nagpapaganda ka ba para sa isang tao, Ma'am? Tara at ayusin pa natin para mas lalo kang gumanda!" biro ng bakla kong make-up artist.
Pabiro ko siyang pinalo sa braso. I laughed. "Huy wala noh!"
Biniro nila ako at inasar sa kung sino-sinong artista. Pilit nilang hinuhulaan kung sino ba iyon. Little do they know... the man I'm referring to is one of my bodyguards.
Nang kumatok ang butler sa aking kwarto ay agad naman akong tumayo. The stylist asked if she could take a picture of me. Kahit iyong make up artist ay kinuhanan rin ako ng litrato.
"Naku! Baka magtrending pa 'tong picture na 'to dahil sa sobrang ganda mo, Ma'am!"
Ngumiti ako. Mga bolera!
Nauna silang lumabas sa akin. Tiningnan ko naman muli ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas. The hairstylist held the door for me. Nginitian ko siya at nagpasalamat.
Gaya ng inaasahan, si Axel na nga ang nakaatas na magbantay sa akin ngayon. Nakita ko ang pagpasada ng tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. I smirked.
Maarte akong pumamewang at tinaasan siya ng kilay. "What do you think?"
Tinitigan niya ako. Nang dahil doon ay agad akong nagsisi sa tanong ko. What if he doesn't find me pretty? Damn! That would make me lose confidence!
Ang dami ko nang natanggap na compliment ngayong araw pero di ko akalain na kayang kaya sirain ng iisang tao ang lahat ng 'yon. It's like out of all the compliments that were given to me today, his' will matter the most.
"You look..." I raised a brow, slightly anticipating for his answer. "Okay."
Agad na bumagsak ang balikat ko nang dahil doon. Ngumuwi ako at inirapan siya. Okay?! 'Yun lang?!
"Tss."
Tumalikod ako at bumaba na ng hagdan. At least he actually thinks that I look okay, right? Hindi niya naman sinabing pangit ako kaya... okay na rin siguro iyong sinabi niya.
I greeted the people who's going to interview me today. Nabasa ko na rin ang mga tanong na gusto nilang itanong sa akin at may mga bagay na inapprove ako at may mga bagay rin na hindi-lalo na kung personal ito na bagay.
They asked me about my plans, how is it like living as the first daughter, my aspirations and so on... akala ko hanggang doon nalang ang tanong pero nagulat ako nang may idinagdag iyong interviewer.
"Are you seeing someone right now, Ma'am?"
Bahagyang namilog ang mga mata ko nang dahil doon. Na-on the spot ako ha?! Hindi ko naman inaasahan na ganitong tanong ang idadagdag niya.
"I'm sorry if this startled you. I'm just really curious, Ma'am. It's okay if you don't want to answer that." Nahihiyang tumawa iyong interviewer.
"No, it's fine," agap ko. "And to answer your question... no. I'm not seeing anyone at the moment."
Hindi ko naiwasang mapasulyap sa gawi ni Axel nang sinagot ko iyon. Nakatingin lang rin siya sa akin at mukhang nakikinig sa pinag-uusapan namin. Damn it! I should stop looking at him! Wala naman siyang kinalaman sa tanong!
The interviewer pouted. "Sayang. Akala po namin meron since you look blooming and very inspired. You glow differently than those people who are in a relationship."
"Oh... thank you. That's really flattering."
"I'm sure, Ma'am, there are a lot of guys who's been dying to meet or see you. Malay mo isa na pala sa mga 'yon ang makatuluyan mo."
Ngumisi ako at umiling. "I don't really have the time to see someone right now. I'm busy building my dreams and... I don't think my parents will like the idea. At isa pa, darating din naman ang tamang panahon. I don't need to rush things. Kung may dadating naman, hindi ko naman babalewalain."
The interviewer nods her head. Sinulat niya iyon at tsaka ngumiti sa akin.
"Thank you so much for your time, Ma'am. It is really a privilege to interview you for our magazine."
"It's my pleasure. Thank you."
I stood up to shake her hand. Kinamayan ko rin ang iba niyang kasama. When we finished, someone immediately guided them towards the exit. I checked the time. Ilang oras nalang bago ang event. I'm sure it's traffic kaya ngayon palang ay kailangan na namin umalis.
"Is the car ready?" I asked Axel.
"Yes, Ma'am." Tumango ako at lumabas na ng silid.
I went straight towards the main door. Pinagbuksan nila ako at unang bumungad sa akin ay ang mga nakahilera kong bodyguards. Their eyes immediately darted towards me. Some even widened their eyes, nagulat siguro sa itsura ko ngayon.
Damon is already beside our car. Siya iyong magbubukas ng pinto para sa akin. When I reached the ground, he smiled at me.
"You look very beautiful today, Aria." Maligaya niyang sinabi. I smiled in return.
"Thank you! At least I don't just look okay for you." I said while emphasizing the word "okay". I'm pretty sure Axel heard that. Nasa likod ko lang naman siya at sigurado akong matalas ang pandining niya.
I don't know why I suddenly felt so bitter about him saying that I only look okay?! May kanya-kanya naman din kasing perspective ang tao. Hindi ko naman kailangan na ipilit na sabihin niya kung ano ang gusto kong marinig galing sakanya!
Ugh! Goodness! This is so not me.
Damon opened the car door for me. Kasabay naman noon ay ang pagpasok ni Axel sa front seat. The driver isn't here yet. Sinara ni Damon ang pinto at tsaka may inutos sa iba pang bodyguards.
I was busy fixing my seat belt when Axel spoke. Natigilan ako at napatitig sakanya.
"I was kidding when I told you that you only look okay," he started. "In fact," he paused for a while. Nagkatinginan kami sa rear view mirror. "You look breathtaking."
My mouth parted in surprise. Mamaya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Kasabay noon ay unti-unti kong pag-ngiti. I saw him trying to stop himself from suppressing a smile.
I bite the inside of my cheek to make it look like I wasn't affected at all! When in reality, my heart is screaming with joy!
"Oh..." I said. "Buti naman at napansin mo 'yon. Nag-effort pa naman din akong magpaganda para sa'yo."
He forehead creased a little. Ramdam ko ang pagpigil niya sa sarili na lingunin ako. I smirked.
"Just kidding." I added. He rolled his eyes playfully at me.
Nag-iwas na ako ng tingin sakanya sa rear view mirror dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa pag-ngiti! What the hell is happening to me?!
Kahit nakapasok na ang driver at ang ibang bodyguard ay hindi ko parin magawang alisin sa isip ko iyong sinabi ni Axel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top