Chapter Eighteen

Song: Best Part of Me- Ed Sheeran ft. YEBBA

Visit

Habang hawak ang palapulsuan ko ay hinila ako ni Axel palabas ng restaurant. Mabilis niya kaming naiwala sa lahat ng mga sumunod sa amin.

Habang patuloy niya akong hinihila palayo ay nagpatuloy rin ako sa pagtatanong sakanya.

"What are you doing here? How did you find me? Alam na ba nila Daddy na wala ako? Sino nagsabi sa'yo na pupunta ako dito? Si Kuya Sven ba?"

Sunod-sunod ang pagtatanong ko sakanya at ni isa sa mga tanong na iyon ay wala siyang sinagot.

"Hey!" sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya para matuon ang atensyon niya sa akin pero mas lalo niya lang hinigpitan ito.

Mamaya-maya pa ay tumigil kami sa tapat ng isang itim na sasakyan. Pinatunog niya ito at binuksan ang shotgun door para sa akin.

Hindi ako pumasok gaya ng inuutos niya. I crossed my arms over my chest.

"Are you still not going to answer my questions? Ang dami kong tanong pero wala kang sinagot."

He looks at me and sighed. Lumapit siya sa akin. Inabangan ko naman ang susunod niyang kilos.

My eyes slightly widened when he fixed my cap for me. Inayos niya rin ang gulo-gulo kong buhok at ipinirmi ito sa likod. He leveled his eyes to me. I pouted.

Hindi ko magawang maipakita sakanya na medyo bumilis ang pagtibok ng puso ko nang dahil sa ginawa niya. I acted like everything's normal when in fact I surely think that my heart pumps blood more than it should.

"I'll answer all your questions on our way back. Right now, we have to get out of here and go back to the palace."

"But I don't wanna go home yet," sabi ko na parang bata na ayaw pang umuwi galing ng school. "I still have to work at the atelier so..."

"Then we'll go to your atelier."

"I don't— I don't wanna work yet either."

Axel sighed heavily. Nanahimik siya sandali na para bang nag-iisip ng paraan.

"Where do you want to go?"

"I don't know. Anywhere?"

"And where is that anywhere huh, Aria?" he smirked.

I rolled my eyes at him. Ngumuso ako at sinamaan siya ng tingin.

"I don't know! I just don't want to go back home yet..."

Iminuwestra naman ni Axel ang pinto ng sasakyan sa akin. I raised a brow.

"Then get inside. We'll talk about it once we're on our way."

"So, you're not bringing me home yet are you?" I asked. Axel nods his head. Agad akong napangiti nang dahil doon.

Dali-dali naman akong pumasok ng sasakyan. Buong akala ko nandito rin si Manong Rey kaya laking gulat ko nang si Axel ang pumasok sa driver's seat.

Sobrang sabog ko na ata para hindi marealize na kaya niya ako pinagbuksan ng shotgun door kanina ay dahil siya ang magmamaneho.

Axel immediately started the engine and quickly drove away from that place. Nag-umpisa na ulit akong magtanong sakanya.

"The grab driver that you booked posted a picture of you with him on his Facebook account. The post immediately reached us and before we were even instructed to do something, I went here as fast as I could before anything bad happens to you."

Nagulat ako sa sinabi niya. Pinakita niya rin sa akin iyong post nung grab driver sa Facebook. This was posted an hour ago pero libong likes na agad ang tinamo nito.

Morning ride with the first daughter 👍 #FeelingPrivileged

I almost laughed at the caption that the grab driver wrote. Madaming nagcomment sa post na iyon. Ang iba ay namangha dahil hindi nila inaasahan na magggrab ako.

"What if I didn't come there on time huh? You were almost mobbed by those people. What has gotten into you? Why did you sneak out again?"

I was so surprised with his calm tone. Parang nagsisisi na tuloy ako sa ginawa ko nang dahil sakanya. Parang dati lang pinagduduldulan niya pa sakin lahat ng pagkakamali ko. Pero ngayon, he remained calm and composed while he's scolding me.

"I couldn't sleep and... I'm... I'm a little upset about what happened last night. You were there when my parents and I had a confrontation so you probably know now why I am upset."

I stared outside the window. Hindi parin namin napapag-usapan kung saan kami pupunta ngayon. He just kept on driving. Baka mamaya magulat nalang ako nasa Batanes na pala kami.

Natahimik ang paligid. Axel didn't try to speak again. Sa pag-tingin ko sa labas ng bintana ay narealize ko na...

"It's your day off today! What the hell are you doing? Why are you still working?" halos pasigaw ko nang tanong.

Axel chuckled because of my sudden outburst.

"You were reported missing so I-"

"What the hell! Bakit hindi mo sinabi sa akin na day off mo? Bring me back home now!"

"It doesn't matter. It's fine. So, where do you wanna go now?"

"I don't know!" nilakihan ko siya ng mata.

I'm slightly panicking because today was supposed to be his day off pero pinagkait ko pa ang araw ng pahinga niya sakanya dahil lang sa ginawa kong pagtakas.

"Gosh!" I ran my fingers through my face at frustrated na pinisil ang sarili. "I didn't mean to take this day away from you."

"It's fine. Don't worry, Aria."

"No, it's not..." ngumuso ako. I don't know how to make it up to him. I feel bad! I should've known! Hindi sana ako nagpadalos-dalos.

"Alam ko na kung saan tayo pupunta!"

"Where?" bahagya niya akong nilingon.

"Sa inyo!"

Axel quickly shakes his head. "No, it's not safe for you. Magulo doon."

"Pero kanina ka pa nagtatanong kung saan tayo pupunta diba? Kaya ayan sinagot ko na! Gusto kong magpunta sainyo para masabi mo na rin na hindi nasayang 'tong day off mo nang dahil sa akin."

"We can just go to the mall, Aria-"

"But wouldn't it be too risky? Madaming tao doon. Kung sainyo tayo, I promise to just stay inside your house. Wala akong gagawin doon."

"Still no."

"Why?!" dismayado kong sinabi.

"Hindi kasing laki ng bahay niyo ang bahay namin."

"And so? Wala naman akong pakialam doon."

"Still, Aria..."

"Please, Axel..." I gave him my cutest puppy eyes. Damn, if this won't work for him then I quit. I only embarrassed myself in front of him.

Axel looks hesitant for a moment. I smiled to myself. Konti nalang bibigay na 'to...

"Plus I want to meet your family! At tsaka, di na rin masama kasi... nakadisguise na ako at hindi rin naman ako kapansinpansin."

I tried so many reasons until Axel finally agreed.

"Yes! Thank you! Thank you!" inuga uga ko siya nang dahil sa sobrang tuwa.

"If you won't stop shaking me, you're going to put us in danger."

"Oopps... sorry." I giggled.

Nag U-turn siya at mabilis na nagmaneho patungo sakanila. Apparently he lives in Antipolo. Ngayon ko narealize na mahaba pala ang ibinabyahe niya sa tuwing umuuwi siya. Kaya pala maaga rin siyang umaalis.

May kalayuan sa bayan ang bahay nila. Maraming tao ang nasa paligid at maraming bata ang naglalaro sa kalsada. Kinailangan niya pang bumosina para lang padaanin siya ng mga ito.

I roamed my eyes around the area. I've never been to this kind of place. Surely my father's been here when he's still campaigning.

Hindi naman ito mukhang skwater's area. May mga bahay namang magaganda at malalaki. Pero may mga bahay rin na hindi.

Axel's house is in the middle of it. Katamtaman lang ang laki at maayos naman ang itsura. May maliit na canteen sa harap nito at nakita ko ang isang matandang babae na nagsasandok ng pagkain na inorder sakanya.

He stopped the car just near their house. May mga napabaling sa gawi namin dahil siguro kapansinpansin iyong sasakyan pero kalaunan ay binalewala na ito at bumalik na sa ginagawa.

Naunang bumaba si Axel. Sumunod naman ako at inayos ng mabuti ang cap na isinuot ni Axel sa akin kanina. Lumapit siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. His body is enough to hide me from those people who are now glancing at us.

"Hoy, Axel! Ngayon ka lang namin nagkita na nag-uwi ng babae ah? Baka naman magselos na si Patty niyan! Pakilala mo naman kami dyan!" sigaw ng isang manong.

Hindi siya pinansin ni Axel at nagpatuloy lang sa paglalakad papasok ng bahay nila. He placed his hand on the small of my back to guide me as we enter their territory.

Nang dahil sa pagpasok namin ay natigil ang matandang babae sa kanyang ginagawa. Pinatuyo niya ang kanyang kamay sa apron na suot at tsaka naglakad patungo sa amin.

Lumapit sakanya si Axel at nagmano. Gagawin ko na rin sana iyon pero nag-salita na agad siya.

"Akala ko hindi na tuloy ang pag-uwi mo ngayon, hijo. At... s-sino itong kasama mo?" sinubukan niya namang silipin ang itsura ko sa likod ng suot na cap.

"La, mas mabuti pang sa loob na po muna tayo." Aya ni Axel sakanya.

Walang nagawa ang matandang babae at pumasok nalang sa loob ng bahay dahil sa sobrang kuryosidad.

"Axel, hijo, kung ito ay girlfriend mo na ay bakit hindi mo naman-"

"La, hindi po..." he chuckled. "Siya po iyong binabantayan ko sa trabaho."

"H-Ha?!"

Inalis ko ang cap na suot dahil sa tingin ko ligtas na naman na na ipakita ko ang mukha ko dahil nasa loob na naman na kami ng bahay at wala nang iba pang makakakita sa akin dito.

Axel's grandmother's eyes widened. I smiled. I offered my hand to her as I introduced myself.

"Good morning po. Ako po si Aria."

Hindi makapaniwala niya akong tiningnan at tsaka unti-unting napaatras nang dahil sa gulat.

"Harujusko! Axel! Bakit di mo naman sinabi... ay jusko! Nakakahiya! Sana nakapaglinis ako ng bahay! Ang kakalat pa naman ng mga pamangkin mo at-"

"No, it's okay lang po. I don't mind." Pagpigil ko sakanya. She slightly panicked when she realized that it was me... the president's daughter.

"Hindi, Ma'am! Nakakahiya ho talaga! LANDON!!!" sigaw niya. Agad kong narinig ang mga yabag ng paa na pababa na ng hagdan ngayon.

"Bakit, La? Anong problema?" nang magawi ang tingin niya sa amin ay napaatras siya. "Ay juskolord! Ang anak ng presidente!"

Lumapit sakanya ang Lola ni Axel at tsaka pinalo ito.

"Wag ka nang maingay! Mag-walis ka dito at nakakahiya! Ang kalat ng bahay!" she hissed at him.

Landon scratched the back of his head. Nahihiya siyang ngumiti. "Opo, sige, La..."

Tumingin siyang muli sa akin. I smiled at him. I wonder what is his relation with Axel? He looks so much like him. Kapatid niya kaya ito?

He crouched a little as he offered his hand to me. "Landon Ocampo nga po pala. Kapatid ni Kuya Axel."

Oh... so that answered my curiosity.

"Aria. Nice to meet you." Ngumiti ako sakanya muli at tinanggap ang kanyang kamay.

Kung di pa siya hinila ng lola niya ay hindi siya aalis sa harap ko. Bahagya siyang tumawa.

"Excuse me po, Ma'am. Hehe..." aniya habang dahan dahan na lumalakad paatras sa amin.

"Ganda niyo po!" habol niya. Binatukan naman siya ni Lola nang dahil doon. "Aray naman, La!"

"U-Uh... Ma'am, upo ka po," iminuwestra ng Lola ni Axel sa akin ang kanilang sofa. "Ano ho ba ang gusto niyo? Tubig, kape, juice, softdrinks?"

"Kahit ano nalang po."

Tumango siya. Hindi niya alam ang uunahin. May mga nabili sa canteen nila pero buti nalang at may nagaasikaso doon para tulungan ang Lola ni Axel.

"Halika, Axel, at tulungan mo akong ihanda ang pagkain ni Ma'am."

Yumuko siya at dumiretso na sa kusina nila. Pinagalitan niya muna si Landon na tahimik na nag-wawalis. I heard her warning him to sweep the floor properly. Napakamot nalang ng ulo si Landon.

Tiningnan naman ako ni Axel. I raised a brow at him. "Stay there for a while. I'll be back."

I nod my head.

Habang wala siya ay inilibot ko ang tingin sa kanilang bahay. Hindi man bago ang ibang gamit, halos kumpleto naman ito. Their TV is placed near their window and the sofa that I'm sitting in.

Sa tapat naman ng sofa na inuupuan ko ay ang kanilang dining table. Base palang sa itsura nito ay antique ito at mukha talagang matibay. Their house has a lot of antique cabinets. Wari ko, maraming gamit ang nakalagay dyan. Very Filipino.

My eyes darted towards their wall. Doon nakasabit ang mga graduation photos nila. Marami ang nakasabit doon at halos picture iyon ng mga pamangkin ni Axel. Most of them are from kinder and elementary. Iisa lang ata ang nakita ko na mayroong graduation picture noong High School at si Landon pa.

Ilan ba silang nakatira dito? Mukhang marami-rami din ah at puro bata. Buti ang hindi ganoong nasstress ang lola ni Axel.

Sa dinami-rami ng mga litrato ng nandoon sa dingding, sa iisang litrato lang tumagal ang tingin ko. Ang picture ni Axel mula sa PMA ang pinakamalaki doon.

His brows are furrowed a little and his lips are protruded. In all fairness, he looks really handsome in this picture.

Nawala lang ang tingin ko doon nang bumalik na siya mula sa kusina. Dumaan naman sa likod niya si Landon na may dala ng basura ngayon. He smiled at me again.

Nilingon naman siya ng kapatid bago ibinaling muli ang tingin sa akin. Ibinaba niya ang pagkaing hinanda ng Lola niya para sa akin.

"Sana kumakain ka nyan." Sabi niya.

I almost laughed. What does he think of me? A high maintenance girl who wouldn't dare to touch or even eat pansit?

"Of course, I do! It's my favorite."

Dahil nga lumaki ako na kasama lang ay ang mga katulong, nakasanayan ko rin kainin ang mga pagkain na paborito nila, gaya nito.

Siguro isa 'to sa mga binebenta nila sa maliit nilang tindahan dyan. Mukhang sikat iyon dito. Marami ang nabili kahit na umaga palang. Ano pa kaya kapag nakapagluto na sila ng ulam na pananghalian?

Axel sat on the sofa beside me. Kinuha niya rin ang kanya at tsaka ako sinabayan sa pagkain.

"Ma'am, kung gusto niyo pa po ng pagkain, meron pa ho kami dyan sa labas." Ani ng Lola ni Axel sa akin.

Nagulat naman ako sa pagiging pormal niya sa akin. Ayoko na masyadong mataas ang tingin nila sa akin, just because I'm the president's daughter doesn't mean they have to be so formal to me. I want to be treated normally.

"La, Aria nalang po. Masyado naman po kayong pormal." I chuckled lightly. Bahagya siyang natawa at napasulyap sa kanyang apo.

"Naku! Nahihiya kasi ako, e. Pasensya ka na kung ganito pa ang inabutan mo sa bahay. Ay teka! Ipapakilala ko rin sa'yo ang iba kong apo. LANDON!!!"

"Oh, La?! Ano naman at pangalan ko nalang lagi ang sinisigaw mo?" he scratched the back of his head again.

I pressed my lips into a thin line. I realized that Axel and his brother are completely different. Mas seryoso si Axel habang si Landon naman ay parang may pagkapalabiro at makulit.

Inutusan siya ng kanilang Lola na tawagin ang ibang bata dahil ipapakilala daw ito sa akin.

"How old is your brother?" I asked Axel. He raised a brow.

"Why?"

"Wala lang. Mukha kasing malaki ang age gap niyo."

"Yeah, I'm eight years older than him."

I rolled my eyes. Why can't he just tell me how old is his brother? Why the need to make me do the math?!

As far as I know, Axel is already twenty-nine. So if he's eight years older than Landon, then he must be twenty-one years old now! He's probably still in college.

"Ohh... now I know. I'm only three years older than him." I said.

His forehead creased because of that. Nagtataka niya akong nilingon at tsaka ako tinaasan ng kilay.

"Why? Are you planning something?"

"Of course not! If you're thinking na may plano akong patulan ang kapatid mo, then you're wrong. I like you better than him." Mapangasar ko siyang nginitian.

"Tss..." he said then he rolled his eyes.

I laughed because of his reaction. Pabiro ko siyang tinulak.

"Eto naman! Badtrip agad!"

He continued ignoring me kahit na patuloy ako sa pang-aasar sakanya. Natigil lang nang marinig ko na ang panenermon ni Lola Guada.

"Naku! Kayong mga bata talaga umagang-umaga at ang dudugyot niyo nang tingnan! May bisita pa naman din at-"

Hindi na napigilan pa ni Lola Guada ang mga apo na pinupunasan niya ng pawis nang kumaripas ito ng takbo patungo sa amin.

"Tito Axel!"

The time almost stopped when I saw Axel smiled widely at them. This is the first time I've ever seen him smile like this. My mouth parted a little in surprise.

He seems to be really close to his nephews. Sinalubong siya ng mga ito ng yakap. Tatlo sila at mukhang mahaharot. Ngayon ko lang napansin na ang dalawa pala dito ay kambal. Puro lalaki pala sila dito sa bahay nila. Buti at hindi sumasakit ang ulo ni Lola Guada.

"Kumusta?" tanong niya sa mga bata.

"Okay lang, Tito Axel! Ang sabi ni Lola kanina hindi ka daw makakauwi kaya lumabas kami at naglaro. Kung alam lang namin na makakauwi ka pala sana hinintay ka nalang namin!" ngumuso ang isang bata.

"Oonga! Pero okay lang at least nakauwi ka!" tumawa ang mga bata at niyakap muli si Axel.

The other twin turns his head at my direction. Nagulat siya at mabilis na kumalas sa pagkakayakap kay Axel.

"Uy! Babae!" aniya sabay tinuro ako.

"Girlfriend mo ba siya, Tito Axel?" tanong ng isa. Nang dahil sa salitang girlfriend ay sabay sabay nang-asar ang mga bata sakanya.

"Ayyyiiieee!"

Tumawa lang si Axel at tsaka ako tiningnan muli. He waited for me to do something.

"Hi!" bati ko sakanila. I smiled. "I'm Ate Aria at kaibigan lang ako ng Tito Axel niyo."

The boys pouted in disappointment.

"Ano ba 'yan! Sayang naman!" sabi ng isa sa mga kambal.

"Baka kasi si Ate Patty talaga ang girlfriend ni Tito Axel!"

My forehead creased a little. Sino ba iyang Patty na 'yan? At parang kanina ko pa naririnig ang pangalan na 'yan.

"Hay naku! Kayong mga bata kayo... ang babata niyo pa para sa mga ganyan. Ang mabuti pa magpakilala na kayo sakanya." Sermon ni Lola Guada.

"Ako po si Atticus!"

"Ako po si Asher!"

"Ako naman po si Christian!"

Ngumiti ako at kinawayan sila. They just stood there in front of me not knowing what to do.

"Can I hug you?" I asked. Masaya silang ngumiti at tsaka tumango.

"Naku po! Ang dudumi niyo-" hindi na naituloy ni Lola Guada ang kanyang sasabihin dahil mabilis na yumakap ang mga bata sa akin.

I smiled genuinely. It's been a while since I've been with kids. Ang huli ko pa atang experience kasama ang mga bata ay noong may ginawang programa si Mommy sa bahay ampunan.

Kumalas sila sa pagkakayakap sa akin at tsaka sila naghagikhikan.

"Ang bango mo, Ate!"

Tumawa naman ako. 'Yun pa talaga napuna nila.

"Naku, hija, pasensya ka na. Baka nadikitan ka pa ng pawis ng mga 'yan. Pasensya na."

"Okay lang po. Wala naman po sakin 'yon."

Pagkatapos noon ay sinermonan ni Lola Guada ang mga bata. Pinakain niya muna ito ng umagahan bago ito inutusang maligo.

"Mahiya kayo at may bisita tayo. Ang dudugyot niyong tingnan."

"Lola, gwapo parin naman po kami kahit dugyot." Ani Atticus. Napangisi naman ako.

May pagka pilyo rin pala ang mga batang ito, e.

"Ay ewan ko sa'yo! Mga natututunan niyo talaga sa Tito Landon niyo!"

"Oh? La! Ako na naman! Paborito mo talaga ako, e."

"Ay magtigil ka! Ikaw lang naman ang pilosopo sa bahay na 'to."

Tumawa ang kanyang mga apo. Si Axel naman ay nanatili sa tabi ko. Minsan sumasali siya sa usapan kaya naman pati siya ay nadadamay sa panenermon ni Lola Guada.

I can't help but listen to their conversation. Ibang iba ito sa set-up namin sa bahay kung saan tahimik at wala masyadong nagsasalita.

Hindi ko maiwasang mamangha. This is the kind of family I've always wanted. Maingay man, masaya naman dahil laging nagkakasundo sa kahit ano mang bagay.

Hindi katulad namin, hindi na nga masyadong nag-uusap, hindi pa nagkakaunawaan.

This is why communication is very important in every aspect. Kaya nagkakaroon ng misunderstanding ay dahil hindi rin naman nakakapagusap ng maayos.

"Luto na ata ang mga ulam para mamaya. Hijo, Axel at Landon, halika at tulungan niyo akong ilabas ang mga ulam na 'to."

Agad namang tumayo ang dalawa. They look so much a like. Mas matangkad at mas malaki nga lang ang katawan nitong si Axel.

Hindi mo mapapagkailang magkapatid nga sila lalo na't kung tititigan mo ng mabuti.

Axel turns to me. "Stay there again. Tutulungan ko lang si Lola."

"Tutulong din ako." Sabi ko. Bumuka ang bibig ni Axel. Mukhang di inaasahan iyon. "Please? Wala rin naman akong ginagawa, e. At tsaka bisita ako. I don't want to be a burden."

Axel sighed. He crouched a little to reach for the cap on the center table.

"Fine. Wear this again so that people won't notice you."

Ngumiti ako at agad na sinuot ang cap nang iniabot niya ito sa akin.

May kung anong inuutos si Lola Guada kay Landon nang dumating kami sa kusina. Marami na ang tapos na lutuin doon at mukhang may susunod pang isasalang si Lola Guada.

"Sabihin mo kay Irma na mamaya na 'yan ihain sa customers. O, Axel, eto ang sa'yo." Aniya sabay may iniabot na kaldero sa apo.

Walang kahirap-hirap naman iyong binuhat. His arms flexed and I can't help but look at it. Sandali akong naestatwa doon at kung hindi lang nagulat si Lola Guada na nandito rin ako ay baka nanatili na talaga akong nakatingin sa braso ni Axel.

"O, hija, anong ginagawa mo rito? Nagugutom ka ba? Di bale ipaghahain kita-"

"Gusto niya rin daw pong tumulong, La." Si Axel.

"H-Ha?" hindi makapaniwalang tanong ni Lola Guada. Nilingon niya ang apo at nang makitang tinanguan siya nito—hudyat na pumapayag ito sa gusto kong mangyari—ay wala nalang rin siyang nagawa.

"A-Ah... o sige... K-Kaso mainit ito at mabigat. Baka mapaso ka."

"Hindi po, La. Mag-iingat po ako."

Tinulungan ko siyang buhatin ang isa pang kaldero. Totoo ngang mabigat ito. Nakakamangha na kaya pang mag-luto ni Lola Guada ng ganito karami sa kanyang edad.

I pursed my lips. It's heavy but I don't mind. I wanted to help.

Axel cocked his head a little to the side. He's asking me to come with him now so I followed.

Marami parin ang bumibili nang inilabas namin ang mga ulam. Ang iba ay nagtatanong na kung ano ang mga putahe na inihanda nila ngayon.

When I finally placed the pot down, I heard a girl called Axel. Mabilis na napabaling ang tingin ko doon.

Tumakbo ang babae patungo sakanya at tsaka siya niyakap ng mahigpit. Napahawak si Axel sa baywang nito nang dahil sa gulat.

"Namiss kita!" sabi niya nang kumalas na siya mula sa pagkakayakap kay Axel.

I remember asking him if he lives with his girlfriend or wife, but he answered me with no. Damon also told me that Axel is single. But why does it feel that these two have something? O baka... guni-guni ko lang iyon at gumagawa lang ako ng issue.

"O, Patty! Tamang tama at may natira pang pagkain dito. Halika at kumain ka muna." Si Lola Guada na kakalabas lang rin dala ang mas magaan na kaldero ngayon.

Doon ko lang rin napansin na sa akin na pala nakatuon ang pansin ni Axel. Saglit ko siyang tinitigan pabalik bago ibinaling ang tingin sa kasama niyang babae.

The girl is looking at me now... and with so much curiosity in her eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top