Chapter 9
Chapter 9
Diana
Nakita kong palalabas na ng mansyon ang kumag kaya naman nagmamadali akong hinabol siya bago pa siya maka sakay sa kotse niya.
"Anong sinabi mo sa pinsan ko?" May diing tanong ko sa kanya.
"Wala lang nangungumusta lang naman ako, saka tinanung ko siya kong meron bang nagtatangkang umagaw sayo sakin." Naka ngisi niyang sagot.
"Sinungaling ka talag!" Gigil na binigwasan ko naman siya.
"Aww. Fuck! Bakit kaba nangbibiwas?" Inis na tanong niya sakin.
"Well kulang pa nga yan sa ginawa mo sakin e!" Inis na sagot ko naman sa kanya. "Ano nga yung sinabi mo kay Sky?"
"Wala lang yon." Sagot naman siya.
"Pwede ba for once magsabi ka sakin ng totoo. Nakakagigil ka talagang sinungaling ka!" Sigaw ko sa kanya saka siya hinila sa kotse niya.
Sumakay naman agad ako sa kotse niya at inutusam siyang pumasok. "Magdrive ka!" Inis na utus ko.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong nito.
"Magdadate ba tayo?" Takang tanong niya.
Binatukan ko naman siya. "Magdrive ka nalang." Sambit ko.
"What now?" Tanong niya habang nagdadrive.
Seryoso ko naman siyang tiningnan. "Dalhin mo ako sa lugar kung saan naroon si Argel!" Utos ko sa kanya.
Bigla naman siyang na
papreno sa sinabi ko sa kanya. "Narinig mo kaming dalawa ni Sky?" Gulat na tanong nito sakin.
"Tingin mo?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.
"Hindi kita pwedeng dalhin doon. Ayokong mapahamak ka." Seryosong sambit nito. "Hindi ako papayag na masaktan ka ni Kiara." Dagdag pa nito.
Seryoso ko naman siyang tinitigan. " alam mo kung ako sayo dadalhin mo ako don kung ayaw mong ako mismo ang pumunta don ng mag-isa." Banta ko naman sa kanya.
Umiling naman siya sakin. "Hindi pwede!" Giit niya.
"Dadalhin mo ako don!" Giit ko rin. Hindi naman makapaniwala na tumingin siya sakin.
"Look at me Ana!" Utos niya sakin. Tumingin naman ako sa kanya. "Hindi pwede ayokong saktan ka ni Kiara." Seryosong sambit nito sakin.
"Wala akong paki sa kaya niyang gawin! Kaya korin namang gawin, ang kaya noyang gawin! Soguro naman kilala mo ako diba." Walang emosyong sambit ko sa kanya.
"Pero-"
"Dahlin mo ako don!" Galit na itos ko aa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi ang magdrive papuntang San Isedro. Sa buoong byuhe namin papunta sa hacienda ng mga Villa Franko ay wala kaming imikan pero ramdam kong naninigas si Gino.
Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya o ano. Pero tahimik lang talaga siya hanggang sa makarating kami.
"Look Ana pwede namang hindi mo gawin to. Kung gusto mong makita si Argel. Kaya kong gawan ng paraan to pero ang ganito." Pakiusap niya sakin.
"Gino minsan lang akong humiling sayo kaya siguro naman pagbibigyan mo ako hindi ba." Sambit ko sa kanya.
"Alam ko, but this is too much to ask for! Buhay mo ang naka taya rito. Ayoking mawala ka sakin ng tuloyan! Oky lang na magalit ka sakin ng panghabang buhay wag lang yung mawala ka ng pang habang buhay!" Seryosong sambit nito.
"Pwede bang wag kang duwag! Kung gusto mo pwede mo kung samahan pero wag na wag mong pakikialaman ang gagawin ko!" Seryosong sambit ko sa kanya. "Gusto kung makausap yung Kiara Villa Franko na yon!" Giit ko sa kanya.
"Ano bang plano mo?" Nagaalala niyang tanong.
"Kung ano man yung plano ko, pwede bang itikom mo nalang yang bibig mo! Saka wag na wag mong sasabihin kay Franki kung nasaan si Argel!" Bilin ko sa kanya.
Nagtataka naman siya tumingin sakin. "Bakit? Akala ko ba nagpunta tayo rito para bawiin sa Argel?" Tanong nito.
Na iiling akong bumaba sa kotse niya. Sumunod naman agad siya sakin. "Sa tingin mo gusto ko yung Argel na yun para kay Kiki?" Walang ganang sambit ko sa kanya.
"Kung ganon bakit tayo nandito?" Tanong pa niya.
"Watch and learn." Sambit ko sa kanya saka na una ng maglakad.
"Si Gino napadalaw ho kayo." Naka ngiting salubong samin ng isang lalaki.
Tauhan siguro ito ng mga Villa Franko. Agad namang binati ito ni Gino saka ako pinakilala. "Mang Banjo, girlfriend ko po." Sambit niya.
Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya nabatukan ko agad siya ng wala sa oras. "Aray!" Daing nito.
"Pasensya na po kayo itong lalaki kasing to mahilig magbiro po." Nakangiting sambit ko sa kanya.
"Girlfriend naman talaga kita diba kasi nga hanggang ngayon mahal na mahal kita e." Ngiting-ngiti pang sambit niya sakin saka lumapit kay Mang Banjo.
Ang mga hirit talaga ng kumag na to nakakagigil. Sarap niyang talagang bugbugin kung minsan.
"Mang Banjo, nandito ho ba si, Ara?" Rinig kung tanong nito kay Mang Banjo.
"Nasa loob ho siya ng mansyon. Si Sir Argel naman po na sa bakahan ho." Sagot naman ni Mang Banjo rito.
"Sige ho, salamat!" Naka ngiti nitong tapik sa balikat ni Mang Banjo.
"Paano ho Ma'am, Sir mauna na ho ako pupuntahan ko pa si Sir Argel sa bakahan." Paalam nito samin. Naka nginitian tinanguan ko naman siya.
"Mang Banjo, pwede bang wag munang sabihin kay, Argel na nandito ako ayoko kasing ma abala pa yung tao sa ginagawa niya don." Pahabol namang bilin ni Gino rito.
"Sige ho, Sir Gino." Sagot nito saka umalis na.
Tumingin naman sakin si Gino. "Hali kana." Aya niyo sakin papasok ng mansyon. Agad naman ako sumunod sa kanya.
Malaki at malawak ang mansyon ng mga Villa Franko ngunit hindi rin naman ito na lalayo sa mansyon nila sa San Andres at sa mansyon nina Franki. Tulad lang rin ito ng mansyon nila ang pagkakaiba lamang ay ang pagkakaayos ng mga muwebles sa loob ng nito at ang uri ng mga muwebles ay iba sa muwesbles na meron sila.
"Medyo makalumang tao pala ang Kiara na yon." Bulong ko kay Gino. Na pansin ko kasing halos lahat ng gamit sa loob ay pawang mga antigo.
"Medyo." Tipid namang sagit nito sakin.
Saka naglakad papasok sa isang kwarto. "Hoy! Bakit kaba papasok dyan." Saway ko naman sa kanya.
Basta nalang kasi nitong binuksan ang isang kwarto naka sara dito malapit sa komedor. "Sumunod kana lang." Utos naman nito sakin.
"Wala namang tao sa loob ng kwarto malinis at maaliwas ng buong paligid ngunit tulad ng mga muwebles nasa labas mga antigo rin ang mga muwebles nandito sa loob ng kwarto na ito.
"So ano namang gagawin natin dito?" Naka pamewang na tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sakin ng nakakaluko. "Gagawa ng bata!" Sagot nito sakin.
"Gago ka!" Gigil na suntok ko sa kanya. "Wag mo nga akong biniburo ng ganyan. Hindi yan ang pinunta ko rito!" Inis na inis kung sambit sa kanya.
"Paano pala kung hindi ako nagbibiro?" Pang iinis parin niya sakin. Tinitigan ko naman siya ng masama.
"Isa nalang Gino, ihahagis ko talaga sayo yung antigong jar na yun!" Banta ko naman sa kanya.
Taas kamay naman itong umatras. "Di naman to mabiro." Reklamo pa niya. "BTW! Aalis lang muna ako at hahanapin ko muna si Kiara para makausap ko narin siya. Gusto kung masiguradong wala siyang gagawing masama sa iyo."
"Bahala ka basta balikan mo agad ako rito. Oras na di mo ako binalikan ako talaga ang papatay sayo ng tuluyan." Banta ko naman sa kanya.
"Yes, boss!" Saludo niya sakin saka bigla nalang ako ninakawan ng halik sa labi. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakapagreact kahit na mabilis lang yun ang lakas parin ng tibok ng puso ko sa ginawa niya.
"Gago talaga!" Sambit ko.
___
Next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top