Chapter 8 - Editing
Chapter 8
Gino
Tiningnan naman ni Gino ang papalayong bulto ni Diana. Galit parin ito sa kanya at naiintindihan niya ito. Alam niyang mali ang kanyang ginawa kaya naman handa siyang harapin ang consequence ng actions niya noon. Handa siya sa kahit na anong parusang ibibigay nito sa kanya. Gagawin nya rin ang lahat para lang bumalik muli ang tiwala't pagmamahal nito sa kanya tulad ng dati.
"Siya nga pala anong sadya mo sakin." Biglang tanong naman ni Sky. "Ang sabi kasi ni Mang Wealand hinahanap mo raw ako kanina. Pero tarantang-taranta siya kasi balak kana raw patayin ni Ana ng buhay." Natatawang sabi nito sa kanya.
"Ang sweet nga ng bati niya sakin e hinagisan niya ako ng bulaklak kasama pa yung vase." Natatawang kwento ko sa kanila.
"Sweet nga halatang miss na miss ka niya." Tawang-tawang sambit nito.
"Kaya nga sa subra miss niya sakin imbes na yakap pangbogbog yung salubong niya." Natatawang dagdag ko pa.
"Hay nako!" Sambit ni Kiki. "By the way, welcome back!" Bati naman niya sakin.
"Salamat."
"Oh, siya aalis na muna ako pupuntahan ko muna si Ana baka mamaya nagwala na yon." Nakangiting paalam naman nito samin.
"Ano yung sasabihin mo sakin?" Tanong ulit ni Sky. "Wag mong sabihing magpapatulong ka saking ligawan muli ang pinsan ko? Nako wag na kung ayaw mong magkaworld war 4!" Natatawang sambit pa nito.
"Grabi naman Brad, hindi mo talaga ako tutulungan dyan sa pinsan mong may lahing Dragon!" Reklamo ko naman rito. "Alam mo namang kung sa pa highbloodan lang naman ang pag-uusapan nangunguna na si Ana don parati kasing highblood yon sakin. Sambit ko pa. Natawang tawa naman agad tong si Sky akala mo hindi niya pinsan yung pinag-uusapan namin.
Siguro dahil kilalang kilala na talaga niya si Ana kung magalit. "Bagay talaga kayo ni Ana isang pacool at isang high beast." Natawang tawa pang comment to nito. Maka highbeast naman to. Sigurado akong pag narinig to ni Ana lagot tong si Sky.
"BTW! Kilala mo naman yung pinsan ko diba. Para yung si Medusa matigas ang ulo at puso. Kaya sa tingin ko kailangan mong pagtrabahuan ang tiwala niya sayo muli." Seryosong sambit nito. Tumango naman ako sa kanya.
May point naman si Sky matigas talaga ang puso ni Diana kaya sa tingin ko mahihirapan akong suyuin ito.
"Pero kahit pa matigas ang puso non hindi ko parin siya susukuan." Determinado ko namang sambit sa kanya. Nagkibit balikat naman siya sakin.
"By the way, yung pinunta ko rito ay hindi tungkol kay Diana." Imporma ko sa kanya.
"Eh kanino?" Takang tanong nito.
"Tungkol to kay Kiki." Sagot ko sa kanya.
Na pakunotnoo naman siya sa sinabi ko. "Ha? Anong tungkol kay Franki?" Seryosong tanong niya sakin.
"Alam ko kung nasaan si Argel!"
"What!?" Gulat na tanong niya sakin.
"Alam ko kung nasaan siya." Sabi ko pa ulit sa kanya.
"Alam mo Brad, kung nagbibiro kalang wag ngayon! Subra-subrang stress na ang pinagdadaanan ni Franki ngayon. Baka sa susunod hindi na n'ya kayanin pa. Kay kung pwede lang wag ngayon. " Seryosong pakiusap pa nito sakin.
Umiling naman ako. "Brad, tingin mo ba sa lagay na to magbibiro pa ako sa inyo." Giit ko sa kanya.
"Fine! Saan s'ya? Bakit hindi namin siya mahanap?" Seryosong tanobg niya.
"Nasa San Isedro siya."
"What?" Gulat na tanong niya sakin. "Hindi to nakakaamtawa Brad! Alam mo bang halos lahat ng investigators namin ay nandon pati ako nagpunta rin don at halos lahat ng tao don iisa lang ang sinasagot at sinasabi na hindi raw nila kilala si Argel!" Seryosong sabi niya sakin.
"Exactly!" Sangayon ko naman sa sinabi niya. "Pare-pahero ang kanilang mga sagot sa inyong lahat hindi ba!" Dagdag ko pa.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya sakin.
"Sa tingin mo magsasalita ba ang mga tao don ng laban sa isang makapangyarihang tao?" Tanong ko sa kanya. "Sempre hindi! Dahil natatakot silang madamay. Hindi basta-basta magsasalita ang mga iyon lalo na kapag ang isang Kiara Villa Franko na ang magsasabing manahimik sila!
"Ano naman ang kinalaman ng isang Villa Franko kay Argel? Bakit naman niya tatakotin ang mga tao don ng dahil lang kay Argel?" Tanong niya.
"Dahil obsess siya kay Argel at ayaw niyang malaman ng kung sino mang naghahanap rito na nasa kanya si Argel." Sagot ko naman sa kanya.
Hindi naman makapaniwala si Sky sa sinabi ko sa kanya. Pabalik-balik naman itong lumalakad sa harapan ko.
"Paano nangyari to pinaglaruan lang pala ni Argel si Kiki! Hinayaan niyang magdusa ito sa kakahanap sa kanya samantalang nandyan lang pala siya sa San Isedro. Hay*p! Walang kwenta talaga ang lalaking yon! Mapapatay ko talaga siya!" Nangagalaiting sambit nito ni Sky.
"Easy Brad walang kasalanan si Argel dito." Sambit ko sa kanya. "Wala siyang naalala sa nakaraan niya kaya naman wag mo siyang sisihin. Si Kiara lamang ang kumokontrol sa kanya. Hindi nito hinahayaang lumabas ng Hacienda si Argel. Ang alam ko pinapaimon n'ya rin ito ng pampalimot na gamot. Kaya hanggang ngayon wala paring maalala yung tao." Kwento ko.
"Paano mo naman nalaman ang lahat ng yan?" Nagtatakang tanong niya sakin.
"Kaibigan ko si Kiara remember. Actually matagal kunang alam to pero ngayun lang ako nagkaron ng tapang na sabihin sa inyo ang totoo." Paliwanag ko sa kanya.
Tiningnan naman niya ako ng masama. "Matagal munang alam to pero ngayon mo lang sinabi at hinayaan mo talagang magdusa si Franki? Napaka sama mo namang kaibigan!" Galit na sumbat niya sakin.
"Look nong time nalaman ko ang ginawa ni Kiara nasa america ako non. Galit sakin si Diana ng mga panahon na yon. Sa subrang galit pa nga nya sakin sinabihan niya akong wag na wag na akong tumawag sa kahit sa sino sa inyo kundi isusumpa raw niya ako habang buhay. Saka magulo pa ang isip ko that time dahil sa nangyari samin ng pinsan mo. I'm sorry."
"Hindi parin sapat na excuse yon. Mali parin yung ginawa mo!" Sumbat nito sakin.
"Alam ko kaya nga ginagawa kona ngayon ang sa tingin ko ay tama. Ayoko naring nakikitang nagkakaganon si Kiara. I know she needs help from a good doctor. Hindi naman siya ganon dati lumala lan siya ng mamatay ang mga magulang niya kasama ang bunso niyang kapatid. Mabait siya dati but now diko na siya kilala. She's getting more crazy at obsess lalo na kay Argel."
"So ang ibig mong sabihin kailangan nating mag-ingat sa kanya?" Tanong ni Sky sakin.
Tumango naman ako. "Kailangang maingat ang bawat galaw natin para narin sa ikabubuti ng lahat." Sambit ko sa kanya.
"Oky! Ako nalang muna ang pagsasabihan mo nito. Wag mung sasabihin kahit na kanino. Mag-iisip ako ng paraan para mabawi natin si Argel sa kanya ng hindi niya nasasaktan si Franki. Baka pagnalaman ito ni Kiki bigla nalang siyang sumugod don. Ayokong mapahamak pa siya." Bilin ni Sky sakin. Tumango naman ako bilang pag sangayon sa plano niya.
"Oky." Sangayon ko. "Tawagan mo nalang ako kapag meron kanang na buong pulidung plano." Paalam ko naman sa kanya.
"Salamat!"
Ngumiti naman ako sa kanya sabay saludo.
Next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top