Chapter 6

Chapter 6

Hating gabi na ngunit abala parin si Mang Banjo sa pag-aayos ng mga patabang gagamitin nila bukas ng umaga ng biglang dumating si Kiara.

"Ma'am Kiara." Kinakabahang sambit nito sa pangalan ni Kiara.

"Buti naman at gising ka pa." Walang emosyong sambit nito.

"Ano ho ang maipaglilingkod ko sa inyo ma'am?" Nakayukong tanong nito.

"Gusto kung pumunta ka ng bayan ngayon! Puntahan mo ang lahat ng taong nakakita sa asawa ko kanina at patahimikin mo silang lahat!" Galit na utos nito sa kanya.

"Po?" Gulat na gulat na tmsambit ni Mang Banjo. "Ma'am K-iara, hindi ko po kayang pumatay ng mga tao." Sindak na sambit nito sa amo niya.

"Mang Banjo, sa tingin mo ba kung ipapatay ko man ang mga tao roon ay sa iyo ko ipapagawa?" Galit na turan ni Kiara dito. "Malamang hindi diba!"

Parang naka hinga naman ng maluwag si Mang Banjo sa narinig. "Salamat naman po kong ganon." Ani to.

"Ang ibig kung sabihin na patatahimik e bayaran mo. Bayaran mo ang mga bunganga nila para tumahimik sila kung sakaling mang may maghanap na naman sa asawa ko."

Tumango naman si Mang Banjo. "Sige ho, ma'am kiara." Sagot nito sa amo.

"Kailangang tumahimik sila kung ayaw nilang patahimikin ko sila ng panghabang buhay. Sabihin mo yan sa kanilang lahat. Hindi pwedeng malaman ng kung sino mang naghahanap sa asawa ko na nandito lang siya sa San Isedro. Malinaw ba, Mang Banjo!?" May diing sambit ni Kiara rito.

"Opo, ma'am Kiara malinaw po." Agad namang sagot rito ni Mang Banjo.

"Mabuti ng nagkakalinawan tayong dalawa." Sambit nito. "Punta kana ngayon din sa bayan at wag ka munang bumalik rito sa susunod na linggo kana umuwi rito. Bantayan mo ang bawat kilos ng mga tao roon. Sabihin mo agad sa akin kapag meron taong nagtatanong tungkol sa asawa ko." Bilin nito kay Mang Banjo.

"Opo, ma'am Kiara." Mabilis namang agot naman nito.

"Ito nga pala ang pera. Ibigay mo ang lahat ng yan sa mga tao don. Bukas naman umaga pumunta ka kay Mayor at ibigay mo sa kanya ang isang sobre sabihin mong tulong kona yan sa bayan. Alam na n'ya ang gagawin sa perang yan. Basta bantayan mo ang bawat tao roon. Oras na sumuway sila sa pinag-uutos ko magbabayad sila sa akin ng malaki at pagsisisihan nilang sinuway nila ang isang Kiara Villa Franko!" Madiing na banta nito

Takot namang na payuko nalamang si Mang Banjo alam kasi niyang hindi nagbibiro ang kanyang amo at gagawin nito ang gusyo nitong gawin. Natatakot siya para sa mga tao dito sa bayan nila dahil hawak sila sa leeg ng isang malupit na Villa Franko.

Hindi naman ganito ang ugali ni Kiara rati nagbago lamang ito ng patayin ang mga magulang nito pati narin ang nag-iisang kapatid nitong lalaki. Puno na ng galit ng puso nito mula noon kaya naman lahat ng tao sa San Isedro ay ganon na lamang ang takot rito.

Kahit si Mang Banjo na matagal ng kanilala at katiwala ng pamilya nito ay takot na takot sa nababatang Villa Franko. Kaya kasi nitong magpapatay o pumatay ng isang tao lalo na kapag sinuway o nilapastangan ang pagkatao nito.

Halos lahat ng mga tao sa San Isedro ay hindi na umaasang magbabago pa si Kiara pero kahit papaano ay umaasa parin si Mang Banjo na sa tulong ni Argel ay magbago rin ang nag iisang prinsesa ng mga taga San Isedro na dati ay mabati, maunawain at matulungin sa kanyang mga kababayan. Umaasa talaga ito na babalik pa sa dati ang natitira at nag iisang Villa Franko.

___

Argel

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kanina ko pa tinititigan si Kiara pero bakit parang may kulang? Bakit parang hindi ko maramdamang mahal ko nga siya? Nalilito parin ako hanggang ngayon. Alam kung mali itong iniisip ko dahil asawa ko s'ya dapat nga hindi ko pinagdududahan ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil hindi ko naman siya magiging asawa kung hindi ko siya mahal. Kaya mali tong iniisip ko, mali!

Kahit pa wala akong maalala sa nakaraan ko alam kung mahal totoong mahal talaga ako ng asawa ko at mahal ko rin siya. Gusto ko rin namang makaalala. Gusto kong maalala kung paano kami nagkakilala ni Kiara. Kung paano ko siya niligawan noon. Gusto kung gawin ang lahat ng yon ulit sa kanya para naman malaman niyang mahal na mahal ko talaga siya at hindi ko siya iiwan. Napapansin ko kasi sa tuwing tinititigan niya ako parati para bang takot na takot siyang mawala ako sa kanya.

Ayokong nakikitang nagkakaganon siya. Gusto kung alisin ang pangambang yun sa puso't isip niya. Nais kung iparamdam muli sa kanya ang pakiramdam niya noong nililigawan ko pa lamang siya.

"Mahal, anong iniisip mo?" Nakangiting tanong niya sakin. "Bakit mo nga pala ako tinititigan ng ganyan?" Nagtatakang tanong nito sakin.

"Wala naman na-isip ko lang kong paano ba tayo nagkakilala?" Tanong ko naman sa kanya. Hanggang ngayon kasi wala parin akong maalala tungkol sa nakaraan ko. Parati naman akong umiinum na gamot na binigay sakin ni Doc Jimie pero wala paring improvement wala parin akong maalala sa nakaraan ko.

"Bakit mo naman na tanong, Mahal?" Alanganing tanong niya sakin.

"Pumasok lang kasi sa isip ko kung paano ba tayong dalawa nagkakilala dati." Sabi ko sa kanya.

"Iniisip ko lang kung gaano ako ka swerte dahil ako yung napili mong sagutin noon." Nakangiting sambit ko sa kanya.

Lumapit naman siya akin saka umupo sa tabi ko. Hinawakan ko naman ang isang kamay niya saka hinalik-halikan ito.

"Mahal, ikaw lang naman ang lalaking nagpatibok ng puso ko kaya ikaw ang napili ko." Titig na titig niyang sambit sakin bago ako niyakap ng mahigpit.

"Maraming salamat, mahal dahil ako ang pinili mong mahalin." Buong pusong sambit ko sa kanya. Bumitiw naman siya ng yakap sakin kasa niya ako hinalikan agad ko naman iyon tinugon.

"I love you." Sambit niya bago ako hinalikan muli pababa sakin leeg. "I love you so much." Patuloy niyang sambit.

Tinulungan ko naman siyang hubarin ang pang itaas kung damit saka ko siya hinayaang gawin kung ano mang ang binabalak niyang gawin namin ngayong umaga.

___

Next...

Note: Wala pong next dyan hanggang dyan lang silang dalawa. 😂😂😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top