Chapter 3


Franki

"Sky." Tawag ko sa kanya.

"Kiki!" Hindi makapaniwalang sambit nito. "God! Totoo to?" Tanong pa niya.

"Totoong-totoo yan, Sky." Singit naman ni Diana. "Nabatokan kaya nagising." Biro pa niya rito.

Nakangiti namang niyakap ako nito. "Welcome back, Kiki." Sambit niya.

"Thank you and sorry." Sincere na sabi ko sa kanya.

"Ano kaba oky lang yon." Nakangiti paring sambit niya. "Para saan pa ba't naging magbestfriend tayong tatlo diba.

Ngumiti naman ako sa kanya. Tama siya magbestfriend nga kaming tatlo pero parang wala akong kwentang bestfriend dahil parati ko nalang silang pinahihirapan. Ako nalang parati yung inuuna at inuunawa nila. Sarili ko lang yung iniisip ko. Ang selfish ko talagang kaibigan.

"Hoy!" Tapik sakin ni Diana. "Ano na naman yang iniisip mo?" Usisa niya sakin. Umiling naman ako sa kanya.

"Ang swerte ko talaga sa inyong dalawa pero ang malas nyo naman dahil ako yung naging bestfriend n'yo.

"Ang emo mo!" Sikmat ni Diana sakin. "Kaya nga." Sangayon pa ni Sky.

"Oo naman yung mga sinabi ko eh." Reklamo ko sa kanila.

"Pero tama ka naman don, swerte k talaga samin. Kaya wag kanang mag-enarte dyan. Hali kana at magtrabaho na tyo. Buhayin natin yung Farm para narin sa alaala ni Tita." Nakangiting hila sakin ni Diana.

Natatawa namang sumunod sakin si Sky. Nakangiti narin akong nagpahila kay Diana. Tama sya kailangan kong buhayin muli yung Farm alang-alang narin sa alaala ni Mommy.

___

Diana

"Paano mo pala na pilit yang si Kiki na pumunta dito sa Farm?" Tanong sakin ni Sky, habang nag-aayos kami ng ibang mga papeles.

"Simple lang naman. Sinabi ko sa kanya yung totoo." Sagot ko naman sa kanya. Tumango-tango naman siya.

"Paano naman yung paghahanap niya kay Argel?" Tanong niya ulit. Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Franki ngayon. Pero isa labg yung sigurado ako, desidido siyang alagaan muli tong Farm ni Tita Hasna.

"Sana nga magpatuloy to. Kailangan siya ng mga dito. Sa kanya lang umaasa ang mga yon." Sambit ni Sky.

"Yon nga rin ang sinabi ko sa kanya. Kaya umaasa rin akong mas uunahin niya tong Farm kesa sa paghahanap niya kay Argel." Umaasang sambit ko.

Ayoko talaga kay Argel simula nong una alam kong sasaktan lang niya si Franki. Hindi rin ako nagkami ng hinala sa kanya. Tama ako sinaktan lang talaga niya si Kiki. Kaya hindi ko siya mapapatawad sa pagsira ng buhay ni Franki.

Dapat talaga hindi ko hinayaan si Sky na ipa-ubaya nalang si Kiki kay Argel noon. Edi sana masaya parin hanggang ngayon si Kiki. Hindi siguro niya pababayaan ang sarili niya pati tong Farm kong si Sky lang yung minahal niya at kung di sana umepal si Argel sa buhay niya.

Kaya ngayong nakabalik na si Kiki dito sa San Jose gagawin ko ang lahat para hindi na nya isipin pang muli si Argel. Para makalimutan na n'ya ito ng tuluyan.

"Sky, bakit nga ba gumive-up ka sa pangliligaw mo dati kay Kiki?" Usisa ko sa kanya.

Nagulat nalang kasi ako noon ng malaman kong hindi na niya nililigawan si Kiki. Pagkatapos non biglang naging si Kiki na at Argel.

"Ano ba yung laban ko kay Argel ng mga panahong yon?" Sabi niya. "Diba nga patay na patay si Franki sa kanya dati. Kaya mas pinili ko nalang na hayaan si Argel non total mukha naman siyang desididong mapasagot noon si Kiki. Hindi ko nga inakalang bigla nalang niyang iniwan si Kiki pagkatapos ng lahat. Bigla nalang siyang nawala na parang bula." Na iiling na sabi pa niya.

"Gago! Kasi yung lalaking yon pinaasa lang si Kiki pagkatapos niyang sabihan ng mga matatamis na salita at pangakuan bigla nalang niyang iniwan sa ere!" Inis na sambit ko.

"Buti nga kinaya ni Kiki ang lahat." Sambit niya.

"Anong kinaya ka jan!" Kontra ko sa sinabi niya. "Sa lagay niyang yon, tingin mo talaga kinaya niya?" Natatawang sambit ko. "Mukha na ngang nababaliw yan eh! Pilit niyang hinahanap yung taong hindi naman nawawala. Feeling n'ya kasi nawawala si Argel. Ayaw nya kasing tanggapin na iniwan na siya nito. Kaya yon hinanap niya tingnan mo kung diko pa sinabi sa kanya yung mga nangyayari rito sa Farm hindi yan magigisaing sa kabaliwan niya kay Argel!

"Yon ang point ko noon kung bakit tumigil ako sa pagsuyo ko sa kanya. Alam ko kasing kahit na ano pang gawain ko, wala akong panglaban kay Argel. Kasi nga mahal na mahal niya ito. Wala panama yung pagmamahal ko sa kanya sa pagmamahal niya kay Argel! Talo na ako kaya sumuko nalang ako kesa umasa pa ako sa wala." Komento niya.

"Yon ang mali! Masyado niyang minahal ng subra yung taong hindi n'ya naman masyadong kilala." Sambit ko.

"Hindi naman natin kayang turuan ang ating puso kung kanino ba dapat siya titibok o kung sino ba ang dapat niyang piliin. Saka kapag inlove ka wala kang makikitang mali. Dahil para sayo ang lahat ng nasa paligid mo ay tama. Kahit pamali na yon sa paningin ng iba.

"Kaya nga nakakabobo yung pag-ibig kung minsan. Pasalamat nalang talaga ako dahil mas ginamit ko yung utak ko kesa sa puso. Hindi kasi ako katulad ni Kiki na mas ginagamit yung puso kesa sa utak tingnan mo siya wasak." Komento ko naman.

Ayokong maging kagaya ni Franki na sawi sa pag-ibig. Kaya mas pinili kong gamitin yung utak ko ng mga panahong kami pa ni Gino! Mas pinili kong wag umasa sa lahat ng pangako niya sakin noon. Hindi rin naman ako nagkamali dahil puro pangako lang rin naman pala yung ugok na yon! Iniwan rin naman niya ako sa huli para sa pinakamamahal niyang pangarap. Mas inuna pa niya yon kesa sa rrelasyon naming dalawa.

"Nga pala nagkita na ba ulit kayo ni Gino?" Usisa niya sakin.

Umiling naman ako. "Hindi pa bakit?" Tanong ko naman sa kanya.

"Dumating na kasi siya nong nakaraang buwan pa. Balita ko hinahanap ka daw niya." Nakangisi pang sambit ni Sky.

"Hindi kafunny." Siring ko sa kanya.

"Totoo. Kahit itanong mo pa sa lahat ng tao dito sa San Jose alam nilang hinahanap ka ni Gino." Biro pa niya sakin.

"Isa pa Sky para mabatukan na kita agad!" Banta ko naman sa kanya.

Paki ko naman kong hinahanap ako ng Gino na yon! Matagal na kaming tapos simula ng piliin niya akong iwan para sa pangarap niya. Kaya wala na siyang babalikan no!

___

Next.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top