Chapter 2

Chapter 2

Franki

"Aalis na ako." Paalam ko kay Diana. Taas kilay naman humarang siya sa daraanan ko.

"Saan ka naman pupunta?" Usisa niya sakin.

"Sa pulis station." Sagot ko naman sa kanya.

"Bakit ba hindi ka talaga nagsasawang hanapin yung lalaking yon." Pagalit ba tanong nito sakin.

"Dahil mahal ko siya." Sagot ko naman.

"Mahal mo! Pero ikaw mahal kaba niya?" Tuya niya sakin. "Mahal niya ako kaya kahit pa anong sabihin mo hindi magbabago yung desisyon kong hanapin siya." Inis na sagot ko sa kanya .

Minsan talaga hindi ko mapigilang mainis kay Diana sumusubra na kasi siya. Bakit ba hindi niya ako magawang intindihin. Bakit ba ganon nalang yung pagpigil niya saking hanapin si Argel.

Alam kong galit siya kay Argel dahil sa pag-iwan nito sakin. Hindi ko rin naman siya kinukunan ng karapatang magalit kay Argel pero sana naman hayaan nalang niya akong hanapin ito. Kahit pa ilang tao pa ang tumagal wala akong pakialam ang mahalaga mahanap ko siya.

Gusto kong magpaliwanag siya sakin. Kung bakit nya ako iniwan. Kung bakit bigla nalang siya nawala ng wala man lang paalam. Ayoko ring mag-isip ng masama kaya hindi ko iniisip na pahamak siya.

Mas gugustuhin ko pang isiping nagkaroon siya ng malaking problema kaya hindi na siya nagpapakita sakin kesa sa isiping may nangyari sa kanyang masama.

Na-iiling at natatawa naman siyang tumingin sakin. "Hanggang kilan kaba magiging bulag dyan sa pagmamahal mo sa Argel nyan ha!" Inis na singhal nito sakin. "Look at yourself sinayang mo ang lahat ng meron ka ng dahil lang sa lalaking yon at baka pati yung nag-iisa at natitirang meron ka mawala narin sayo ng tuluyan." Inis na unis na sambit nito.

Nalilito naman ako tumingin sa kanya. "Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Wala ka talagang alam no." Sambit niya. "Kung di ka sana busy sa paghahanap mo sa kakaling yon edi sana alam mong palugi na yung pinaka iniingatan mong farm!

"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ko sa kanya. "Yan na nga ang sinasabi ko busying-busy ka kasi sa paghahanap mo sa lalaking yon. Kaya wala kang napapansin sa paligid mo. Hindi mo alam na malapit ng malugi yung farm. Halos walang kinikita yung mga tauhan mo don. Kung hindi pa dahil kay Sky baka nagkada matayan na ang lahat ng mga hayop na alaga nila don pati narin ang mga panamin don. Wala na silang perang pang gastos sa mga pangangailangan ng Farm dahil pinabayaan mona sila. Ni hindi kana nga pumupunta roon simula ng iniwan ka ng lalaking yon. Pina-bayaan mo na sila." Sumbat n'ya pa sakin.

Gulat na gulat naman akong na patingin sa kanya. "Anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Paano nangyari yon? Bakit nangyari yon? Anong ginawa ko! Yon na lamang ang natitirang alaala sakin ng Mama. Paano ko nagawang pa bayaan na lamang yung farm.

"Sorry." Parang hangin na lumabas sa bibig ko.

"So ngayong alam mo na ang mga nangyayari sa farm siguro naman bibisitahin mo na yon." Payo ni Diana sakin.

Tumango ako sa kanya. Kailangan kong pumunta ng farm. Hindi pwedeng pati yon mawala sakin. Kailangan kong mag-isip ng paraan para makabawi muli yung farm.

"Alam Franki hindi naman ako tutol dyan sa paghahanap mo kay Argel pero sana alam mo kong ano ba ang mas dapat mong prayoridad dito. Hindi pwedeng puro paghahanap na lamang sa kanya ang gagawin mo. Maraming umaasa sayo tandaan mo yan." Paalala ni Diana sakin.

"Sorry." Sambit ko.

"Marami ng nawala at nasayang sa loob ng limang taong paghahanap mo sa kanya. Kaya sana naman itong Farm hindi mo hahayaang mawala sayo diba?" Patanong niyang sambit.

Tumango ako sa kanya. "Pupunta tayo ng Farm ngayon." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sakin. "Good!" Masayang sambit niya. "Buti naman at natauhan kana rin sa wakas. Dali lang magbibihis lang ako sandali." Paalam niya sakin saka pumunta ng kanyang kwarto.

Hindi ko naman lubos maisip ang lahat ng sinabi sakin ni Diana na nangyayari sa Farm na iniwan sakin ni Mama ng pumanaw siya.

Ganon ba talaga ako ka focus sa paghahanap ko kay Argel. Hindi na pwedeng mangyari ulit to. Nong una trabaho ko, pagkatapos negosyo ko. Halos lahat ginive-up kona pala para sa kanya.

Kailangan kong pagtuunan ng pansin yung Farm. Ayokong nawala ito sakin. Hahanapin ko parin si Argel pero hindi ko pwedeng pabayaan na lamang yong Farm kaya naman hahayaan kona munang mga pulis na ang bahalang maghanap sa kanya.

___

Next..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top