Chapter 19
Chapter 19
Kiara
Kanina patahimik si Gino simula nong umalis kami sa lugar na yon. Ramdam ko ang galit niya ngunit hindi niya ito pinapakita sakin. Patuloy lang siyang nagmamaneho papuntang rancho. Hanggang sa tumigil ang sasakyan namin sa mismong bukan ng rancho saka ito nagsalita.
"Ano yon!?" Galit na tanong sakin niya. Alam kung galit na galit siya kanina pa. Kahit hindi siya nagsasalita habang nagmamaneho alam ko at nararamdan na ramdam ko ang galit niya sakin. Kaya ngayon dumating na nga kami rito sa rancho saka niya ipapakita sakin ang galit niya. MAGALING! "Bakit ka nasa Party? Paano ka nakalapit kay Franki? Bakit mo siya nilapit?" May diing tanong nito sakin.
"Well hindi ako ang lumapit sa kanya. Siya ang lumapit sakin at sino ba ako para tanggihan siya diba." Sagot ko naman sa kanya.
"Kaira pwede bang kung ano mang binabalak mo itigil mona. Hindi na nakakatuwa ang mga ginagawa mo." Pakiusap naman nito sakin.
"Really, Gino!?" Taas kilay kong tanong sa kanya. "Bakit kinakabahan kana ba? Alam mo. Dapat talagang kabahan ka at si Diane kasi nagsisimula palang ako. Oras na magkamali ng galaw ang babaeng yon hindi ako matatakot na ibunyag kay franki ang pinakatatago niyang lihim. Hindi ako natatakot na malaman niyang na sakin si Argel dahil hinding-hindi ko siya hahayaang makalapit sa asawa ko. Kaya magready kana kasi The Game has started!" Walang emosyong sambit ko.
"Itigil mona to Kiara! Tumigil kana. Ano pa bang gusto mo na sayo naman na si Argel bakit ba ginugulo mo parin ang mga buhay nila!" Tanong niya sakin.
"Hindi ako titigil Gino hanggat walang nagbabayad ng mga kasalanan mo sakin ng dahil sa kanila. Hindi ako titigil!" Banta ko sa kanya saka lumabas ng kotse niya.
Sumunod naman ito sakin. "Kiara!" Hawak nito ang braso ko. Tiningnan ko naman siya ng masama.
"Bitiwan mo ako Gino!" Maydiing utos ko sa kanya. Umiling naman ito. " Hindi Kiara mangako ka muna sakin na hindi mo gagalawin si Franki. Wala siyang kasalanan sayo. Wala!" Pakiusap niya sakin.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Really, Gino!" Naiiling kong sambit sa kanya. "Yang babaeng sina samba n'yong lahat Gino hindi s'ya santo! Mukha lang siyang santo pero hindi! Hindi s'ya santo at kaya kong patunayan sayo nasa loob ang kulo n'ya.
"Enough for this, Kiara!" Pakiusap niya ulit sakin. Alam kong nagpipigil lang talaga siya ng galit niya sakin. Pero mas gusto kong makita siyang nagagalit. Pinaka ayoko ang nakikitang nakikiusap siya sakin. Mas mabuti ng galit siya kesa nagmamakaawa!
"Bakit? Natatakot kabang totoo ang sinasabi ko!?" Hamon ko sa kanya. Frustrated naman itong tumalikod sakin saka nagbuntong hiningan.
"What if kausapin ko kaya ulit si Franki mamaya. Sasabihin ko sa kanyang magkita ulit kami saka ko sasabihin sa kanya ang secreto ni Diane?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "O kaya naman pa dalhan ko siya ng letter sasabihin ko sa kanya na alam ni Diane kung nasaan si Argel pero tinatago lang nito ang katutuhan sa kanya. Diba mas exciting yon." Natatawa kong sambit
"No! Tama na to Kiara!" Galit nitong utos sakin. Their you are Gino! Magalit ka sakin. Dahil wala kang karapatang magmakaawa sakin. Dahil simula ngayon hindi na kita kakaawaan.
"I said no diba! Ayoko!" Sagot ko rin sa kanya.
"I said enough, Kiara!" Banta niya sakin. "Wala rin naman patutunguhan ang pag-uusap na to babalik at babalik parin naman tayo sa simula. Kaya tama na. Ayokong mag away pa tayong dalawa." Nakataas kamay na sambit nito.
"Tama ka! Babalik at babalik talaga tayo don. Dahil don naman talaga nagsimula ang lahat at hindi naman sa storya ng pag-iibigan nina Argel at ng babaeng kamukha ni Mama Mary na yon. Nagsimula naman talaga ang lahat ng ito nong pinagpalit at kinalimutan mo ako dahil kay Diane!"
"Hanggang kilan ko ba pagbabayaran sayo ang kasalanang ko sayo, Kiara! Hanggang kilan?" Seryoso tanong nito sakin. "Kiara ako! Ako ang may kasalanan sayo pero bakit hindi ako ang pinaparusahan mo? Dapat sakin ka lang magalit hindi sa ibang tao. Wala silang ginagawa sayo. Sakin ka magalit dahil ako namam talaga ang may kasalanan sayo. Wag sila Kia. Sakin ka magalit! Sakin!" Pakiusap pa nito.
Naiiling namam ako sa sinabi niya. Pagdating talaga sa babaeng yon kahit pa sarili niyang buhay kaya niyang itaya! Ano bang merin sa babaeng yon! ANO!!! "Sa tingin mo Gino hindi pa ba ako galit sayo ngayon!?" Walang emosyong tanong ko sa kanya. "Galit ako! Galit na galit ako sayo!! Pero kahit pa anong gawin kong pagpaparusa sayo hindi parin yon sapat para mapanatag muli ang loob ko. Hindi parin sapat mmang mga 'yon! Kailangang may magbayad sa pagsira nila sa buhay ko. Sila ang pagbabayarin ko! Mas malapit sila sayo kaya mas maganda kong sila ang magbabayad ng mga kasalan mo sakin! Magbabayad ilas Gino. Sisingilin ko sang lahat sa pagsira ng buhay ko! Magbabayad lsiang lahat!!" Nanginginig na sambit ko sa kanya.
Titig na titig naman sakin si Gino. "Your sick!" Naiiling niyang sambit habang nakatitig sakin. "Iniinom mo ba ang mga gamot mo?" Nag aalalang tanong nito sakin. Hindi naman ako sumagot sa tanong niya. "Kiara?" Tanong niya ulit.
"Paki mo naman." Galit kong tanong sa kanya. Saka naglakad papasok ng farm. "Kiara bakit hindi mo iniinom ang mga gamot?" Galit na tanong nito sakin habang nakasunod sakin papasok ng farm.
"Alam mo Gino wala kang pakialam sa kong anong gusto kong gawain sa buhay ko!" Gigil kong sambit sa kanya. "Saka sinasabi mo bang nababaliw ako!?" Galit kong tanong sa kanya.
"Alam mo kong anong ibig kong sabihin Kiara." Sambit nito. Humarap naman ako sa kanya.
"Wala kang paki sa buhay ko! Ano naman sayo kong diko nga iniimon ang mga gamot ko? Wala kang paki!!" Sigaw ko sa kanya.
"Kiara alam kung anong sakit mo. Alam mo ring kailangan mong inumin ng mga gamot mo. Bakit hindi mo iniinom ang mga yon!?" Iritadong tanong niya ulit sakin.
"Dahil ayoko! Ayokong inumin yon!! Hindi ayoko!" Galit kong sigaw sa kanya. "Hindi pwede. Kapag ininom ko yon baka makalimutan ko si Argel ng dahil sa walang kwentang gamot na yon!
___
Note: Last 6 chapters!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top