Chapter 18
Chapter 18
Franki
"Franki!" Bati sakin ni Kiara ng makalapit ako sa pwesto niya.
"Buti naman at nakapunta ka." Naka ngiti kung sabi.
"Syempre minsan lang naman ako makahanap ng isang tao na pwede kong maging kaibigan. Saka ang bait mo nga e gustong-gusto kitang maging tunay na kaibigan. Saka kahit pa tinutukan ka ng baril ng tauhan ko nagawa mo parin akong kausapin ng maayos at pinayagan mo pa akong tulungan ka sana maging magkaibigan tayong dalawa ng matagal na panahon." Naka ngiti niyang sambit sakin.
"Ano kaba naman kalimutan mo na yon. Wala lang yon sakin dahil alam ko naman nagtatrabaho lang sila ng maayos. Iniingatan lang ng mga yon ang siguridad nyo. Kaya wala lang yon." Sambit ko naman.
"Sorry, talaga ha." Hinging paumanhin niya ulit sakin. "Kalimutan na natin yon. Ang mahalaga naging magkaibigan na tayong dalawa ngayon." Masayang sambit ko sa kanya.
"Kaya nga." Magiliw na sambit nito. "Ang bait mo talaga." Nakangiti pa nitong sambit.
"Nako hindi mo pa ako kilala." Seryosong sambit nito. Umiling namang ako sa kanya.
"Nako subrang bait mo. Napaka swerte siguro mga taong nasa paligid mo." Sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman ito sakin. "Alam mo. Mas mabait ka kesa sakin. Minsan nga na pa-isip paano ka nagawang iwan ng boyfriend mo e ang bait mo namang tao. Saka sa tingin ko subra mo naman siyang mahal! Kaya paano niya nagawang iwan ang isang babaeng kagaya mo no?" Patanong nitong sambit sakin.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Mapait naman akong napangiti sa kanya. "Hindi ko nga rin alam." Malungkot kong sagot sa kanya.
"Ay! Ano ba yan. Bakit ko ba kasi tinanong yon." Naka ngiwi nitong sambit. "Wag kanang malungkot Franki kasi mabait kang tao kaya kung ayaw sayo ng lalaking 'yon sigurado naman akong meron kang mahahanap na lalaking mas deserving sa pagmamahal mo. Hindi kagaya ng boyfriend mo na basta ka nalang iniwan ng walang paalam at bigla nalang nawala na parang bula." Naka ngiting pa niyang sambit sakin.
Alanganin naman akong ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa sinabi niya. Tama naman siya sa lahat ng sinabi niya pero mahal ko si Argel at hindi ako matatahimik hanggat hindi ko siya nahahanap.
"Hindi naman kasi ganon kadaling kalimutan ang isang taong mahal na mahal mo. Kaya kahit gaano pa ka tagal at kahirap kakayanin kong maghintay at magtiyaga para lang mahanap ko siya." Determinado kong sambit sa kanya. "Gustong-gusto ko siya mahanap dahil napakarami kung gustong itanong sa kanya. Sa subrang dami hindi ko alam kung kaya ko pa bang magsalita sa harap niya oras na makita ko siya. Marami akong tanong na kailangan ko ng kasagot galing sa kanya. Siguro kapag masagot na niya ang lahat ng 'yon baka matahimik narin ako at tatanggapin ko naman ang lahat ng isasagot niya sakin."
"Paano kapag nahanap mo na siya at sinabi niya sayong hindi kana niya mahal kaya hindi na siya nagpapakita pa sayo?" Tanong niya pa.
Natigilan naman ako sa tanong niya sakin. Paano kung totoo nga ang tanong sakin ni Kiara? Paano kung yon nga ang rason ni Argel kung bakit hindi na siya nagpapakita sakin. Anong gagawin ko? Pero nangako sakin si Argel gusto niyang magpakasal na kaming dalawa pagbalik niya non. Ang sabi pa niya sakin mahal na mahal niya ako at naniniwala ako don. Dahil ramdam na ramdam ko iyon. Ramdam kong totoo ang lahat ng binitawan niyang salita sakin. Pero paano nga rin kong totoo ang lahat ng sinabi ni Kiara? Anong gagawin ko?
"Hey!" Pukaw sakin ni Kiara habang pinupunasan ang pisngi ko. "Sorry! Wag mo nalang isipin ang mga sinabi at tinanong ko sayo. Kalimutan mo nalang 'yon." Alo niya sakin.
Pinunasan ko naman ang mga luhang pumapatak sa pinsingi ko. Umiiyak na naman pala ako ng hindi ko namamalayan. "Pasensya kana na pagdating kasi kay Argel medyo emosyonal tagala ako parati." Sambit ko sa kanya.
"Oky lang yon. Saka kasalanan ko naman e. Tingnan mo umiyak kana tuloy." Naka labing sambit niya pa.
Napangiti naman ako sa kanya. Minsan may pagkachildish rin tong si Kiara parang si Diana lang rin. Pero bakit kaya ayaw na ayaw ni Diana kay Kiara? Nakakapag taka talaga.
"Emo lang talaga ako kaya wag kang mag-alala sakin." Naka ngiti ng sambit ko sa kanya.
Mabait naman tong si Kiara medyo maarte lang kung titingnan pero mabait siyang tao. Prangka, matalino at higit sa lahat matapang parang si Diana talaga siya kaya siguro ayaw sa kanya ni Diana kasi nga magkaugali silang dalawa. Parang tulad lang rin ng isang kasabihan na "Ang isang magnanakaw galit sa kapwa niya, magnanakaw!" Natawa naman ako sa iniisip ko pero yon siguro ang dahil kung bakit allergy si Diana kay Kiara.
"Parehas rin pala tayo." Natatawang sambit niya. "Emo rin kasi ako parati lalo na kapag nanonood ako ng mga kdrama nako subra talaga akong naiiyak kapag nakakaiyak ang mga scene. Para na akong baliw na umiiyak pero minsan natatawa rin kapag nakakatawa." Natatawa niyang sabi sakin.
Medyo natawa narin ako sa sinabi niya. Masayahin talaga siyang kasama kaya sana magtagal rin ang pagkakaibigan naming dalawa at pati sana sila ni Diana maging magkaibigan na rin.
__
Kiara
Habang nag-uusap naman kaming dalawa ni Franki nakita kong papalapit sakin ang galit na galit na si Diana. Kung pwede lang siguro akong mamatay sa mga titig nito baka bigla nalang akong bumagsak dito sa ng dahil sa ma pamatay na mga titig nito sakin.
"Anong ginagawa mo ditong bavae ka?" Galit na sambit ni Diana ng makalapit umito sa pwesto namin ni Franki. Ma pang- inis na ngumiti naman ako sa kanya.
"Diana!" Pigil rito ni Franki. Galit namang humarap rito si Diana. "Bakit mo siya kinakausap. Wag ka nang makipag usap sa baliw na yan!" Hila ni Diana rito. Napataas kilay naman ako sa ginawa nitong paghila kay Franki. Ano bang akala nito pati yang mukhang santo na yan aagawin ko sa kanya?
"Diana ako kaba nakakahiya sa ibang mga bisita mo. I'm kng pinapunta ko siya rito. Ako yung nag invite sa kanya rito so please wag mo na siyang awayin." Pakiusap naman ni Franki rito.
"I'm sorry Franki siguro aalis nalang ako." Sambit ko naman rito. Ambang aalis na ako ng pinigil ako ni Franki.
"No! Dito kalang. Bayaan mo kakausapin ko tong si Diana." Pigil nito sakin. Tiningnan ko naman si Diana na galit paring naka tingin sakin.
"Franki ano bang ginagawa mo. Paalisin mo na nga yang babaeng yan!" Utos naman nito si Diana kay Franki.
"No!" May diing sagot dito ni Franki.
"It's oky Franki mag-iingat ka nga pala sa mga taong nasa paligid mo. Malay mo kasi sila na pala ang ahas na hinahanap mo na hindi mo alam tumutuklaw sayo." Naka ngiti kung parinig kay Diana. "Hindi ba Diana."
Mas lalo naman itong nangigil sa sinabi ko sa kanya. "Tumahimik ka! Alam mo hindi ka naman invited dito sa party ko kaya umalis kana!" Gigil na singhal naman niya sakin. "Chill ka lang. Wala akong balak na tumagal pa rito. Ayoko kasing napapaligiran ako ng mga ahas." Sambit ko naman sa kanya saka tumayo. "Gino hali kana ihatid muna ako sa haceinda." Sambit ko naman kay Gino na bagong dating na nasa likod ni Diana saka ko ito nilapitan at hinila sa braso nito.
"Alam mo mas ayoko kung makasalamuha ang baliw na kagaya mo. Baka mamaya magtransform ka pa dito kaya mabuti na ngang umalis na kayong dalawa dahil nababagay kayong magsama! Alis!" Sigaw pa ni Diana samin.
Nginitian ko naman siya. "Nagseselos kaba sakin Diana?" Taas kilay kung tanong sa kanya. Tumawa naman siyang sumagot sakin. "Alam mo! Sayong-sayo na yang si Gino wala akong pakialam kong anong gagawin mo sa kanya!"
"Oky sabi mo eh. Let's go, Gino!" Hila ko naman kay Gino palabas. Nagtataka mang nakatingin lang sakin si Gino. Tahimik lang ito habang naglalakad kaming dalawa papunta sa kotse niya.
"Anong ginagawa mo rito?" Maydiing tanong nito sakin ng maka sakay kami sa kotse miya.
"I just want to have fun." Sagot ko naman sa kanya.
"Fun! Fun, talaga ang tawag mo don!?" Galit na tanong nito.
"Yes!" Sagot ko naman sa kanya. "Nakakatuwa naman talagang makita ang babae mong galit na galit ng makita ako. Akala ko nga kakainin na niya ako ng buhay e."
"Ang akala ko ba ayaw mong makita si Franki bakit ngayon nakikipaglapit kana sa kanya!?" Sumbat sakin ni Gino.
"Gino, mydear kailangan kung gawin to para makilala kung sino ba talaga ang babaeng kaagaw ko. Sabi nga sa kasabihan "Keep your friends close, but keep your enemies closer."
____
Next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top