Chapter 17

Note: Matagal rin akong hindi nagsulat pero now nagtry ulit ako sana matapos kona to hahaha Thank you, nga pala sa lahat ng mga nagbabasa ng Endless dito sa watty at sa noink. Maraming salamat talaga.

Chapter 17

Kiara

"Manang nandito na ba si Gino?" Tanong ko kay Manang Mae ng makita ko siyang palabas ng komedor.

"Oho, Ma'am Kiara nasa guest room na po si Gino." Sagot naman niya sakin." Mabuti naman at nandito na siya. Mabuti rin at hindi niya sinira ang pangako niya sakin.

Agad naman akong nagtungo sa guest room kong nasaan si Gino. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. "Gino?" Tawag ko sa kanya. Walang sumagot kaya naman agad akong pumasok.

"Gino!" Tawag ko ulit sa kanya nilakasan kona para siguradong narinig niya ako.

"Nandito ako Kia naliligo pa ako saglit lang." Pasigaw na sagot naman niya sakin. "Oky!" Sagot ko naman sa kanya.

"Lalabas muna ako." Paalam ko naman sa kanya. Hindi naman ito sumagot pero sigurado akong narinig nito ang sinabi ko kaya naman binuksan ako ang isang tokador at malakas itong sinara para marinig nito. Para isipin niyang lumabas na nga ako ng tuloyan.

Agad ko namang hinanap ang cellphone niya at nakita ko iyon sa bulsa ng kanyang hinubad na maong. "Kahit kilan talaga Gino burara ka!" Pabulong kong sambit. May password kaya to? Binuksan ko agad ang cellphone niya at buti naman at walang nakalagay na password.

Hinanap ko agad ang number ni Franki at kinuha ko iyon saka binalik ko sa kanyang maong ang cellphone niya saka ako lumabas at dahan dahang sira ang pinto ng guest room.

"Good job Kiara!" Naka ngiti kong bati saking sarili.

Agad ko namang tinawagan ang number ni Franki. Nakailamg ring pa ito bago nito sinagot ang tawag. "Hello?" Bungad nito sa kabilang linya.

"Hi Franki!" Masayang bati ko sa kanya.

"Who are you?" Nagtatakang tanong nito sakin.

"Oh! Si Kiara to. Ako yung nag offer sayong tulungan kang hanapin yung boyfriend mong? S-- si Argel ba yon?" Sambit ko.

"OMG! Natatandaan na kita!" Magiliw nitong sabi sakin. "BTW! Bakit ka nga pala na patawag?" Tanong niya sakin.

"Ahm. Pwede ba tayong magkita meron lang akong itatanong pa sayo about don sa boyfriend mo. Para naman mas ma padali pa yung maghahanap natin sa kanya." Sabi ko sa kanya.

"Ngayon na? Gusto ko sana kaso hindi ako pwede e. Wala kasi ako sa San Jose ngayon. Nasa bayan ako ng San Andres meron kasing party ang kaibigan kong si Diana kaya ako nandito. Sorry talaga pwede bang sa susunod nalang tayo magkita?" Tanong niy sakin.

Ano ba yan. Hindi pwede gusto ko pa namang galitin ang Diana na yon. "Pwede naman. Pero pwede rin kitang puntahan dyan kasi si Gino ang alam ko pupunta rin siya dyan. Pwede rin naman akong sumabay sa kanya. Oky lang ba sayo yon?" Suhestiyon ko sa kanya. Pumayag kanang babae ka! Ayokong masira ang plano ko ngayon.

"Oo nga pala magkaibigan kayo ni Gino. Pwede rin naman sasabihan ko nalang si Gino." Sangayon naman nito.

"No...no...no!!" Pigil ko naman sa kanya. Hindi pwedeng malaman kaagad ni Gino na pupunta ako don baka mamaya pigilan pa ako non.

"Ako nalang ang magsasabi sa kanya total nandito naman siya ngayon sa bahay." Sabi ko naman sa kanya.

"Ganon ba. Sige, see you later." Paalam naman niya sakin.

"See you! Bye!" Paalam ko rin sa kanya. Humanda ka sakin Diana ka. Sisirain kolm lang naman ang party mo. Ipapakita ko sa inyong lahat kung sino ba talaga ang reyna!

Nag uumpisa palang ako sa mga plano ko sa inyong magkaibigan unti-unti kong sisiraan ang mga buhay n'yo at kukunin ko ang lahat ng sa inyo. Babawiin ko rin ang akin na inagaw n'yo! Wala akong ititira kahit na ako sa inyo. Pagdudusahin ko kayo gaya ng pagdurusang naramdaman ko nong mga panahong inagaw n'yo sakin si Gino!

Nakiha kona si Argel sa inyo. Babawiin ko rin si Gino! Oras na magawa ko yon magsisisi kayong dalawa na sinira n'yo ang buhay ko! Pagsisihan n'yong nakilala nyo pa si Argel, si Gino at Ako!!

"Kiara!!" Biglang may malakas na kamay na humawak sa kamay ko. "Stop doing that!" Agaw sakin ni Gino sa hawak kong gunting. Gunting?

"What happen? May nangyari ba? Bakit ka nagkakaganyan?" Nag aalalang sunod-sunod na tanong nito sakin. Umiling naman ako sa kanya.

"I'm oky!" Sagot ko naman sa kanya. Tinitigan ko naman ang gunting na inagaw niya sakin at ang damit kong sira-sira na. Sa subrang galit ko hindi ko man lang na pansin na sinisira kona pala ang sarili kong damit. Kailangan kong uminom ng gamot. Kailangan kalmado ako bago ako humarap sa mga babaeng yon.

"Are you sure?" Pangungulit na tanong ulit ni Gino. Bumuntong hininga naman ako bago sumagot. " I'm oky! Stress lang lang to. Wag kang mag alala iinom ako ng gamot ko. Magbibihis na ako ayokong makita ako ni Argel sa ganotong ayos." Sambit ko sa kanya saka nagmamadaling kumakyat sa taas. Sinigurado ko munang wala si Argel saming silid saka ako pumasok at naghanap ng pampalit na damit. Tinapon ko rin agad sa basurahan ang punit-punit kong damit para hindi ito makita ni Argel.

"Kiara kumalma ka lang. Hindi ka pwedeng lumabas ang kung sino ka talaga sa ngayon. Masisira ang mga plano mo. Kaya relax ka lang. Smile, Kiara! Smile." Naka ngiti kong kausap sa sarili ko. Ganyan lang Kiara ngumiti kalang.

Kailangan ipakita mo sa babaeng yon na dapat ka niyang pagkatiwalaan. Kailangan maniwala siyang tutulungan mo talaga siyang mahanap ang taong gusto niyang mahanap. Dapat mas paniwalaan ka niya kaysa kay Diana.

Sisirain mo muna ang kanilang pagkakaibigan bago mo kunin ang lahat sa kanila kasama na si Gino don.

Kailangan mong mag ayos para sa isang magandang palabas na gagawin mo ngayong gabi. Dapat masira mo talaga ang gabing ito ni Diana.

"May lakad ka?" Gulat na tanong sakin ni Argel ng makapasok ito sa loob ng kwarto. Naghahanda na kasi ako para sa gagawin kong magandang palabas.

"Yup. Pero wag kang mag alala uuwi ako kaagad saka pupunta rin naman si Gino sa party na pupuntahan ko. Magkikita kami roon. Ang kaso mas mauuna lang siya sakin dahil may aayusin pa siya don." Paliwanag ko naman sa kanya.

"Siya nga pala umalis na nga si Gino. Hindi na raw siya magkakapag paalam sayo pero ang sabi niya tatawagan ka raw nya." Sambit naman niya sakin.

Umalis na siya. Mabuti naman kung ganon. "Ganon ba. Kung ganon kailangan ko narin munang mag ayos, Mahal." Sambit ko sa kanya saka pumasok ulit sa loob ng banyo saka nagbihis. Inayusan ko lang ng kaunti ang aking sarili.

"Let's get this party started!!" Natatawa kong sambit sa harap ng salamin.

___

Next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top