Chapter 16


Chapter 16

Kiara

"Gino!" Salubong ko sa kanya.

"Kia." Gulat niyang sambit sa pangalan ko. "Uuwi kana?" Tanong ko sa kanya."

Tumango naman ito. "Yeah, may lakad pa kasi ako mamaya." Sagot naman niya.

"Ganon ba." Tila nag-iisip kong sambit. "Ah, pwede mo bang idaan nalang dito mamaya yung pinangako mong mga pataba kay Argel?" Nakangiti kung tanong sa kanya. Natigilan naman s'ya sa sinabi ko. "Diba dadaan mo rin naman itong San Isedro mamaya. Kaya na isip ko lang na baka naman pwedeng idaan muna yung mga pataba rito samin. Saka kung saan kaman pupunta mamaya pwede namang dito kana magbihis samin." Dagdag ko pa.

"Pwede rin naman." Sangayon niya sakin. "Sige idadaan kona rito ang nga pataba mamaya saka dito narin ako mag aayos." Sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Thank you, Ino!" Masaya kung akap sa kanya. "No promblem." Sagot naman niya saka nagpaalam at umalis narin siya.

"I'm so proud of you, Kiara! Hindi ka parin talaga nagbabago. Kayang-kaya mo parin silang paikotin sa mga palad mo!"

Hanggang ngayon hindi ka parin marunong magtanda Gino! Napapaikot parin kita sa mga palad ko. Kawawa ka naman sana pero kinakalaban muna ako kaya kailangan narin kitang kalabanin. Hindi ko hahayaang maging masaya silang lahat habang ako hanggang ngayon tinatago ko parin sa lahat ng tao ang lalaking pinakamamahal dahil natatakot akong mawala siya sakin.

Hindi kayo pwedeng maging masaya lahat. Walang sasaya hanggat nagdudusa ako. Wala! Ako lang ang may karapatang maging masaya hindi kayong lahat!!

___

Gino

Nagtataka man siya sa kilos ni Kiara kanina binaliwala nalang niya ito. Dahil tama naman ito dadaan rin naman siya ng San Isedro mamaya kaya mas mabuti na ring idaan na niya ang mga patabang pinangako niya kay Argel para naman magamit na agad nito ang mga pataba bukas sa farm. Alam niyang matutuwa ito kapag nakita nito ang dami ng mga pataba na kanyang dadalhin rito. Saka hindi naman iyon basta pataba magandang klase ng mga pataba iyon dahil galing pa sa farm nina Franki ang mga pataba niya.

Saka kailangan narin niyang tulungan sina Diana at Kiara na ilayo si Argel kay Franki. Hindi niya hahayaang may gawin si Kiara na hindi maganda. Hindi niya alam kung sino ba ang pipiliin niya sa mga ito. Ayaw niyang mamili kaya naman tutulong nalang siyang itago ang secreto ng mga to kay Franki at sa lahat.

Kaya ng malaman niyang naghahanap ng pataba si Argel hindi siya nagdalawang isip na bigyan ito kaagad bago pa nito planuhing pumunta mismo sa farm na pag-aari ni Franki para bumili rito ng pataba. Hindi niya hahayaang mangyari ang bagay na yon. Alam niyang napakasama na niyang tao dahil sa ginagawa niya pero wala naman siyang pagpipilian ayaw niyang magkagulo ang lahat. At siguradong magkakagulo talaga oras na magkita silang dalawa ni Franki.

Nagkita na sila dati at hindi na pwede pang mangyari muli ang pangyayari noon. Sigurado siyang mas lalong hindi titiggil si Franki sa paghahanap dito pag nagkataon at mas lalo ring magiging aggressive si Kiara sa bawat kilos nito. Hindi niya pwedeng hayaan nalang na mangyari yon. Masyadong mahalaga sa kanya ang pagkakaibigan nila ni Franki at sobrang halaga rin sa kanya ni Kiara hindi niya rin kakayaning may mangyari ditong masama.

"Magandang hapon po, Sir Gino!" Bungad sakin ni Mang Arjon.

"Magandang hapon ho. S'ya nga pala mang Arjon pwede ho bang paki handa ng sampung sakong pataba natin dyan at saka pakilagay nalang ho sa likod ng pick-up ko." Utos ko rito.

"Sige ho, Sir." Sagot naman nito saka umalis na para ihanda ang patabang dadalhin ko kina Kiara mamaya.

Agad naman akong pumasok sa loob ng kabahayan namin at dumiresto saking silid para pumili ng damit na gagamitin ko para sa party ni Diana mamaya. Si Sky ang tumawag sakin kanina at iniimbeta niya akong pumunta sa parry ni Diana at kahit ng si Franki nagtxt narin sakin na pumunta raw ako at hindi raw ako pwedeng tumanggi kasi magtatampo raw ito sakin. Kaya naman pupunta nalang ako roon mamaya kahit pa di naman si Diana mismo ang nag imbeta sakin.

Ang mahalaga lang naman sakin ay ang makita ko siya. Hindi rin naman ako magtatagal roon dahil alam kung ayaw na ayaw rin naman niya akong makita. Baka mamaya masira ko pa ang pinakamahalagang gabi rito. Ayoko namang mangyari yon kaya balak kong sumilip lamang doon saka aalis rin ako agad pagkatapps ng isang oras. Nakakahiya rin kasi kay Franki at Sky kong hindi ako pupunta dahil nangako na akong pupunta.

___

Kiara

Ang tagal namang dumating ni Gino! Baka mamaya di na yon dumaan rito. Nakakainis talaga ang lalaking yon parati nalang walang isang salita. Kakainis!

"Mahal." Biglang tawag sakin ni Argel. Agad naman akong humarapbsa kanya ng nakangiti. "Yes?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit mukhang naiinip ka yata dyan?" Tanong niya sakin mula sa biranda ng mansion. Alanganin naman akong ngumiti sa kanya. Bakit pa kasi nahuli ako nitong nagdadabog yan tuloy matanong na naman siya.

"Ah, si Gino kasi nangako siya sakin na ngayon na raw niya idadaan rito yung mga pataba na ibibigay niya satin." Paliwanag ko naman sa kanya.

"Ganon ba." Di makapaniwalang sambit niya. " bakit nga pala ngayon na niya idadaan rito? Aalis na naman ba siya ng bansa?" Tanong ulit niya sakin.

Hay naku! Bakit ba napaka matanong ng lalaking to. "Hindi naman, mahal. Sadyang inutos ko lang talaga sa kanya na ngayon na niya idaan dito sakin. Total naman dito rin naman yung daan niya. May lakad kasi siya mamaya at ang sabi ko pwedeng dito narin soya mag ayos. Parang may party kasi siyang pupuntahan mamaya." Paliwanag ko ulit sa kanya. Tumango tango naman siya.

"Ah, mahal akyat kana rito. Bayaan munang si Mang Banjo ang magabang sa kanya." Aya naman niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sige mahal, aakyat na ako ipapatawag ko lang si Mang Banjo." Sabi ko sa kanya.

"Oky!" Sagot nito. Pero hindi parin ito umaalis sa balkunahi. "Mahal, pumasok kana susunod na ako." Sabi ko.

"Hindi na Mahal, hihintayin na kita rito." Nakangiti sambit nito. Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Kaya ko talaga mahal ang lalaking to kasi napaka sweet.

Hay naku! Ang tagal talaga nitong si Gino bahala na nga siya buhay n'ya! Basta siguraduhin lang talaga niyang idadaaan n'ya talaga ang mga pataba rito!!

___

Next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top